Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 67 - ♥♡ CHAPTER 62.5 ♡♥

Chapter 67 - ♥♡ CHAPTER 62.5 ♡♥

"Ano na nga palang balita sa kuya mo? Nahanap mo na ba?" tanong ko. Sandali siyang natigilan at umupo siya, "Hindi pa ako nag-uumpisa sa paghahanap but I know that he's here." saad nito na ipinagtaka ko, "Paano ka naman nakakasigurado?"

"I could feel his presence." sagot niya at hindi na ako nagtanong pa lalo na't nakita kong nag-iisip siya ng malalim. Napaka-moody talaga ng babaeng 'to.

"Mahahanap ko rin siya. How about you?" biglang tanong naman niya na parang may naalala kaya nagtaka ako, "What?"

"Nagkausap na ba kayo ni Leigh??" tanong nito kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit ba kailangan niya pang itanong 'to?

"So hindi pa rin kayo nagkakausap?" tanong pa ulit niya na hindi ko na lang pinansin at umupo ako sa kama ni Dave.

"Bakit? May bago na ba siya?"

"Wala." maiksing sagot ko na umiwas ng tingin, "Eh bakit nga?" napatingin ako sa kanya at kitang-kita ko na interesado siya. Pakielamera talaga.

"Hindi ko rin alam." sagot ko sa kanya kaya nagtaka siya, "Paanong hindi mo alam ang dahilan?"

"Nagkausap na kami pero ayaw niyang makipagbalikan sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin siya maintindihan eh." saad ko at hindi ko na maitago ang lungkot na nararamdaman ko kaya napayuko ako.

"Baka kailangan niya ng oras?" tanong nito kaya muli akong napatingin sa kanya, "You think that's the reason?" tanong ko naman na ikinatango niya, "Yeah, I think so. Just give her enough time." tumango na lang ako dahil baka nga nabigla ko si Leigh kanina. Baka hindi pa siya handa at handa naman akong maghintay kahit gaano katagal.

"Okay ka lang?" tanong ni Feli at nakita kong napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, "Ano sa tingin mo babae?" pagkatapos ng usapan namin ni Leigh, tingin niya ba okay lang ako?

"Para kasing hindi ka mapakali." dagdag pa niya hanggang sa mapansin ko na rin at maramdaman na hindi nga talaga ako mapakali. Ngayon ko lang napagtanto na nanginginig ang mga kamay ko at nanlalamig din. Napatingin ako dito at mas lalo akong kinakabahan. Ngayon ko lang naramdaman 'to.

"Sean, okay ka lang ba talaga? Namumutla ka." dinig kong sabi niya na nilapitan ako at hinawakan ang noo ko gamit ang isa niyang kamay, "Sh*t! May nararamdaman ka bang hindi maganda?" tanong pa niya kaya napatingin ako sa kanya na nag-aalalang nakatingin sa akin. Ramdam ko rin na pinagpapawisan ako at mas nakakaramdan ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit.

Bakit ngayon ko lang napagtanto na kanina ko pa nararamdaman 'to simula ng makausap ko si Leigh. Kaya pala halos hindi na ako makapagsalita sa harap niya dahil nararamdaman ko na 'to. Kanina ko pa nararamdaman ang takot na hindi ko alam kung saan nanggaling. Sa tagal ng panahon, ngayon ko lang ulit ito naramdaman.

Hindi ko alam pero unti-unti kong naalala lahat ng sinabi ni Leigh.

"Sean."

"It's better this way."

"We can't be together anymore."

"Mahal pa rin kita, Sean."

"Kahit kailan, hindi kita makakalimutan."

"Kasi hindi rin tayo magtatagal! Matatapos din ang lahat ng 'to!"

"Alam kong hindi mo katulad si Kevin at hindi mo ako kayang saktan kaya ayaw kong masaktan ka."

"You'll find out, soon."

"There's something wrong." wala sa sarili kong sabi kaya natigilan si Feli. Hindi magbabago si Leigh ng ganun-ganon na lang. Hindi niya sasabihin ang lahat ng 'yon ng walang dahilan.

"Ha?" nagtatakang tanong pa ni Feli, "Sh*t! I should have asked her about that godd*mn paper!" sigaw ko na napatayo at mabilis kong binuksan ang pintuan. Mas ikinabigla ko na lang nang sumalubong sa akin si Dave na hinihingal at pawis na pawis, "What happened, Dave?" tanong ko. Base sa itsura niya, alam kong may nangyayaring hindi maganda.

"Normal students are starting to commit suicide all of a sudden at yung mga kumakalaban sa atin...they are starting to kill anyone." pagkatapos kong marinig lahat ng 'yon, narinig ko ang pagsigaw ng mga estudyante at ang iba naman nagsisitakbuhan na kaya nagkagulo sa hallway.

"We need to hide now, Sean." saad pa nito pero umiling ako, "I can't, Dave."

"What?!" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Kailangan kong puntahan si Leigh. Don't worry, I'll be alright. Si Syden-- "

"Nasa staff room na siya, kasama nila Dustin. Ikaw na lang ang wala." pahayag nito kaya tumango ako.

"I'll come back as soon as I can. I can't leave her, Dave." pakiusap ko kaya nagbuntong-hininga siya at tumango hanggang sa mapatingin siya sa gawi ni Feli kaya napatingin na din ako sa kanya, "I'll go with you." sambit nito sa akin, "No, you can't-- "

"May kailangan din akong hanapin, Sean." saad nito na nakikiusap ang mga mata sa akin. Baka malaman pa ni Dave ang tungkol kay Feli kaya tumango na lang ako, "Fine." hinawakan ko sa balikat si Dave kaya napatingin siya sa akin, "Please, keep my twin sister safe." sambit ko kaya tumango siya. Tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad habang nasa likuran ko si Feli.

Ang daan na tinatahak namin ay taliwas sa daan na tinatahak ng mga estudyante kaya nakakabangga namin sila. Alam kong mas lalong delikado na ituloy pa ang paglalakad namin ng mabilis pero hindi ako mapakali hanggat hindi ko kasama si Leigh. Nakarating na kami sa bandang dulo at wala ng gaanong estudyante dahil paniguradong nagsitago na ang lahat at dito nangyayari ang kaguluhan. Napatingin na lang kami sa mga nadadaanan naming mga kwarto. Nakabukas ang mga pintuan at puno ng dugo sa loob.

May natanaw pa kaming isang babae na nakasandal sa kama niya at nakaupo sa sahig. Nanghihina na ito habang tuluy-tuloy ang paglabas ng dugo sa bibig niya. Pati na rin sa hallway, nagkalat ang mga sira-sirang gamit na puno rin ng dugo kaya iniiwasan namin at paminsan-minsan ay sinisipa dahil nakaharang sa daanan. Mayroon ding mga estudyante sa mga kanya-kanya nilang kwarto na nagbibigti o kaya naman, umiinom ng maraming gamot kaya bumubula ang bibig nila. May nadaanan din kaming isang classroom kung saan puno ng mga estudyante at napaiwas na lang kaming ng tingin ng sabay-sabay silang maglaslas kaya't tumalsik ang dugo kung saan-saan hanggang sa unti-unti rin silang bumagsak sa sahig. Ang pinakahuling kwarto na nalagpasan namin ay may isang babae sa loob nito na binabalatan ang sarili nitong mukha.

Nang malagpasan namin ang lugar na 'yon, mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Sa kanan at kaliwa ay nakita ko ang mga lalaking nakaitim at nakamaskara na papunta sa direksyon namin kaya hinawakan ko ang kamay ni Feli at diretsong tumakbo. Hindi ko alam pero mas nakakaramdam ako ng takot habang papalapit kami sa kwarto ni Leigh.

Natigilan na lang ako nang makita kong bumukas ang pintuan ng kwarto niya at nakita ko siyang lumabas na takot na takot, "Leigh!" sigaw ko kaya napatingin siya sa akin at nabigla siya, "Sean!" bigla siyang tumakbo papalapit sa akin kaya nagmadali rin akong lapitan siya lalo na't medyo malayo pa kami sa kinatatayuan niya.

Kahit na ganon, kitang-kita ko ang pagluha niya dahil sa takot pero nang magtama ang mata namin, alam ko na natutuwa siya at tila nabigyan ito ng pag-asa. Habang papalapit ako sa kanya, nagtaka na lang ako ng bigla itong tumigil sa pagtakbo at napako ang paningin niya sa likuran ko. Kusa rin akong natigilan sa pagtakbo dahil doon at nagtaka dahil sa nangyari kaya dahan-dahan akong napatingin sa likuran ko. Hindi ko alam kung bakit pero napatakip ng bibig si Feli na parang gulat na gulat. Ikinagulat ko na lang nang makita ko ang grupo ng mga lalaking nakaitim na nakita namin kanina. Pito silang nakatayo sa likuran ni Feli na medyo malayo sa kinatatayuan namin at kahit nakamaskara sila, alam kong nakatingin sila sa amin. Wala silang ginagawa at nakatayo lang sila na ipinagtaka ko pa. Si Feli nakatingin kay Leigh habang ako naman nakatingin sa kanya at puno ng pagtataka.

Napatingin ulit ako sa likuran niya nang mapansin ko ang isang lalaking nakaitim na dahan-dahang tumayo mula sa pagkakayuko nito. Hindi lang sila pito, there were actually eight of them dahil ngayon ko lang napansin ang isa pa. What he did was familiar. That's what we're actually doing pagkatapos naming ihagis ang isang kutilsyo sa isang direksyon.

But one thing....

Kanino niya inihagis ang kutsilyo?

Napalunok ako dahil ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano. Dahan-dahan kong tinignan si Feli na ganon pa rin ang itsura at nagtama ang mga mata namin, may luhang tumulo sa mga mata niya kaya mas nakaramdam ako ng takot. Ibinaba niya ang mga kamay niya at dahan-dahan akong tinalikuran para harapin ang mga lalaking nakaabang sa amin, "Save her, Sean. Ako ng bahala dito." mahinang saad nito. Ano bang ibig niyang sabihin?

Kinuha niya sa bulsa niya ang dalawang kutsilyo at tumingin siya sa gilid niya kaya kalahati lang ng mukha nito ang nakita ko, "She needs you." saad pa niya at pagkatapos noon ay nilusob na niya ang mga lalaki kaya ganon na rin naman ang ginawa nila. Dahan-dahan akong tumalikod at ayaw kong mag-isip ng hindi maganda hanggang sa tuluyan kong makita si Leigh na unti-unting napaluhod.

Huli na ng mapagtanto kong natigilan siya sa pagtakbo dahil sa kanya inihagis ang kutsilyo kaya napaatras ako dahil...hindi ko matanggap. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kutsilyo na nakasaksak sa kanya at alam kong gusto niyang tanggalin 'yon pero hindi na niya nagawa ng makita kong may lumabas na dugo sa bibig kaya mabilis ko siyang nilapitan at sobrang nanginginig na ako sa takot.

"N-noooo." lumuhod ako at hinawakan ang pisngi niya kaya nagkatinginan kami, "I'll save you, okay? J-just wake up, Leigh! Please, don't close your eyes." saad ko dito na napapapikit na. Pinilit niyang buksan ang mga mata niya para tumango at ngumiti, "Sean.." saad nito na pinipilit magsalita, "L-let's go...s-somewhere else...y-yung tayo lang dalawa." tumango ako at nagsalita habang sobra-sobra na ang panginginig at takot na nararamdaman ko.

"O-of course...just please stay with me." tumango siya kaya dahan-dahan ko siyang binuhat. Kusa na lang tumulo ang mga luha ko dahil nararamdaman kong nanlalamig ang katawan niya. Ipinasok ko siya sa isang kwarto at isinara ang pintuan. Napaluhod ako at dahan-dahan ko siyang ibinaba sa sahig kaya napasandal siya sa pader dahil sa sobrang panghihina. Hindi ko magawang tanggalin ang kutsilyo sa katawan nito dahil ayaw kong mas lalong dumami ang dugo na inilalabas niya lalo na't sa dibdib ang tama nito. Hinawakan ko ang magkabilang-pisngi niya at nanlalamig na rin ito, "H-hintayin mo 'ko dito, Leigh. I-i'll get help, okay?" natataranta kong sabi.

Aktong tatayo ako nang hawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, "J-just stay with me..." saad nito kaya tumango ako, "I will stay with you forever but I need to save you first-- "

"I-i might not be able...to make it, Sean...so pleaseee..." nanlambot na lang ako ng makita kong umiiyak siya, "S-stay with me. Don't leave me....pleaseee..." pakiusap nito.

"Y-you're going to make it, Leigh. Sabay pa tayong lalabas dito dba? We promised."

Tumango siya at pilit na ngumiti habang hindi ko mapigilan na maiyak dahil sa sitwasyon niya, "Y-you will be able to...get out of here-- but promise me....na kahit hindi mo ako kasama-- l-lalabas ka." mas lalo pa itong naglabas ng maraming dugo kaya mas lalo akong naiyak, "D-don't say that. Sabay tayong makakalabas dito." nang sabihin ko 'yon, umiling siya at napansin ko na palalim na ng palalim ang paghinga niya.

"I-iwan mo na ako....i-it's not safe here anymore...." pumikit siya kaya hinawakan ko ang magkabilang-pisngi nito, "No! Tingin mo ba aalis ako dito ng hindi ka kasama? I won't leave you here."

Dahan-dahan nitong hinawakan ang isang pisngi ko at ngumiti kahit na alam kong pinipilit niyang imulat ang mga mata niya, "I...just want to say thank you for everything... Sean Raven...s-sa'yo ko lang naramdaman ang pagmamahal na ni minsan...hindi ko naramdaman sa iba...a-always remember that I love you and no one could replace you...in my heart." saad nito. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at pinagdikit ang noo namin. Umiiyak siya sa sakit at ganon din ang nararamdaman ko, "P-pleaseee....don't leave me..." pakiusap ko sa kanya. Kitang-kita ko ang pamumutla niya at ramdam ko ang panlalamig ng katawan niya.

"Sean Raven...please...e-end it now....h-hindi ko na kaya..." pakiusap niya kaya umiling ako, "Nooo! I-i can't..."

"I-it hurts...s-sobrang sakit na..." saad pa nito na patuloy sa pag-iyak, "P-pleaseee..." alam kong nahihirapan na siya ng sobra dahil sa pagkakasaksak sa kanya sa dibdib pero ayaw kong mawala siya sa akin at hindi ko kaya ang pinapagawa niya.

"I can't, Leigh. I-i can't lose you." saad ko habang magkadikit pa rin ang mga noo namin at patuloy sa pag-iyak. Pinilit niyang tumingala hanggang sa maramdaman ko ang isa pang kamay nito na nanlalamig na hinawakan ang kabilang pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya at sobrang putla na niya. I knew that moment na sobrang nahihirapan na siya.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang paghalik nito sa akin kaya nalasahan ko pa ang dugo sa mga labi niya. Niyakap ko siya gamit ang isa kong kamay habang ang isa naman ay unti-unting hinawakan ang kutsilyo na nakasaksak sa kanya at sobrang nanginginig ang mga kamay ko.

Kahit labag sa loob ko at sobrang sakit, I know that I have to do it. Dahil hindi ko na kayang makita pa na nahihirapan siya.

The moment she stopped kissing me, I pulled the knife out of her heart kaya ramdam ko rin ang maraming dugo na dumadaloy sa mga kamay ko ngayon. Kahit anong pigil ko, hindi ko mapigilan na masaktan ng sobra. It hurts! It d*mn hurts!

Nang humiwalay siya sa akin, maayos niya akong tinignan at ngumiti siya, "I...love you, Sean Raven." 'yon ang huling beses na narinig ko ang boses niya, na nakita ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin at ang huling beses na ngumiti siya. It was all meant for me.

Unti-unting bumaba ang kamay nitong nakahawak sa pisngi ko hanggang sa makita ko ang pagpikit niya at pagsandal ng ulo nito sa mismong balikat ko. For the last time, I hugged her tightly, "I love you too, my Gwendolyn. Rest now." kahit masakit sa akin, wala na akong nagawa kundi ang magpaalam sa kanya.

While I was still hugging her tightly, biglang bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Feli. Alam kong nabigla siya sa nakita niya kahit na nanlalabo ang paningin ko sa pag-iyak. Napansin ko ang isang maliit na papel sa bulsa ni Leigh kaya maigi kong isinandal si Leigh sa pader. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang papel na 'yon at binasa ang nakasulat dito.

"A life like yours is the true meaning of stupidity, Gwendolyn. A life that is not worth living. Hopeless, Helpless, Useless, Worthless."

Mas lalo pa akong nanginig ng mabasa ko ang mga salitang 'yon at may mga patak pa ng dugo sa mismong papel hanggang sa pinilit ko ang sarili ko na baligtarin ang papel.

"Come to death alone or death will welcome you along with your friends."

-Dark Eagle Society

"Anong ibig sabihin nito?" galit kong tanong habang nakatingin pa rin sa papel na hawak ko. Natigilan na lang ako at mas nakaramdam pa ako ng galit nang malipat ang tingin ko sa kutsilyong hawak ko. Ito ang kutsilyong ginamit sa pagpatay kay Leigh. Napatingin ako sa kung saan habang patuloy pa rin ako sa pagluha, "Pagbabayaran mo ang ginawa mo, Dean Carson." hinding-hindi ko palalagpasin 'to.

To be continued...

Related Books

Popular novel hashtag