NAGTA-TYPE si Marieke sa laptop niya at hinahabol ang huling maintenance sa app. Kahapon ang deadline niya pero kinailangan kasi nilang mag-byahe ni Gilbert kaya nung naka-settle na sila sa isang hotel sa Dagupan ay doon lang niya nagawa ang ginagawa. Halos hindi na nga niya napansin ang binata simula nang simulan niya iyon.
Kanina ay nag-offer itong bumili ng pagkain na inayawan niya at tumawag na lang siya ng room service. Dumating na ang pagkain pero dahil mas nakapokus siya sa ginagawa ay sinabihan niya na lang itong mauna na. Hindi niya pa alam kung kumain ba ito o hindi dahil ang pokus lang niya ay naroroon sa ginagawa. At ang naririnig niya lang ay ang mabilis niyang pagtitipa sa laptop at ang success notification ng ginagawa niyang testing. Puro 'ding'.
Hindi niya nga alam kung anong ginagawa ni Gilbert sa ngayon. O kung tulog na ba ang binata. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang orasan. Tatlong oras na ang nakalipas simula nang nagsimula siya sa ng maintenance.
Napabuntong hininga siya bago tapusin ang ginagawa saka lumingon sa direksyon ng binata. Na ikinagulat niya dahil natutulog na ito sa sahig. Napapiksi siya. Dalawang kama ang nasa loob ng nirentahan nilang kwarto kaya hindi niya maintindihan kung bakit doon pa sa sahig ito natulog?
Bumaba na siya sa kama at lumapit dito. Patagilid ang paghiga nito at nakaunan ito sa isang braso. He was sleeping soundly as well. Ngayon lang siya nakakita ng natutulog na may sound na hindi nagsno-snore. It sounds cute. Parang bata.
Napailing siya. Hindi niya naman kayang buhatin ito sa kama at mas lalong hindi niya naman kayang gisingin ito. He looked so peaceful. Inabot niya ito at marahang hinawakan sa pisngi. Napangiti. Bago tumayo na lang at tinignan ang pagkaing asa lamesa. May note na nakalagay roon.
Fraulein Marieke,
I'll wait until you're done. I'll just eat the fruits for now and the bread rolls.
Hindi niya alam kung mata-touch ba siya or maiinis dito dahil nagpaka-martyr ito. Kaya ba ito natulog sa sahig? Nakaupo ba ito doon kanina at naghihintay sa kanya? Well, he could have done something like maybe tell her or maybe eat first.
Bakit pa nito kailangang hintayin siya? Kakain at kakain pa rin naman siya.
"Vhy are you crying?"
Liningon niya ito. Umupo ang binata at kinusot ang mga mata. He blinks and looks at her worriedly.
"A-Anong umiiyak..." napasapo siya sa pisngi at narandaman na basa pala iyon. Oh. What the hell? Bakit ba siya laging naiiyak dahil dito? Dalawang beses na siya nitong nakitang umiiyak. Nung nagpakita ito sa kanyang bugbog sarado at duguan, nang binalikan siya nito sa mall, at ngayon.
Simula nang lumaki siya ay lagi niyang ine-ensure na walang makakita sa kanyang umiiyak. And yet, this guy... just sees it effortlessly without even trying. "Ah."
"Did I do something wrong?" tanong nito sabay usog papalapit sa kanya. Tinitigan nito ang note na hanggang ngayon ay hawak-hawak niya pa rin. Medyo nayupi na nga niya ang dulo ng papel. "Oh."
Nagpunas na siya ng mga luha at napailing. "W-Wala... Ano... pagod lang."
"Enough to cry over it?" tanong nito sabay kuha ng papel mula sa kanyang kamay. Aangal pa sana siya pero natahimik na lang. Pinanood niya ito habang nakapokus ito sa pagsusulat ng kung ano sa note na iyon. She watched her long eyelashes (ngayon lang niya napansin) move. Parang mga butterfly wings na marahang gumagalaw. And they were needless to say platinum blond, the same color as his hair.
Napatitig na siya sa kulay yelong bughaw nitong mga mata nang iangat nito iyon sabay ng note at ipinakita sa kanya ang bago nitong sinulat.
Cheer up, Fraulein Marieke. We're going to eat now, it's going to be cold I suppose but still food, right? ^^
Napailing siya at kinuha ang note dito at sumagot doon. Okay.
Nauna na siyang lumapit sa lamesang naroroon at tumabi ito sa kanya. Kumain na sila. May boneless bangus, maliit na hiwa ng kamatis, sawsawan na composed ng toyo at kalamansi, bread rolls, at isang saging sa pagkain nila. Sa kanya na lang ang buo pa at sa binata ay wala na ang bread rolls at ang saging.
Ever since nakasalo niya ito sa pagkain ay parang sumasarap na ang lahat ng pagkain. Bukod doon ay parang lagi na siyang may gana. Dahil nga dito ay tatlong beses sa isang araw na siyang kumakain.
Dati kasi ay isa o dalawang beses lang. Minsan nga ay nakakalimutan niya pang kumain dahil busy siya sa ginagawang code. Malalaman na nga lang niyang gutom siya kung magbre-break na siya sa trabaho.
Binalingan niya ulit ito. Nababaliw na siguro siya kung ang iisipin niya ay masarap ang pagkain kahit na malamig... when she hated food when it gets cold.
Ano bang mayro'n dito at biglang napapalitan ng positivity ang nega glasses niya?
"Ja, schatz?" tanong nito sabay linga sa kanya. Ang ganda talaga ng mga mata nito. If ever siguro nagkaroon ito ng mga anak ay maghahasik ito ng lagim ng mga batang may mga yelong bughaw na mga mata.
Lumunok muna siya at pinagisipan ang pwede niyang idahilan kung bakit nga ba siya nakatingin dito. Buti na lang at mabilis lang naman gumana ang utak niya. "Mahal mo ba talaga siya? The princess, I mean... or are you just doing everything for recognition?"
Napakagat labi siya sa lumabas sa bibig niya. Did she really just ask him that? Ang ganda na ng atmosphere tapos ang ayos na rin na kumakain sila tapos iyon pa talaga ang mabilis niyang naisip na itanong sa dami ng pwede niyang itanong? Parang mas maganda pa atang sabihin niya rito kung ano talaga ang iniisip niya.
Ang unang naging sagot naman nito ay marahang pagtawa. Sumubo muna ito ng kasalukuyang laman ng kutsara nito bago siya sagutin. "You can really be straightforward vhen you want to."
Namula siya at napahiya. Sabi na nga ba, sa lahat ba naman kasi ng itatanong, yung ewan pa. "Erm... well, ano bang alam ko sa pakikipag-usap sa isang friend? I've never had friends for--"
"You're acknowledging my friendship?"
"Yes?"
"Oh, I thought it's still one-sided. Kinda one-sided."
She rolled her eyes. Hindi pa ba obvious? Hindi niya pinapaligiran ang sarili niya ng maraming tao. Wala na siyang kaibigan simula nang lumipat siya sa Baguio. Everyone were just her acquiantances. Pero kung ito ba na hinayaan niyang mayakap siya, mahawakan ang kamay niya, malaman na nagkakaroon siya ng panic at asthma attacks, at nagawa pa nitong dalhin siya sa ibang lugar ay hindi niya pa rin itinuturing na kaibigan? "Sika laeng met ti katuntung ko."
Kumunot ang noo nito at kumain na muna na parang hinihintay kung kailan niya itra-translate iyon para rito. Hindi siya umimik, kumain na lang rin siya. Masarap pa naman ang boneless bangus. Hindi siya mahilig sa bangus kung tutuusin. Tamad siyang magtanggal ng fishbones. Kaya na-appreciate niya kung sinuman ang nag-imbento ng boneless bangus.
"You're not going to translate?"
"H-Ha?" Laging hindi tuma-timing magsalita ang binata. Kung masyado siyang gugulatin ay tumilapon na siguro ang kinakain niya.
Inubos na nito ang laman ng plato. "If you're not going to translate zen maybe I should start speaking in German as well?"
Ah, patay siya kung ganoon. Hindi ba naman niya alam ang German. Narinig na niya itong nagsalita sa lenggwahe nito ng isang buong pangungusap. Wala siyang naintindihan at medyo mabilis ang pagkakasabi nito sa naturang salita. Mas mabuti pang i-translate na lang niya ang sinabi. "Ano ngay kasi... Ikaw lang naman ang kinakausap ko ngayon at medyo close tayo. Kaya kaibigan na kita."
"Hmm," pilyong ngumiti ito at pakiramdam niya ay parang may ginawa itong hindi niya napansin. Namumula ang mga pisnging nag-iwas siya ng tingin. Nag-replay sa utak niya ang sinabi niya at para siyang ewan. Kaya kaibigan na kita. Ano siya? Bata sa isang playground na binigyan ng kendi ng isa pang bata kaya friends na sila? "You know, you're so adorable when your defenses are down."
Hindi niya pinansin ang sinabi nito, ibinalik na lang niya sa una niyang tanong dahil iyon ang lesser evil. "Hindi mo sinagot ang tanong ko."
Tumango ito at inilayo sa sarili ang plato bago idinikit ang likod sa gilid ng kama niya. Umusod siya para titigan ito habang kumakain. Ngumiti ito bago nagsimula. "Princess Wilhemene is my first love. And yes, I still love her right now. And yes, partly is because of recognition," walang bahid ng kasinungalingan sa boses nito.
Pagkatapos nitong maglabas ng mga kalansay kahapon ay naging mas open na ito sa kanya. In fact, kung magtatanong siguro siya ng mas personal pang bagay ay kaswal lang itong sasagot. He was always trying to get her to trust him. At iyon na ang last option ng binata, ang maging honest 100%. Tumango siya. "Have you ever been in love, Miss Marieke?"
Umiling siya. Hanggang ngayon, love is a foreign concept to her. Whether because she had never really felt it aside from what the sisters in the orphanage had given them or because she had never really gone out of her bubble to try and meet other people. Naka-program sa kanyang aalis ang lahat nang makikilala niya. Like even the Marquis sitting across the room will, may time limit lang sila na medyo mas matagal kaysa sa iba kaya hanggang ngayon andito pa rin ito at kasama siya.
And that's fine.
"Nagka-crush ako before though," simpleng sagot niya. Kumurap-kurap ang binata at kumunot ang noo. Pati naman siya ay napakunot ng noo. "Wala kayong concept ng crush?"
"No, ve do... I just didn't expect to hear that from you."
She snorted. Ano bang akala nito sa kanya? Abnormal at hindi nagkaka-crush? "It's true! Ano ngay siya... isa rin sa mga bata sa orphanage noon and well.... basta iyon. Tapos, sadyang hindi ko na siya crush ngayon."
"And vhy is zat?"
Feel niya naa-amuse ito sa kanya pero wala namang masama sa pinagsasabi niya kaya hindi na niya pinigilan ang sariling magkwento. She can at least be 60 to 70% open to him. "Na-adopt siya, tapos hindi naman siya nagbigay ng address," sagot niya. "Pero okay lang sa akin. Ano ngay kasi... hindi naman na ako nagkaka-crush ngayon."
"You don't find anyone attractive anymore."
"Not true, you're attractive."
"Erm."
Napatakip siya ng bibig. Did she really just say that? Nilingon niya ang binatang mukhang natigalgal sa sinabi niya. Nakangiti nga ito at mukhang hindi makapaniwala. Gosh. Gusto na niyang magpalamon sa lupa. Kung pwede lang sana iyon. Kaya ayaw niyang kumakausap ng tao dahil minsan nagiging pranka siya. She had been frank with him at most times. Pero ang alam niya ay never na lalabas sa bibig niya ang mga katagang iyon. At kailangan niyang unahan ito bago ito makasagot sa kanya.
"I mean... um..." Doon lang niya napagtanto na mas mahirap pala i-justify ang sarili sa ganitong paraan. "Wala akong nakikitang masyadong tao, okay? Kaya ano... kaya ganun. Atsaka gwapo ka naman talaga. Not that I like you or anything. Just..." She's making it worse, isn't she?
"It's okay, calm down, schatz," wika nito at hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya. Hindi niya nga malingon ang binata dahil ayaw niyang malaman kung ano ang ekspresyon na asa mukha nito. "I'm flattered. You're pretty too. The blue highlights in your hair suits you."
Pakiramdam niya ang tanga niya. Nilingon niya ito. At lihim na napamura sa utak nang makita ang ekspresyon nito. He was smiling so sincerely. His face seems to be literally shining. Maganda ang lighting sa platinum blond na buhok at yelong bughaw na mga mata nito. Idagdag pa ang magandang complexion ng binata, his strong-looking jaw, and his thin lips. Naalala niya ang pakiramdam na makulong sa mga bisig nito. It made her feel safe. Very safe. It was scary.
Wrong choice.
"Pwede ba kitang yakapin...?" wala sa sariling nasabi niya. Kumurap-kurap ito bago tahimik na ibinuka ang mga bisig para sa kanya. She went closer. Softly. Shaking. Afraid.
What are you doing, Marieke?
Ipinulupot niya ang mga braso rito at narandaman naman niya ang mga bisig nito sa kanya. "You know..." mahinang wika niya, halos nauubusan na ng hininga. He is warm and welcoming. So warm and welcoming. It's so scary. It's so... so... scary. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para magpayakap dito at mas lalo na kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para lumapit.
Ano bang mapapala niya sa ginagawa niya?
"Hmm?"
"There are people I consider family... despite of my lacking one," pagpapatuloy niya. "Ang totoo niyan, asa Dagupan ang orphanage... and um... gusto mo ba silang makilala?"
Stupid questions after stupid questions.
"Sure."
"Sure?" Lininga niya ito. He's close. Close enough that she can breathe him in. It was wrong. Tinanong niya lang kanina kung mahal ba nito ang prinsesa at sabi nito, Oo. Pero, pakiramdam niya ay hindi maganda sa pakiramdam ang sagot nitong iyon.
"Ja, schatz. I'd like to meet them. Vhere are they located?" marahang tanong nito.
Sinabi niya rito ang lokasyon ng orphanage. Tumango ito. "Ja, it's close by vhere ve're supposed to go, vhy not?"
Tumango siya at humiwalay na rito. Nahihiya na siya sa sarili niya at andamig kung anu-anong lumalabas sa bibig niya, hindi pa siya lasing sa ganoong lagay, paano pa kaya kung lasing na siya? "Okay. Bili tayo ng mga regalo bukas?"
Tumango ito at tatayo na rin sana siya pero hinigit na naman siya nito at niyakap. "I know you feel alone," pabulong na wika nito. "I'm here, schatz. Don't worry about it."
She nodded and settled on his arms before slowly nodding. "Thank you."