Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 88 - ♥♡ CHAPTER 78.0 ♡♥

Chapter 88 - ♥♡ CHAPTER 78.0 ♡♥

♡ Julez's POV ♡

Bigla na lang nagkagulo nang sumabog ang game room kaya alam kong nag-uumpisa na rin ang plano. Sa pagkakatanda ko, kasama sa plano na habang pinapatay ni Dean si Savannah, kasama niya si Finn para tulungan siya. Nagtaka na lang ako dahil biglang pinuntahan ng grupo si Dave kaya sinabihan nila akong huwag aalis dito sa kwarto niya kahit na alam nilang hindi talaga ako umaalis. Pagkalipas ng ilang oras , hindi na ako mapakali kaya sinubukan ko silang hanapin kahit delikado.

Habang hinahanap ko sila, nakarinig ako ng ingay sa isang tagong kwarto kaya lumapit ako sa pintuan para sumilip hanggang sa makita ko ang grupo at si Finn na walang malay na nakatali sa upuan. Nanlaki ang mata ko nang binuhusan nila siya ng malamig na tubig kaya nagising siya, mabilis akong tumakas para humingi ng tulong dahil paniguradong walang kasama si Dean ngayon.

Hindi na ako lumalabas sa kwarto ni Dave pagkatapos naming mag-usap ni Dean noong isang araw kaya siguradong iisipin din ni Dave na hindi ako aalis pero hindi pwedeng wala akong gawin. Nasa panganib si Dean ngayong hindi pa naman talaga maayos ang lagay niya.

Anumang oras, pwedeng umatake ang sakit niya and it would turn out worse. Hindi ko rin alam kung bakit kinuha ng Vipers si Finn. Siguradong may kailangan sila sa kanya kaya kailangan kong mahanap agad ang presidente na abala rin sa pag-ubos ng iba pang tauhan ni Savannah.

Hindi ko alam kung paano ko sila hahanapin dahil siguradong abala silang lahat na gawin ang plano. Ngunit hindi rin naman nagtagal ay nakasalubong ko ang presidente, "Julez? What are you doing here?" tanong niya nang makalapit sa akin habang tinitignan ang paligid, "Alam mo ba kung nasaan si Dean?" nag-aalalang tanong ko.

"No, hindi ko pa sila nakikita ni Finn."

"Phoenix was taken by Vipers, Fortune. Hindi sila magkasama ni Dean." saad ko na ikinagulat niya, "What?!"

"Kaya nga hinahanap kita dahil nag-aalala ako kay Dean."

"How did this happen?!"

"Hindi ko rin alam. Pinapahirapan nila si Finn ngayon, anytime baka magsalita siya lalo na't sigurado akong nag-aalala siya kay Dean. Do you have any idea kung nasaan yung kwarto na itinatago ni Savannah?"

"No. Ilang oras na nilang hawak si Finn?"

"I don't know pero halos dalawang oras akong nasa kwarto ni Dave, lumabas ako para hanapin sila hanggang sa malaman kong hawak na nila si Finn."

"Let's find Dean first." saad niya na nilagpasan ako, "What about Finn?"

"Pagkatapos nating mahanap si Dean, babalikan natin si Phoenix." saad nito kaya sinundan ko na siya ngunit sa bawat paglakad namin, may mga nakakasalubong kaming siguradong tauhan ni Savannah kaya kinakalaban namin sila, dahil kasama ko si Fortune, hindi naman naging mahirap para sa amin na mapatumba sila dahil sa buong dark eagle, siya ang pinakamagaling. Hindi nga lang niya kakayaning mag-isa dahil marami ang tauhan ni Savannah kaya kinailangan niya kami.

Natigilan na lang kami nang makita naming nakabukas ang pintuan ng library na matagal ng sarado kaya hindi nagdalawang-isip na pumasok ang presidente doon. There were also footsteps with blood na papalabas sa library. Sa bandang dulo kung nasaan ang records' office, maraming mga tauhan niya at ni Savannah ang nakasalampak sa sahig at walang malay kaya mabilis kaming pumunta doon.

Nakita naman namin ang isang tagong pintuan sa tabi ng book shelf kaya nagmadali kaming lumapit doon. Bahagyang nakabukas ang pintuan ngunit pagpasok namin, ang walang buhay na si Savannah ang nadatnan namin sa sahig. Sa pinakagitna, napansin namin ang isang bagay na sirang-sira na, "This is the other secret room." mahinang saad ni Fortune na muling lumabas. Nilapitan niya ang isa sa mga tauhan niya nang makita niyang gumalaw ito kaya lumuhod siya at tinanggal ang maskara nito.

Umubo ito ng dugo na halatang nahihirapan na rin, "Where's Dean?" tanong ni Fortune.

"M-marami pang tauhan si Savannah...m-miss president. M-may isang nakatakas...k-kaya alam na ng lahat-- ng tauhan niya...n-na pinatay ni Dean si Savannah. W-we tried to stop them but we couldn't. Dean is on the run...t-they will kill him."

"What?!"

"G-go, miss president. H-he might be able to make it kapag kaagad niyo siyang nahanap...duguan siya at puno ng sugat. H-hinang-hina na rin siya." napatayo ang presidente at mabilis na naglakad papalabas kaya sumunod ako sa kanya, "We really need to find him or else..." napatingin siya sa akin at natigilan kaya hindi ko na rin maiwasan na kabahan, "He's gonna die."

Bago pa man kami makapaglakad ulit palabas, napaatras kami ng salubungin kami ng napakaraming tauhan ni Savannah, "What the hell are you doing, hindi niyo ba nakikilala ang presidente?" sigaw ko ngunit patuloy sila sa paglapit sa amin, "You deceived us, miss president. Alam na namin na kasabwat ka ni Dean and this is against Mr. Wilford's command."

"Why didn't you tell me na ganito sila karami?" mahinang tanong ko kaya tinignan niya ako, "Go, Julez." napatingin ako sa kanya na puno ng pagtataka, "What?!"

May kinuha siya sa bulsa niyang isang maliit na bote, may lamang likido ito at ibinigay sa akin, "Go and find Dean Carson at ibigay mo sa kanya 'to. I made this for Bliss Syden."

"Are you sure?"

"Mahihirapan tayong hanapin si Dean kung pareho tayong lalaban. I'll take care of this. Please, Julez...save Dean Carson." pakiusap niya kaya kinuha ko ang maliit na bote sa kamay niya at tumango, "Be careful, Fortune." saad ko na ikinatango niya. Pagkalusob nila sa amin ay nilusob na rin sila ng presidente kaya nagmadali akong lumabas.

Sa tuwing may humaharang sa akin ay nilalabanan naman ng presidente. Bago ako tuluyang umalis, napatingin ako sa direksyon niya na patuloy sa pakikipaglaban. We thought that she was a bad person who only had greed for power, but we were all wrong. The president has a good heart. She must be so proud to show herself without her mask. She doesn't deserve it.

Mabilis na akong tumakbo habang nilalabanan nila siya para hanapin si Dean. There were footsteps with blood magmula pa kanina sa records' office kaya kung susundan ko 'to, baka mahanap ko si Dean. Sinundan ko 'yon habang tinitignan ko pa rin ang paligid para siguraduhin na walang aatake at makakakita sa akin.

Napansin ko na lang na nasa ground floor na ako hanggang sa makalabas ako ng building dahil nasira ang ibang parte lalo na ang main door na dating sarado. Nagkakagulo na ang lahat at tinignan ko ang buong campus kung saan ang ibang parte ay nasusunog na. Patuloy ako sa pagsunod sa mga yapak hanggang sa biglang mawala ito kaya hindi ko na alam kung saan ako pupunta at natigilan ako sa gitna.

Hindi kalayuan sa Death building na nasa tapat ko, nakita ko ang ibang tauhan ni Savannah na pumasok doon kaya sinundan ko sila. Marami rin akong nakakasalubong na mga estudyanteng nagkakagulo at takot na takot, patuloy sila sa pagtakbo.

Pagpasok ko sa building, wala ng gaanong tao. Sinundan ko ang mga tauhan ni Savannah na pumasok sa isang kwarto na nasa pinakadulo at habang papalapit ako doon ay nakakarinig ako ng mga ingay tila nagkakagulo. Mabilis akong lumapit doon hanggang sa makita kong mag-isa na lumalaban si Dean.

Pagod na pagod na siya, duguan, sugatan at halos hindi na niya mabuksan ang mata niya ngunit patuloy pa rin sa paglaban...ngunit marami silang nakapalibot sa kanya. Nakita kong unti-unti niyang naihulog ang hawak niyang kutsilyo at nanlaki ang mata ko ng biglang may humampas sa ulo ito na isang tubo kaya napahiga ito sa sahig. Nagmadali akong lumapit doon at nilabanan sila kaya sa akin napunta ang atensyon nilang lahat.

Habang papalapit sila sa akin, sinipa ko ang isang upuan papunta sa kanila at kumuha ng iba't ibang gamit para ihagis sa kanila lalo na't wala pa akong dalang armas. Nagpahabol ako sa kanila papalabas ng kwarto para ilayo si Dean sa kanila. Maraming sira-sirang gamit ang nagkalat sa hallway kaya't tumalon ako ng may maadanan akong lamesa ngunit pagkatalon ko, may isang tali na sumabit sa binti ko kaya nahulog ako at ramdam ko ang pagkirot ng likuran ko.

Nakita kong unti-unti silang lumapit sa akin at ang nakatali sa paa ko ay tila isang latigo habang ang dulo nito ay hawak ng isa sa kanila. Nang makita ko ang isang maliit na kutsilyo sa tabi ko ay mabilis kong kinuha 'yon at mabilis na pinutol ang nakapalupot sa binti ko.

Aktong ihahampas nito sa akin ang latigo ay mabilis ko namang naiwasan at inihagis sa kanya ang kutsilyo kaya tumama ito sa leeg niya dahilan para lusubin ako ng iba pa. Mabilis akong tumakbo hanggang sa lumusot ang paa ko sa mismong dinadaanan kong kahoy na tila isa itong patibong.

Pinilit kong iangat ang paa ko pero hindi ko nagawa lalo na nang maramdaman ko na lang ang paghapdi ng likuran ko nang ihampas ng isa sa kanila ang hawak nitong latigo. Nakita kong lahat sila ay may hawak na ring latigo.

Napasigaw ako sa sakit ng paulit-ulit nilang ihampas sa akin ang mga hawak nila. Alam kong mahihirapan ako pero pinilit kong iangat ang paa ko dahilan para masugatan ang buong binti ko at pinilit kong tumakbo kahit na iika-ika ako hanggang sa makarating ako sa pinakadulo kung saan sarado ang pintuan at wala na akong iba pang madadaanan. Nakita ko ang isang malapad na kahoy sa sulok kaya kinuha ko 'yon. Hindi ko rin maiwasan na mapadaing dahil sa hapdi at kirot na nararamdaman ko sa buong katawan ko. Nagbuntong-hininga ako nang maramdaman kong huminto sila sa likuran ko kaya hinarapan ko sila dahil wala na akong mapagpipilian pa kundi ang labanan sila. Walo silang lahat ngunit biglang umalis ang tatlo at alam kong babalikan nila si Dean kaya kailangan ko silang patumbahin agad, "Come." seryoso kong saad kaya nilusob nila ako. Ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko kahit mahirap silang labanan.

Ilang beses rin akong natamaan ngunit hindi 'yon naging rason para tumigil ako. Hanggat kaya ko, lalaban ako. Pagkalapit ng isa sa akin, mabilis ko siyang hinampas sa paa kaya napaluhod ito. Paulit-ulit ko silang nilabanan at tiniis ang sakit hanggang sa isa na lang ang matira at tila anumang oras, matutumba na ako ngunit pilit ko pa ring iminumulat ang mata ko. Naramdaman ko ang malakas na paghampas ng kung anong bagay sa ulo ko dahilan ng pagkahilo ko. Natumba ako sa sahig ngunit pinilit kong tumayo nang makita ko ang isang malapad na kahoy na papunta sa direksyon ko kaya umiwas ako at malakas na hinampas ang nag-iisang kalaban ko na naging rason ng pagkatumba niya.

Napahawak ako sa pader para kumuha ng suporta kaya nabitawan ko ang hawak kong kahoy. Kinuha ko ang dalawang kutsilyo na nasa bulsa ng lalaking nakasalampak sa sahig at pinilit kong maglakad papunta kay Dean na siguradong kinakalaban nanaman nila. Kinuha ko din ang gamot na pinapabigay ni Fortune kay Syden na nahulog ko kanina habang nakikipaglaban. Kagaya ni Dean, punung-puno na rin ako ng dugo at tila naputulan ako ng isang paa lalo na't namamanhid ito dahil kanina pa ang pagtulo ng maraming dugo.

Pagdating ko doon, nakita kong may tatlong lalaki na nakapalibot kay Dean. Ipinagtaka ko ang kilos nito dahil hawak niya ang isang kutsilyo at patuloy siya sa paghampas kaya hindi nila siya malapitan at alam kong pinagtatawanan siya. Napansin kong wala rin siyang tinititigan at nakatingin lang kung saan, "I-is he blind?" bulong ko at kusa kong nabitawan ang dalawang kutsilyo nang may maalala ako sa sinabi ni Fortune.

"Before he completely heals, his retinal migraine will attack him very hard and it would put him into a harder situation. He will experience temporary blindness in a short period of time."

Kaya ba ganito siya ngayon dahil wala siyang nakikita?

Mas lalo pa akong nanghina nang makita ko ang sitwasyon ni Dean. Ramdam niya ang tatlo na nakapalibot sa kanya ngunit dahil wala siyang makita, patuloy siya sa paghampas ng kutsilyo na halatang gusto niya pa rin silang labanan...ngunit halatang pinagtatawanan lang nila siya dahil sa lagay nito. Mabilis kong kinuha ang dalawang kutsilyo sa sahig at nilusob sila. Katulad noong una, nahihirapan din ako dahil marami na rin akong natamong sugat. Nang matamaan ako sa ulo, napahiga ako sa sahig dahilan para manlabo ang paningin ko at mabitawan ang hawak kong armas na kinuha naman nila. Ngunit nang matanaw kong sasaksakin na nila si Dean, mabilis akong tumayo at dahil wala akong armas, hinarangan ko na lang ito kaya ako ang nasaksak. Malaki ang naging epekto nito sa buong katawan ko. Napaatras ako at nakita ko ang itsura ng lalaki nang mahulog ang maskara niya, masama itong nakangiti sa akin habang hawak ng dalawang kamay ko ang isang kamay niya na nakahawak sa kutsilyong nakasaksak sa akin.

"I-i...I can't see anything." napatingin ako kay Dean nang bumulong ito dahil sa paghihirap niya. Nakita ko rin ang pagluha niya na unti-unting nabitawan ang hawak niyang kutsilyo at napaluhod kaya mabilis kong hinila papalayo sa katawan ko ang kutsilyo at mabilis 'yong isinaksak sa lalaking nasa harapan ko.

Mabilis kong nilapitan si Dean habang nakahawak ako sa tagiliran ko na dumudugo na mabilis rin niyang ikinaiwas, "It's me...Julez." saad ko dito na nakapag-pakalma sa kanya ng kaunti, "J-julez?"

"Let's get you out of here." nilapitan ko siya para alalayan pero itinulak niya ako kaya napaupo ako, "Get out of here." saad nito.

"What-- "

"Lumabas ka na, Julez. Iwan mo na ako!" galit na saad nito habang lumuluha na halatang wala pa rin siyang nakikita.

"Hindi kita pwedeng iwan dit-- "

"Can't you see?! I'm f*cking blind!! Wala kang mapapala kapag niligtas mo pa ako kaya umalis ka na!! I might not be able to protect you! I-i, can't even defend myself now..." at unti-unting itong nawalan ng boses dahil sa pag-iyak niya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang sobra-sobra na sa paghihirap.

"You don't need to defend yourself. I'm here, we're going to make it out alive!" pagpupumilit ko sa kanya na ikinailing niya, "No! I won't be able to make it! Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon ko?! I am just a useless piece of shit right now!"

"Why?! Ayaw mo bang balikan si Syden?! I thought you're doing this for everyone, especially for her?!!"

"I-i can't let her see me like this!...at mas magandang wala siyang alam tungkol sa sitwasyon ko." saad nito na patuloy pa rin sa pag-iyak, "Can't you f*cking understand me?! Hindi ko na siya maproprotektahan!!"

"Tingin mo ba minahal ka lang niya dahil pinoprotektahan mo siya?! Lumaban ka din naman para sa sarili mo, Dean!!"

"UMALIS KA NA!!!" galit na sigaw nito. Balak ko sana siyang lapitan hanggang sa maramdaman ko ang isang alambre na ipinalupot magmula sa bibig ko papunta sa likuran ng ulo ko kaya hindi ko nagawang makapagsalita. It was actually wall spikes na pahigpit ng pahigpit at ang mga matutulis na parte nito ay bumabaon sa pisngi at bibig ko kaya napahawak ako dito dahilan para masugatan na rin ang kamay ko at dumugo. Marahas akong hinila papalayo kay Dean habang alam kong hawak nito ang magkabilang-dulo ng alambre kaya mas naramdaman ko pa ang sakit at mas nagpumiglas pa ako. Mas lalo pa itong bumaon sa balat ko.

"Julez?" tanong ni Dean na alam kong alam niya na nasa panganib ako dahil sa naririnig niya. Nakita kong mabilis siyang tumayo at sinubukan pa ring manlaban hanggang sa pinalibutan siya ng limang lalaki habang isang tao rin ang nasa likuran ko na alam kong kasama nila. Hindi ako makapagsalita dahil pahigpit ng pahigpit ang nasa bibig ko hanggang sa mapansin kong naaaninag ako ni Dean dahil nakatingin na siya sa akin.

Katulad ng ginawa sa akin, paulit-ulit din siyang hinampas ng latigo kaya napapaluhod siya habang nagpupumilit na lumapit sa akin. Nakahawak pa rin ako sa alambreng nakapalupot sa akin at nawawalan na rin ako ng hininga dahil nasasakal na ako nito. Lumuluha siya habang nakatingin sa akin at umiling siya, "L-let's get out. Please!" pakiusap nito kaya tumango ako kahit hirap na hirap na. Bigla akong hinila papalapit sa may pintuan na kasalukuyang nakabukas. Kahit hinang-hina na ako, nakikita ko na sinusubukang manlaban ni Dean pero kahit siya, nanghihina na rin at walang magawa.

Sapilitan akong hinila patayo habang nakalagay pa rin sa bibig ko ang alambreng puno ng talim. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sa akin dahil nanlalabo na rin ang paningin ko. Naaninag ko na lang ang isang tali sa harapan ko at isinuot 'yon sa leeg ko. Nalaman ko na lang na totoo nga ang hinala ko nang makita ko ang itsura ni Dean na tila nawala sa sarili habang umiiling, "N-no, no, no!!! YOU CAN'T DO THIS TO HIM! JUST KILL ME IF YOU WANT! LET HIM GO! HINDI BA AKO ANG KAILANGAN NIYO! HUWAG NIYO SIYANG IDAMAY DITO!!!" sigaw nito na pilit tumatayo para lapitan ako ngunit hinawakan siya ng dalawang lalaki, pinaluhod at mahigpit na hinawakan ang buhok niya para tignan ako.

Ramdam ko ang takot but knowing na namatay na si Savannah, alam kong magagawa na nilang makalabas...and that's enough for me, "F*CK ALL OF YOU! NOOOO!!!!" sigaw ni Dean ng maramdaman ko ang pag-angat ng tali kaya napasunod na rin ang katawan ko sa pag-angat nito. Unti-unti na ring sumisikip ang paghinga ko. I moved because of pain habang nararamdaman kong nakasabit ako at patuloy sa pagwawala si Dean na nakaluhod naman sa harapan ko.

Even me, couldn't define the pain.

I guess this is farewell...and I could totally see hell.

End of part 1....

Related Books

Popular novel hashtag