Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 95 - ♥♡ CHAPTER 83 ♡♥

Chapter 95 - ♥♡ CHAPTER 83 ♡♥

♡ Felicity's POV ♡

"Kailangan mo ba talaga akong samahan?" natigilan siya sa paglalakad at hinarapan ako, "I can't let you go alone." pahayag niya. Hindi ko ba alam kung bakit ko nararamdaman 'to sa tuwing sinasabi niya 'yon. Espesyal ba ako para sabihin niya 'yan sa akin?

Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil sa sinabi ni Sean. Tumango ako habang nakatingin sa kung saan, "S-sige. Ikaw bahala." saad ko at nag-umpisa na ako sa paglalakad lalo na't kailangan na rin naming magmadali.

Natigilan ako bigla nang hawakan niya ang braso ko at iharap sa kanya, "I want to tell you something pagkalabas natin sa lugar na 'to." bigla na lang nag-init ang pisngi ko nang sabihin niya 'yon. Isama mo pa yung pagngiti niya. Nagpapacute ba siya? Tsk! Nakakainis na!

"T-tungkol saan naman?" tanong ko na hindi siya magawang tignan ng diretso, "Malalaman mo rin." sagot niya na nilagpasan ako kaya napakunot ang noo ko bago ko naisipang sumunod na rin sa kanya.

Habang naglalakad kami, inilabas ko ang detector na binigay sa akin ni daddy. Dito ko kasi malalaman kung saang parte ng wall ang pinaka-safe na pasabugin pero matatagalan dahil sa laki ng lugar na 'to. Habang papalapit kami sa wall ay bigla naman akong hinila ni Sean papunta sa isang tagong lugar na ikinagulat ko, "Ano bang problema mo-- " natigilan ako ng takpan niya ang bibig ko gamit ang isang kamay niya. Nakasandal ako sa isang pader habang nasa harapan ko siya at may tinitignan kung saan.

Sinenyasan niya akong huwag gumawa ng ingay bago niya ibinaba ang kamay niya kaya tumingin na rin ako sa direksyon na tinitignan niya, "Ano ba kasing tinitignan mo?" kasabay ng pagtatanong ko ay nakita ko rin ang tatlong lalaking nakamaskara na tila may hinahanap. Hindi nagtagal ay nawala rin sila sa paningin namin kaya nagkatinginan kami.

Natahimik na lang ako nang hawakan ni Sean ang magkabilang-balikat ko, "Listen to me, Felicity. Walang mangyayari kung magtatago lang tayo dito. We need to get out lalo na kailangan mo pang hanapin ang pinakamahinang parte ng wall dba? We have no time anymore kaya kung sakaling may mangyari man, don't hesitate to run and leave me. I'll take care of everything kung sakaling wala na rin tayong choice." pahayag nito at may kung anong lungkot akong naramdaman. Iba ang nararamdaman ko sa mga sinasabi niya.

"B-bakit ka naman ganyan magsalita, Sean? Hindi naman mangyayari 'yon." saad ko dito. Sandali siyang napaisip bago tumango at ngumiti, "Let's just hope that it won't happen." pahayag niya. Ibinaba nito ang dalawa niyang kamay at inilahad ang isa niyang kamay kaya napatingin ako doon, "Will you trust me?" tanong niya kaya napatitig ako sa mga mata niya habang nakangiti ito.

Paglabas natin dito, may sasabihin rin ako sa'yo, Sean.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya, "I trust you, Sean Raven." tumango ako kaya mas lalo pa siyang napangiti. Lumabas na kami sa pinagtataguan namin habang mahigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya na nasa unahan ko. That moment, hindi ko na rin napansin ang mga bagay sa paligid ko dahil siya lang ang nakikita ko.

Pagkalapit namin sa wall ay napatingala ako dahil sa taas nito. Itinapat ko doon ang hawak kong detector habang umaasang mahahanap ko ang dapat na hanapin. It will directly tell me the weakest part of the wall at kung iilaw man ito ng kulay puti, ibig sabihin ang parteng 'yon ang hinahanap ko kaya paulit-ulit ko itong tinitignan, "May problema ba?" napatingin ako sa kanya at binitawan niya ang kamay ko.

"Wala dito ang hinahanap natin, Sean. Kailangan nating ikutin pa ang buong campus hanggang sa mahanap natin kung saan." pahayag ko na ikinatango niya. Nag-umpisa na akong maglakad habang nakatapat sa wall ang hawak kong detector. Umaasa ako na iilaw ito ng kulay puti pero wala pa rin.

Napatingin naman ako kay Sean na nawala naman sa tabi ko. Tumingin ako sa likuran at doon ko siya nakita na nakasunod sa akin, "Start searching, I'll be right here." pahayag niya kaya tumango ako at muling naglakad.

Lumipas ang ilang minuto ng paglalakad namin, nakarinig kami ng sunud-sunod na mga pagsabog kaya napayuko kami at muling hinanap ng mata namin kung saan nanggagaling 'yon hanggang sa mapatingala kaming dalawa nang makakita kami ng isang makapal na usok na nanggagaling sa kung saan.

Mabilis akong tumayo at mas nagmadali pa sa paglalakad dahil sa nangyari. Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba hanggang sa napunta kami sa pinakasulok ng campus at may napansin ako kaya napatingin ako kay Sean na nagtaka naman sa ginawa ko.

"Sean, wala ka bang napapansin?" tanong ko sa kanya na lumapit naman sa akin, "Saan?"

Napatingin ako sa paligid, "Parang walang nanggugulo sa atin kahit kanina pa tayo naglalakad? Tingin mo ba napatay na sila ng buong grupo?"

Napatingin din siya sa paligid at mas lumapit sa akin para bumulong, "Kanina pa sila nakasunod sa atin." tumayo ang balahibo ko nang sabihin niya 'yon hanggang sa lumayo siya kaya diretso kaming nagkatitigan, "A-ano? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?!" kinakabahan ngunit pabulong kong tanong sa kanya.

"Marami sila, Feli." dagdag pa niya na seryoso ang tingin kaya tila nanlamig ako, "Then let's just fight them. Kaya naman natin sila."

"Kaya ko silang labanan ng mag-isa, pero kung kasama ka, hindi ko sila malalabanan. I can't risk your life that's why..." muli siyang lumapit sa akin at bumulong, "I need you to run and hide now."

"N-nooo! Tingin mo ba iiwan kita dito? Labanan natin sila, Sean. Hindi mo sila kayang mag-isa!" pagpupumilit ko sa kanya.

"Kung nagawa nila tayong sundan, ibig sabihin the group weren't able to kill them...it only means mahirap silang kalabanin, Felicity. Ikaw na lang ang pag-asa ng lahat para makalabas and I can't let something bad happen to you...kaya ako ng bahala dito at gawin mo na ang dapat mong gawin." saad pa nito na ikinailing ko at hinawakan ang isang braso niya.

"No! Hindi kita iiwan dito! Lalabanan natin sila!" pagpupumilit ko sa kanya. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang braso ko kaya naibaba ko ang kamay ko at diretso kaming nagkatinginan, "Can't you just listen to me?! Hindi natin sila kaya, Felicity!" galit na saad nito hanggang sa tumulo ang luha ko na ikinatigil niya.

"Hindi pala natin sila kaya pero bakit gusto mong labanan sila ng mag-isa?"

"Kailangan ko silang pigilan para sa'yo! Naiintidihan mo ba? Walang pwedeng mangyari sa'yo!" pagpupumilit niya pero kahit pa anong sabihin niya, hindi ko siya iiwan.

"Kung iiwanan kita dito paano ko maririnig yung sasabihin mo sa akin kapag nakalabas tayo? Kaya hindi Sean. Hindi ako aalis." saad ko kaya napabuntong-hininga siya. Naibaba niya ang kamay niya at tumango, "Fine. J-just don't get killed. Pleaseee!" pakiusap pa niya pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya ganito ngayon. Nangungusap rin ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

Napaluhod na lang ako at biglang napatakip ng tainga dahil sa sunud-sunod na pagsabog na narinig namin. Naramdaman ko naman ang mabilis niyang pagyakap sa akin at mabilis rin siyang lumayo nang makita niyang maayos ako. Hindi nagtagal ay unti-unti kaming napatayo ni Sean nang matanaw namin ang wall.

Umilaw ang pinakailalim na parte nito ng kulay pula at kitang-kita namin na nanggagaling 'yon mismo sa ilalim ng lupa, "Go!! You need to find it!!" sigaw ni Sean kaya napatingin ako sa kanya. May parte sa akin na ayaw siyang iwan at may parte rin na gusto kong sundin ang sinasabi niya lalo na't isa-isa ring nagsilabasan ang mga lalaking nakamaskara. Pareho kaming napatingin sa kanila kaya hinila ako ni Sean sa likuran niya. There were totally eight of them.

"Wala na tayong oras, Feli." hinarapan niya ako at hinawakan ang isa kong kamay habang may lungkot sa mga mata nito ngunit ngumiti pa rin siya, "Go before it's too late." pakiusap pa niya kaya napailing ako at muling naiyak.

"Don't worry, nothing will happen to me. I'll catch up. Kailangan ko lang silang tapusin." saad niya na binitawan ang kamay ko at muli niya silang hinarapan, "Babalikan kita, Sean." pahayag ko sa kanya.

Ayaw kong mawala ang pag-asa ng lahat dahil lang sa pansarili kong kagustuhan na huwag siyang iwanan kaya kahit na ayaw ko siyang iwan, kinailangan ko dahil nasa akin rin ang pag-asa ng lahat para makalabas. Muli akong lumapit sa wall at mabilis na naglakad habang nakatutok doon ang detector na hawak ko. Halos nalibot ko na ang buong campus pero hindi pa rin ito umiilaw.

Muli akong tumingin sa likuran sa pagnanais na makikita ko si Sean pero halatang nakalayo na ako, "F*ck!" natigilan ako at napatingin sa harapan nang may makabanggaan ako kaya mabilis akong lumayo sa kanya lalo na't duguan ito at puno ng sugat.

Napatingin siya sa akin habang nakahawak sa braso niyang may malalim na sugat, "F-finn?" tanong ko nang makilala ko siya, "Feli?!Hinahanap ko ang mga kalaban ko pero bigla silang nawala. I-ikaw ba? Anong ginagawa mo dito?!" nabigla rin siya nang makita ako, "Nasaan si Sean?" tanong pa niya na napatingin sa likuran ko kaya umiling ako.

"Maraming humahabol sa amin kaya pinauna niya ako para pigilan sila...kaya kailangan mo akong samahan, Finn." napahawak ako sa kanya habang nangungusap ang mga mata ko, "Hindi mo pa rin ba nahahanap?" napailing na lang ako ulit dahil sa tanong niya, "Masasamahan mo ba ako?" tanong ko na ikinatango niya.

"Sige sasamahan kita tapos balikan natin si Sean." pahayag niya kaya napangiti ako at ipinagpatuloy ko na ang paglalakad. Napatakbo na rin ako dahil iba ang nararamdaman ko lalo na't naaalala ko si Sean. Muli akong napatingin kay Finn nang hawakan niya ang braso ko.

"They won't stop chasing you. Make it faster, I'll stop them." napatingin ako sa likuran niya at kagaya ng sitwasyon namin ni Sean kanina ay may lumitaw ring tatlong lalaki sa paligid namin. Wala na akong nagawa kundi ang tumango at muling nagmadali habang hinarangan naman sila ni Finn.

Pagdating ko sa pinakadulo ng wall ay nanlaki na lang ang mata ko nang umilaw ang hawak kong detector. Napangiti na lang ako at napatingin sa baba. Mas lalo pang umilaw ng kulay pula ang ilalim na parte nito na ibig sabihin ay pabilis ng pabilis ang timer kaya katulad ng sinabi ni dad, tinignan ko ang paligid na tahimik habang napupuno na rin ng usok ang buong campus.

Nang masiguro kong walang nakasunod sa akin ay mabilis kong idinikit ang detector sa wall at nang maiayos ko 'yon ay pinindot ko ito para umpisahan na rin ang timer. Muli akong napangiti nang makita ko ang salitang '30 seconds' kaya mabilis na rin akong lumayo mula doon at nagtago sa isang sulok.

Hinintay kong matapos ang tatlumpung segundo at pagkalipas noon ay napayuko ako at napatakip ng tainga nang sumabog rin ito. Napahiga na rin ako sa sahig dahil sa lakas ng epekto nito.

Unti-unti kong iminulat ang mata ko at nagkalat ang mga bato, bakal at kable sa sahig na nanggaling sa wall habang napupuno ng usok ang buong lugar. Dahan-dahan akong tumayo at dahil sa kapal ng usok ay napaubo na lang ako at napapikit.

Nang muli kong imulat ang mata ko, unti-unti na ring naglaho ang usok kaya muli akong lumapit sa wall na ngayon ay sira na. Pumunta ako sa mismong kinalalagyan nito at mabilis akong napaatras nang sumalubong sa akin ang napakalakas na hangin habang nakatingin ako sa ilalim. Tila isa itong bangin at isang napakalawak na katubigan ang nakita ko.

Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko si Finn na hinihingal at halos kakarating lang bago ko muling ibinalik ang tingin sa labas, "Kailangan ba nating tumalon dito?" tanong niya na nakatingin din sa pinakababa. Dad never told me na ganito ang sasalubong sa amin. Hindi niya rin sinabi kung paano kami makakalabas.

"If it's the only way, we have no choice." at bumalik ang tingin ko kay Finn na nakatingin na rin sa akin, "I never thought na sa mismong tabi ng dagat nakatayo ang lugar na 'to." dagdag ko pa. Sobrang dilim din at taas ng mga alon. Bukod pa sa tubig ang nasa baba ay marami ring malalaking bato.

"Let's find them and escape this place together." napatingin ako kay Finn na napangiti kahit hinang-hina na siya hanggang sa may maalala ako kaya napatingin ako sa paligid, "Si Sean." wala sa sariling saad ko na mabilis na tumakbo kaya napasunod na rin si Finn sa akin.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Ang sabi niya susunod rin siya agad pero bakit wala pa siya. Binalikan ko ang lugar kung saan ko siya iniwan kanina at sa hindi kalayuan ay nadatnan kong hawak-hawak siya ng dalawang lalaki habang nakaluhod ito sa sahig. Duguan na rin siya at punung-puno ng sugat na halatang nanghihina na.

May isang lalaki sa harapan niya na bigla siyang sinaksak sa balikat nito kaya napasigaw siya sa sakit. Mabilis ko silang nilapitan at inatake ang mga lalaki kaya sinamahan din ako ni Finn. Mula sa tatlong lalaki na kalaban niya ay nakahandusay ang iba pa sa sahig.

Habang kinakalaban namin sila ay biglang dumating sina Nashielle, Roxanne, Clyde, Dave, Dustin, Oliver, Stephen at Caleb na sinamahan na rin kami sa pakikipaglaban. Habang abala silang lahat ay nilapitan ko si Sean na nakaluhod pa rin at pilit na tinanggal ang pagkakasaksak niya sa balikat nito.

Lumuhod ako sa harapan niya at inalalayan siya kaya napatingin naman siya sa akin, "I found it. Let's escape together, Sean." saad ko na napangiti kaya kahit hirap na hirap na siya ay ngumiti din ito at tumango.

Napatingin ako sa mga kasama namin nang biglang matahimik. Ang iba sa kanila ay nakahiga na sa sobrang pagod at ang iba ay nakaupo na habang si Nashielle lang ang natirang nakatayo. Lahat kami ay duguan at sugatan na rin. Lahat ng kalaban namin ay nakahandusay na sa sahig.

"Nasaan ang iba?" napatingin kaming lahat kay Nashielle na isa-isa kaming tinitignan. Napansin ko rin na wala pa sina Kuya at Syden.

"Nahanap mo na ba, Felicity?" tanong niya sa akin kaya tumango ako.

"Wala na tayong oras, we need to find them at sabihan ang ibang estudyante na sumama sa atin. Sigurado na rin akong tumatakas na ang iba ngayon." pahayag pa niya kaya nagsitayuan kami at inalalayan ko ulit si Sean. Nasa kaliwa niya ako.

Inumpisahan na rin namin ang paglalakad kaya sumunod kami kay Nashielle hanggang sa muli nanaman akong makaramdam ng kung ano. Parang may mali.

Naramdaman ko ang isang bagay na tila papunta sa direksyon namin ni Sean kaya mabilis kong ipinagpalit ang pwesto namin at lumipat ako sa kanan niya. Huli na nang mapansin kong wala akong hawak na kahit na anong armas. Naramdaman ko na lang ang mabilis na pagtulak sa akin ni Sean kaya napasalampak ako sa sahig at mabilis na napatingin sa kanya. Kitang-kita ko ang mabilis na pagdaan ng kutsilyo sa mismong gilid ng leeg nito na ikinatigil naming lahat.

Mabilis kong kinuha sa bulsa ni Dave ang kutsilyo dahil siya ang pinakamalapit sa akin. Tumayo ako agad para ihagis ito sa direksyon kung saan nanggaling ang tumamang kutsilyo kay Sean. Kahit malayo ay kitang-kita kong tumama 'yon sa dibdib ng isang lalaking nakamaskara hanggang sa unti-unti itong napahiga sa sahig.

Hindi ko magawang tumingin sa likuran ko kung nasaan si Sean lalo na nang mapansin kong tila nanigas ang buong grupo sa kinatatayuan nila habang nakatingin sa direksyon niya.

Unti-unti akong humarap sa kanya kaya napaatras na lang ako habang diretso ang tingin sa kanya. Diretso rin ang tingin niya sa akin habang unti-unting sumisilay sa mga labi nito ang isang ngiti. It wasn't a happy smile. There was sadness and pain in his eyes. Magiging masaya na sana ako na makitang ok lang siya pero hindi.

Bigla na lang lumabas ang maraming dugo mula sa gilid ng leeg nito.

M-maraming dugo ang lumalabas.

Sinubukan niyang magsalita ngunit hindi na niya nagawa dahil tuluy-tuloy ang pagtulo ng maraming dugo kaya nalaman kong malalim ang sugat na natamo niya. Unti-unti siyang bumagsak kaya bago pa man 'yon mangyari ay inalalayan ko na siya at isinandal ang likuran nito sa isang malaking bato, "S-sean...y-you can do this!! S-sugat lang 'yan!! Ano ba?!" nag-umpisa na akong manginig habang nakatingin siya sa akin kaya nagpumilit itong ngumiti at tumango.

"K-kahit anong mangyari, lumaban ka! Makakalabas na tayo, Sean! Ilang minuto na lang at makakalabas na tayo!!" saad ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Sobra-sobra na rin ang panginginig ko dahil sa sitwasyon niya.

"I-i know.." mahinang saad nito na napapapikit kaya hinawakan ko ang isang pisngi niya, "Sean, pleaseee stay with me!! H-huwag ka namang ganyannn!!" pakiusap ko sa kanya na muling iminulat ang mga mata niya, "Dba may sasabihin pa tayo sa isa't isa paglabas natin dito?" tanong ko.

"B-baka hindi...hindi ko na magawa, F-feli..." hinawakan ko ang leeg niya para pigilan pa ang paglabas ng maraming dugo, "N-no, no! K-kaya mo 'yan!! Makakalabas na tayo, ngayon ka pa ba susuko?!! Huwag na huwag mong gagawin yan, Sean! I swear, huwag mo naman akong biruin ng ganito!!" pakiusap ko sa kanya. Muli naman itong nagpumilit na ngumiti, "Y-you're something...special to me..." at mas lumalim pa ang paghinga nito kaya umiling ako, "Sean ano ba?! Huwag ka namang ganyan!! Kaya mo 'yan! Huwag kang susuko! Huwag ka na lang magsalita para hindi ka mahirapan!! Konting tiis na lang, makakalabas na tayo!!!"

"Anong nangyayari dito?" napatingin kaming lahat kay Syden at halos kakarating lang nila ni kuya. Tahimik na nakatayo ang buong grupo na hindi pa rin maisaisip ang nangyayari dahil lahat kami nabigla. Napatingin si Syden sa gawi namin at natigilan din siya habang nakikita ang sitwasyon ni Sean.

Unti-unti siyang lumapit sa amin at napalunok pa ito, "A-anong nangyari?" lumuhod siya sa tapat ko at hinawakan ang magkabilang-pisngi ni Raven na dahilan para imulat nito ang mata niya, "W-what happened you, my twin brother? Huh?" tanong ni Syden. Magsasalita pa sana si Raven ngunit hindi na niya nagawa dahil sa dami ng dugo na lumalabas mula sa leeg nito.

"B-bakit ka nagkaganito?" tanong pa ni Syden ngunit tahimik pa rin kaming lahat, "Sinong may gawa nito, Raven?"

"Anong nangyari dito?! Bakit walang nagsasalita?!" sigaw ni Syden na napatayo at halos lahat kami ay hindi makapagsalita, "S-sorry..." pahayag ko habang umiiyak kaya napatingin siya sa akin, "H-hindi namin nakita. Nabigla kami sa nangyari-- "

"Hindi niyo nakita ang alin?! Anong katangahan 'to?!" sigaw niya sa amin habang lumuluha siya. Mabilis siyang napaluhod at muling hinawakan ang magkabilang-pisngi ni Raven. Nag-umpisa na rin siyang umiyak, "Raven, hold on for a second. Malapit na tayong makalabas." saad niya dito.

Nagpumilit na ngumiti si Sean at pinilit rin na buksan ang mga mata nito kahit hirap na hirap na siya, "P-promise me to get out...of this place alive, m-my twin sister." mas napaiyak kaming lahat nang bumilis nang bumilis ang paghinga niya na tila anumang oras ay mawawalan siya ng hininga kaya umiling si Syden, "O-oo naman...basta kasama kita. Hindi ba pinangako natin sa buong grupo na sabay-sabay tayong lalabas? Kaya lumaban ka!!! C-can't you see? Malakalabas na tayo?" pahayag niya dito habang umiiyak.

"D-do you still...remember our little brother?" mahinang tanong niya at ang bawat paghinga niya ng malalim ay ang paghikbi namin.

"O-of course." tumango si Syden na ikinangiti ni Sean, "I-i want to meet him..." saad pa nito na mas lalong nakapag-paiyak kay Syden, "Pleaseee don't! Huwag mo namang gawin sa amin 'to, Raven! Pleaseee! Nangako tayong sabay tayong lalabas dba?! Kaya huwag kang magsalita ng ganyan!" pakiusap pa niya, "Y-you should tell....mom and dad...that I've finally grown..as a man..."

"N-nooo! I-ikaw dapat ang magsabi sa kanila niyan, hindi ako Raven!!"

Dahan-dahan itinaas ni Sean ang isang kamay niya para hawakan ang pisngi ni Syden, "Heaven and I...are really proud of you...I will always protect you...m-my twin sister. I feel like...I am the luckiest twin brother...b-because of you..." mahinang saad nito na ikinailing ni Syden.

Mas lalo pang bumuhos ang mga luha namin ng unti-unti niyang ipikit ang mga mata niya at kusang naibaba ang kamay niya kaya napatakip ako ng bibig at hindi na napigilan ang malakas na paghikbi. Niyakap na rin ni Syden si Sean, "B-bakit kailangang mangyari pa 'to?!" tila mawawalan ng boses si Syden dahil sa pag-iyak nito.

Napaupo ang iba at napahawak sa ulo nila. Si Dave naman ay galit na galit na sinuntok ang pader dahilan para dumugo ang kamay nito. Lahat kami, pare-pareho ng nararamdaman dahil sa nangyari kay Sean.

Kasabay ng pag-iyak namin ay biglang tumunog ang mga pulang ilaw na nasa ilalim ng mga wall, hudyat na sa ilang segundo ay sasabog na ang buong lugar, "W-we need to go now." saad ni Nashielle ngunit tila walang narinig ang buong grupo.

Mas lalo pang niyakap ni Syden si Raven nang hawakan siya ni kuya sa braso nito, "K-kailangan na nating umalis." malungkot na saad ni kuya na ikinailing naman niya, "Nooo!! Hindi ko iiwan si Raven dito!!" walang nagawa si kuya kundi bitawan siya. Mahirap tanggapin para sa amin ang nangyari dahil lalabas na lang kami pero may nangyari pang ganito. Kasalanan ko lahat 'to!

"Alam kong mahirap...pero kailangan nating kayanin." mahinang sambit ni Nashielle. Tumayo kaming lahat habang pinupunasan ang mukha namin dahil sa pag-iyak pero nakayakap pa rin si Syden kay Sean habang umiiyak pa rin ito, "Syden, tara na." pakiusap ni Nashielle na ikinailing niya.

"Ayoko sabi!" sigaw nito hanggang sa mahigpit siyang hinawakan ni Nashielle sa braso nito at sapilitan ipinatayo para iharap sa kanya, "Kung ayaw mong may mamatay pa sa mga kasama mo, kailangan mong tanggapin ang totoo!" sigaw niya dito.

"Wala kang karapatan na sabihin sa akin 'yan dahil wala ka sa posisyon ko!" galit na saad ni Syden.

"Nawalan din ako ng mahal sa buhay!" sigaw ni Nashielle na nakapagpatahimik kay Syden, "Si Zorren, si Nash, si Julez, si Ms. Freud, si Fortune!!! Kaya 'yang nararamdaman mo, mas doble pa sa nararamdaman ko dahil ni isa, walang natira sa akin!!" galit na saad nito at lumuha na rin siya na mabilis naman 'yong pinunasan, "Kaya huwag mong sasabihin sa akin na hindi ko alam kung anong pakiramdam ng mawalan!" saad niya na tinalikuran na kami kaya kahit mahirap tanggapin, sumunod kami sa kanya. Tila bawat hakbang, sobrang bigat sa pakiramdam.

To be continued...