♡ Author's POV ♡
"I'm sorry." pagbalik nina Dean sa kwarto niya kung saan naghihintay ang buong grupo, nadatnan nila si Oliver na kaharap silang lahat kaya natigilan sila, "You're sorry? After what you've done?" hindi makapaniwalang tanong ni Raven habang nakayuko si Oliver, "I didn't really want to do it."
"But you already did it." saad naman ni Dave. Maraming galit, naaawa at dissappointed dahil sa ginawa niya, "I know...kaya kinapalan ko na ang mukha ko na humarap sa inyo para humingi ng tawad.." at mapait itong napangiti, "Alam ko naman na hindi niyo na ako mapapatawad sa pagtratraydor na ginawa ko at hindi ko kayo mapipilit dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat."
"Naiintindihan kita, Oliver." saad ni Syden kaya napatingin ito sa kanya na nasa likuran niya,"You had no choice but to do it, right?" dagdag pa niya kaya napatango si Oliver at muling napayuko.
"You were just lucky dahil pinili ka pa ring iligtas ni Dean laban sa buong grupo kahit na traydor ka. It was against the rules, right?" pahayag ni Dustin. Nakatayo lahat sila na animoy nakapalibot kay Oliver, "I really wanted to tell you everything if she hadn't threatened me."
"Kahit pa anong sabihin mo, patay na si Leigh at wala ng magagawa ang paghingi mo ng tawad. You even tried to kill Stephen and Caleb, right?" nagpipigil sa galit na tanong ni Raven, "Alam kong hindi niyo na ako mapapatawad pa pero gusto ko lang sabihin sa inyo na pinagsisisihan ko lahat ng nagawa ko." pahayag pa ni Oliver.
"But you can still make things right." sambit ni Dean kaya napatingin sila sa kanya nang may pagtataka. Isa-isa niyang tinignan ang mga miyembro niya at lumapit kay Oliver, "If you really regret everything..." bigla niya itong niyakap at ngumiti, "Be a hero and let's save everyone." muli niyang tinignan si Oliver na ipinagtaka naman nito.
"Tingin mo ba hindi namin alam kung ano ang ginawa ni Savannah kaya sumunod ka sa gusto niya? You just wanted to save your friends against her, right?" tanong ni Dustin na ngumiti na rin at nilapitan siya para yakapin kaya nagkatinginan silang lahat at sumilay ang ngiti sa mga labi nila.
Lumapit na rin ang iba sa kanya at niyakap siya bilang patunay na pinapatawad na nila siya, "I'm really really sorry. Handa akong pagbayaran lahat ng kasalanan na nagawa ko." pahayag nito.
"Pagbabayaran mo 'yon pagkalabas natin dito." nakangiting pahayag ni Stephen, "Pinapatawad ka na namin." dagdag pa niya. Natigilan naman ang lahat ng lumapit si Raven sa kanya, "Give me enough time to forgive you, hindi pa rin madaling kalimutan ang lahat." seryosong saad nito kaya hinawakan ni Syden ang braso ng kakambal niya para pakalmahin ito.
Nagkatinginan silang dalawa kaya naintindihan naman ni Raven ang gusto niyang sabihin.
"But we have to move now, nauubusan na tayo ng oras." sabay-sabay silang napatingin kay Nashielle, "Hindi tayo makakatakas dahil siguradong haharangan nila tayo that's why we have to kill the remaining members of dark eagle." dagdag pa niya.
"Pero paano tayo makakalabas?" tanong ni Syden na sinagot ni Felicity, "Through the wall's weakest part. If we would be able to make it in time, pagkalabas natin siguradong hinuhuli na rin nila dad si Mr. Wilford at Mr. Schulz."
"Weakest part?" nagtatakang tanong ni Clyde.
"We have to buy time for Felicity, hindi pwedeng lahat tayo lumalaban. May iniwan sa kanyang detector ang daddy niya, it will directly tell her about the wall's weakest part. Members of dark eagle will try to stop her kaya habang hinahanap niya ang pinakamahinang parte ng wall, kailangan nating patayin at harangan lahat ng susubukang pigilan siya. Kapag nahanap na niya 'yon, kailangan niyang pasabugin ito. Before it happens, kailangan patay na lahat ng miyembro ng dark eagle." pahayag ni Nashielle.
"But is it really safe na pasabugin ang wall? Can she really do it without risks?" nag-aalalang tanong ni Syden, "The electric barrier protects the wall. Noong nasira ni Dean ang isang bagay na nagkokonekta kay Mr. Wilford at Savannah, biglang lumubog ang mga matatalim na bagay na nakapalibot sa bawat building, the spikes were eaten by the ground because it has been deactivated. Ganon rin ang nangyari sa electric barrier, Mr. Wilford did many changes kaya ipinaubaya niya kay Savannah ang isang tagong kwarto kung saan nakakubli lahat ng sikreto, now that it's already gone...even the electric barrier had been deactivated kaya hindi mahihirapan si Feli na pasabugin 'yon dahil wala ng proteksyon ang wall." pahayag naman ni Ms. Freud.
"Habang tumatakas tayo, huhuliin na rin nila dad si Mr. Wilford at Mr. Schulz." saad ni Felicity na itinaas ang kamay niya. May hawak itong isang detector at may isang parte sa gitna na umiilaw ng kulay pula, "Red sign means they are on their way now, kaya paglabas natin, siguradong hinihintay na rin nila tayo. Even the time was all planned."
"Huwag nating sayangin ang lahat ng nagsakripisyo para sa planong 'to. Let's end this." saad ni Clyde kaya napatango silang lahat at nag-umpisa ng gumalaw. Kasabay noon ay ang sunud-sunod na pagsabog na narinig nila.
Lahat sila ay nagsipuntahan sa mga kwarto nila para kunin lahat ng kailangan. Muli rin silang nagkita-kita sa tapat ng kwarto ni Dean, "I'll go with Felicity." napatingin silang lahat kay Raven, "I can't let her go alone." dagdag pa niya na nginitian si Feli kaya napaiwas ito ng tingin sa kanya.
"Sige, mas maganda rin na may kasama siya." sambit ni Nashielle na napatango at tinignan silang lahat, "The remaining members are not that many pero mas mahirap silang kalaban kumpara sa mga nauna, let me just give you a warning na mabilis silang gumalaw. Hindi pa man kayo nakakagalaw, pinapatay na nila kayo." napatango silang lahat sa sinabi niya bago niya hinarapan si Feli, "Ready?" tanong niya na ikinatango nito.
"Everyone, please take care of yourselves. I hope sabay-sabay tayong makalabas dito. Pagkatapos nating mapatay ang mga kalaban, ikutin niyo ang buong wall para hanapin si Felicity. Kung nasaan siya, doon tayo lahat magkikita. It's really possible na magkahiwa-hiwalay tayo. There are times na kailangan na ring magtago kung hindi niyo na kaya." pahayag niya sa kanila. Muli silang tumango kaya tinalikuran na sila ni Nashielle at sumunod sila sa kanya.
Bago tuluyang humiwalay ng landas sina Felicity at Raven ay napatingin naman sila kina Syden at Dean na nag-aalalang nakatingin sa kanila, "Please take of her, Sean." pakiusap ni Dean kay Raven kaya tumango siya at napatingin kay Syden na nagsalita rin, "Mag-iingat kayo."
"Mag-iingat rin kayo." sagot ni Feli na ngumiti. Biglang niyakap ni Dean ang kapatid niya at niyakap din ni Syden si Raven bago sila tuluyang nagkahiwa-hiwalay.
...
Sumunod sina Dean at Syden sa grupo na medyo malayo na sa kanila kaya nagmadali silang habulin ang mga ito na papalabas na ng building. Natigilan silang dalawa ng harangin sila ng isang lalaki na may hawak-hawak na isang tali.
Napahakbang sila paatras habang papalapit naman ang lalaki sa kanila. Katulad ng hinala nila, isa ito sa miyembro ng dark eagle dahil nakamaskara, "Be careful with his weapon, mahirap tumakas kapag naipalupot niya ang taling 'yon sa binti natin." bulong ni Dean kay Syden habang nakatingin silang pareho sa lalaki.
Hindi nagtagal ay nilusob sila ng lalaki kaya mabilis rin silang umiwas dito lalo na't mabilis rin ang paggalaw ng tali sa kamay nito hanggang sa sabay silang napaatras, "I'll try to take it away from him." bulong pa niya na mabilis na nilusob ang lalaki kaya ng ihahampas ito sa kanya ay mabilis naman niyang naiwasan.
Nang atakihin ni Dean ang lalaki, kung gaano siya kabilis ay ganon rin kabilis ang pag-iwas nito sa bawat pag-atake niya. Napaluhod ito sa likuran ng lalaki upang umiwas sa taling hawak nito kaya lumusob naman si Syden.
Napaluhod rin ito nang malagpasan niya ang lalaki at unti-unti siyang tumingala. Nakita ni Syden si Dean sa mismong harapan niya hanggang sa dahan-dahan din silang napatingin sa lalaki na unti-unting napaluhod habang nakahawak sa braso nito na nadaplisan ng kutsilyo.
Dahil dito ay mabilis na tumayo si Sy at inihagis ang kutsilyo papunta sa direksyon ng lalaki. Hindi nila inaasahan ang biglaan nitong pagtayo at muling inihampas sa direksyon ng binti ni Syden ang taling hawak ng kalaban nila. Naiwasan ng lalaki ang kutsilyo kasabay nang pagkadapa ni Syden sa sahig dahil sa taling naipalupot sa binti niya.
Dahil doon ay inihagis din ni Dean ang kutsilyo papunta sa kamay ng lalaki ngunit pagkaiwas nito ay natamaan naman ang taling hawak niya dahilan para maputol ito. Tila nanigas ang lalaki sa kinatatayuan niya nang mapatingin sa tagiliran nito kung saan tumama ang kutsilyo na hindi niya napansin. Napahawak siya dito at nakitang may dugo ang kamay niya bago tuluyang napasandal sa pader at nanghina.
Nilapitan naman agad ni Dean si Syden na unti-unting tumatayo kaya tinulungan niyang tanggalin ang tali sa binti nito. Dahil sa pagkakahigpit ng tali ay dumugo naman ang binti ni Syden. Napadaing siya sa sakit kaya napatingin sa kanya si Dean at dahan-dahan iyong tinanggal sa binti niya. Tinignan nila ang lalaki nang alisin nito ang pagkakasaksak sa kanya dahilan para mahulog ang kutsilyo sa sahig.
Mabilis itong tumakbo papalayo kaya napatayo si Syden at aktong hahabulin niya ito ngunit pinigilan siya ni Dean, "We can't fight him with your situation. At least let's find a safe place for you pagkatapos babalikan ko siya. He must not find my sister."
Napahawak naman si Syden sa magkabilang braso nito, "You can't fight him alone. Maliit na sugat lang 'to. Nakita mo naman kung gaano siya kabilis umiwas at gumalaw dba? Hindi mo siya pwedeng kalabaning mag-isa lalo na kung makakahanap siya ng kasama niya."
"But I can't let you fight." nag-aalalang sagot niya kay Syden na ikinailing nito, "I won't let you fight without me, Dean. Magkasama tayo sa laban na 'to. Maliit na sugat lang 'to." ilang segundo silang nagkatitigan hanggang sa mapabuntong-hininga si Dean at napatango, "Fine. Let's fight them together?" tanong nito na ikinatango ni Syden at ngumiti kaya mabilis rin nilang sinundan ang lalaki. Mag-isa man siya o may kasama, they are willing to fight as long as they are together.
...
"Mag-iingat kayo." pahayag ni Icah kina Nashielle at Ms. Freud. Pagkalabas nila ng building ay nagkahiwa-hiwalay na sila pati na rin ang buong grupo upang hanapin ang mga natitira pang miyembro ng dark eagle. Pipigilan nilang makagawa ang mga ito ng anumang hakbang para malaman ni Mr. Wilford ang kaguluhang nangyayari sa loob.
Tumango naman si Nashielle kaya tinalikuran na siya nina Icah na humiwalay na rin sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa ni Ms. Freud, "Ready?" tanong nito sa kanya na ikinatango naman niya at nag-umpisa na rin sila sa paghahanap.
Hindi kalayuan mula sa kinatatayuan nila ay natanaw nila ang dalawang lalaki na nilalabanan ng dalawang estudyante dahil halatang papatayin nila ang mga ito. Hindi nagtagal ay kusa ring natigilan at napahiga sa sahig ang dalawang estudyante nang wala pang ilang segundo ay nasaksak na sila ng mga lalaki.
Habang papalapit sina Nashielle at Ms. Freud sa kinatatayuan ng mga kalaban ay kinuha naman ni Nashielle ang isang 'blade' na binigay ni Syden sa kanya kaya may naalala siya mula rito.
...FLASHBACK....
Napatingin siya sa kamay ni Syden nang may iabot ito sa kanya, "It's for you." saad niya na ipinagtaka nito, "For what?" dahan-dahan niya 'yong kinuha at maayos na tinignan. She felt something with the blade.
"Ibinigay 'yan ni Zorren sa akin noon, actually para sa'yo talaga 'yan kaso hindi ka na niya naabutan kaya ibinigay niya sa akin. On his behalf, gusto kong ibigay 'yan sa'yo. Huwag kang mag-alala kasi hindi ko pa nagagamit 'yan, siguro para sa'yo talaga." napatingin si Nashielle sa kanya at hindi nito maiwasan na malungkot dahil sa pagkawala ng taong mahal niya.
Napatango na lang siya at ngumiti, "S-salamat." unti-unti siyang niyakap ni Syden, "Mahal na mahal ka ni Zorren at Nash. Maraming beses ka nilang naikwento sa akin, Nashielle."
"I'm really really proud of them." saad ni Nashielle na humiwalay sa pagkakayakap nila at ngumiti na rin dahil sa narinig niya, "Paglabas natin dito, pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa kanila?" tanong nito na ikinatango ni Syden.
...END OF FLASHBACK...
Nakasalubong nila ang dalawang lalaki kaya natigilan ang mga ito. Katulad ng mga miyembro ni Savannah ay nakamaskara rin sila, "Sumuko na kayo. Hindi na rin naman kayo makakalabas dito. Why don't you just help us?" tanong ng isa kaya napangiti ng masama si Nashielle.
"Sumuko man o hindi, the result will just be the same." saad nito na mabilis silang nilusob kaya ganon na rin ang ginawa ni Ms. Freud. Mabilis nilang inatake ang dalawang kalaban at mabilis rin silang nakakaiwas sa mga ito hanggang sa napaluhod si Nashielle at napayuko.
Unti-unti itong tumingala kasabay ng pagtulo ng dugo mula sa braso niya kaya napatingin siya doon. Sinamaan niya ng tingin ang lalaking kalaban niya na nasa mismong harapan niya at muli itong nilusob hanggang sa magtama ang mga kutsilyong hawak nila kaya nagkatapatan ang dalawa.
Napatingin din si Nashielle kay Ms. Freud na napaupo naman at mabilis na tinutukan ng kutsilyo ng isa pang kalaban kaya hindi ito nakagalaw.
Ibinalik niya ang tingin sa lalaking nasa harapan niya, "Babaligtarin ko ang tanong, why don't you just help us and escape this place?" umiling naman ang lalaki.
"It's too late to ask me about that. We're all going to die and we accepted our fate."
Bigla na lang lumayo si Nashielle sa lalaki kaya pareho nilang naibaba ang mga armas nila, "What do you mean?"
"Alam na ni Mr. Wilford ang lahat...at isa lang ang paraan para makalabas kami ng buhay dito."
Bigla na lang natigilan sina Nashielle at Ms. Freud dahil sa sinabi ng lalaki, "It's either papatayin namin kayo para makalabas kami o papatayin niyo kami para makalabas kayo." dagdag pa nito na ipinagtaka ng dalawa, "We have our own way to escape but before that, inutusan niya kaming ubusin muna kayo." bigla na lang siyang tinapatan ng kutsilyo ni Nashielle.
"Own way to escape? Tell me what is it?" may pagbabantang tanong nito. Posible bang may iba pang pwedeng daanan palabas? Tanong nito sa sarili niya.
"Do you think I'd really tell you?" sarkastikong tanong ng lalaki kaya mas lalo pa niyang itinutok ang kutsilyo dito, "Sabihin mo sa akin kung ayaw mong gilitan ko ang leeg mo ngayon."
"If you really want to escape, tumakas na kayo ngayon. Don't even dare to save everyone or else you're all going to die."
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Alam na ni Mr. Wilford ang nangyayari dito sa loob. Anytime soon, sasabog na ang lugar na 'to." malakas itong tumawa habang unti-unti namang naibaba ni Nashielle ang kamay niya. Hindi ito makapaniwala sa narinig niya at kusang napaatras, "N-no, you're lying!" sigaw nito na idinuro ang lalaki habang hawak ng kamay niya ang kutsilyo.
"We're all going to die at tanggapin niyo na 'yon!" mas tumawa pa ng malakas ang lalaki at unti-unting napaluhod habang napapahakbang si Nashielle paatras.
"Nashielle, wala ng oras." napatingin naman siya kay Ms. Freud na umiling.
"May oras pa, Ms. Freud!"
"Go and tell everyone to leave this place at once! Tulungan niyo na lang si Felicity!" sigaw nito na ikinailing ni Nashielle, "B-but I can't leave you here!"
"Pare-pareho tayong mamamatay kapag hindi mo 'to ginawa, Nashielle! Hindi mo ba narinig ang sinabi niya?! Alam na ni Augustus ang nangyayari dito sa loob! Huwag mong sayangin ang mga taong nagsakripisyo para mailabas ang mga estudyante dito!" pakiusap nito kay Nashielle. She was confused at hindi alam ang gagawin niya.
"I'll take care of these two!! Iwan mo na ako! Hanapin mo ang iba at tumakas na kayo! I'll try to stop them as many as I can!!" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay mabilis na inatake ni Ms. Freud ang lalaki sa harapan niya. Nanahimik naman sa pagtawa ang isa at bigla itong tumayo para habulin si Nashielle nang pigilan naman siya ni Ms. Freud kaya muling napaatras si Nashielle.
"Please, save them. Kayo na lang ni Felicity ang pag-asa nila." 'yon ang mga huling kataga na narinig ni Nashielle kay Ms. Freud kaya kahit na naguguluhan ito ay tumakbo na siya papalayo sa lugar na 'yon.
Habang patuloy ito sa pagtakbo ay paulit-ulit rin siyang nadadapa dahil sa mga tuluy-tuloy na pagsabog sa paligid niya. May mga oras din na tinatakpan niya ang magkabilang-tainga niya at napapaluhod dahil sa ingay at epekto ng mga pagsabog.
Muli siyang tumayo para hanapin ang buong grupo na nagkahiwa-hiwalay naman dahil sa pakikipaglaban. The plan has changed.
Iniikot nito ang paningin niya ngunit karamihan sa mga estudyante ay nakahandusay na sa sahig at wala ng buhay. Hell was completely on fire. Naliliguan na rin ng dugo ang buong campus. May mga iilan na gumagapang sa sahig at punung-puno na rin ng dugo at sugatan.
Sa hindi kalayuan ay natanaw niya ang dalawang pamilyar na lalaki na papunta sa direksyon niya habang may tinatakbuhan kaya mabilis itong nagtago. Pagkatapat ng dalawa sa direksyon niya ay mabilis niyang tinakpan ang bibig nila at iniharap sa kanya, "Where are the others?" tanong niya kina Stephen at Dustin na kumalma naman nang makita siya ng mga ito.
"Anong ginagawa mo dito?" hindi makapaniwalang tanong ni Stephen. Napatingin naman si Nashielle sa paligid bago ibinalik ang tingin sa dalawa, "The plan has changed. Alam na ni Mr. Wilford ang lahat kaya bago pa man niya mapigilan ang pagtakas natin, kailangan na nating makalabas. I'm sorry to say pero hindi lahat matutulungan nating makalabas. Anytime, pwedeng sumabog ang lugar na 'to. Kaya tinatanong ko kayo kung nasaan ang iba?"
Nagkatinginan naman ang dalawa. May mga sugat rin sila at duguan. Napatingin si Nashielle sa tagiliran ni Dustin na dumudugo, "Nahiwalay ako kay Caleb." saad ni Stephen.
"I've been badly hurt kaya iniwan ako ni Oliver sa isang lugar kung saan hindi ako makikita...pero may nakakita pa rin sa akin that's why I had no choice but to run...kaya nagkahiwalay rin kami." pahayag naman ni Dustin na napaupo at napadaing sa sakit habang nakahawak sa tagiliran nito.
"Kailangan nating maghiwa-hiwalay para sabihan ang lahat na hanapin si Felicity. Hindi ko alam kung napasabog na ba niya ang wall pero kailangan na nating umalis. Ayaw ko mang sabihin pero hindi lahat ng estudyante maililigtas natin." napatingin naman si Stephen kay Dustin na nahihirapan kaya ganon na rin ang ginawa ni Nashielle.
"Hanapin mo na sila Sean at Felicity, Dustin. Mauna ka na at hintayin niyong makabalik kami." saad niya ngunit umiling si Dustin.
"N-no..." napasandal ito sa pader at muling napadaing sa sakit, "Mahihirapan tayo sa paghahanap kung kayong dalawa lang, I will help." saad nito.
"Kaya mo ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Nashielle na ikinatango nito.
Sabay-sabay naman silang napatingin sa buong wall. Ilang araw pa lang simula ng mawala ang electric barrier nito. Napatakip sila ng tainga nang bigla itong tumunog ng malakas at magmula sa pinakailalim nito ay may mga naglitawang kulay pulang ilaw. Dahan-dahan nilang ibinaba ang kamay nila at napatayo habang nakatingin pa rin sa pinakailalim na parte ng wall.
"What is that?" nagtatakang tanong ni Stephen.
"That's the timer of the explosive wall." wala sa sariling saad ni Nashielle.
"Faster! Kailangan nating mahanap ang iba! Sabihan niyo rin ang ibang estudyante na sumama sa inyo! We need to save as many as we can!" mabilis niya silang tinalikuran kaya muli naman silang nagkahiwa-hiwalay para hanapin ang mga kasama nila.
Anytime, the whole place will explode.
To be continued...