Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 89 - ♥♡ CHAPTER 78.5 ♡♥

Chapter 89 - ♥♡ CHAPTER 78.5 ♡♥

♡ Dean Carson's POV ♡

Muli kong iminulat ang mata ko nang maramdaman ko ang paghapdi ng sugat sa likod at tagiliran ko. Hindi ko alam kung anong dadatnan ko paglabas ko sa kwartong 'to pero kailangan ko ng magtago. Tinignan ko ang relo ni Savannah at nalaman kong makakalabas na ako kaya kinuha ko ang susi sa bulsa niya. Kinuha ko rin ang kutsilyo sa sahig at dahan-dahan akong tumayo habang napapadaing sa sakit at nakahawak sa tagiliran ko. Alam ko rin na kapag nagtagal pa 'to, hindi ko na kakayanin. Humawak ako sa pader para hindi ako mawalan ng balanse at binuksan ang pintuan. Pagbukas ko rito ay napaatras ako nang sumalubong sa akin ang isa sa mga miyembro ni Savannah na halatang hinahanap siya. Tinignan niya ang buong kwarto hanggang sa mapatingin kay Savannah na nakahandusay sa sahig.

Mabilis ko siyang nilusob ngunit dahil sa panghihina ko ay nakaiwas naman agad siya at nakatakbo. Paniguradong sasabihin niya sa iba ang ginawa ko kaya nagmadali akong lumabas sa kwarto dahil mahirap na kung aabutan pa nila ako dito. Natigilan ako sa paglalakad ng madatnan kong nakahandusay sa sahig ang mga kasamahan ni Savannah at ni Phoenix, hinanap ko si Finn ngunit wala siya kaya siguradong may nangyari. Gusto ko mang alamin pero hindi ako pwedeng abutan ng mga tauhan ni Savannah dito kaya kahit hirap na hirap na ako ay pinilit kong maglakad. Kalat na sa building na 'to ang tauhan ni Savannah kaya lumabas ako para lumipat sa ibang building. Patuloy pa rin sa pagdurugo ang sugat ko na sinabayan na rin ng panlalabo ng paningin ko.

Pumasok ako sa Death building kung saan wala na gaanong tao kaya nagtago ako sa isang kwarto na nasa pinakadulo. Pagpasok doon ay aktong isasara ko ang pinto ngunit biglang may pumasok na isang lalaki kaya napahakbang ako paatras. Hindi lang siya isa at marami sila kaya tuluyan na akong umatras lalo na't pinalibutan nila akong lahat, "Alam na namin kung anong ginawa mo kay Savannah." saad ng isa kaya ngumiti ako ng masama habang nakahawak pa rin sa tagiliran ko, "Well, she deserved it...and the same thing will happen to you." pagkatapos kong sabihin 'yon ay isa-isa nila akong inatake at kahit nahihirapan na akong gumalaw ay pilit ko silang nilabanan ngunit paulit-ulit nila akong naiiwasan at sinasadya nilang tamaan ang mga sugat ko kaya napapaluhod ako sa sahig.

Napansin ko ang isang kutsilyo sa sahig na hindi kalayuan sa akin kaya mabilis ko 'yong kinuha at muli silang nilabanan. Ngunit ang pagkadesperado kong labanan sila ay biglang naglaho ng dumilim ang paningin ko na tila anumang oras ay mabubulag ako, natigilan ako sa paglaban at unti-unting nabitawan ang kutsilyo. Kasabay noon ay ang malakas na paghampas ng kung anong matigas na bagay sa ulo ko kaya tuluyan na akong napahiga at napadaing sa sobrang sakit. Sa dami ng sakit na nararamdaman ko, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong unahin at isipin. Muli kong pinilit na imulat ang mata ko hanggang sa maaninag ko ang isang pamilyar na lalaki na ngayon ay kinakalaban naman ng mga tauhan ni Savannah. Julez?

Nakita kong isa-isa niya silang nilalabanan at alam kong mahihirapan siya. Pagkatapos niyang ihagis ang kung anu-anong gamit sa direksyon nila ay tumakbo siya papalabas kaya hinabol nila siya. Bago sila tuluyang makalabas ng kwarto, lahat sila ay dumukot ng isang tali na tila latigo na alam kong gagamitin nila laban kay Julez. Alam kong inilayo niya sila sa akin pero delikadong labanan niya sila. Once again, pinilit kong tumayo kahit nahihirapan na akong huminga at may mga segundo na wala akong nakikita, sumasabay pa ang pagsakit ng ulo at buong katawan ko.

Tatlong beses kong sinubukan na tumayo ngunit paulit-ulit rin akong napapahiga sa sahig. Why do we even have to suffer like this? Ang mga katagang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong sakit. Ang sakit na paulit-ulit at tila hindi maglalaho. Sa panlimang beses na tumayo ako at muling napahiga ay may tatlong lalaki na muling pumasok kaya muli kong kinuha ang kutsilyo sa sahig. I don't even know kung makakatagal pa ako pero susubukan kong lumaban kahit hindi ko na kaya.

Tumayo ako at pilit na ibinalanse ang sarili ko ngunit kasabay noon ay ang nakapagpasira ng tuluyan sa akin. Tuluyang nandilim ang paningin ko at ni aninag ay wala akong makita kaya sa tuwing nararamdaman ko ang paglapit nila sa akin ay tinutukan ko sila ng kutsilyo kahit hindi ko na alam kung anong ginagawa nila ngunit naririnig ko ang tawanan nila habang sinusubukan ko namang depensahan ang sarili ko. Hindi ako tumigil sa paghampas sa kutsilyo para lang hindi nila ako malapitan.

Narinig ko na lang na may lumusob sa kanila hanggang sa maaninagan ko ulit si Julez na muli silang nilalabanan. Wala akong makita ngunit may mga segundo na nakakaaninag pa rin ako kahit malabo. Naaninag kong duguan ang buong katawan ni Julez na puno ng sugat lalo na ang isang binti niya. Mabilis nila siyang hinampas sa ulo kaya napahiga ito sa sahig kasabay naman ng muling pandidilim ng paningin ko. I really hate my situation right now!! I really hate this sh*t dahil wala man lang akong magawa.

Muli kong naaninag ang isang lalaki na papunta sa direksyon ko habang may hawak na kutsilyo kaya napaatras na lang ako. I was really hopeless dahil wala na akong kwenta. Bakit ngayon pa 'to nangyari?! Hinintay kong dumampi sa katawan ko ang talim ng kutsilyo ngunit wala akong naramdaman. Naaninag ko na lang si Julez sa harapan ko habang nakatalikod sa akin. D-did he...just...s-save me? Siya ba ang nasaksak?!

F*ck! No! This can't be!!

"I-i...I can't see anything." bulong ko na halos mawalan na ng boses. Hindi ko na mapigilan na maiyak kaya unti-unti kong nabitawan ang hawak kong kutsilyo at napaluhod sa sahig. Why is this happening to me?!!! Kulang pa ba ang lahat ng sakripisyo ko?! Saan pa ba ako nagkulang?!

Narinig ko ang tuluyang pagbagsak ng isang tao sa sahig at presensya ng isang tao sa harapan ko kaya mabilis ko itong iniwasan, "It's me...Julez." saad nito habang wala nanaman akong makita, "J-julez?"

"Let's get you out of here." nilapitan niya ako para alalayan pero malakas ko siyang itinulak, "Get out of here." saad ko dito. Ayaw kong madamay pa siya dahil sa akin dahil sobra-sobra na ang lahat ng ito.

"What-- "

"Lumabas ka na, Julez. Iwan mo na ako!" galit na saad ko habang lumuluha at ngayon ko lang naramdaman ang sakit na 'to. It really hurts to the core!

"Hindi kita pwedeng iwan dit-- "

"Can't you see?! I'm f*cking blind!! Wala kang mapapala kapag niligtas mo pa ako kaya umalis ka na!! I might not be able to protect you! I-i, can't even defend myself now..." at unti-unti na akong nawalan ng boses dahil sa pag-iyak. I never cried like this before. Bakit ngayon pa 'to nangyari kung kailan kailangan ako?!!! Sobra na ang lahat ng ito at pwede ba, tama na?! Cause I can't take it anymore! Please, stop all of these!! Ayaw ko na!

"You don't need to defend yourself. I'm here, we're going to make it out alive!" pagpupumilit niya na ikinailing ko, "No! I won't be able to make it! Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon ko? I am just a useless piece of shit right now!"

"Why?! Ayaw mo bang balikan si Syden?! I thought you're doing this for everyone, especially for her?!!"

"I-i can't let her see me like this!...at mas magandang wala siyang alam tungkol sa sitwasyon ko! Can't you f*cking understand me?! Hindi ko na siya maproprotektahan!!" mas mabuti pang hindi na niya malaman ang tungkol sa pagpapanggap ko at manatili siyang galit sa akin...dahil ayaw kong masaktan siya kapag nawala ako lalo na ngayon na hindi ko na siya kayang protektahan. I promised to protect her na sa tingin ko, hindi ko na magagawa.

"Tingin mo ba minahal ka lang niya dahil pinoprotektahan mo siya?! Lumaban ka din naman para sa sarili mo, Dean!!"

"UMALIS KA NA!!!" galit na sigaw ko at malakas siyang itinulak. Naaninag ko ang paglapit nito sa akin ngunit bigla na lang may pumulupot na alambre sa bibig nito kaya hindi siya nakapagsalita. Hinila siya papalayo sa akin at kitang-kita ko ang paglabas ng dugo mula sa pisngi at bibig niya habang hawak niya ang alambre at pilit na inaalis sa bibig niya. Nakita ko ang pagpupumiglas niya lalo na't pahigpit ng pahigpit ang alambre sa bibig nito kaya sinubukan ko silang habulin. Isang lalaki ang humihila sa kanya sa likuran nito at muling nagdilim ang paningin ko, "J-julez?" natataranta kong tanong dahil hindi ko na alam ang dapat gawin.

Mabilis akong tumayo para labanan sila hanggang sa maramdaman ko na may mga nakapalibot na sa akin habang wala pa rin akong nakikita. Muli kong naaninag si Julez at alam ko kung ano ang balak nilang gawin sa kanya nang makita ko ang isang lubid sa tapat nito. Dahil sa nakita ko, napaluhod ako ng paulit-ulit nila akong hampasin ng latigo kaya nagpumilit akong lapitan si Julez. P-please, don't do this! Nakahawak pa rin siya sa alambre at alam kong hirap na hirap na siya kaya umiling ako habang nakatingin din siya sa akin, "L-let's get out, pleasee!" pakiusap ko na ikinatango niya kahit na nahihirapan na siya. Hinila pa nila siya at isinuot sa leeg nito ang lubid kaya nag-umpisa na akong manginig at mataranta.

"N-no, no, no!!! YOU CAN'T DO THIS TO HIM! JUST KILL ME IF YOU WANT! LET HIM GO! HINDI BA AKO ANG KAILANGAN NIYO! HUWAG NIYO SIYANG IDAMAY DITO!!!" sigaw ko na pilit tumatayo para lapitan siya ngunit hinawakan ako ng dalawang lalaki, pinaluhod at mahigpit na hinawakan ang buhok ko para maayos na makita si Julez. P-please, I need help! Someone please!!!

"F*CK ALL OF YOU! NOOOO!!!!" sigaw ko ng makita ko ang pag-angat ng tali ng hilahin nila ang kabilang dulo nito na nakasabit sa pintuan kaya umangat rin ang katawan ni Julez. Habang nakasabit si Julez ay ang unti-unti kong panghihina dahil sa patuloy nitong paggalaw na alam kong nawawalan na siya ng hininga pero wala akong magawa. Patuloy ako sa pagwawala na kahit ako, wala ng nagawa kundi ang hintayin ang pagtigil nito sa paggalaw. It really hurts when someone died because of you..pero huli na ang lahat dahil wala kang magawa.

Nang tumigil siya sa paggalaw ay pinalibutan nila ako ngunit wala akong ibang maramdaman kundi ang sakit habang nakatitig ako kay Julez na wala ng buhay. His sufferings...I felt it. Paulit-ulit nila akong pinagsisipa at pinaghahampas ng kung anu-ano pero ano pang saysay na mabuhay ako lalo na't hindi ko nagawang iligtas si Julez?! Para saan pa ang paglaban kung unti-unti silang nawawala sa akin?! Paulit-ulit akong bumagsak sa sahig, pero pilit nilang pinapaluhod para hampasin ng paulit-ulit. Tila napako ang mga mata ko kay Julez at hindi ko na magawang gumalaw.

Natagpuan ko na lang silang lahat sa sahig pagkatapos silang kalabanin ng isang pamilyar na babae na nilapitan ako at lumuhod sa harapan ko, "K-kuya..." napatingin ako sa kanya na lumuluha. Inalalayan niya akong tumayo at dinala sa pinakasulok. Napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina at napasandal sa pader. Kitang-kita ko ang pag-aalala niya kaya pinilit kong ngumiti, "I'm sorry. I was late." saad nito kaya hinawakan ko ang isang pisngi nito hanggang sa magdilim muli ang paningin ko, "U-umalis ka na."

"Nooo! Hindi ako aalis nang hindi kita kasama!" pagpupumilit niya kaya tuluyan na akong pumikit, "I-i...won't make it..my little sister...s-so please...save yourself." pahayag ko sa kanya at nahihirapan na rin akong magsalita.

"Nooooo! Wake up!! Pleaseee!" saad nito na hinawakan ang magkabilang-pisngi ko kaya pilit kong iminulat ang mata ko. Sobrang labo pa rin ng paningin ko, "I-i....I will call her!!! Kaya hintayin mo 'ko dito, kuya! Tatawagin ko siya-- j-just please wait for a second!! Y-you miss your sweetie, right?!! Don't sleep yet, u-understand?!" natatarantang tanong nito habang umiiyak. My sweetie? Nang maalala ko siya, kusa akong napangiti kahit hirap na hirap na ako kaya tumango ako. I badly miss her.

"Fine...I'll wait for her..." mahinang saad ko na muling napapikit hanggang sa tuluyan na siyang umalis. Sobrang naninikip ang dibdib ko at unti-unti akong nahihirapan sa paghinga. Namamanhid na rin ang buong katawan ko.

I-i...will really...t-try my best...to wait for her.

To be continued...

Hello guys! This is my second to the last update po. My last update will be next week and I hope we are all ready to read it altogether, once again for the last time. Ngayon pa lang, namimiss ko na kayo. At least ready your farewell messages. I love you all guys!!!

Related Books

Popular novel hashtag