MARIEKE hated her birthday. On this very day, someone always leaves. Marami nang umalis sa buhay niya at hindi niya alam kung pinagtritripan ba siya kaya laging nangyayari iyon o sadyang hindi niya talaga deserve na magkaroon ng kahit sino sa tabi niya.
Ngayon nga, birthday niya, 22nd of May. Pero hindi siya nagse-celebrate. Sa halip, nakatayo siya sa harap ni Sister Mary. The kind sister who had been like a mother to her on the orphanage. At siya ang huling kasama nito sa NAIA Terminal. Ilan lang ang dumating para magpaalam rito at nauna nang umalis ang mga iyon bago pa siya dumating. Sinadya niyang magpahuli dahil si Sister Mary lang naman talaga ang sadya niya. Wala ng iba. At pumunta lang siya dahil sabi nito ay maghihintay ito at hindi aalis hanggang hindi siya dumarating. Sigurado naman siyang seseryosohin iyon ni Sister Mary. Pinatunayan na nito iyon nang nagmaktol siyang hindi uuwi noon at nang umuwi na siya nang madaling araw ay nakatayo ang butihing madre sa harap ng gate nila sa orphanage. Waiting. A smile on her face. You're home.
"Sister Mary," bati niya sabay ngiti. Strained. Guarded. Hindi naman estranghero ang butihing madre sa kanya. Hindi dapat. Pero sa tinagal ba naman na wala siyang nakasama sa sariling apartment, sa katotohanang hindi na siya sanay sa mga tao, at sa tagal din na madalang ang komunikasyon nila ay parang hindi na niya alam paano ba makitungo rito. It was... awkward. She wished that it wasn't but it was.
"Marieke, anak, kamusta na?" natutuwang kinuha nito ang mga kamay niya at pinisil. Isang bagay na lagi nitong ginagawa simula ng bata pa siya.
"O-Okay lang po," sagot niya sabay iwas ng tingin. Okay lang ako, the biggest lie in the world. Technically, okay lang naman talaga siya. Surprisingly, maganda naman ang lagay niya financially. At nakatira naman siya sa isang matinong apartment. Okay lang siya.
The good sister smiled and pinched her cheek. "Alam mo namang alam ko ang ginagawa mo kung nagsisinungaling ka, Marie," simpleng wika nito. "Lagi kang nag-iiwas ng tingin. So?"
She bit her lower lip. Right, of course. "Okay lang po talaga ako... Lonely lang ng konti."
As if, wika ng atribida niyang utak na ugali na atang i-call out siya sa tuwing conscious siyang nagsisinungaling sa ibang tao.
Naalala niya ang mga ilang beses na labas masok siya sa St. Luke's Orphanage, ang orphanage kung saan siya iniwan ng Ina na hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikilala at minabuting hindi na kilalanin.
The foster parents then were so eager to take her in. Mabait naman kasi siya. Kumpleto naman ang katawan. Mukha namang malusog. Mukha namang masunurin. Mukha namang maayos ang... presentation. Mukha lang.
Weeks later when all of that fell apart, babalik sila sa ampunan. Iiwan siya sa labas ng mga kumupkop sa kanya. Mag-isa siyang nakaupo sa mga monobloc na nakahilera doon. Sisipsip ng candy na asa fishbowl kung saan may nakapaskil na papel na "Life is sweet. Make it sweeter." Hindi niya alam ang paguusapan nila sa loob kasama ni Sister Theodora, ang head nurse ng Orphanage. Basta maghintay lang raw siya.
Dahil mabait, masunurin, at kaaya-aya, hindi siya gagalaw roon. Maghihintay lang siya. Pero makalipas ang ilang minuto darating si Sister Mary at igagaya na siya pabalik sa playground. Makikipaglaro siya sa mga ibang bata. Matutuwa. Madi-distract. Makikipagkamustahan. Hindi magtataka. Hanggang sa ilang araw na ang lumipas at saka niya maiisip na, "Ah, saan na kaya sila?"
Lalapit siya kay Sister Mary at magtatanong: Asaan po sila Mama at Papa?
Luluhod ang butihing madre sa harap niya. Malungkot itong ngingiti at sasabihing sa susunod may makikilala na naman siyang bagong mga magulang kaya maghintay lang raw siya. At magpakabait. Patuloy na magpakabait.
Years of damning efforts of doing such and nothing happened. Iisa lang ang galaw ng siklo. Paikot-ikot. Walang pinagbago. So, at the age of fifteen, she got out of the orphanage. Simula nang mag-labin lima siya ay tumanggi na siya sa mga gustong kumupkop sa kanya. At nagpokus na lang sa pag-aaral. Hanggang sa nakatapos na siya ng High School at nag-NIIT na lang sa susunod na dalawang taon para makapagtrabaho at makaalis agad sa puder ng orphanage.
She didn't hate them. What she hated was the fact that she's a burden to them. She and her defective self. Ilan din ang binayad ng ampunan para lang sa gamot niya at sa pagpapaospital sa kanya sa tuwing inaatake siya ng hika.
Tumingin na siya sa butihing madre. At mukhang mas bumata ito ngayong nakita niya ito sa personal. Wala na ang matinding eyebags nito noon at hindi na masyadong defined ang mga wrinkles sa mukha kahit na may edad na. Mas bumata ito simula nang umaalis siya sa bahay ampunan. "Marie..."
"No, really. It's cool. I'm fine. Twenty-two na nga po ako ngayon, o. Tapos homebased lang po ako kaya wala akong kung sinong makokonsumi."
The sister's expression softens before pulling her to a hug. Sumikip agad ang dibdib niya at pakiramdam niya ay nag-init ang mga sulok ng mga mata niya. She had been starved of human connection for long that a hug makes her want to cry. Like she did something very special to even warrant one even though she didn't. Not really.
Ni hindi niya nga kayang ibalik ang pagyakap nito. Kahit na iyon ang pinakanatutuwa siyang makuha ng bata pa siya. Nahihiya na siya ngayon. Parang andami niyang utang rito na kahit nabayaran naman niya sa tingin niya ay parang may hindi tama. Parang mayroon pa ring mali.
"I'll miss you, child."
"Mami-miss ko rin po kayo, mag-ingat po kayo sa Canada, ah."
"I will."
For a moment, walang nagsalita sa kanila. Nanatiling yakap-yakap siya ng madre at walang ekspresyong nakababa lang ang tingin niya. Hindi pa ba ito tinatawag sa intercom?
"Hindi na po ba kayo babalik?" parang may sariling utak ang bibig niya at bigla niyang naitanong iyon. Gusto niya sanang bawiin pero hindi mahina ang pagkakasabi niya. Kaya napapikit na lang siya at naghintay ng sagot.
"I'm sorry..." sagot nito. "Final na ang desisyon ng Commitee na doon ako sa orphanage ng Canada magste-stay."
"I see."
Kumalas na ito at mataman siyang tinignan. Tumingin rin siya dito pabalik. Tipid na ngumiti. "Pwede ka pa ring dumaan sa orphanage, Marie. Welcome ka pa rin doon. Kapag libre ka at nalulungkot ka, punta ka lang."
Marahan siyang natawa. "Sige po."
Ilang taon na rin siyang ni minsan ay hindi bumalik sa orphanage. Pero hindi lang naman siya doon hindi bumalik. Marami pang ibang lugar. Sa panahon na iyon ay asa apartment siya at parang pinapatay ang sarili sa trabaho.
At kahit sabihin niyang pupunta siya ngayon ay alam nilang dalawa na hindi totoo ang sinasabi niya.
"Yung totoo? Kelan?" tanong naman nito at napakurap siya. Akala niya hindi na nila pag-uusapan.
"Ah... Hindi ko ho alam. Baka matagalan."
Natahimik naman na ang butihing madre at wala naman siyang magawa kundi ang mapamulsa. Pinaglaruan niya sa isang kamay ang susi ng apartment niya. Medyo malamig iyon. Tr-in-ace niya ang keychain niyang isang mini-pink chinese doll. Malamig. Mas malamig sa susi niya.
"It's not your fault, you know?" marahang wika ng madre na naging rason para humarap siya at mapatingin rito. "Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo dahil doon."
"Hmm?" kunwari hindi niya narinig kahit na klarong-klaro naman ang pagkakasabi nito.
The sister just laughed lightly. "Alam kong narinig mo ako, Marie."
Napalabi siya na parang bata at nag-iwas ng tingin. Sa ginawa niya ay may nakita siyang isang matangkad na lalaki sa hindi kalayuan kung asaan sila. He was about 5"11 and sports a long forest green overcoat that was opened when he turned lightly. Doon niya naman nakitang naka-itim na undershirt ito at may suot na dogtag. Sa kaliwang dibdib nito ay may nakalagay na black butterfly brooch. Naka-shades ito ngunit pakiramdam niya ay nagtama ang mga tingin nila. Supported by when he nods to her as a greeting. Nag-iwas siya ng tingin. Baka ina-assume lang niya na siya ang tinanguan nito.
"Marie?"
Liningon na niya ang madre. The latter still looks like she's expecting an answer. "...I can't really agree," prenteng sagot niya. "Lagi nila akong binabalik kasi sakitin ako. Pagsamahin ba naman ng kung sino ang asthma at anxiety?" She smiled lightly. Guiltily. "At... Ganoon din sa orphanage. Madami na ho kayong sinayang na pera para sa akin. I just... cost too much to keep alive."
Mukhang magsasalita ito pero sumabat siya. "Nakabayad naman na po ako, ano? I computed. Accurate po iyon, promise. Nagamit niyo naman siguro ang pera para sa improvements, ano? May bago na po bang facility? May upgrade na ba sa pagkain. May--"
Hinawakan ng madre ang magkabilang balikat ni Marieke. She looks at the sister, wide-eyed and an even wider smile on her face. Eto na naman. "Calm down, okay? Breathe in. Breathe out."
Nanginginig na napasapo siya ng noo at sumunod sa boses ng madre. Huminga siya nang malalim at dahan-dahan iyong pinakawalan. Inulit-ulit niya iyon hanggang sa unti-unti na siyang kumalma.
Great. Just great. Ipakita mo pa kay Sister Mary kung gaano ka kaawa-awa.
"Child..."
Nag-iwas siya ng tingin at mahinang humingi ng tawad. Sa tuwing inaatake siya ng panic attack sa harap ng kahit na sino ay nagui-guilty siya. They didn't need to deal with her. No one deserves to be stuck with a burden like her.
"Ano ka ba? Sanay na ako sa'yo. Hindi ka burden, Marie," nakangiting wika ng madre. "Trinatrato kitang parang anak ko na. Espesyal ka sa akin. Hindi kaya kita pababain ng Manila kung ayaw kitang makita sa personal sa huling pagkakataon."
She laughed bitterly at that. "Ganoon po ba? You're too nice to me, Sister Mary."
Marahan nitong pinisil ang balikat niya. "I love you, child. I'll wish for the best for you always. At sana makahanap ka ng katulad kong pagkakatiwalaan mo ng lubos."
"Pwede din. Pero himala na lang po siguro 'yan. Hindi ako lumalabas ng bahay."
Natawa ito. "Trust me, you'd meet someone. God makes that possible."
Umalingawngaw na sa airport ang boses mula sa intercom. "Calling all passengers for onboarding..."
Time to say goodbye. Lumingon siya sa kung saan nagmula ang intercom bago liningon ulit si Sister Mary. Smiled. A little sincere. It hurts. "Okay, Mom."
Napailing ito sa turan niya bago masuyong pinisil ang baba niya. A thing the sister always does to each and every one of them back in the orphanage. Pakiramdam niya ay sumisikip na naman ang dibdib niya. Gusto niyang umiyak pero nanatili siyang nakangiti.
"Take care of yourself, Marieke. Lumalabas ka rin minsan at bumisita ka sa orphanage, okay?" bilin nito saka kuha ng mga gamit at nagsimulang gumalaw. Hindi na siya makasusunod kaya pinanood niya na lang ang madre.
Saglit itong lumingon, ngumiti ito at kumaway. Kumaway din siya pabalik at hinintay na lumingon na ang Madre at tuluyan na siyang iwan. Napatakip siya ng bibig bago pa kumawala ang isang hikbi mula roon. Agaran rin siyang nagpunas ng nakatakas na luha bago nagsimulang maglakad palayo.
Lumunok siya at nahihirapang huminga pero nagpatuloy pa rin. Isang hakbang. Pangalawang hakbang. Tatlong hakbang. Hanggang sa nahanap niya ang sarili sa parking lot.
Mabilis na gumalaw ang kanyang mga mata at nang makahanap na siya ng tagong lugar ay doon siya nag-breakdown. Tinakpan na lang niya ang bibig para wala siyang magambala. Tama nang marami na siyang nagambalang iba. Huwag lang sana pati rito. Huwag sana.
::
Matagal na atang umiiyak si Marieke sa gilid na iyon at habang tumatagal ay mas lumalala lang iyon. Parang may unlimited supply ata siya. O baka natuwa ang mga mata niya na ngayon lang siya umiyak at nagagamit na ang mga tear ducts niya.
Gusto niyang matawa sa sarili at nakakaawa siguro siyang tignan. Buti na lang at asa tagong parte siya ng parking lot dahil kung hindi ay mas lalo lang siyang mako-conscious at baka mag-panic attack siya ulit dahil pakirandam niya ay maraming mga matang nakatingin sa kanya.
Huminga siya nang malalim at aalisin na sana ang kamay sa bibig para magpunas ng luha ng may kung sinong bumagsak sa gilid. Agad siyang napatingin sa pinagmulan ng tungo. At nakita niya ang lalaking nakita niya lang kanina na tumango sa kanya.
He was clutching on his side, which looked to be bleeding in a rapid state. Mukhang bugbog sarado rin ito. Nag-stand out kasi ang mga pasa nito dahil maputi ang lalaki. And this isn't the time to be describing him in her head in detail.
Binundol ng kaba ang dibdib niya at nararandaman na naman niya ang susunod na panic attack. Mabagal at nanginginig na lumapit siya sa lalaki. She tentatively touched him. He winced and she flinched. He opened his eyes slowly. Ngayon lang siya nakakita ng ice blue na kulay sa mga mata. It was pretty.
"W-Wait, I'll call the ambulance," nasambit na lang niya bago nanginginig na inilabas ang cellphone. Stay calm, please. Stay calm. He needs you.
Nagulat na lang siya nang hinigit nito ang manggas ng jacket niya. At gamit ang boses na usually naririnig lang niya sa mga foreign movies ay nagsalita ito, "P-Please, don't call an ambulance."