♡ Sean Raven's POV ♡
Unti-unti akong tumayo habang nakatingin kay Leigh na wala ng buhay. Hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha na nagiging sanhi ng panlalabo ng paningin ko. Sobrang sakit na makita siyang wala ng buhay pero mas masakit isipin kung sino ang gumawa nito sa kanya.
"Sean." dahan-dahang lumapit si Feli sa akin at hinawakan ako sa braso pero nakatitig pa rin ako kay Leigh at alam kong tinignan din siya ni Feli, "Can I ask you a favor?" mahinang tanong ko dito. Hindi siya sumagot pero alam kong hinihintay niya ang sasabihin ko, "Please tell my group about what happened. They are in room number thirty one, the staff room." pagkatapos kong sabihin 'yon, hindi na ako nakapagpigil at tinalikuran ko na siya para puntahan ang kaisa-isang tao na gumawa nito kay Leigh pero alam kong hinabol pa rin ako ni Feli, "Sean, saan ka ba pupunta?" nag-aalalang tanong nito kaya tumingin ako sa gilid ko dahil nasa likuran ko siya, "I'm going to kill him." sambit ko dito at mabilis akong naglakad papalayo sa kanya.
Hindi ko alam kung saan ko siya mahahanap basta ang alam ko lang, kailangan ko na siyang mapatay ngayon. Hindi ko palalagpasin ang ginawa niya kay Leigh. I will definitely kill him. Isa lang ang naisip kong lugar kung nasaan siya kaya bumaba ako ng ground floor at katulad ng hinala ko, nandoon ang mga lalaking nakaitim at nakamaskara pero itinuloy ko ang paglalakad papunta sa clinic kaya napansin nila ako at isa-isa nila akong nilusob. Bawat umaatake sa akin, wala akong ibang naiisip kundi si Leigh. Kung paano siya nahirapan at kung paano siya umiyak dahil sa sakit. Wala na akong pakielam kung ano man ang mangyari, ang mahalaga maipaghiganti ko si Leigh.
Parami ng parami ang sumusugod sa akin at aaminin kong hindi sila madaling patumbahin. Pero dahil sa sakit na nararamdaman ko sa pagkawala niya, hindi ako makaramdam ng pagod at patuloy pa rin ako sa pakikipaglaban sa kanila. Habang kinakalaban ko sila, nanlalabo pa rin ang paningin ko sa pag-iyak. Bakit kailangang mawala pa siya sa akin?
Hiningal ako nang mapagtanto kong nakasalampak na silang lahat sa sahig at iniinda ang sakit, ang iba sa kanila ay sinaksak ko kaya dumudugo ang mga tama nila sa katawan. Napatingin ako sa clinic na dating maliwanag pero ngayon ay madilim na. Bago pa man ako makapasok ay mayroon ng dalawang lalaki na sumalubong sa akin kaya mabilis kong inihagis sa kanila ang dalawang kutsilyo na hawak ko. Bago sila mapaluhod sa sahig, mabilis ko ring hinugot ang dalawang kutsilyo mula sa katawan nila at itinago 'yon sa bulsa ko. Kitang-kita ko rin na puno na ng dugo ang kamay ko.
Pumasok ako sa loob ng clinic at mabilis na hinawi ang nakaharang na puting kurtina. Mas nakaramdam ako ng galit nang makita ko siya. Kahit madilim, naaaninag at nakikita ko siya dahil na rin sa liwanag na nanggagaling sa buwan na nakatapat sa mismong bintana. Nakatayo ito sa sulok sa tabi ng isang lamesa at nakayuko habang naglilinis ng kutsilyo. Unti-unti itong napatingin sa akin kaya nagtama ang masamang tingin namin sa isa't isa.
"As I expected, Sean Raven. You would come to me so soon." saad nito na ngumisi at ipinatong sa lamesa ang kutsilyong hawak niya.
Unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin kaya nagkatapatan kami at napakuyom ang kamay ko. Hindi ko inaakalang siya pa ang gagawa nito kay Leigh, "How does it feel to lose someone?" mapang-inis na tanong nito. Nang makita kong ngumiti siya, hindi na ako nakapag-pigil pa at mahigpit kong hinawakan ang damit niya. Itinulak ko siya sa pader habang galit na galit pa rin ako dahil sa ginawa niya, "Tell me, did you kill her?!"
Hindi niya sinagot ang tanong ko habang nakatingin lang siya sa akin kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanya. Dahan-dahan kong kinuha sa bulsa ko ang isang kutsilyo at ipinakita 'yon sa kanya kaya napatingin siya doon, "This...was the knife who killed Leigh! It is a viper's knife that only belongs to the leader! Kaya tatanungin ulit kita! Did you kill her, Dean?!" lumipat ang tingin nito sa akin at ngumisi, "You wanna know the answer?" tanong niya kaya hindi ako sumagot, "Yes. I was the one who killed her." nang sabihin niya 'yon, mabilis kong itinago ang kutsilyo sa bulsa ko at sinuntok ko siya ng malakas.
"Why?! Why do you have to do that?! You s*n of a b*tch!" paulit-ulit ko siyang sinuntok dahil sa galit pero hindi pa rin siya naaapektuhan sa mga suntok ko dahil nginingitian lang niya ako ng masama kaya mahigpit kong hinawakan ang damit niya para tapatan siya, "Why did you kill her?! What did she do to you?! Huh?! Dahil ba sa utos ng babaeng 'yon?!" galit kong tanong dito.
"I killed her for no reason." dahil sa naging sagot niya, inilabas ko ang kutsilyo ko para atakihin siya pero mabilis niya 'yong iniwasan. Nakangisi pa rin ito hanggang sa maglabas siya ng kutsilyo at maayos na hinawakan 'yon, "I will kill you, Dean Carson!" masama kong sabi at mabilis siyang nilusob. Nag-umpisa na kaming maglaban at alam kong malakas pa rin siya pero dahil sa sakit na nararamdaman ko, hindi ko palalagpasin ang ginawa niya. Bakit kailangan niya pang patayin si Leigh? For no reason? That's bulsh*t!!
Muntik na akong matamaan ng kutsilyo niya ngunit agad rin akong nakaiwas kaya ako naman ang umatake. Hindi ko alam pero parang may nagbago din sa paraan ng pakikipaglaban niya. Hindi niya ako natatamaan hanggang sa mas bilisan ko pa at nagawa ko siyang matamaan ng tatlong beses sa braso niya kaya napaatras siya at napahawak doon habang nakatingin ng masama sa akin.
Kitang-kita ko rin na unti-unting dumadaloy ang dugo sa braso niya. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kutsilyo nang makita kong nabitawan niya ang hawak niyang kutsilyo. Alam kong sa lalim ng sugat na binigay ko sa kanya ay nanghihina siya kaya napangiti ako ng masama, "So it's true? Na talagang mahina ka na pala ngayon?" saad ko dito. Siya naman ang nakatingin ng masama habang nakangiti ako.
"Hindi ko palalagpasin ang ginawa mo kay Leigh. I will kill you, right here and right now." pagkatapos kong sabihin 'yon ay mabilis ko siyang nilapitan ngunit aktong sasaksakin ko siya ay kusa akong natigilan, "Raven." narinig ko ang isang pamilyar na boses. Nasa harapan ko siya at nakita kong dumudugo ang kamay niya habang mahigpit na nakahawak sa kutsilyong hawak ko para pigilan ito. Nakita kong lumuluha na rin siya nang magtama ang mga mata namin at umiling ito, "Y-you can't do this." pakiusap ni Syden.
"Syden, umalis ka dito." seryoso kong sabi na may halo ng pagbabanta. Tinignan ko si Dean na masama din ang tingin sa akin, "Let me kill that murderer." dagdag ko pa dahil sa sobrang galit.
"Raven, please stop. Huwag mong gawin 'to, tingin mo ba kaya niyang patayin si Leigh-- "
"This was the knife used, to kill Leigh." kinuha ko sa bulsa ko ang kutsilyo ni Dean at ipinakita sa buong grupo na nandito na rin, "Now, tell me...meron pa bang ibang nagmamay-ari nito bukod sa lalaking 'yan?!" sabay turo ko kay Dean at tinignan siya bago ko ulit ibinalik ang tingin ko sa buong grupo, "Alam kong hindi kayo naniniwala pero siya na mismo ang nagsabi sa akin na pinatay niya si Leigh!" nakahawak pa rin si Syden sa kutsilyong hawak ko at nanginginig ang kamay naming dalawa habang dumudugo ang kamay niya.
"Did you really kill her?" tanong ni Roxanne kaya napatingin kaming lahat kay Dean. Isa-isa niya kaming tinignan hanggang sa titigan niya si Syden. Nakita ko na lang na umiling ang kakambal ko kay Dean dahil alam kong gagawin niya pa rin ang lahat para ipagtanggol pa rin ang lalaking 'to. Lumipat ang tingin ni Dean sa akin at ngumisi, "So what kung pinatay ko siya?" alam kong nakaramdam na rin ang buong grupo ng galit nang sabihin niya 'yon.
"Take my twin sister away from me." saad ko na ikinabigla ni Syden at umiling, "R-raven, huwag mong gawin 'to!" pagmamakaawa niya at kahit ayaw kong saktan siya, marahas ko siyang itinulak papalayo sa akin kaya hinawakan siya nina Stephen at Caleb. Nagpupumiglas siya pero sadyang malakas ang dalawa at inilayo siya sa amin para hindi niya kami mapigilan. Sumisigaw na siya sa pagmamakaawa pero hindi ako makikinig sa kanya. Isa-isa silang lumapit sa akin at pinalibutan namin si Dean na nakahawak pa rin sa braso niya at nanghihina.
"Are you going to kill me? Then do it or else I'm going to kill you." saad ni Dean na tinitignan kami, "Do you think we can do that? Kahit tuluyan ka ng nagbago dahil sa babaeng 'yon, hindi ka namin magagawang patayin...but if you already declared a war against your own group, we have no choice but to kill you, Dean Carson. You already killed one of your innocent members and we can't let anyone be killed dahil sa'yo." pahayag ni Roxanne.
"Do you even know what you've done, Dean?" tanong ni Clyde at alam kong hindi siya makapaniwala ngunit may bakas na rin ng galit sa mukha niya, "We can't trust you anymore lalo na't alam naming babalik at babalik ka para ubusin kami dahil sa utos ng babaeng 'yon." dagdag pa niya.
"If you want to kill me, do it now." sagot nito sa amin kaya nagkatinginan kami. Gusto ko, gustung-gusto kong patayin siya.
Kinuha ni Clyde sa bulsa ko ang kutsilyo ni Dean at maayos itong tinignan, "Do you want to have a taste of your own knife?" tinignan niya si Dean at ngumiti ng masama, "Even though I want to, for now we won't." humarap sa akin si Clyde at iniabot ulit sa akin ang kutsilyo. Lumapit siya sa lamesa na nasa bandang sulok at kinuha niya sa bulsa niya ang kutsilyo niya. Pabagsak niya 'yong ipinatong sa lamesa at mabilis siyang lumapit kay Dean, "Let's give our leader a little lesson, Vipers." saad nito kaya lahat kami, ipinatong din sa lamesa ang mga kutsilyo namin at nilapitan siya.
Maraming beses siyang sinuntok ni Clyde dahilan para mapaupo ito sa sahig kaya hinahawakan naman siya nina Oliver at Dustin para sapalitang patayuin, "Do you even know what you did to our group?!" saad ni Clyde na nagpipigil sa galit. Muli niyang sinuntok si Dean kaya dumugo na ang bibig nito at napahiga sa sahig. Hindi siya nagsasalita at nakakapagtaka kung bakit hindi siya lumaban.
Dahil sa galit ko, hindi ko na rin mapigilan at sinuntok ko siya ng ilang beses, "I won't forgive you, Dean. For killing Leigh." saad ko at paulit-ulit kong inilabas ang galit ko sa kanya sa pamamagitan ng suntok. Sa tuwing bumabagsak siya dahil sa mga suntok na natatamo niya, pilit siyang pinapatayo nina Oliver at Dustin.
"Guys, stop it! Huwag niyo naman 'tong gawin sa kanya!" sigaw ni Syden na umiiyak habang hawak pa rin siya nina Stephen at Caleb kaya tinignan ko siya at itinuro si Dean, "This man?! Ipagtatanggol mo pa rin siya sa kabila ng lahat ng ginawa niya?!" hindi makapaniwalang tanong ko kay Syden.
"Wala siyang alam dahil kontrolado siya ni Savannah! Hindi niya magagawa ang lahat ng 'yon, Raven!! So pleaseee, stop it!" pakiusap pa niya habang umiiyak.
"Wala siyang alam?! Hindi niya ba kilala kung sino ang pinatay niya?! Si Leigh ang pinatay niya!" sigaw ko at natawa na lang ako. Tinignan ko si Dean na puro pasa at inilipat kay Syden ang tingin ko, "Oh I see, nagawa ka na nga niyang saktan dba?! If you can't hurt him the way he used to hurt you, I will do it for you, don't you think that's sweet my twin sister?" naglakad ako papalapit sa lamesa kung saan nakalagay ang mga kutsilyo habang nakatingin ako kay Syden na nakatingin din naman sa akin.
Kinuha ko 'yon at tinignan siya kaya umiling ito, "N-no! You can't do this!" sigaw niya at nakita ko ang pagpupumiglas nito ng lapitan ko si Dean. Hawak siya nina Oliver at Dustin habang nakaluhod ito, "Hinding-hindi ko palalagpasin ang ginawa mo kay Leigh. I should have killed you simula nang magbago ka." mahigpit kong hinawakan ang buhok nito at iniharap siya sa akin kaya nagkatapatan kami.
"And I can't lose the group even my twin sister just because of you." at mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya, "Ikaw rin naman ang nagturo sa amin, dba? Na kung sinuman ang kumalaban sa grupo, dapat pinapatay?"
"Raven, pleaseeee!! Huwag mo namang gawin 'to!" sigaw pa ni Syden at maayos akong tumayo. Binitawan ko ang buhok ni Dean at hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kutsilyo, "Dave, stop him! Huwag niyong gawin 'to!" pakiusap niya pa kay Dave na hindi siya pinansin dahil lahat kami, galit sa kanya.
"Clyde, don't let him do this! Maaayos pa natin 'to pero hindi sa ganitong paraan!"
"Sy, he killed Leigh and that's enough to prove that he is our enemy now at ang mga kaaway natin, pinapatay." seryoso kong sabi habang nakatingin kay Dean na masama ang tingin sa akin.
Aktong sasaksakin ko si Dean, narinig ko na lang ang pagdaing nina Stephen at Caleb kaya napatingin ako sa gawi nila. Pareho silang nasugatan ni Syden kaya nabitawan nila siya.
Mabilis niya akong nilusob habang galit na galit ang mga mata nito at mahigpit ang hawak niya sa kutsilyo niya. Wala na rin akong nagawa kundi ang kalabanin siya dahil masyado na siyang nagiging agresibo. Nang madaplisan ako sa kutsilyo niya, tumulo ang dugo mula sa braso ko kaya wala na ring nagawa ang iba kundi ang lusubin siya para pigilan. Parang hindi na siya ang kakambal ko noong mga oras na 'yon. Hanggang sa kaming lahat na ang nakapalibot sa kanilang dalawa. Aktong lalapit ako ng itapat niya sa amin ang kutsilyong hawak niya kaya natigilan kami, "You will have to kill me first bago niyo siya mapatay. Mark my words, Vipers." masama ang tingin niya sa amin habang nasa likuran niya si Dean na nanghihina at nakaluhod. Hindi ko rin alam kung bakit nakayuko na siya ngayon samantalang kanina, ang sama ng tingin niya sa amin. Halos hindi na rin siya makagalaw dahil nagawang itali kanina nina Dustin at Oliver ang dalawang kamay niya sa likuran nito.
"Sy, don't intervene with our decisions. Hindi mo ba nakikita? Gusto ka rin niyang patayin and yet you're saving him again?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
"I, don't f*ckin care!" diin nito, "Leave him alone kung ayaw niyong tayo ang magpatayan dito." dagdag pa nito. I've never seen her like this before. Nang dahil lang sa lalaking 'yan nagkaganyan na siya?! What the hell! Don't tell me kami-kami ang magpapatayan dito?!
Napatingin ako kay Dustin na dahan-dahang pumupunta sa likuran ni Syden hanggang sa tuluyan niyang maipit ang leeg ni Syden gamit ang braso niya habang nasa likuran siya nito kaya mabilis kong kinuha ang hawak ni Syden na kutsilyo. Inilagay ni Dustin ang dalawang kamay ni Syden sa likuran nito para hindi ito makagalaw at bahagyang itinulak sa may pader. Nakaharap siya ngayon doon at hindi makagalaw, "I'm going to kill you all." galit na saad nito na hindi namin pinansin.
Nilapitan ko si Dean at lumuhod ako para tapatan siya habang nakayuko pa din ito. Dahan-dahan siyang tumingala at nagtama ang mata namin, "Hahayaan kita ngayon dahil sa kapatid ko, pero sa susunod sisiguraduhin kong mamamatay ka sa mga kamay ko, Dean Carson. Ipaghihiganti ko si Leigh. Hindi pa tayo tapos." saad ko dito at tumayo na ako. Nilapitan ko si Syden at marahas siyang hinila papalabas sa kwarto na 'yon habang masama akong nakatingin kay Dean. Dahil sa pagpupumiglas nito, iniharap ko siya sa akin at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya kaya napatingin siya sa akin at alam kong galit siya, "Ginawa ko kung ano ang gusto mo, Bliss Syden. Ngayon ikaw naman ang susunod sa gusto ko." galit kong sabi at muli siyang hinila.
Paglabas naming dalawa, sumunod na rin ang grupo at napansin ko si Felicity na hinihintay ako. Nakasandal ito sa pader habang nakayuko at nakapikit. Nakakibit-balikat ito hanggang sa tumingala siya at magtama ang mga mata namin.
To be continued...