♡ Dean Carson's POV ♡
I do really want to sleep but still can't, lalo na't napansin kong medyo maliwanag na sa labas. Tuluyan ko ng binuksan ang mata ko and felt something unexplainable. A beautiful lady is sleeping beside me and we're hugging each other. I can't blame myself kung bakit tinatamad akong bumangon. I started to look at her face and can't help but to smile. Nakakatamad bumangon kung ganito kaganda ang makikita mo sa umaga at pagkagising mo.
I wish we can stay like this forever and I would love to sleep forever beside you, sweetie.
Ang sarap ng tulog niya and I don't want to bother her.
"I'm sorry kung hindi kita palaging napagbibigyan sa gusto mo. It's just that, I still respect you and do really want to give you some privacy dahil ayaw kong maramdaman mo na nasasakal ka sa relasyon natin. I will never get bored of our relationship, even in hard times, sweetie. I hope you also feel the same" I whispered while staring at her trying not to let her hear me.
She asked me many times kung pwede raw ba kaming matulog ng magkatabi and I rejected it more than many times too at ngayon ko lang siya napagbigyan kaya kagabi hinintay ko siya dito sa kwarto ko and she was so happy but I think there's something wrong. Kahit na nakangiti siya kagabi pagkabukas ko sa pintuan, I felt like she's hiding something from me. Parang mayroon siyang hindi sinasabi sa akin.
Nevermind! I really really trust her at alam ko naman na hindi niya kayang maglihim sa akin.
I started to move towards her and I kissed her forehead bago ako tumayo para magluto ng almusal namin. Dahan-dahan ako sa pagbangon para hindi siya magising. Inumpisahan ko ng ihanda lahat ng kakailanganin sa pagluluto and I'm planning to make a simple omelette dahil kulang ang ipinadalang ingredients namin. Lately, may mga ipinapadalang box sa amin that came from our family. Of course, the students' families don't know anything except for my parents na nakakulong kami sa impyernong 'to.
I removed my t-shirt making this hot body of mine topless and put on an apron. Mas komportable kasi akong magluto kapag ganito.
While preparing our breakfast, hindi ko maiwasang maalala lahat ng nangyari sa akin dati. Knowing that my own family was the one who intentionally sent me here, it hurts. Syden asked me about my past pero hindi ko sinabi sa kanya na inutusan akong patayin lahat ng nakasulat sa list para makalabas ako dito. Her name was also written in the list, as well as Sean Raven. That was supposed to be my plan pero matagal ko ng hindi tinupad ang kahilingan ni dad just because I wanted to protect my friends, especially her from bad people just like me.
In order to protect them, someone must become a demon to fight its own kind and that's me.
I somehow felt nervous ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran habang nagluluto ako kaya napatingin ako sa likuran ko at napangiti ng makita ko siya na nakangiti rin, "Good morning, sweetie. How's your sleep?" I asked her.
"It was good, muffin. Kasi katabi kita" saad niya na abot tainga ang ngiti.
"Good to know. Just sit there and wait for your breakfast"
"Ang bango naman" saad nito kaya mas napangiti pa ako at muling napatingin sa kanya. But I noticed something kaya napatingin ako sa kamay niyang nakayakap pa sa akin, "Sweetie?"
"Hmm?" nawala ang ngiti nito at nagtaka habang nakatingin sa akin.
"Alam ko naman na hot ako, but could you please sit there for a while? Hayaan mo, pagkatapos ko dito, I will let you touch my hot and gorgeous body unlimitedly" I said to her kaya in the end, sinabunutan niya ako at halatang nainis siya.
"Aww!"
"Dean Carson, masyado ng mataas 'yang kayabangan mo! Baka gusto mong sipain kita palabas ng building na 'to?" sambit niya na umupo na lang habang nakatingin pa rin sa akin at hindi ko naman maalis ang ngiti ko. Haha nainis!
Nang matapos na ang niluluto ko, inilagay ko 'yon sa plato at inihapag sa harapan niya, "Can you do it?" pang-aasar ko sa kanya kaya mas sinamaan niya pa ako ng tingin.
"Of course, I can. Don't try me" she said.
Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa lamesa habang nakatayo pa rin at nasa tapat niya. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya kaya umaatras naman siya hanggang sa mapasandal ito sa inuupuan niya.
Inilapit ko sa bibig niya ang tinidor na ngayon ay hawak ko na, na may kasamang omelette kaya't nagtaka siya, "I assure you na kapag natikman mo ang luto ko, hindi mo na pipiliing pakawalan pa ako" I said while smiling devilishly. I don't know but there are times na ang sarap niyang asarin.
"Try it" dagdag ko pa dahil hindi ko maipinta kung anong klasing tingin ang binabato niya sa akin dahil sa nanliliit niyang mata.
"Come on" napatingin siya sa hawak kong tinidor at muli akong tinignan pero sa huli ay sinubo niya rin 'yon kaya naghintay ako ng isasagot niya.
"Is it good?" tanong ko habang ngumunguya siya at seryosong nakatingin sa akin.
"Pwede na" sagot naman niya and I am not satisfied with that. Ganon na lang ba 'yon?
Kinuha niya ang hawak kong tinidor at kumuha din ng omelette at itinapat niya sa bibig ko 'yon kaya napangiti ako lalo, "It's great!" she said na ngumiti kaya aktong isusubo ko na 'yon, bigla kaming napatingin sa pintuan ng may kumatok. F*ck! Panira!
Kung sino man siya, humanda talaga 'to sakin mamaya! Malilintikan siya!
Kinuha ko ang hawak niyang tinidor at pabagsak 'yong ibinalik sa plato, "D*mn it! Sino ba naman kasi 'yang panira na 'yan!? Istorbo!" lumapit ako sa pintuan para buksan ang pintuan pero pinigilan niya ako kaya napatingin ako sa kanya, "Ako na, baka ano pang magawa mo 'dun sa tao. Kumain ka na lang 'don" saad nito na nag-aalala kaya inis akong umupo. She knows how to handle my temper.
Tsk! Mabuti pa nga at siya na ang magbukas dahil baka maihagis ko yung kumakatok na 'yon palabas ng building na 'to. Minsan na nga lang kami mag-almusal ng sabay, panira pa! I was about to eat that d*mn omelette na hawak niya! F*ck this life!
Pagkabukas niya sa pintuan ay mas lalo pa akong nainis ng makita ko ang pagmumukha ni Dave. Humanda talaga 'tong lalaki na 'to sa akin kapag kami na lang dalawa, malilintikan siya sa akin.
"Uy, good morning, Dave!" bati ni Syden.
"Good morning din" bati ng loko-loko. Nagpilit itong ngumiti at napahawak sa batok niya na parang may problema kaya napunta doon ang atensyon ko.
"May problema ba?" alam kong napansin din ni Syden yung kilos niya.
"G-gusto ko lang kasing sabihin na- " natigilan na lang si Dave sa pagsasalita ng makita niya ako. I'm just smiling at him devilishly habang masamang nakatingin sa kanya kaya alam kong takot na siya. Tsk! Bagay sa kanya!
"Hey! May problema ba?" tanong pa ni Syden kaya napatingin si Dave sa kanya.
"A-ano kasi...p-pinuntahan kita sa kwarto mo, k-kaso wala ka 'don kaya pupuntahan ko sana si Dean dahil baka magkasama kayo and I was right" saad nito na namumutla.
"Well, oo kagabi pa kami magkasama. Bakit mo pala ako hinahanap? Nasaan si Raven?" tanong niya na tumingin sa likuran ni Dave.
"That's the reason kung bakit nandito ako. Nandito ako para sabihing yung magaling mong kakambal, pinalayas ako sa sarili kong kwarto kagabi" he said kaya pareho kaming nagtaka.
"Ano?! Bakit?! Nag-away ba kayo?!" gulat na tanong ni Syden.
"Tsk! Mas maganda siya ang tanungin mo at tignan mo siya ngayon" saad ni Dave na parang dissappointed.
"Bakit naman gagawin ni Sean 'yon, siya na nga ang pinakamatino sa grupo?" I asked at nagkatinginan kami ni Dave habang ngumunguya ako.
"Boss, matino din naman ako ah?" saad nito kaya sinamaan ko siya ng tingin, "Tumigil ka nga" saad ko at sinamaan siya ng tingin kaya tinignan niya na lang ulit si Syden. Tss! Matino daw.
"Ano bang nangyari?!"
"Ayon nagpakalasing" sagot ni Dave na ikinagulat namin. Parang ang hirap naman atang paniwalaan ng sinasabi nitong member ko.
"Ha bakit?!" -S
"Mas mabuti pa puntahan muna siya ngayon" sagot ni Dave sa kanya kaya tumayo na ako at nilapitan silang dalawa.
Humarap si Syden sa akin at nagsalita. Halata namang nag-aalala siya dahil sa kakambal niya, "Titignan ko lang si Raven" saad nito kaya tumango ako, "Sure, sweetie. I'll go with you" I said.
"But I think you can't" saad niya kaya nagtaka ako lalo na't pareho silang may tinitignan ni Dave sa labas kaya sumilip na rin ako. It's the Phantoms. Papalapit sila sa direksyon namin at mukhang may pakay sila dito.
Pagkalapit nila ay nakatingin sila sa akin kaya nagsalita ako, "What do you need?"
"Pinapatawag ka ni Clyde" one of them said.
Napatingin ako kay Syden kaya tumango siya at ngumiti, "It's okay. It might be important" saad niya kaya kahit ayaw ko ngumiti na lang din ako.
"Fine, magkita na lang tayo ulit mamaya. Be careful, okay?" saad ko at inayos ang buhok niya.
"Keep an eye on her" saad ko kay Dave na tumango naman.
"Sige. Bye, muffin!" saad nito na malapad ang ngiti and I didn't expect what she did after that. Bago niya ako tinalikuran, he kissed me on my cheeks and I can't help but to smile. Is this what they call butterflies in the stomach? Haha pathetic!
Nakaugalian na talaga akong tawaging muffin ng babaeng 'yon.
Nag-umpisa na akong maglakad at tumabi ang mga member ni Clyde. Sumunod na rin naman sila sa akin lalo na't alam ko naman kung saan ako papunta. Sa lugar kung saan kami madalas na magkita ni Clyde.
Nang makita ko na ang pinakadulong kwarto, napangisi na lang ako lalo na't maraming Phantoms ang naka-istambay sa labas ng kwartong 'yon. When they finally saw me heading towards their direction, isa-isa rin silang tumabi para bigyan ako ng daanan.
I was about to open the door pero binuksan na 'yon ng isa niyang member para sa akin and there he is. Nakaupo siya habang umiinom at may lamesa sa harapan niya na punung-puno ng alak. Kahit kailan talaga, hindi na niya nahinto ang bisyo niya.
Pumasok ako at narinig namin ang pagsara ng pintuan. Nakatingin ako sa kanya at ganon din naman siya sa akin habang hawak niya yung bote ng alak.
"Anong kailangan mo, Clyde?" I asked habang nakatayo sa harapan niya.
Itinuro nito ang upuan sa tapat niya, "Let's have a drink" alok niya sa akin kaya umupo na rin ako to be comfortable but not to drink. As expected, inialok niya sa akin ang hawak niyang bote ng alak kaya umiling ako.
"No thanks" I responded kaya natawa siya na parang hindi makapaniwala.
"Bagong buhay?" tanong nito kaya napangiti na lang din ako ng masama.
"I'm controlling myself"
"Dahil baka magalit girlfriend mo?"
"It's not that. Hindi naman siya mahigpit pagdating sa bisyo ko but it doesn't mean na okay lang sa kanya na magbisyo ako, parati ko ng gagawin. I still respect her"
"Tss, you really love her, huh?" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay uminom siya ulit.
"More than you know. Eh bakit ikaw, inom ka ng inom? Hindi ba magagalit si Roxanne sa ginagawa mo?" saad ko na isa-isang tinitignan ang mga boteng wala ng laman sa harapan ko. May mga iilan pa rin naman na puno pa ang laman.
"Tss, pano magagalit yon eh mas malakas pa nga siyang uminom sakin?" sambit niya kaya pareho kaming natawa.
"I can't believe you. Paano kayo nakakatagal sa ganyang relasyon?"
"Kahit naman hindi kami palaging magkasama, alam namin na wala ng gagawa ng kalokohan kagaya ng dati"
"Seryoso ba kayo? Mukhang alam niyo namang pareho ang ginagawa niyong kalokohan?"
"Dean, kahit ilang babae pa ang matikman ko at ilang lalaki ang tabihan niya tuwing gabi...alam namin na sa huli, kami pa rin. Pero syempre dati lng 'yon, nagbabago na kami ngayon except sa bisyo namin" saad nito and he looks proud about it.
"Bakit mo ba ako pinapunta dito?"
"Because I need to tell you something about Phoenix Vernon" narinig ko pa lang ang pangalan na 'yon, nag-iba na ang itsura ko. I became serious dahil sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng lalaking 'yon, gustung-gusto ko ng pumatay.
Inilapag ni Clyde ang hawak niyang bote sa lamesa at bahagyang lumapit sa akin. This time, we were both looking at each other.
"We don't know anything about him except his position being the first guard of the student council. He keeps a lot of secret" saad ni Clyde.
"Then, why do we need to talk about him?"
"May plano siya at 'yon ang kailangan nating alamin. Everything is not yet clear, that's why we need to clear things up"
"What about Savannah Burleson? The second guard of the student council?" tanong ko sa kanya. Above all, sa lahat ng officers silang dalawa lang ang kilala namin at lagi naming nakikita.
"Sa pagkakaalam ko, they are not blood- related. Hindi rin sila malapit sa isa't-isa since base sa mga nakalap kong impormasyon, madalas silang mag-away but they are both dangerous. Kumikilos sila ng patago"
Dahil sa mga sinasabi ni Clyde, I'm starting to catch up some interests about those two. They can be an ally or worse, an enemy.
"That's what we need to find out. Kayong dalawa ng girlfriend mo ang target nila kaya ngayon pa lang, sinasabi ko na sayo bantayan mo na si Syden at huwag mo ng iiwan. Hindi natin alam kung anong plano nila. Siya...ang kahinahan ng grupo natin" dagdag pa ni Clyde kaya nagtaka ako.
"And why would they aim for us? Wala akong naiisip na ibang dahilan para kaming dalawa ng girlfriend ko ang tirahin nil- " I suddenly stopped when I just realized something.
"Except..." tulala akong napatingin sa lamesa while thinking. Maaaring tama nga ang hinala ko.
"Except what?" tanong ni Clyde na parang alam na niya ang naiisip ko kaya muli ko siyang tinignan, "I know that Phoenix Vernon is starting to have an interest with my girl" come to think of it, the way he looks at her sa tuwing makakasalubong namin sila. Of course, I would know dahil lalaki ako.
"And Savannah Burleson likes you too. Now tell me, wala pa rin bang dahilan para targetin nila kayong dalawa?" sarcastikong tanong ni Clyde.
"We need to eliminate them, they are both a threat, Dean Carson"
"There's no need to do something immediately"
"Then, what's your plan?"
Kumuha ako ng bote ng alak na may laman pa, ibinuhos ko 'yon sa baso at ng mangalahati na, inilapit ko kay Clyde habang nakangiti ng masama, "Let's watch them how they do their plan. Maayos akong makipaglaro sa mga taong maayos kalaban...but if they have dirty ways to play, let's make the game more dirty" masama din itong ngumiti at ininom 'yon habang nakatingin sa akin. Naglalaro sa mga utak namin ang lahat ng pinaplano namin.
Lahat ng nagbabalak na sirain ang relasyon namin ni Syden...
Sisirain ko ang pinaghirapan at pinagpaguran nila. That feeling when all your efforts would just be wasted in a single bit.
To be continued...
Napa-aga po update dahil hindi ako makakapag-ud ng 2 times sa friday kaya inuna ko na po i-update ang CA ngayon. Hope you like it! Aside from CA may isa pa po kasi akong inuupdate, please do support my new story too, The Mafia Country!
Love lots, majesties!😘😍