Chereads / My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 4 - Can't Get Her Out of My Head

Chapter 4 - Can't Get Her Out of My Head

CHAPTER 4

-=Ram's POV=-

I've been awake for almost thirty minutes, and all I have been doing was watch her as she sleeps, she looks so serene habang natutulog siya na tanging isang manipis na kumot ang tumatakip sa kahubdan niya, thinking about it gave me a boner which is something new to me.

Mula sa mukha nang natutulog na dalaga ay napagawi ang mga mata ko sa isang parte nang kama, at nandoon ang katibayan nang hinala ko. A red stain on the bedsheet meaning virgin pa ito nang makuha ko na labis na nagpapagulo sa isip ko dahil ang alam ko ay prostitute siya.

"Ito ba ang una niyang beses na ibebenta ang sarili kaya virgin pa siya?" sa loob loob ko, gustong gusto ko na sana siya kausapin ngunit ayoko naman gambalain ang pagtulog niya dahil ilang oras lang matapos ang pagtatalik namin ay muli na namang naulit iyon nang isa pang beses bago kami tuluyan natulog.

"Sino ka nga ba talaga?" bulong ko at akma kong aabutin ang mukha nito nang bigla naman tumunog ang phone ko at sa takot na magising ang dalaga ay agad ko iyon sinagot.

"Hello Dad?" agad kong sagot nang makita ko ang number na nagregistered sa monitor nang phone ko at ito lang naman din ang makakatawag sa akin nang ganung oras.

"Hello is this the son of Mr. Santiago?" narinig kong tanong sa kabilang linya at agad naman nangsalubong ang kilay ko dahil hindi pamilyar sa akin ang boses non.

"Yes ito nga sino to?" tanong ko.

"Sir Ram si Agnes po ito, iyong kasambahay nang Daddy ninyo, sinugod po kasi namin si Señor sa ospital bigla na lang pong inatake sa puso." bigla naman akong parang nanghina sa narinig kong iyon pangalawang beses na kasing inatake ang Daddy ko.

"San ninyo sinugod ang Dad?" natatararanta kong tanong dito at matapos malaman ang lugar pati na din ang room number ay agad akong nagbihis para makaalis na ako ngunit agad akong napahinto nang tuluyan ko nang maisuot ang lahat nang damit ko nang matitigan ko ang tulog na tulog pang babae, marami akong gustong malaman tungkol dito ngunit mas mahalaga ang Daddy ko kaya naman matapos kong iwanan ang bayad na nagkakahalaga nang fifty thousand ay agad kong sinarado ang pinto at nang masiguradong nakalock ang pinto ay dumiretso na ako sa elevator at matapos bayaran ang kailangan bayaran ay nagpatawag na ako nang Taxi at nagpahatid sa St. Lukes kung nasaan ang Daddy ko.

"Please huwag niyo pong hayaan mapahamak ang Daddy ko." piping dasal ko habang nasa loob nang Taxi patungo sa ospital na pinagsuguran nang Daddy ko.

Mga dalawang oras din inabot ang biyahe ko kung maari ko lang paliparin ang sinasakyan kong Taxi ay ginawa ko finally nakarating na ako sa naturang ospital at matapos magbayad ay agad akong tumungo sa loob kung saan naroroon ang Daddy ko, nasa emergenc

Sinalubong naman ako nang kasambahay namin na si Agnes pagkakitang pagkakita sa akin nito.

"Kamusta ang Daddy?" tanong ko dito nang tuluyan na akong makalapit ngunit agad naman nabaling ang atensyon ko sa doktor na kakalabas lang ng kuwarto.

"Sino po ang kamag-anak nang pasyente?" tanong nito at agad naman akong lumapit at nagpakilala dito.

"You're Father had a mild stroke pero ok na naman siya just make sure na hindi siya maistress sa kahit na anong bagay." sinabi nito at matapos nitong ibigay ang reseta ay nagpaalam na din ito.

Ilang sandali lang ay nilipat na din ito sa private room para makapagpahinga at tahimik lang ako habang pinagmamasdan ko ang natutulog nitong mukha, yes we had a lot of misunderstanding and quarrels but it doesn't change the fact that I love this old man siya na din kasi ang tumayong ina ko simula nang mamatay ang Mom ko when I was around two years old.

"Hang on there old man hindi ka pa puwedeng mawala." bulong ko malapit sa tenga nito at matapos non ay hinalikan ko ito sa noo.

Sandali ako lumabas para sabihin sa secretary ko na hindi ako makakapasok at icancel ang lahat nang appointment ko para sa araw na iyon.

"Kamusta na kaya siya?" sa loob loob ko habang pabalik nang kuwarto nang Dad ko, malamang sa malamang ay gising na siya at malamang ay nakita na din niya ang perang bayad ko sa serbisyon niya, sa totoo lang hindi ko alam kung sapat na ba ang iniwan kong pera sa kanya dahil kung ako lang ang masusunod ay..... "Ano ibibigay mo ang buong mundo sa kanya?" nagulat na lang ako nang parang biglang nagsalita ang kabilang isip ko na kinailing ko na lang.

Pero sa totoo lang ay hindi pa din nawawala sa isip ko ang mga nalaman ko sa nangyari nang gabing iyon at madami pa din katanungan ang bumabagabag sa akin at isa na don ay kung bakit virgin pa siya nang makuha ko, maari bang dahil iyon pa lang ang una niyang subok sa prostitution? Pero alam ko kahit anong gawin kong pag-iisip ay walang kasagutan akong makukuha sa mga tanong ko, pagbalik ko sa kuwarto ay naabutan kong natutulog pa din ang Daddy ko sa higaan nito.

Dalawang araw lang ang tinagal nang Dad ko sa ospital at matapos ang mga check up at wala naman nakitang hindi maganda dito ay pinayagan na din ito nang Doctor nito na makauwi nang bahay at nagdecide akong umuwi na muna sa bahay namin sa Dasma Village para mas mabatanyan ko ang kalusugan nito.

"Narinig mo ang sinabi nang Doctor bawal muna sayo ang magpapagod at magpapastress kaya huwag mo na munang intindihin ang mga negosyo natin dahil ako nang bahala doon." panenermon ko dito na tinawanan lang naman nito.

"Kuu naniwala ka naman sa doctor na iyon, mas kilala ko ang katawan ko kaya alam ko kung kailan ako ok o hindi, masyado lang kasi yang si Agnes nagpanic agad." paninisi nito sa kasambahay namin na may dala dala nang mga gamit nito.

"Hindi naman po Sir kung nakita niyo lang kasi ang itsura ninyo." pangangatwiran naman nito, pagkapasok sa solar nang kabahayan ay sumalubong sa amin ang mga tauhan namin sa bahay, may mga kinse na tauhan din kami sa bahay, apat na driver at eleven na kasambahay kabilang na si Agnes.

Mom ko ang nagdesign nang buong bahay namin dahil isa siyang architect nang nabubuhay pa siya. Meditterenean inspired ang buong bahay na may dalawang palapag, ,ay pitong kuwarto kabilang na ang master bedroom kung saan ang kuwarto ni Daddy at may sarili namang mga kuwarto ang mga katulong sa labas nang baha, may hardin naman sa likod nang bahay kung saan may iba't ibang klase ng mga ornamental plants and flowers na makikita.

"Pero bakit nga ba kayo naistress?" naisipan kong tanong at napansin ko ang biglang pagbabago sa itsura nito kaya naman minabuti ko nang kalimutan iyon dahil ayoko naman maging sanhi iyon para mastress ulit ito.

Sobrang tagal na din pala simula nang makabalik ako dito, dahil for me I value my freedom kaya nga nagdecide akong bumili nang condo unit para mapag-isa dahil gusto kong ako ang nasusunod sa lahat nang bagay ayokong mangyari na pilitin ako sa isang bagay na hindi ko gusto o hindi ko gustong gawin and thank God hindi pa naman nangyayari sa akin iyon.

Matapos masigurado na nakapagsettle na nang maayos si Dad sa kuwarto ay dumiretso naman ako sa sarili kong kuwarto, wala pa din pinagbago ang kuwarto mula nang umalis ako matapos kong makagraduate sa college, kulay black and silver ang kulay nang buong kuwarto ko may fourty two inch flat screen tv na nascrew sa dinding nang kisame at sa pinakagitna naman ay ang california king bed na kama ko na inorder pa sa ibang bansa, may mini ref din ilang dipa mula sa kama ko at sa kaliwa naman ay nandoon ang walk in closet ko at sa loob ay may isa pang pinto kung saan naman ang banyo.

Sandali lang akong naligo at nahiga na din sa kama dahil hindi din naman ako nakatulog nang maayos sa ospital dahil oras-oras ata laging may pumapasok na doctor para icheck ang vital signs nang Dad ko pero kahit kulang sa tulog ay hindi agad ako dinalaw nang antok, muling bumabalik sa akin ang mukha nang babaeng nakaniig ko ilang araw na ang nakakalipas, hindi pa din kasi mawala sa isip ko ang maamong mukha niya at kung paanong napalitan ang maamong mukha na iyon nang isang mapangakit na anyo, and I muttered a curse nang maramdaman kong may nagreact sa pagitan nang mga binti ko, for crying out loud hindi ako teenager para maapektuhan sa pag-iisip lang nang nangyari sa amin pero kahit paulit ulit kong sabihin iyon at hindi naman nakinig ang ulo ko sa baba kaya naman nagdecide akong maligo ulit para patayin ang nag-aapoy kong pakiramdam.

Pabaling baling ako sa kama ko nang mga oras na iyon trying to find the position para makatulog ako ngunit kahit anong gawin ko ay mukha pa din nang babaeng iyon ang nasa isip.

"Ano bang meron ka?" bulong ko sa hangin, ni hindi ko nga nakuha ang pangalan niya at kung tagasaan siya at anong meron sa babaeng iyon at masyado niyang ginugulo ang buong sistema ko.

Mag-aalas dos na din siguro nang madaling araw nang tuluyan akong dalawin nang antok ngunit kahit ganoon ay maaga pa din akong nagising kinabukasan, mga seven nang umaga ako bumangon para tignan ang kalagayan nito, naabutan ko pa ito sa kusina na umiinom na nang kape at abala sa pagbabasa nang diyaryo.

"Good morning Dad." bati ko dito at naupo na din sa dati kong puwesto.

"Good morning din hijo sabayan mo na akong mag-almusal at agad naman kumilos ang apat na kasambahay namin na inayos ang kakailanganin ko.

"Thank you Joy at puwede bang pakikuha si Dad nang orange juice dahil bahal sa kanya ang kape." I said at bago pa ito makatanggi ay nailayo ko na dito ang kape nito na kinailing na lang nito.

"So anong oras na ha hindi ka ba hinihintay sa opisina?" tanong nito sa akin habang umiinom na nang juice na sinerve.

"Uhmm about that gusto ko sanang huwag munang pumasok nang isang linggo para mabatanyan naman kita dito." I said nonchalant while spreading butter on my toast.

"Hell no!" nagulat na lang ako nang bigla itong sumigaw at nang mapatingin ako dito ay nakita ko ang pagsasalubong nang kilay nito.

"Calm down Dad kaya naman tumakbo ang kumpanya kahit mawala ako nang isang linggo." paliwanag ko dito ngunit umiling lang ito.

"I'm maybe sick Ram pero hindi ako imbalido kaya hindi ko kailangan nang yaya na mag-aalaga sa akin." seryoso nitong sinabi.

"That's not what I meant Dad, I just want to spend time with you." pangungumbinsi ko pa dito ngunit mukhang matigas talaga ang ulo nito at alam ko na kung kanino ako nagmana nang katigasan nang ulo.

"Kung ayaw mong pumasok sige ako nang bahala sa kumpanya." banta nito at akma na sana itong tatayo nang pigilan ko ito.

"Ok fine papasok na ako pero baka puwede namang tapusin ko na muna ang kinakain ko, geez old man loosen up at bit." napapailing kong sinabi dito at wala na nga akong nagawa kung hindi pumasok sa opisina kaya naman nagulat pa ang secretary ko nang pumasok ako opisina ko.

"Reschedule my appointments Tricia." utos ko dito at agad nitong tinawagan ang dapat kameeting ko ngayong araw na ito.

At matapos maconfirm nito ang appointment ko ay agad na akong sumakay nang personal elevator ko papunta sa parking lot nang building, parang sinuntok nang kamao ay dibdib ko nang may mahagip ang mga mata kong papunta din ng parking lot kaya dali dali akong lumabas nang elevator at sinundan ang naturang babae.

Lakad takbo ang ginawa ko para lang maabutan ang naturang babae, hindi ako makapaniwala na makikita ko siya dito of all places.

"Sandali lang miss." tawag ko sabay hawak sa balikat nito.

"Yes?" maarte nitong sinabi at nanlumo ako nang tuluyan kong matitigan ang naturang babae dahil ibang iba ang itsura nito sa babaeng nakasama ko nang buong magdamag ilang araw na ang nakakalipas.

"Sorry wala akala ko kilala kita." paghingi ko nang paumanhin dito na biglang nagliwanag ang mga mata nang makilala ako, tauhan ko pala siya.

Ang buong building kasing iyon ay pagmamay-ari ng kumpanya namin, mga twenty four floors ang naturang building. Ang Santiago Group and Companies ay isa sa mga kilalang business firm pagdating sa freight industry, we catered here and outside the Philippines at maliban pa doon ay nagbabalak pa kaming magtayo nang negosyo outside the Philippines in the US to be exact na gusto sana nang Dad ko ngunit tumanggi ako dahil hindi pa kakayanin nang kumpanya ang ganoong kalaking project lalo na't nakakuha na kami sa bangko nang pera sa pinatayo naming port sa bandang Visayas.

Agad akong sumakay sa itim kong Ferarri at pinaandar iyon patungo sa bandang Ortigas kung saan kami magkikita nang kameeting ko.

Pagkadating na pagkadating sa naturang lugar ay umorder muna kami nang makakain at matapos makakain ay agad kaming tumungo sa kakailanganin namin pag-usapan but in the middle of the meeting ay bigla akong napatayo nang wala sa oras at matapos mag excuse sa kausap ko ay dali dali akong naglakad palabas nang restaurant at palinga linga ako hanggang makita ko ang babaeng nakita ko sa loob nang restaurant.

"Wait miss!" tawag ko and again nanlumo na naman ako nang makita kong nagkamali na naman ako.

"Damn it Ram, you're losing it, enough of this nonsense." kastigo ko sa sarili ko at matapos kong pakalmahin ang sarili ko ay bumalik na ako sa loob at tinapos ang kailangan sa loob.

Hindi na din ako nagtagal at agad akong umalis sa naturang lugar, nagdradrive na din ako sa kahabaan nang EDSA nang may makita na naman akong imahe at pinilit kong huwag pansinin iyon ngunit mas nanaig ang kagustuhan kong makita ang babaeng iyon ngunit sa kamalas malasan ay hindi pa din siya ang nakita ko.

Sa sobrang inis ay hindi na ko tumingin sa mga naglalakad sa bangketa dahil ayoko nang mapahiya kung may makikita na naman akong kahawig nang babaeng iyon.

Nang makabalik ako nang opisina ay wala si Tricia sa puwesto nito, marahil ay nag break kaya naman agad akong pumasok at ilang sandali lang ay narinig ko ang pagpasok nito.

"Tricia pakipasok nga ang mga kailangan kong pirmahan." utos ko dito gamit ang extension number nito.

"Pasok!" sigaw ko dito nang marinig ko ang pagkatok nito. "Oh shit not again!" asar na asar kong bulong sa sarili ko dahil nakikita ko na naman ang maamong mukha nang babae, ilang beses ako pumikit pikit para siguraduhin hanggang sa pangatlong pagpikit ko ay nakita ko ang nakakunot na noong mukha ng secretary ko.

"Sir ok lang po ba kayo?" tanong ni Tricia sa akin na hindi ko sinagot at kinuha na lang ang mga dokumento dito at pinalabas na din ito.

I tried to focus sa trabaho ko ngunit kahit anong gawin ko ay mukha pa din nang misteryosang babae ang gumagambala sa isip ko kaya naman isang desisyon ang pumasok sa isip ko.

"I need to find her." sa loob loob ko at isang lugar lang ang naiisip ko kung saan maari ko siyang makita.