Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The boys in my life (Tagalog love story)

🇵🇭Daoist118526
--
chs / week
--
NOT RATINGS
39.5k
Views
Synopsis
Noong Highschool days ni Llhana mayroon siyang isang lalaking kinababaliwan. Si jerome , ang first love niya. Na kahit kailan never siyang pinansin or mgpakita ng motibo na gusto siya nito. Sa dami rami ng lalaki na nanligaw at naging boyfriend niya hindi parin nawawala ang nararamdaman niya rito. Ganun lang siguro talaga kapag first love. Kaya nga merong kasabihang "First love never dies" at ang tanging makakatalo lang dito ay ang true love. Noong gumraduate ng highschool si Llhana sa manila na siya nagpatuloy ng pag-aaral. Doon niya rin nakilala si Madison ang boyfriend niya. Napakabait at mapag-mahal . Siya ang true love ni Llhana. Madadaig kaya ng true love ang first love? Kung after 4 years sa college ay bumalik siya sa province para balikan ang first love niya hindi para magpakabaliw o magpapansin ulit kundi para maghiganti. Dahil sa sakit na dinulot nito sakanya noong highschool siya. Kahit mahirap at ayaw tanggapin ni madison pumayag rin ito para sa kasiyahan ni Llhana. Pero ang problema paano kung nakuha na niya ang loob ni jerome? at naging seryoso na ito sakanya . Ngunit hindi maikakailang may feelings pa siya rito. Sino kaya ang pipiliin niya si madison ba na naging faithful sakanya ever since na naging sila ? O si jerome na matagal na niyang pinangarap mapasakanya?
VIEW MORE

Chapter 1 - Love letter

Unang tilaok palang ng manok ay nagising na ako. Di pa man ako bumabangon pero gising na ang diwa ko. "Umaga na"

Habang nakapikit pa ay kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan. "Ahh , saan na ba yun ". Nagmadali akong tumayo mula sa pagkakahiga dahil di ko nasumpungan yung cellphone ko . " Hays, nakakainis naman oh! san ba napunta yun" Naiinis na bigkas ko. Hinanap ko sa mga unan , kumot at ayun nakita ko sa paanan ng kapatid ko . " Naku salamat at buhay ka pa" Natutuwang sabi ko habang pinagmaamsdan ang wallpaper ko, si Jerome. Nakangiti akong kinakausap ang litrato niya sa cellphone ko. (Diba may pagkabaliw ) . "Sana pumasok ka ngayon . Para makita ulit kita. " Muli ko itong pinagmasdan at sinubukang mag-open sa messenger. "Mag-goodmorning kaya ako sakanya? .. ay kaso di naman online. Txt ko nalang" Kung magtatanong kayo kung saan at paano ko nakuha number niya. Simple lang hahaha sa pinsan kong si michaella , magclassmate sila ng crush ko. Kaya ayun. Anyways eto na itetext ko na siya. Huminga muna ko ng malalim at saka pumunta sa message....

To: My Future Husband (Wala ng boyfriend-boyfriend Asawa agad ! Claim it)

Hi goodmorning . Ingat ka sa pagpasok 🙂

Message sent .

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko . Rinig na rinig ko! ang sakit sa tenga. Hindi ko kinaya sumisikip ang dibdib ko sa sobrang kaba . Magrereply kaya siya? Huminga ako ng malalim . Isa dalawa tatlo whoooo. whoooo whoooo . Nang biglang may tumunog mula sa cp ko .

tut*tut

"Waaaaahhh Agikagikagik !!! " Bigla akong Tumakbo pababa at lumabas ng bahay para sumigaw . "Ahhhhhhhhh Nagreply siyaaaaaa " Di mapakaling sigaw ko . Umikot ikot ako at tumalon talon at saka humintong hinihigal . Binuksan ko yung message niya. Malakas parin ang kabog ng dibdib ko .

Dugdug dug dug.

From: My Future Husband

Good morning . Sino to?

Abot tenga ang ngiti ko at rerelyan ko sana siya agad ng biglang may tumawag , at nasagot ko agad siempre hehehe. Hinintay ko munang magsalita ang nasa kabilang linya.

" Hello , sino to?" Ang gwapo ng boses niya,Halatang bagong gising at parang antok pa.

"Ahhm . Si Llhana to" Sagot ko habang pigil na pigil ang kilig . Hahahah

"Yung pinsan ni michaella? "

"Oo" Ang tipid ko sumagot ah pero deep inside ang dami dami kong gustong sabihin . Nakangiti lang ako, habang nakikipag-usap sakanya.

"Si Jhonny nga pala to, tulog pa si kuya" ( Anooo? Hays kaloka . kala ko pa naman si Jerome na)

Bigla akong nawalan ng gana. Napabuntung hininga at napakamot nalang sa sa ulo.

"Ganun ba . hmm Sige Jhonny Mag-asikaso na ko lumiliwanag na eh" Sabi ko habang inililibot ng tingin ang mga mata ko sa langit.

"Sandali lang ! Pwede ba tayong magkita mamaya? "

Nagtaka ako ,napakunot ng noo at napatanong sa isip.. BAKIT MAKIKIPAGKITA EH DI NAMN KITA KILALA , NGAYON KO LANG NARINIG PANGALAN MO UY😑

" Eh . Sige punta ka nalang sa room namin. Okay? bye !" Di naman siguro ako halatang napipilitan no? Pagkababa ng phone , napabuntunghininga nalang ako . Sobra kong nadissapoint eh . Akala ko siya na yun . Naglakad na ko papasok ng bahay ng biglang may pumasok na ideya sa isip ko . " Kapatid siya ni Jerome , so kung makikipagkaibigan ako sakanya....."

Bumilog ang mga mata ko dahil sa magandang naisip ko . "... Mapapalapit di ako sa kapatid niyaaaa" Lumundag lundag ako sa tuwa . Di ko namalayan na nakatitig na pala saakin ang pinsan kong bagong gising at bakas ang tila pagtataka sa kanyang mukha. " Nababaliw kana ? " Banat niya saakin habang nagtatanggal ng muta. Ako naman ay napahinto sa paglundag at inayos ang sarili. "Nag eexercise lang ako ! Try mo kaya minsan .. kulang ka sa energy araw araw eh " Akmang paakyat na ko sa hagdan ng biglang... " Yung sinaing mo sunog na ! Yare ka kay nanay mamaya" Ay ! Tinamaan ka ng magaling . mabilis akong bumaba at pinatay na ang apoy. "Ay naku Jeroooome ! Grabe epekto mo sakin .Haysss " Napabuntung hininga na lamang ako at saka bahagyang ngumiti . Iba talaga pag inlove . AHAHAHHA

Anyways Sinisigurado ko na lagi akong blooming pag papasok. Di ako nagmemake up or even lipstick dahil kissable lips naman ako . Ang tanging gamit ko lamang ay ponds and powder at siyempre cologne ! Para pag mapadaan ako mabango impression niya saakin hihi. Nasa labas na ako naghihintay sa tabi ng motor . "James ! Hanuna ? malelate na tayo."

Pinsan ko ang magdadrive ng motor , Matangkad siya , maputi at gwapo( Aba malamang maganda lahi namin eh ) Ayan na siya . Lumabas rin sa wakas. Nakangiti lang ako sakanya habang pinagmamasdan ang mukha niya. Mejo magulo pa ang buhok niya pero mas bagay kung messy hair talaga siya. Matangos ang ilong at mabango pa . Kung di ko lang to pinsan crush ko na rin to eh.

Nung malapit na siya saakin habang inaayos ang kwelyo niya bigla niya kong binatukan . "Aray naman !" Sabi ko sakanya na may kasamang sapak sa braso niya . " Nababaliw ka nanaman eh . Yung ngiti mo abot langit. Di ko alam baka pinag-nanasaan mo na ko jan sa maduming utak mo HAAHHAHA."

" Huh? bwesit ka james !" Sabi ko habang tawang tawa sakanya.

"" Bahala ka jan papasok na ko " Pinaandar niya ang motor , at iniwan nga ako ng hayop .

"Anak ka ng tatay mo James .... " Hinabol ko siya at dahil sakanya sira ang beauty ko . haggard much !

SA SCHOOL

Habang nasa motor ako kasama ang walang hiya kong pinsan na deep inside ay mahal na mahal ko kahit mortal na mag-kaaway kami sa bahay. Nadadaanan namin ang iba pang mga estudyante na maaga pang naglalakad . Nang nasa labasan na kami , saktong kadaraan lang din ng sasakyan kung saan naroon si Jerome. Ayie ayie ayieeeeee ! Halos makurot kurot ko na yung tagiliran ng pinsan ko sa sobrang kilig. "Wag ka ngang malikot jan " Edi wag na . Sungit nito basta ako happy . Hahaha

Nakarating na kami sa school maaga pa mga 7:15 at ang simula ng flag ceremony ay 8:30 . Usually kase 9 am nagsisimula ang klase . Kaya pagkahatid ko ng bag sa classroom , lumabas muna ako at umupo sa may bench . Total wala pa namang tao sa room dahil ako lang namn early bird saamin . Wala pa yung mga friends ko . Hmmmf Pagkaupo ko biglang may nagtxt sa cp ko.

From : 09*******57

Hi jhonny to . Paki-save nalang kung gusto mo .

Natanggap mo na ba yung pinabibigay ko sayo ?

Huh? Ano naman daw ang ibibigay niya? Maya maya may tumawag sakin . " Yana ! Uy ! Yana " Hinanap ko siya ng mga mata ko . At ayun nasa may gate siya papunta sa may pwesto ko . Kilala ko siya pero di ko maalala pangalan niya Alam ko classmate ko siya noong elementary .

"Heeey ! Kamusta kana ? Kilala mo pa pala ko"

"Oo naman ! Ako kilala mo pa " Natawa nalang ako sa sagot niya. Kase ang totoo familiar mukha niya sakin pero di ko maremember ang name niya.

" Ricky ba ? Hahaha Ang tagal kase nating di nagkita kaya nalimutan ko name mo hahaha pasensya na "

" Oo ricky nga " Nakangiting sagot niya saakin . " Uy alam mo ba . May nagkakacrush sayo ayyyieeeh " Hala Sino naman yan " Tapos bigla nalang siyng tumili ng may dumaan na gwapong lalaki na mestiso. Nakalimutan kong sabihin , bakla pala si ricky kaya ganyan nalang siya makatili. Kaya yung lalaki napatingin saamin . SAAKIN. at biglang umiwas rin at nagpatuloy maglakad na nakayuko. Myghad may kakaiba ako naramdaman noong napatingin siya saakin Kahit saglit na segundo lang yun parang biglang huminto yung oras . waaaaaaah Kinilig akoooo huhu ng onte lang naman HAHAHAHA.

" Sino ba yun ? " Tanong ko .

"Yun si Jhonny. Kapatid ni Jerome, yan yung sinasabi kong may crush sayooooo baklaaaaa " Oh myghad napatulala nalang ko . Ang bilis ng tibok ng puso ko . Di ako makapaniwala na may mag-iinteres saakin . Sabagay maganda naman talaga ako kahit payat . hahahaba ng hair ko day !

"Eto oh" May inabot siya saaking papel .

"Ano to" Tanong ko na halos di ko mpigilang ngumiti dahil sobra kong kinikilig HAAHHA.

"Pinabibigay niya . Basahin mo." Biglang tumunog na ang bell at naglabasan na ang mga estudyante . Nakita kong lumabas na sa room nila si jhonny at pumila na . Ganoon din si Ricky lumakad n siya papunta sa pila at katabi niya si Jhonny . Tiniklop ko ang papel at nilagay sa bulsa at saka pumila para sa flag ceremony. Nasa may dulo ako dahil by height ang pila namin . halos kapantay ko lang sa kabilang linya si Jerome. 3rd year ako at siya naman 4th year kaya magkatabi lang ang pila namin . Si Jhonny naman mejo malayo saamin dahil grade 7 palang siguro siya if I'm not mistaken. Pinagmasdan ko mukha ni jerome . Maputi siya kumpara sa kapatid. Pero mas gwapo si jhonny kung pumuti lang yon . hmff kaso eto naman kase masungit . Sa tuwing tinitinggnan ko siya umiiwas siya ng tingin saakin. At feeling ko ang mga tipo nitong babae yung di lang maganda kundi sexy rin . Tinanggal ko na ang tingin ko sakanya at kumanta na nag Lupang hinirang.

SA BAHAY

Pagkauwing pagkauwi namin . Mabilis akong tumakbo sa taas ng bahay at pumasok sa kwarto namin. Inilapag ko ang bag ko sa kama at saka binasa ang bigay ni Jhonny na... Love letter . "Ang taray naman nageffort pa sa paglagay ng design " Nakakatuwa Kinikilig akong binuksan ang sulat at binasa lang sa isip ko .

Dear Llhana

Wag ka sanang magagalit kung nagsulat ako ng letter para sayo. Nahihiya kase akong sabihin sayo ng personal dahil natatakot ako . Ang sungit mo kase tinggnan kaya baka pag nilapitan kita di mo ko pansinin. Gusto ko lang sabihin sayo na napakaganda mo lalo na tuwing ngumingiti ka . Simple ka lang na babae di tulad ng iba kaya nagustuhan kita . Okay lang kung pagkatpos mo itong basahin ay wag mo na kong pansinin kung di mo ko gusto . Hindi nkita guguluhin , ang mahalaga lang ay nasabi ko sayo ang nararamdaman ko . Mahal na mahal kita Llhana.

-Jhonny 💕

My heart is floating ! myghad . First time kong makatanggap ng loveletter na tulad nito . Sobrang naappreciate ko ang effort niya . Ano bang magandang sabihin ko sakanya?....

hmmmf