♡ Bliss Syden's POV ♡
Kasalukuyan akong nakasandal sa pader ngayon habang naiinip na tinitignan ang relo ko dahil ang tagal niya. Kanina pa ako nandito at hanggang ngayon ay hindi pa siya lumalabas. Ewan ko ba kung bakit ang tagal niya. I mean, normal lang naman sa mga babae na magtagal sa cr pero ibang klasi siya.
Mag-iisang oras na at hindi pa siya lumalabas. Hindi ko nga alam kung may balak pa ba siyang lumabas o baka nakatulog na siya sa loob.
Magmula sa sobrang tagal ng paghihintay, napabuntong-hininga na lang ako ng makita ko siyang lumabas sa cr. Nakita ko na parang hanggang sa paglabas niya ay nag-aayos pa siya. Habang papalapit siya sa akin ay pinapagpag niya ang napaka-pula niyang damit at ito rin ang unang beses na nakita kong nakamake-up siya. Sa tagal ng panahon, ngayon niya lang naisipang mag-ayos lalo na't muli siyang nakabalik sa grupo niya.
"Pasensya na, Syden. Pinaghintay pa kita ng matagal" saad nito kaya tinarayan ko na lang siya.
"Buti naman at alam mo. Halos mag-iisang oras na akong nakatayo dito. Akala ko natulog ka na sa loob" saad ko sa kanya.
"I'm sorry. Nakita mo naman ang ayos ko hindi ba? Sulit naman" saad niya na nginitian ako kaya tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Tuwang-tuwa pa naman siya.
Aaminin kong mas maganda nga siya ngayon kumpara dati dahil inayusan niya ang sarili niya pero mas maganda pa rin ako kahit na anong mangyari. Syempre ida-down ko ba naman yung sarili ko?
Masakit lang sa mata dahil sa pagkapula-pula niyang labi ganon din naman ang suot niyang dress at 3 inches heels na kulay pula rin. Well, 'yon naman kasi ang rules sa Redblades. Ano pa nga bang magagawa ko?
"Tara na" saad ko dito at nag-umpisa na akong maglakad kaya't sumunod na rin naman siya sa akin. Hindi pa man kami nakakarami ng hakbang ay biglang may humarang sa amin kaya natigilan kami ni Leigh sa paglalakad. Tignan mo nga naman kapag maganda ang timing. Bakit sila pa ang makakasalubong? Tsk!
Tinignan ko ang buong grupo niya at puro lalaki sila lahat. Napangiti na lang ako ng masama at nagkibit-balikat ng makita ko ang nangunguna sa kanila. It's Phoenix Vernon. Maayos itong nakatingin sa akin kaya't nakipagtitigan na rin ako sa kanya habang hinhintay ang sasabihin niya.
Napatingin na lang ako sa kamay nito ng ilahad niya ito sa akin na para bang nakikipagkilala, "I'm here to introduce myself, Ms. Fuentes, right?" tanong nito pero pinag-taasan ko lang siya ng kilay.
"No need. We already know you" sagot ko kaya't ibinaba nito ang kamay niya na parang napahiya at napabuntong-hininga dahil sa sinagot ko.
"Don't you know the word respect, Ms. Fuentes? As part of the student council, I want to introduce myself formally para makilala niyo ako. I am doing this because it's my job" sagot nito kaya nag-umpisa ng matahimik ang paligid at mapatingin lahat sa direksyon namin.
"Then just do your job. Hindi naman kailangang malaman ng lahat kung sino ka. You can still do your job without letting anyone know your name" sagot ko dito. Hindi ko rin alam pero pagdating sa student council, kumukulo ang dugo namin sa kanila. Hindi kami komportable.
Nag-umpisa na akong maglakad para lampasan sila ngunit napatingin ako dito ng mahigpit niyang hawakan ang braso ko at alam kong galit siya, "The student council has its highest position in this academy, baka nakakalimutan mo? Tignan mo kung sinong binabangga mo. After all, this is our territory. You are in building three or should I say, the highest supreme territory. I'm watching you" saad nito na nagpipigil sa galit pero kahit konti ay hindi ako nakaramdam ng takot. Binalingan ko siya ng isang masamang pagngiti.
"Really?" I asked sarcastically.
Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa akin ngunit mas humihigpit ito habang masama naming tinitignan ang isa't-isa. Bigla na lang may humila sa akin papalayo sa kanya kaya napahawak ako sa braso ko at tinignan ko kung sino ang gumawa noon.
Tignan mo nga naman kapag biglang bumaliktad ang mundo. Pagdating lang talaga sa lakas, hindi ko mahigitan ang mga lalaki. Tss! Ano ba namang klasing kamay meron sila?
Nakita ko si Clyde kasama ang Phantoms at nagkakatapatan sila ng tingin ni Phoenix, "You are a member of the student council at sa tingin ko hindi naman ata tama na ikaw mismo ang nananakit sa mga pinamumunuan mo. You are just in the lower position...kaya huwag kang magmataas" saad ni Clyde na mas ikinainis pa ng katapat niya.
Masama akong tinignan nito bago nila kami tinalikuran at naglakad papalayo sa amin.
Bwisit na lalaking 'yun!
Humarap sa akin si Clyde kaya't tumayo na ako ng maayos habang nakahawak pa rin ang isa kong kamay sa braso ko at tinignan ko rin siya.
"Why did you do that?" pagtatakang tanong ko although alam ko naman ang isasagot niya.
Hayysss. (。-_-。)
"I did that for Blood Rebels" maiksing sagot nito bago niya ako tinalikuran kaya't sumunod na rin ang mga Phantoms sa kanya.
Hindi pa man sila nakakalayo ay muling tumalikod si Clyde para harapin ako kaya't napatingin ako sa kanila na natigilan rin sa paglalakad, "Ngayon pa lang, I'm telling you layuan mo na ang lalaking 'yon. Hindi mo gugustuhing malaman ni Dean ang pananakot na ginagawa ng lalaking 'yon sa'yo" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay muli na silang naglakad papalayo sa amin.
Bumait na siya nuh? (^▽^)
We'll know later kung bakit hindi ko na kaaway ang Phantoms (^-^)/
Ibinaba ko na ang kamay ko na nakahawak sa braso ko at napayuko na lang ako. Clyde is right. Kailangan kong umiwas kay Phoenix Vernon.
"Are you okay?" tanong ni Leigh sa akin na hinawakan ang kabilang braso ko kaya napatingin ako sa kanya at tumango ako. Sa pagkakataong 'yon ay napangiti na lang ako at piniling huwag ng magpaapekto sa nangyari.
It's not good to be in bad mood.
"Oo naman. It's not really a big deal" saad ko kay Leigh na nag-aalalang nakatingin sa akin kaya ibinaba na niya ang kamay niyang nakahawak sa akin.
Mga mata niya, puno ng pag-aalala.
"Let's go" saad ko dito at nag-umpisang maglakad kaya't sumunod na rin naman siya sa akin. Habang dumadaan kami sa hallway, hindi ito katulad noon na puno ng dugo sa pader at puno ng mga patay na estudyante. Marami ng pinagbago ang eskwelang 'to, at nagsimula lahat ng 'yon ng muling magsara ang wall na kaisa-isang pag-asa namin upang makatakas.
Lahat ng mga taong pag-asa namin ay nawala rin, lalung-lalo na si Mrs. Lim.
Si Ms. Freud, wala kaming ideya kung nasaan siya.
May mga iilang estudyante rin ang nakakasalubong namin sa hallway habang patuloy kami sa paglalakad ni Leigh hanggang sa matanaw ko ang pinakadulong classroom kung saan pupunta si Leigh. Nandoon kasi sa classroom na 'yon ang Redblades at balak niyang pumunta doon ngayon. Wala namang problema sa akin dahil simula noong araw na 'yon, nagtapos na rin ang matinding away ng Phantoms at Redblades laban sa Vipers.
Ang saya no? Haha. Noong una, ayaw ko kasi yung dalawang grupo lang naman na 'yon ang kauna-unahang nagpahirap sa amin ni Raven pero day by day, natanggap ko na rin.
Ako lang ang kaisa-isang tao na naging masaya nung nangyari 'yon. Yung iba? Mas lalong natakot at nadagdagan ang bangungot dahil nagsama-sama ang tatlong pinaka-kinatatakutan na grupo.
Naisipang bumalik ni Leigh or should I say Gwen sa Redblades lalo na't nakilala nila siya. Hindi rin naman daw niya matiis ang mga kaibigan niya doon kahit pa nakagawa sila ng hindi maganda sa kanya. Ako naman, pupuntahan ang mga Vipers na hindi kalayuan sa classroom kung nasaan ang Redblades. Isang classroom lang ata ang pagitan kung nasaan ang Redblades at Vipers?
Diretso lang kami sa paglalakad hanggang sa makapunta na ako sa tapat ng classroom kung nasaan ang Vipers. Kahit sarado ang pintuan ay naririnig namin ang lakas ng pagtawa nila sa loob. Kung makatawa sila, mukhang inosente😑 Tumigil kami ni Leigh sa paglalakad at nagharapan para mag-usap.
Bago pa man ako makapagsalita ay narinig na namin na bumukas ang pintuan kaya napatingin kami doon at bumungad sa amin si Raven na nakangiti pero ng makita niya si Leigh ay unti-unti ring nawala ang ngiti nito na parang hindi niya inaasahan ang makikita niya.
Let's just say, there's something between the two of them (^~^)
Wala akong nagawa kundi tignan silang dalawa dahil ilang segundo rin ang lumipas na halos hindi na nila matanggal ang pakikipagtitigan sa isa't-isa. Napapangiti ako dahil doon pero pinipilit kong pigilan para hindi nila ako mapansin. Baka mamaya, pareho nila akong hampasin.
Pero mukhang hindi naman tumalab 'yon dahil napatingin sa akin si Leigh at napayuko na parang nahihiya, "Hmmm Sy, mauna na ako" saad nito na mabilis akong tinignan at muling napayuko na halatang umiiwas na ng tingin kay Raven.
Wala namang mangyayari sa dalawang 'to kung mag-iiwasan lang sila. Eto naman kasing si Raven, torpe.
Pambansang torpe ng bayan😑
"Sige" saad ko at nginitian si Leigh.
Napatingin siya sa akin at ngumiti rin ito. Nag-umpisa na siyang maglakad papalayo sa amin para pumunta na sa classroom kung nasaan ang Redblades. Lumapit ako kay Raven habang nakatingin kay Leigh hanggang sa tuluyan na siyang makapasok doon kaya nginitian ko ng masama si Raven para asarin ito.
It's payback time, twin brother haha! Palagi akong inaasar nito tuwing ko si muffin ko eh! Ako naman ngayon! Mwahahaha! Lagot ka sa akin Raven ka!
¯\_(ツ)_/¯
"What?" tanong niya na nagtataka kaya't mas lalo pa akong napangiti. Pretending innocent huh?
"Huwag mo nga akong daanin sa ganyan mo" saad ko dito na mas lalo niya pang ipinagtaka.
"Ano bang ginagawa ko?"
Painosente pa siya haha!
"Pakipot ka pa 'dyan langya ka! Bakit hindi mo na lang kasi amining may gusto ka nga kay Leigh" pang-aasar ko sa kanya. Kahit naman hindi niya sabihin ang totoo ay alam kong ganoon nga ang nararamdaman niya para kay Leigh pero ayaw niya lang sabihin sa amin ang totoo.
Kasi nga, torpe siya! Haha!
"Bahala ka nga dyan!" iritang sabi nito na napakamot ng ulo at sinamaan ako ng tingin at muling pumasok sa loob kaya sumunod na lang din ako sa kanya. Nakita kong nakaupo lahat ng Vipers habang nakatingin sa direksyon namin.
"Oh, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Dave kay Raven dahil sa itsura nito pero hindi siya sinagot nito kaya tinignan ako ni Dave at kinindatan ko siya. Magandang makipag-sabwatan dito kay Dave para asarin tong magaling kong kakambal eh! Hahaha!
¯\_(ツ)_/¯
Nakita kong umupo si Raven kaya lumapit na rin ako sa isang bakanteng upuan para umupo, "Hindi niya kasi inaasahang makikita niya si Leigh. Torpe kasi!" saad ko bago umupo sa tabi ni muffin. Hindi rin naman ako naging komportable dahil nakangiti ito habang nakatitig sa akin kaya kahit papaano ay nakakaramdam pa rin ako ng kaba dahil iba pa rin talaga ang way na tignan niya ako.
Malulusaw ako sa titig niya eh😁
"What?" tanong ko dito habang nakangiti ako.
"I just miss you, my sweetie"
See? Nagkita lang kami kanina, miss niya na daw ako.
Bahagya siyang lumapit sa akin at inakbayan ako, as always. Nakita ko rin kung paano niya tignan ang mata at labi ko kaya nagtataka na ako sa mga ikinikilos niya. Ang saya nga lang isipin na walang nagbago sa ugali niya, katulad pa rin siya ng dati.
"Bakit ba ganyan ka makatingin sa akin?" tanong ko dito.
"Nothing" sagot niya na mas ngimiti pa at inialis na ang tingin sa akin nang magsalita si Dustin.
"Bakit ano bang nangyari sa inyo ni Leigh?" tanong niya kaya napatingin kaming lahat kay Raven at napatingin naman siya sa amin.
"Wala" maikling sagot niya na tumingin sa ibang direksyon. Pakipot pa ang torpe!
"Tsss, kung ako sa'yo bro sasabihin ko na sa kanya ang totoo" sambit naman ni Oliver at halatang naiinis si Raven sa mga sinasabi nila. Okay lang 'yan boys, hahaha!
"At ano namang sasabihin ko sa kanya? Pwede ba tigilan niyo ako" iritang sagot niya. See? Haha mabilis mainis ang pambansang torpe ng bayan!
"Bakit kasi hindi mo na lang aminin sa amin at sa sarili mo na gusto mo nga siya, na may nararamdaman ka para sa kanya?" dagdag pa ni Stephen. Sige lang boys, asarin niyo lang mwahaha!
"Hindi ko nga siya gusto okay?!,Baka kayo ang may gusto sa kanya?!"
"Sean Raven, masasabing Viper ka pero mahina ka sa pag-ibig" tapos ayon, pinagtawanan namin siya. Kala ng lalaking 'to mapapaikot niya kami sa mga kasinungalingan niya.
"Hindi ako mahina! Pilit niyo lang talaga siyang ipinagtutulakan sa akin. Tumigil na nga kayo!" iritang sagot nito kaya't nagkatinginan na lang kaming lahat at masamang napangiti.
Mga lalaking 'to, may plano. Yung ngiti nila, iba eh.
"Kung hindi mo naman pala siya gusto...edi ako na lang ang manliligaw sa kamya?" saad ni Dave hanggang sa...
Mwahahaha wrong joke bruh!
Nakita na lang namin na nakatayo si Raven tapos hawak ng mahigpit yung damit ni Dave gamit yung dalawa niyang kamay na parang gusto niyang bugbugin si Dave. Kahit torpe 'yan, loyal 'yan haha!
"Easy bro! Easy! Nagbibiro lang ako!" sigaw ni Dave na parang anytime, ready siyang umiwas sa makamandag na suntok ni Raven. Haha!😂
"Gago ka!" binitawan ni Raven si Dave at tinalikuran kami.
Si Dave ayun, nagulat sa nangyari tapos yung ekspresyon niya, hindi makapaniwala kaya tinuro-turo namin tapos pinagtawanan😂
Magbiro sa lasing huwag lang kay Sean Raven haha!
Napailing naman si Dave na parang hindi makapaniwala. Wala na rin naman kaming magagawa kung ayaw niya talagang umamin.
"Huwag niyo na kasi siyang pilitin kung ayaw niya. Mas mabuti pang maglakad-lakad na muna tayo tsaka huwag niyong inaasar, alam niyo namang pikon 'yon" sermon ni Dean. Ayan nanaman siya, ginagampanan pagiging leader niya.
Tumayo na kaming lahat. Pagkatayo ko ay agad niyang inabot ang kamay ko at maayos itong hinawakan kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti lang siya. Palagi naman niyang ginagawa 'yon kaya't nasanay na rin naman ako pero hindi ko pa rin maiwasang matuwa sa tuwing ginagawa niya sa akin 'yon.
(^~^)
Nag-umpisa na siyang maglakad kaya't napasunod na rin kaming lahat sa kanya papalabas sa classroom na 'yon. Pagkalabas namin ay narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan bago kami tuluyang nakapaglakad sa hallway. Maraming iba't-ibang grupo kaming nakakasalubong pero kahit kailan talaga ay hindi nawala ang kapangyarihan ng pangalang Vipers at lahat na ata ng estudyante sa eskwelang 'to ay kilalang-kilala na sila. Iba pa rin ang presensya nila magmula pa lang sa pangalan. Katulad ng dati ay marami pa ring takot sa kanila.
Noong isang araw lang ay may nakabanggaan silang lalaki at halos halikan na ng lalaking 'yon ang sahig para lang magmakaawa. Marami mang nagbago sa lugar na 'to, pero wala pa rin talagang makakatalo sa grupong kasama ko. Nasa harap kaming dalawa ni Dean habang lahat naman ng members ay nasa likod.
Nakakalungkot nga lang isipin na nabawasan ng dalawa dahil sa pagkawala nina Nash at Zorren. Dahil kay Zorren ay naalala ko si Julez, hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa kalagayan niya pati na rin sina Icah, Maureen at Hadlee dahil hindi namin sila kasama dito sa building na 'to. Simula noong araw na 'yon, tuluyan na silang nahiwalay sa amin. Sinubukan kong maghanap ng paraan para makalabas, pero hindi ganoon kadali 'yon dahil protektado ang building na 'to.
Tama, kung dati hindi kami makalabas sa eskwelang 'to, ngayon hindi na kami makalabas sa building na 'to.
Habang iniisip ko ang mga kaibigan ko ay nawala na lang ang pag-aalala ng may makasalubong kaming hindi kaaya-aya sa paningin ko. Napatigil kami sa paglalakad habang tinitignan mula ulo hanggang paa ang dalawang tao na nasa harapan ko.
Long time no see, actually.
Pinagtaasan ko ng kilay si Maxine at Blake ng muli ko silang makita sa tagal ng panahon. It's not like gusto kong mamatay o mawala sila pero ayaw kong makita sila. Bakit ba kasi hindi na lang sila ang napunta sa ibang building. Dito pa talaga sa lugar na 'to kung nasaan kami. Nakakapagtaka nga lang dahil seryoso lang silang dalawa na nakatingin sa amin ni Dean at hindi sila nagsasalita.
Nag-umpisa na silang maglakad kaya tumabi kami ng konti para makadaan sila at napatingin na lang ako sa kanila. Yes I still hate them but it's not like I literally don't care for them. I am still concern about their current situation and somehow, I am thankful dahil walang nangyaring masama sa kanila.
Muli naming itinuloy ang paglalakad at halos lahat ng makakasalubong namin ay tumatabi sa tuwing makakasalubong namin sila dahil sa takot na banggain ang Vipers. Patuloy kami sa paglalakad ngunit muli kaming natigilan dahil mula sa room 11, biglang bumukas ang pintuan dahilan para maharangan ang daraanan namin.
Nanliit na lang ang mata ko ng makita ko ang kaisa-isang babae na magmula umpisa, hindi ko na nagustuhan dahil sa paraan kung paano niya tignan si Dean. Napahigpit na lang ang hawak ko sa kamay niya dahil sa babaeng 'yon. Napatingin siya sa aming lahat at muli ko nanamang nakita ang mga mata niya kung paano nito tignan si Dean. Right now, I really really want to slap her many times at ilublob sa kumukulong tubig.
Napatingin ang babaeng 'yon sa akin. Mataray niya akong tinignan at pinagtaasan ng kilay kaya't ganon na rin ang ginawa ko. Papatalo ba ako sa kanya? At least I could say na sa akin si Dean Carson at sa akin lang siya. Nawala na lang ang pagtataray nito ng tignan niya si Dean at ngumiti siya kaya't hindi ko maiwasang manginig dahil sa inis at galit.
I looked at my muffin and good to know na seryoso lang itong nakatingin sa babaeng 'yon na parang mortal niyang kaaway ito. That's my muffin. Subuk-subukan niya lang na ngitian ang babaeng 'yon at mag-aaway talaga kami.
"Excuse me!" napahawak na lang ito sa pader ng makita naming itulak siya ni Roxanne kaya't napatingin siya dito. Another mataray here. Nakangiti ng masama at nakatingin si Roxanne sa kanya habang kasama nito si Clyde pero hindi nila kasama ang mga members nila. Nagulat rin naman kami dahil sa biglaan nilang pagsulpot out of nowhere.
"Sino ba naman kasi ang may lakas ng loob na humarang sa daraanan namin?" sarcastic na tanong ni Roxanne habang natutuwang nakatingin sa babaeng tinulak niya kaya't maayos itong tumayo at tinapatan si Roxanne, "Well, it's not my fault. Besides, I have the rights dahil may posisyon at may maipagmamalaki ako. Eh ikaw?" sagot naman niya kay Roxanne kaya't pinagtaasan na rin siya ng kilay ni Roxanne.
"I am not longing for your useless position, pathetic bitch. Ewww! Sabihin mo nga sa amin, ano ba talagang part ng student council sa lugar na 'to?" dahil sa sinabi niya ay natawa na lang ang babaeng kausap niya kaya't napatingin ito sa ibang direksyon at nagkibit balikat bago muling tinignan si Roxanne.
"Simple. We're here to help at wala na kaming magagawa kung hindi niyo kakailanganin ang tulong namin at kung hindi kayo maniniwala sa amin"
"Talagang hindi namin kakailanganin ang tulong niyo dahil kaya namin ang sarili namin. Anong maipagmamalaki ko, you said? Well, I have Redblades, I have my own group" saad niya.
"Eh yung kalandian mo? Hindi mo ba maipagmamalaki. As long as I remember, I've seen your records and you had a lot of relationships" sarcastic na sabi naman ng kausap niya na halatang ikinainis ni Roxanne.
"Fine, aaminin ko nagkaroon nga ako ng maraming karelasyon, pero noon lang 'yon at hindi na ngayon. For your information...." mas lalo pa nitong tinapatan ang babaeng kausap niya at diretso itong tinignan, "Baguhan pa lang kayo dito at mas matagal kaming nanatili dito kaysa sa inyo kaya huwag kayong magmalaki. Kung talagang part ka ng student council, bakit hindi mo sabihin kung nasaan ang buong officers" umabot muna ng ilang segundo bago sumagot ang kausap niya.
"I am one of the officers but it is really confidential about their whereabouts na kahit ako, hindi ko alam kung nasaan sila. Bakit ba masyado kayong curious kung nasaan ang buong officers?" sarcastic na tanong nito.
"Kung talagang may posisyon kayong pinanghahawakan, malakas dapat ang loob niyong iharap ang mga sarili niyo sa lahat ng estudyante. Hindi kagaya mo, na puro lang salita at walang ibang alam gawin kundi ang tumingin sa pagmamay-ari ng iba" saad ni Roxanne sabay tingin sa aming dalawa ni Dean.
"Ohhhhh hahahaha!!!"
"Ayoko 'yon dude!"
Sigaw ng mga langyang Vipers sa likuran namin na parang pinagchi-cheer pa si Roxanne😑
Halatang nainis ang babaeng 'yon sa sinabi ni Roxanne kaya't balak niyang sampalin si Roxanne ngunit hindi niya 'yon nagawa dahil hinawakan ni Clyde ang kamay nito kaya't napatingin siya kay Clyde na seryosong nakatingin dito, "I am letting you say bad things about my girlfriend but won't let your dirty hands touch her" saad nito gamit ang nakakatakot na boses kaya't inis na inis niyang inialis ang pagkakahawak ni Clyde sa kanya at binitawan din naman siya ni Clyde.
"Palalagpasin ko ang pagkakataong ito, pero hindi na sa susunod. Pwede niyong banggain ang lahat, but not the student council. Malalaman niya lahat ng ito at sisiguraduhin kong magdudusa kayo" sambit niya at isa-isa kaming tinignan. Alam naming galit siya dahil sa kung papaano niya kami tignan pero hindi kami natatakot sa kanya. Tumabi na lang kami pagkaalis niya para bigyan siya ng daraanan kahit hindi naman dapat. Tinignan namin siya hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin namin.
Napatingin na lang kami kina Clyde at Roxanne na masama pa ring nakatingin sa direksyong tinahak niya, "Do you think lulusubin nila tayo?" tanong ni Clyde at masama itong nakangiti na tinignan si Dean.
"Kung mangyayari 'yan, then it would be exciting" sagot naman ni Dean napangiti na rin at tumingin muli sa direksyong dinaanan ng babaeng 'yon. Napatingin ako kay Roxanne at pareho na rin naman kaming napangiti ng masama bago rin tumingin sa direksyong 'yon na tinahak ng babaeng kinaiinisan namin.
Nakakatuwa lang isipin na ang dating magkakaaway ay magkakampi na ngayon. Just like what I have said earlier, many things have changed at hindi na ito katulad ng inaakala ng lahat.
This is more interesting and exciting now.
To be continued...
Sorry for this long chaptie and I assume na napansin niyong medyo nag-iba yung way ng pagsulat ko hehe😅 I hope it didn't affect your interest and taste😘😍