Chereads / My Best Friend's Best Friend Book 3 (COMPLETED) / Chapter 11 - Chapter 13: Unspeakable feelings

Chapter 11 - Chapter 13: Unspeakable feelings

Now playing: Crashing

Sarah

"Thank you guys!" I thank them individually for another successful day with all of them.

"Thank you, see you tomorrow." Says one of the cute and most young female staff here at the Studio.

"Bye, Sarah. You did great today." It's Stev. The Photographer and Co-Director of the commercial we made and managed to finish today. Bago ito lumapit upang makipag kamay sa akin. Minsan ko na rin itong nakasama sa isang fashion show noon sa Paris, kaya mas magaan ang naging trabaho ko ngayon dahil nandiyan siya.

"Thanks, Stev." I gladly says.

"Uhmm..have you seen Lila?" I asked him. He shrugged as he looked around like I did.

"Anyways, you can leave first. I'll look for her first. See you Stev!" Agad naman itong napatango at binuhat ng maayos ang kanyang shoulder bag.

"See you, Sarah." And then he left.

Ako naman, sinubukan ko pa na muling hanapin sa paligid si Lila. Kanina ko pa kasi ito hindi nakikita, ni hindi na nga siya nakapag paalam sa mga kasamahan namin ngayong araw.

Did she left without even telling me? Inis na tanong ko sa sarili hanggang sa makarating ako sa may dressing room.

Agad na bumilis ang tibok ng aking puso ng makita ko siyang naka upo habang nakayuko at nakapatong ang kanyang ulo sa kanyang mga braso sa ibabaw ng medyo maliit na lamesa.

She fall asleep.

Dahan-dahan na lumapit ako sa kanya at naupo sa bakanteng silya na nasa kanyang tabi. Kusang gumihit ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko ang pagkibot ng mga labi nito habang tulog.

Cute.

She may be tired from work all day. Walang nagawa na nangalumbaba na lamang rin ako sa ibabaw ng lamesa habang hindi inaalis ang mga mata sa kanyang maamong mukha. Sandali ko pang hinawi ang iilang hibla ng kanyang buhok na tumatakip sa kanyang mukha.

Noon ko lamang din napansin ang haba ng kanyang natural na mga pilikmata. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ang ganda-ganda titigan ng kanyang mga mata.

Napahinga ako ng malalim.

I also could hear her snoring softly. I stopped myself from laughing and was just biting my lip. Ang ganda parin niya kahit na medyo nakaawang pa ang mga labi nito.

I swallowed hard, looking at her lips. Her lips, that make me wonder what it tastes like.

Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na unti-unti ko na palang inilalapit ang aking mga labi sa kanya. Palapit ng palapit na halos eh naaamoy ko na ang amoy vanilla na hininga nito.

I'm still thankful that I didn't have the courage to continue whatever I was doing. Dahil kung hindi, tiyak na magigising ko ito ng disoras. Mabilis na muling inilayo ko ang aking mukha sa kanya bago napahinga ng maraming beses at napapikit na rin.

Pwew! Konting pagpipigil naman Sarah. Saway ko sa sarili.

Isang ideya ang pumasok sa aking isipan, agad na tumayo ako mula sa aking kinauupuan atsaka tinignan ito ng huling beses sa kanyang mukha. Hindi pa naman siguro magsasara itong Studio, hindi ba?

I hurried out of the building and went to the nearest grocery store. She must be hungry when she wakes up later. Kaya tama lamang na ibili ko muna siya ng pupwede niyang makain.

Wait...why do I seem to worry so much about her lately? Shouldn't she be doing these things to me? She must be the one who cares for me, not me.

Ugh! Nevermind. Masama bang maging concern lang sa kanya? Napailing ako. I should be hurry.

Pagbalik ko ng studio ay gising na si Lila. Humihikab ito habang kinukusot ang kanyang mga mata bago napaharap sa direksyon ko.

Her eyes widened as she met my gaze before she smiled slowly. Iyong ngiti niya na mapapatulala ka nalang at mapapangiti rin pabalik dahil sa sobrang tamis.

Pinigilan kong mamula ang aking mga pisnge sa kanyang harapan bago napatikhim.

"I actually bought something to eat." Sabay ipinakita ko ng hawak na plastic bag. "You may be hungry---

"Babe." Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi. Mahina lamang iyon, ngunit sakto upang marinig ko.

What did she call me?

And then, she slowly turned her gaze to my back. And I didn't expect to hear a man's voice coming from behind me.

I turned around and saw Michael standing there while smiling to her girlfriend.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok at mapa irap. Yeah, great! Great timing.

"Hey, babe." Pagbati nito kay Lila bago nagmamadaling lumapit rito atsaka ito hinalikan sa kanyang labi. A quick kiss.

Mabilis na nagbawi ako ng tingin mula sa mga ito at naramdaman ang konting kirot sa aking dibdib.

What the fuck?! Am I jealous? No way! Pagpoprotesta ko sa aking isipan.

Yes, you are Sarah. Just admit it. Ganting sabi naman ni inner self.

"Uhmm... I guess I should leave guys." Sambit ko sa mga ito at agad na tumalikod na para kunin ang aking bag. "Lila, see you later." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito dahil mabilis ang mga hakbang na lumayo na ako sa kanila.

I feel stupid to leave immediately. But what can I do? Suddenly I was uncomfortable watching them. Will I allow myself to be tortured? Of course not! Isa pa, nobyo niya iyon. Nararapat lang na bigyan ko silang dalawa ng oras para sa isa't isa.

Selos much, self? Tuyo muli ng aking isipan. Sa inis ko ay mas binilisan ko na lamang ang pagpapatakbo ng aking sasakyan papalayo sa building na iyon.

I need a place to get rid of my annoyance right away. So I headed straight to the nearest Restobar I knew. For sure, there are a lot of girls out there that I can enjoy for a while. Women that will erase Lila's image from my mind.

Hays! Damn that girl, why does it sound like I'm hitting on her? Nagayuma ba niya ako? Pfft.

Malapit na ako sa bar na tinutukoy ko nang may bigla at mabilis na humarang na sasakyan sa kotse ko. Muntik ko na itong mabangga kung hindi lang malakas ang break ng aking sasakyan. At kilala ko kung sino ang nagmamaneho noon.

Galit na bumaba ako ng aking kotse at lumapit rito. Mabuti na lamang din at wala pang gaanong sasakyan ang dumaraan sa mga sandaling ito.

"What the hell is wrong with you? Paano kung nabangga kita?! Are you insane?!" Galit at hindi ko napigilan na sigaw sa kanya nang makababa rin ito.

"What the hell is wrong with you too?! Buhay pa naman ako diba?!" Ganting sigaw din niya bago nameywang pa.

Mapapapikit ako ng mariin in disbelief. This woman!

"Magpapakamatay ka ba? Huh?! Hindi ko alam kung tanga ka ba talaga o nagtatanga-tangahan lang, Lila!" Galit parin ako. Hindi nakakatuwa iyong ginawa niya. At never akong matutuwa roon.

"Ouch!" Kunwari pang nasaktan ito. "That's absurd." Napa iwas ito ng tingin. Sinubukan ko rin na kalmahin ang sarili.

"Eh ano bang gusto mo?!" Tanong ko. Nagkukunwari na galit parin at walang gana na makita siya. But deep inside, sobrang nagsasaya ang puso ko sa hindi ko malaman na dahilan.

She remained silent as she gazed back at me. I bite my lip.

"You put risk in your own life, so please tell me what the hell you fcking want?!" Nauubusan na naman ng pasensya na tanong ko sa kanya. Napalumok siya ng ilang beses.

"Have a dinner with me." Hindi ako agad nakapag react sa kanyang sinabi at napatulala lamang sa kanyang mukha. "Please!" Dagdag pa niya.

"Hindi pwede." Diretsahang sagot ko sa kanya. Tatalikod na sana nang muli siyang magsalita.

"W-why?"

"Iniwan mo ang boyfriend mo para lang yayain akong magdinner?" Hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya. "What do you call it? Are you cheating now?" Napa tawa ako ng mapakla.

"Well, welcome to the club, Lila." Sarcastic na dagdag ko pa sa kanya. "Go home. Hindi mangyayari ang gusto mo." Napapailing na lamang ako sa sarili.

"May importanteng lakad si Michael. He left me all alone after you left. Happy?" Sagot nito sa akin. "Sino ba kasing may sabi sayo na iwanan mo'ko agad sa Studio dahil lang sa----

"Bakit may dahilan pa ba para mag stay ako roon?" Ganting tanong ko sa kanya.

Sandali siyang natahimik bago napahinga ng malalim. "You're right. Pero kung ayaw mo, edi wag mo!" Galit na sabi niya at tatalikod na sana upang sumakay muli sa kanyang sasakyan ng mabilis ko itong napigilan sa kanyang braso.

"Fine. Basta ba, treat ko." Agad na sumilay ang ngiti sa gilid ng kanyang labi nang muling napaharap sa akin. Napatango siya bilang pagpatayag.

"Good. Let's call this, a date." Pigil ang ngiti na sabi ko pa sa kanya.

She scoff. "A date? Talaga lang ha. Naparami ba ang pagkain mo ng sugar ngayong araw at nasobrahan ka sa katamisan?" Tuluyan na siyang napangiti. Hindi ko maitatanggi na mas maganda nga siya kapag naka ngiti.

"I am born this way, Lila. Mas matamis pa ako sa inaakala mo, lalo na kapag natikman mo." Sabay ngisi na sabi ko pa habang tinitignan ang magiging reaksyon niya.

"What do you mean..." Napahinto siya bago napa irap at pabiro akong hinampas sa braso nang makuha ang ibig kong sabihin.

"Pervert." Dahil doon ay hindi ko na napigilan pa ang mapatawa ng tuluyan.

Dinala ko siya sa pinaka malapit na kilalang restaurant, malapit sa Restobar na pupuntahan ko sana kanina. Maswerte ako dahil mayroon siya palaging dala na cap in case na wala akong dala. Dahil tiyak na babahain na naman ako ng mga tsismoso at tsismosang mga tao sa paligid.

Hindi naman kami nagtagal doon, pagkatapos naming kumain eh umalis na rin kami kaagad. Lalo na at medyo dumadami na ang mga customer. Mahirap na, mas maigi na ang nag-iingat.

Pareho rin naming dala ang aming sasakyan, hindi naman kasi ako papayag na iiwan lang sa kung saan yong kotse niya. Ang mahal kaya ng bili ko doon, ano? Para lang iiwan sa kung saan-saan.

Nakasunod lang naman ito sa akin sa buong biyahe, pasado nine fifteen na ng gabi pero nandito parin kami sa labas. Huminto ako sa isang bakanteng park, kaya huminto rin ang sasakyan na sinasakya ni Lila.

Agad na lumabas ako roon pagkatapos at agad na nagtungo sa damuhan at doon nahiga na parang bata. Awtomatikong napangiti ako dahil sa ganda ng langit kung tignan. At ang mga nagkikislapan nitong mga bituin.

"What are you doing there?" Inosente na tanong ni Lila sa akin. Ibinaling ko ang aking mga mata sa kanya bago ginawang unan ang aking braso. Pinagpag ko ang bakanteng pwesto sa aking tabi.

"You can lay down beside me. Come on, you'll like it here." Atsaka napa musyon sa aking tabi.

She smiled and slowly followed what I had said. She lay down next to me at katulad ko, ginawa rin nitong unan ang kanyang braso. Napatagilid ako, iyong nakaharap sa kanya.

"Yeah, you're right." Wala sa sariling komento niya habang naka tingin sa kalangitan. "And the stars, it's so beautiful." Dagdag pa niya.

"Mmhmm. So beautiful." Agad na pagsang-ayon ko naman. Ngunit sa kanya lamang nakatitig ang aking mga mata at hindi sa mga bituin.

"Stop it, Sarah. I know you're not looking at the sky but in my face." Alam pala niya kahit na hindi siya nakatingin? Natawa ako ng mahina. Hindi parin nito inaalis ang mga mata sa itaas.

"How do you know I'm looking at you?" I tease.

"Because I know. I feel your eyes on me." Mabilis na sagot naman nito sa akin.

"Well, hindi ko na kailangang tumingin pa sa itaas para lang makakita ng mga bituin. There's a star in front of me. Because you are already shining like them." Wala sa sarili na nasabi ko ang mga iyon habang nakatitig parin sa kanyang mukha.

Huli na ng marealize ko ang mga iyon nang dahan-dahan na napaharap si Lila sa akin. Sinalubong nito ang mga titig ko, hindi ko rin inalis ang mga mata ko sa kanya. For the first time, nagkatitigan din kami ng ganito katagal ngayon. Iyong para bang kapwa ang mga mata lamang namin ang nagkakaintindihan at nag-uusap.

And then, she gave me one of the sweetest and brightest smiles she had. My heart seems to melt in these moments. She didn't break the stare at me until she slowly closed her eyes.

"Thank you...for taking me here, Sarah." Napangiti akong muli at kusang napakagat sa aking labi. "And I hope, I'm not just dreaming right now because...I don't want to end this feelings anymore." Sinasabi niya ang mga iyon habang naka pikit.

Gusto kong abutin, hawakan at haplusin ang mga pisnge niya, gusto kong halikan siya sa mga oras na ito. But I couldn't, because she's not mine.

Alam kong bukas, babalik na naman kami sa normal naming mga buhay. At itong moment na ito? Maaaring ipinahiram lamang ito sandali sa akin.

To find out what I really feel for her. The fact that I am the only one who knows right now.

"Me too, I don't want to end this feelings anymore." Bulong ko sa aking sarili.