Chapter 2 - Ikaw at ako

Matapos basahin ang loveletter na binigay ni jhonny ay may kakaibang naramdaman itong si llhana . Napakasaya niya na makatanggap ng ganoong sulat. Natutuwa siya na mayroong nakaka-appreciate sakanya . "Buti ka pa nakikita ang ganda ko , yung kuya mo kase hindi " Malungkot na bigkas nito sa sarili at saka biglang gumulong sa kama na para bang sinasaniban . Grabe ! Kakaiba kiligin tong babaeng to . Huminto siya sa pag-gulong at nagmadaling inayos ang sarili ng marinig na mayrong tao umaakyat ng hagdan . Tinago na niya ang sulat sa bag , at saka sinilip kung sino ang umakyat . Palabas na sana siya ng kwarto ng biglang sumulpot ang pinsan niyang si michaella. " Anak ka naman ng tatay mo oh !" Gulat na bigkas nito. Pigil hininga naman si michaella na nagulat rin. " Ang pangit mo pala magulat yana HAHAHA" biro nito . "He ewan ko sayo " Sagot nito at saka nagbihis na . Si michaella naman ay humiga sa kama habang nakatuon ang pansin sa cellphone . Ano pa nga ba eh lagi naman siyang may katxt or katawagan . Dahil hindi naman maipagkakailang maganda ito . Mejo may kaliitan nga lang . Kayumanggi ang balat , matangos ang ilong at saktong pangangatawan ( Hindi payat, hindi mataba) . Siya ang Kaibigan slash Classmate ni Jerome . Yung crush na crush ni llhana..

"Ate mikay !" Mabilis na tumalon ito sa kama sa may tabi ni michaella . Bakas sa mukha nito ang excitement at kilig .

" Di ka maniniwala hahahaha .. Yung kapatid ni jerome ?" Abot langit ang ngiti nito habang nagkukwento sa pinsan .

"Oh ano ? Crush mo din ? Tinuhog mo na yung magkapatid ah "

"Hindi no ! Kay Jerome parin ako . Nakakainis lang na nakakatuwa " Sumeryoso ang mukha nito at saka nagpatuloy sa pag-salita.

"Nakakainis kase, kung sino pa yung gusto mo siya pa yung may ayaw sayo . Kung sino naman yung di mo gusto siya namang may gusto sayo. Pero naappreciate ko naman yung letter na ginawa niya Hihihihi" Bumalik nanaman ang masayang mukha nito at saka kinuha ang sulat.

Nakangiti itong nakatitig sa sulat at kitang kita ang kilig at saya sa mukha niya , totoong sa bawat pagngiti niya ay lalo talaga siyang gumaganda. Nagiging maaliwalas ang kanyang mukha.

"Yan yung love letter? patingin ngaaaa "

Inilapag nito ang cellphone at saka hinablot sa pinsan ang hawak nitong sulat . Binasa niya ito habang nasa likod niya si Llhana .

"Kung ako sayo , yan nalang ang entertain-nin mo" Sabi nito sabay hagis sa sulat at saka bumalik na sa pakikipagtxt. Pinulot namang muli ni llhana ang letter at saka sinilid na sa bag. Humiga siya at napatanong " Bakit naman? Sa tingin mo ba ate mikay malabong mapansin or magkagusto rin saakin si jerome?"

"Ay naku !Kilala ko yun si Jerome . Ang mga tipo nung babae MAPUTI , MAGANDA AT SEXY . At lahat ng yun wala ka . " Prangkang sagot nito sa pinsan na ultimoy pinagbasakan ng langit at lupa sa pinagsasabi ng pinsan niya.

" Dapat ang piliin mo yung taong nakakaappreciate sayo , yung nakakakita ng halaga mo . At sa palagay ko si Jhonny yun , hindi yung Jerome mo .... diba james? "

" Aba malay ko sainyo . Tawag ka na dun sainyo ni tiya Maling umuwi ka na daw" Kahit kailan talaga panira ng momentum itong si James tsk tsk . Umuwi na nga si Michaella , si llhana naman ay naiwan parin doon sa kama , nakahiga at iniisip ang sinabi ni mikay.

- Piliin mo yung taong nakakaappreciate sayo, yung nakakakita ng halaga mo-

Habang nasa kalagitnaan siya ng pagmumunimuni , si james naman ay humiga sa kama at ginawang unan ang tiyan ni yana na siya namang kinagulat nito dahil malakas ang kiliti niya don . "Bwesit ka talaga james" Saka niya ito hinampas sa braso at tinadyakan sa hita . Siempre di papatalo ang James na malakas din mang-asar . Ang ending ? Ayun naghampasan ng unan ang magpinsan . Ganyan sila araw araw HAHAHA.

KINABUKASAN SA ROOM

"Okay class humanap kayo ng makakapartner ninyo para sa gagawin ninyong project"

Nagtayuan na ang mga estudyante at naghanap ng kaniya kaniyang partner.

"Yana !" Tawag ng isang babae na papalapit sakanya . " Tayo nalang partner payat" Alok nito na may kasamang magandang awra. Di naman niya ito tinanggihan dahil ito rin ang gusto niyang makasama para sa project nila. Dahil pinsan niya ang dalawang magkapatid alam niyo na kung sino yun hehe. At kung gagawa man sila ng project posibleng makita niya ang gusto niyang makita. FRIENDS WITH BENEFITS DIBA ? XD kidding aside. Siya si Violeta Alab a.k.a violet. Magbestfriend silang dalawa . Mayroon siyang Morenang balat, maiksing buhok at napaka-girly gumalaw pero kung makatawa daig pa niya may inaaway sa kanto. " May bago ba dun? Eh sa tuwing may groupings lagi tayo magkasama HAHAHA"

Napahagalpak naman ng tawa rito si violet, pero agad din niyang hininto ng makitang tumingin na sakniya ang teacher nilang si Ms.Cruz.

"Mamaya sabay na tayo sa uwian , simulan natin yung project sa bahay"

"Okay sige. Siguradong magiging masaya yun"

"Talaga dahil may iparirinig ako sayong kanta"

"Kanta nino? " Nagsimula ng maging curious at lalong naging hyper si llhana pero tumayo lang si violet at saka iniwanan ng ngiti ang kaibigan.

(Anong kanta kaya yun at sino ? , Grrrrr pabitin naman yun hays !) Tanong niya sa sarili. Pero sa bawat pag-iisip niya nageexpect na siya na si Jerome yun . Yung lalaking kumanta ng kanta na iparirinig sakanya ni violet. Kase alam rin ng kaibigan niya ang tungkol sa pag-tingin nito sa kanyang pinsan.

" Okay kung lahat may mga partner na ipagpatuloy na ang pagsusulat "

Kinuha ni yana ang ballpen sa bag at nagsimulang magsulat .

Tumakbo palabas ng room si yana hila hila ang kamay ng kaibigan na si violet. Pagkalabas nila ng gate nandoon na ang tricycle na sumusundo sakanila. " Sa loob tayo umupo ! " Nagmadali silang tumakbo papalapit sa sasakyan . Pero may nakaupo na sa loob si Jerome . Natigilan si Llhana at napatitig nalang dito . Nagcecellphone siya kaya di niya napansin agad yung dalawa sa labas ng tricycle. Kaya tinawag ito ni violeta .

" Uy kuya je . Dito ka nalang sumabit sa labas . kami jan ni yana"

Sabi nito saka lamang sila nito napansin at tininggnan. Dahil doon , nagkaroon ng pagkakataon si yana na pagmasdan lang ang maamong mukha ni jerome. Tiningnan din siya nito at ilang segundong nagkatitigan . Tahimik lang si yana at naka-poker face ganyan siya lagi kapag malapit kay jerome pero pag malayo halos magwala yan sa sobrang kilig. " Or kung gusto mo jan ka nalang sa loob , kayo ni yana"

"Huy ano ka ba! " Nahihiyang sagot ni llhana

"Hindi , sige dito nalang kayo " Sagot niya habang lumalabas sa loob ng tricycle.

"Diba nakamotor kayo ni james? "

" Ah oo , pero gagawa kami ng project ni violet sa bahay nila " Sagot ko at ngumiti naman siya sa sinabi ko.

"Ayyyyyyyyyiieeeeeeh Agik agik ! " Nagulat sa ikinilos ni yana ang katabi nito . Bakas sa mukha ang pagkagulat at taka Kaya napatawa ito ng malakas . " Bwesit ka yana . Bumibigla ka HAHAHAHAHA"

"Sorry na HAHAHAHA may naisip lang ako"

Natatawang Kinikilig pa na sagot nito .

"Okay class ,yung tapos na pwede ng umuwi. I'll check your work tomorrow"

Nakangiti parin si Llhana dahil sa pangyayari. Nagmadali siyang mag-ayos ng gamit at magretouch dahil siguradong makakasabay niya sa pag-uwi si jerome at si jhonny , yung magkapatid for short.

"Payat ! Tara na "

"Let's go ..."

" Sa loob tayo sakay violet"

" Kung wala pang nakaupo, marami na naglabasan eh tayo ang huli"

(Hays nakakainis naman bakit kase late kaming pinauwi ni ma'am ). Pagkalabas nila ng gate marami ng mga estudyante . May tao na sa loob at sa likod ng driver. Nakita niyang nakasabit ang magkapatid sa labas ng tricycle.

"Ayiiieh Nanjan yung magkapatid "

Panunukso niya sa kabigan.

"Sasabit tayo ?"

" Oo halika na "

Sumabit nga sila at noong makita siya ni jerome ay bahagya itong umurong para makadaan sila.

"Uy pinsan ! " Bati nito kay violet

Ngumiti lang ito at umakyat sa bubungan ng tricycle.

"Llhana akyat na "

Napatingin naman sakanya si Jerome At napansing nahihirapan sa pag-akyat kaya binigay niya ang kamay para tulungan to .Nakatingin lang sakanya si yana . Lalo siya ditong niinlove pag nakikita niya ang mata nito .

"Thank you"

"Pabebe kase " Sagot na pabulong nito , pero siguradong rinig ni yana. Nakita rin niya ang ang pag-iwas ng mata nito at di magandang awra sakanya. Umupo siya sa tabi ni violet , at kinukurot siya nito sa tagiliran . Ultimo kinikilig at tinutukso siya nito pero ang totoo galit at inis ang nararamdaman niya sa pinsan ng kaibigan.

SA BAHAY NI VIOLET

"Bakit ka naman nakasimangot ?"

"Yung pinsan mo kase, pabebe daw ako"

"Ayiieh , paninindigan mo ba talaga yan? Eto oh pakinggan mo, matatanggal ang inis mo jan Haahhah"

Binigay niya ang earphone kay yana at pinlay ang record.

Hawakan mo ang kamay ko

Nang napakahigpit

Pakinggan mo ang tinig ko

Oh, 'di mo ba pansin?

Na ikaw at ako

Tayo'y pinagtagpo

Ikaw at ako

'Di na muling magkakalayo

Sa tuwing kasama kita

Wala nang kulang pa

Mahal na mahal kang talaga

Ikaw at ako

Tayo'y pinagtagpo

Ikaw at ako

'Di na muling magkakalayo

Unos sa buhay natin

'Di ko papansinin

Takda ng tadhana

Ikaw ang aking bituin

Ikaw at ako

Tayo'y pinagtagpo

Ikaw at ako

'Di na muling magkakalayo

Ikaw at ako

Tayo'y pinagtagpo

Ikaw at ako

'Di na muling magkakalayo

Habang pinkikinggan niya ang kanta ni jerome para siyang nasa ulap at iniimagine na kasama niya ito habang hinaharana siya. Pero isang malaking imahinasyon lang niya iyon na siya lang ang nakakaalam. Pero masaya siya roon. Kaya inspired nanaman siya.