♡ Someone's POV ♡
"Curiosity kills, my dear students. Don't ask anything about that wall"
"If anyone of you would dare to ask about it...we won't hesitate to send you somewhere else! And I am telling you not to test us! Understand?!"
"That wall has an electric barrier for you to be protected. You came from a rich family kaya responsibilidad naming alagaan kayo at tiyakin ang kaligtasan niyo"
"We can't let you contact your parents or have any connections outside. It's dangerous"
"Your parents agreed to let you stay here. Pasado man o hindi, you can't meet anyone outside. You can't go home until we say so"
Kasalukuyan akong nakaupo sa kaisa-isang bench habang maayos na tinitignan ang wall na nasa harapan ko. This wall catches my attention, or should I say our attention everytime. Oo ako lang mag-isa ngayon ang nakaupo dito pero usap-usapan na sa buong Heaven's Ward High ang wall na ito.
Noong una ay hindi namin pinapansin dahil sa pag-aakalang natural lang talaga na kakaiba ito kumpara sa iba. Pero napapansin naming hindi lang ito basta-basta, there must be something behind this wall at 'yon ang aalamin ko. One of these days, nagkakagulo na rin sa buong campus dahil pinagbawalan kami na gumamit ng gadjets at ayaw kaming payagan na makausap ang mga magulang namin. Hindi rin namin alam kung bakit walang bumibisita sa amin.
All we know...there's something wrong.
All those memories came back at natulala akong nakatingin sa wall na 'yon. Sadness welcomes me everytime na naaalala ko yung nangyari dati. I did not come here to study, I've been searching my lost brother this whole time kaya pumasok ako dito.
Alam kong nandito siya.
We were so happy that time. We were just having fun all day but now he's totally gone because of that incident.
Since that day, naging malungkot na ang buong pamilya namin dahil sa pagkawala niya, we had no idea kung buhay pa ba siya o patay na. But this world is really giving me an idea to continue living just to find him.
Nang mapadaan ako sa office ni Mr. Augustus, I heard him and Mr. Arthur talking about this guy na ipinatapon nila sa isang academy. I don't know what's that academy they were talking about pero naalala ko lahat ng sinabi ni dad sa akin. I think that academy was the secret academy Mr. Wilford mentioned to my dad, that's why I asked him na ipasok ako dito. At first my dad hesitated, but at the end pumayag na rin naman siya.
I am here for my goal at simula ng marinig kong may ipinatapon si Mr. Wilford na lalaki sa isang academy. I knew na may masamang gawain sila ni Mr. Arthur para lang hindi makita ng kung sino ang baho nila. No doubt, na ang lalaking 'yon ay ang kuya ko. I will definitely find my brother. I'm gonna save him no matter what happens. In fact, that academy must be behind this wall kaya napapaligiran ng electric barrier.
But there is only thing na hindi ko maintindihan. Last year, 'yon ang pinakahuling nakausap ko si dad...I told him that some of the students were kicked out dahil sa pang-lima nilang offense. Simula ng marinig ni Dad 'yon ay nagtaka siya na parang naguguluhan din, "Can you mention one?" tanong nito sa akin kaya nag-isip ako kung sinu-sino ang mga estudyanteng na-kick out.
"Britney Gallaghay" saad ko. Napaisip ito at napatingin sa malayo pero muli niya rin akong tinignan, "Really?" tanong nito kaya nagtaka ako.
"May problema ba dad?"
"Kick out? Wala kaming nabalitaan na na-kick out siya. Besides, mayaman din naman sila kaya siguradong mababalita 'yon. Britney's parents even asked for my assistance" sambit niya kaya ako naman ang nagtaka.
"Assistance for what dad?"
"1 and a half year simula ng hindi nila nakakausap si Britney. Pumunta sila sa Heaven's Ward High but the council did not let them talk to her. Since then, nagalit ang parents ni Britney dahil sa inasal ng council, especially Mr. Wilford. They asked me to help them para lusubin ang eskwelang 'yon but sadly, the day before na lulusubin namin ang eskwela, Gallaghay family went missing" pahayag nito na mas ipinagtaka ko pa.
Coincidence? That's totally suspicious.
"Didn't you find them dad?"
"Hinanap ko sila, secretly. Pero hanggang ngayon, walang nakakaalam ng kinaroroonan nila. Ayaw kong isipin na patay na sila, but I know that Wilford and the Schulz family have something to do with this pero alam naman natin, that those two families know how to clean up their own dirt"
"Pero nasaan si Britney ngayon dad?"
"Ikaw dapat ang tinatanong ko kung kamusta na siya hindi ba? Palagi akong pumupunta sa bahay nila para alamin kung nasaan sila but all of them are now gone, even Britney na sa tingin ko ay nasa eskwelahan niyo pa"
"But dad, na-kick out nga si Britney" pagpupumilit ko.
"The Gallaghay family did not receive a letter about her being kicked out. Kaya paano mo sasabihing na-kick out siya? If she's missing in your school, then her family is missing too"
.......
That was the last time na nakausap ko si Dad at doon ko nalaman na hindi talaga nakick-
out si Britney. She's not here at wala din siya sa labas ayon sa pagkakasabi ni dad.
Her family is even missing too. Then where could they be?
Nakakapagtaka lang din kung bakit bigla kaming pinutulan ng koneksyon sa mga pamilya namin at halos mag-iisang taon na namin silang hindi nakakausap at nakikita. I'm gonna find out what's really happening at kung ano ang kinalaman ng Wilford at Schulz family sa mga nangyayari ngayon.
I think this is the right time dahil ngayong gabi aalis si Mr. Wilford and I think he's on his way to the airport. Tumayo na ako habang nananatili pa ring nakatingin sa wall na 'yon.
Ang dami pa ring mga tanong sa isip ko kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay ngayon. Maayos ko itong tinignan bago ko ito tinalikuran upang makabalik na sa kwarto ko dahil medyo madilim na rin at pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda ngayong gabi na 'to.
Nag-umpisa na akong maglakad pabalik sa kwarto ko. Medyo malayo rin naman ang building namin sa wall na 'to kaya't ilang minuto pa bago ako makarating doon. Dahil nga pagabi na rin ay konti na lang ang mga estudyante na palakad-lakad rin naman sa campus na siguradong pabalik na rin sa mga kwarto nila.
Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa kalangitan at pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari ngayong araw na 'to. Habang nakatingin ako dito ay napansin ko na lang na nasa harapan na pala ako ng building kung saan kami natutulog.
Dumiretso ako sa building na 'yon at may mga iilan pa rin naman na labas-pasok sa building kahit ganitong oras na. Dumiretso ako sa may hagdanan na nasa dulo pa at umakyat hanggang sa makarating sa 3rd floor dahil nandoon ang kwarto ko.
Binuksan ko ang pintuan at muli itong isinara pagkapasok ko pa lang sa kwarto. Inihagis ko ang susi sa may lamesa na hindi kalayuan sa akin at diretsong humiga sa kama. Napabuntong hininga at tumingin sa kisame ng ilang minuto habang nag-iisip ng plano ko kung paano ko mahahanap ang kapatid ko ngayong aalis si Mr. Wilford.
Pumikit ako upang mas makapag-isip pa at hindi nagtagal ay muli ko ring binuksan ang mga mata ko at napatingin sa may bintana dahil may napansin ako.
Hindi ko alam kung imahinasyon ba ang nakikita ko. Dahan-dahan akong napatayo habang nakatingin pa rin sa may bintana. Mabagal akong humakbang papalapit doon dahil tila kumikidlat ngunit laking pagtataka ko dahil hindi naman nanggagaling 'yon sa kalangitan kaya't hinanap ko kung saan ito nanggagaling.
Mula sa third floor ay natanaw ko ang mga estudyante sa ibaba na nagkakagulo at nagsisitakbuhan papunta sa iisang direksyon na mas lalo ko pang ipinagtaka. Dahil doon ay nagmadali na akong lumabas upang alamin kung anong nangyayari.
Pagkabukas ko sa pintuan ay napansin ko rin ang mga estudyante sa hallway na nagtatakbuhan at nagkakagulo. Hanggang sa mapansin ko ito na wala ng katao-tao na tila ako na lang ang natira. Muli akong napatingin sa direksyon na tinahak ng mga estudyante kanina at nag-umpisa na rin akong tumakbo para sundan sila. Bago pa man ako tuluyang makababa ay may narinig ako kaya't muli akong napatingin sa likuran ko.
Sa may pinakadulong kwarto...ay isang abandonadong kwarto kaya't nakakapagtaka lang lalo na't nakikita kong gumagalaw ang nakasarang pinto nito na tila may taong nakulong sa loob nito at kinakatok niya ang pintuan. Humarap ako sa kwartong 'yon at dahan-dahan ko 'yong nilapitan habang patuloy pa rin sa pagkabog ang pintuan. Habang tinitignan ko ito ay unti-unti na rin akong nakakaramdam ng kaba. Pagkalapit ko dito'y dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko para hawakan ang door knob habang napapansin ko rin ang panginginig ng kamay ko. Nagdalawang-isip ako kung itutuloy ko bang buksan ang pintuan na 'yon lalo na't kinakabahan ako.
Nilakasan ko ang loob kong hawakan ito at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Inikot ko ang tingin ko sa buong kwarto ko at nagulat na lang ako ng makita ko si Mrs. Lim na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader sa may tabi ng pinto. Agad ko siyang nilapitan at kitang-kita ko na nanghihina siya. Mas ikinagulat ko pa ng mapansin kong may saksak siya sa gilid at sobrang dami ng dugo ang lumalabas mula sa sugat niya habang tinatakpan 'yon ng isa niyang kamay. Mabilis rin ang paghinga niya kaya't mas kinabahan pa ako. Lumuhod ako at inalalayan siya kaya napatingin siya sa akin, "Mrs. Lim? Anong nangyari sa inyo?!" tanong ko habang tinitignan siya.
"I-i...w-wasn't able to... save them" sambit nito na pinipilit magsalita ngunit alam kong nakakaramdam siya ng lungkot dahil sa mga luha na dumadaloy sa pisngi niya kaya't nagsalubong ang kilay ko.
"Po? Sino pong tinutukoy niyo?" tanong ko.
"You should escape now" saad pa nito na nakapag-palito sa akin.
"Ano po bang pinagsasabi niyo, Mrs. Lim? Who did this to you?!"
"You're all going to die!" saad nito na hinawakan ang kamay ko kaya't diretso akong napatingin sa kanya, "U-umalis na kayo...hangga't maaga pa" nalilito ako sa mga sinasabi niya pero kailangan ko munang unahin ang kaligtasan niya.
"Kailangan kong humingi ng tulong. Hintayin niyo lang ako, Mrs. Lim" hindi siya nagsalita bagkus nakatingin lang siya sa akin. Balak ko sanang tumayo na pero hinawakan niya ang braso ko kaya natigilan ako at napatingin sa kanya, "Y-your brother is not dead" pahayag niya na ikinagulat ko.
"P-po?"
"Buhay pa ang kuya mo...a-and he has been living his whole life.. i-in that hell" dahil sa sinabi nito ay mas lalo pa akong nalito at nakita ko ang pagkagalit sa mga mata niya.
"Hell what!? Tell me, nasaan siya?" it only means, alam niya kung nasaan ang kuya ko.
"Find Ms. Freud...a-alam ni Ms. Freud kung nasaan siya. She will tell you...e-everything" pagpupumilit niyang magsalita kahit na alam kong nahihirapan na siya.
"Matagal ko ng hindi nakikita si Ms. Freud, saan ko po siya makikita?" alam kong nahihirapan na si Mrs. Lim pero kailangan kong malaman kung nasaan ang kuya ko at sigurado akong si Mrs. Lim ang makakatulong sa akin para mahanap ko siya.
"At curse academy. T-tumakas ka na dito!" saad nito at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Gusto niyang tumakas na ako pero nandito pa ang kuya ko...kaya hindi ako aalis.
Pero....Curse Academy?
"No! Kung nandoon ang kuya ko, susundan ko siya. I will save him!" saad ko.
"All of you won't be saved. T-this is all Wilford's plan. Augustus and Arthur knew my plan!" sambit ni Mrs. Lim.
"Tell me Mrs. Lim....where is that academy?" bahagya akong lumapit sa kanya at mahinang itinanong 'yon ngunit medyo matagal bago niya ako sinagot lalo na't mabilis at malalim ang kanyang paghinga.
"B-behind that wall" nang sabihin niya 'yon ay natulala ako habang nakatingin sa kanya na parang hindi makapaniwala. I knew it. Tama nga ang hinala ko, na may nakatagong sikreto ang eskwelang 'to at itinatago 'yon ng napakataas na wall.
"I'll help you at sabay tayong papasok doon" saad ko sa kanya ngunit mas humigpit pa ng pagkakahawak niya sa akin at umiling siya habang umiiyak, "N-no. Sa sitwasyon kong ito...I-i can't go with you- " hindi pa man ito natatapos ay nagsalita na ako. I need her to help me. We need each other.
"But you need to Mrs. Lim. Pareho tayong may gustong iligtas sa lugar na 'yon kaya pareho at sabay nating gagawin 'yon" pagpupumilit ko sa kanya. Behind her bad attitude towards us, alam kong may malambot siyang puso.
"K-kapag nalaman....nilang sinabi ko sa'yo ang totoo...t-they will kill you- at hindi ko gugustuhing mapunta ka sa sitwasyon ko ngayon...I need you to escape now, Felicity. Ikaw lang ang makakagawa noon at sabihin mo ang kaguluhang nangyayari sa eskwelang 'to"
"But Mrs. Lim, bakit ba nila ginagawa 'to?" naguguluhan kong tanong.
"It's not important. Kailangan mo ng umalis habang maaga pa!" sambit nito na tila nagagalit na sa akin, "Umalis ka na!" ipinagtulakan niya ako papalayo sa kanya kaya't napaupo ako sa sahig. Kitang-kita ko ang kagustuhan niyang makatakas ako, "Umalis ka na dito!" sigaw pa niya at naglabas ng dugo mula sa bibig niya kaya't habang paulit-ulit niyang sinasabi 'yon ay unti-unti na rin akong napatayo at napaatras hanggang sa tuluyan na akong lumabas ng kwartong 'yon at tumakbo pababa para makalabas.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng building ay walang akong nakitang mga estudyante kaya't patuloy pa rin ako sa pagtakbo para hanapin sila. Sa ngayon, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Mrs. Lim pero gusto kong malaman ang totoo kaya't kailangan kong mahanap si Ms. Freud dahil ayon kay Mrs. Lim ay si Ms. Freud daw ang nakakaalam ng lahat. Pero saan ko naman siya hahanapin kung ilang buwan ko na siyang hindi nakikita?
Habang patuloy ako sa pagtakbo ay tinitignan ko ang paligid para malaman kung saan nagpunta ang mga estudyante. Bigla na lang akong natigilan ng malaman ko kung saan nanggagaling ang mga pagkidlat na natanaw ko kanina sa bintana ng kwarto ko.
Dahan-dahan akong napalapit sa wall na 'yon dahil dito nanggagaling ang mga pagkislap na tila kumikidlat ng malakas dahil sa liwanag na nanggagaling dito. Mula sa likuran ng wall na 'yon ay naririnig naming lahat ang mga pagsabog lalo na't kumakalat na rin ang usok dito sa campus na nagmumula sa likuran ng wall na 'yon. Lahat kami ay nagtataka kung bakit nangyayari 'to at kung anong mayroon sa likod ng wall na 'yon pero dahil kay Mrs. Lim ay alam ko ng isa rin palang tagong paaralan ang nasa likuran ng wall na to.
Higit sa lahat, hindi maganda ang kutob ko dito.
Nagulat na lang kami ng makitang nagcrack ang mga walls sa paligid namin at napatakip kami ng tainga dahil sa ingay na ginawa ng wall na 'yon ng dahan-dahan itong magbukas. Ang wall na pinakamataas sa lahat. Napayuko kaming lahat at muli ring napatingin doon. Nagulat kami dahil sa unti-unti pagbukas ng wall na 'yon ay may mga estudyanteng nagsisilabasan.
Nagkakasiksiksan sila at nagkakagulo, higit sa lahat ay duguan sila na mas ikinagulat pa namin kaya't napaatras kami. Totoo nga ang sinabi ni Mrs. Lim na may isang tagong paaralan sa likod ng wall na 'yon at kitang-kita 'yon ng mga mata namin. Hindi kami makapaniwala na ang mga lumabas na estudyante ay inakala naming nakick-out ngunit lahat pala sila ay naroon pala sa lugar na yon.
Nang makalabas ang iba ay natulala kami sa nakita namin at ganoon rin sila ngunit napaupo na lang sila sa harapan namin habang mabilis na humihinga. Hindi namin alam kung bakit sila duguan at kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi pa man nakakalabas ang lahat ay muli kaming napatakip ng tainga at napayuko ng hindi pa man tuluyang nabubuksan ang wall ay muli itong nagsasara.
Mas ikinagulat na lang namin ang sumunod na pangyayari dahil ang mga estudyanteng nakatapat sa wall na 'yon ay isa-isang nakuryente lalo na't magkakadikit sila. Dahil sa nangyari ay hindi sila nakagalaw at nanatili lang sa posisyon nila habang nagsasara ang wall. Nakita namin kung paano naipit ang mga katawan nila sa nagsasarang wall. Dahil doon ay unti-unti kaming napaatras kasabay na rin ng ibang estudyante na nagawang makalabas. Hindi kami makapaniwala sa nakikita namin hanggang sa masuka na ang iba dahil sa tuluyang pagkaipit ng iba at nagkalat ang mga parte ng katawan nila sa mismong harapan namin.
Pagkasara ng wall ay muling bumalik ito sa dati at nawala na ang mga crack na lumitaw dito kanina...na tila muling umayos ang mga ito. Higit sa lahat ay bumalik ang electric barrier ngunit hindi bumalik sa normal ang mga ekspresyon namin. May mga natulala dahil sa pagkabigla at ang iba'y hindi na makapagsalita dahil sa nakita namin. Nanatili kaming lahat sa mga posisyon namin dahil sa pangyayaring 'yon na hindi namin inaasahan.
Napatingin kaming lahat sa paligid ng may marinig kaming isang hindi pangkaraniwang tunog. Dahil medyo madilim na ay nahihirapan kaming alamin kung ano ba talaga ang nangyayari hanggang sa mapansin namin na may mga nagkalat na usok sa buong paligid namin.
Patagal ng patagal ay pakapal ng pakapal ang usok na 'yon kaya't mas lumalabo pa ang paningin namin. Patuloy pa rin naming inaalam kung ano ba talagang nangyayari hanggang sa isa-isa na kaming nakaramdam ng lubusang pagkahilo. Tuluyan na akong bumagsak sa sahig at alam kong ganoon na rin naman ang nangyari sa iba ngunit pinipilit ko pa ring labanan ang pagpikit ng mga mata ko hanggang sa marinig namin ang isang pamilyar na boses,
"No one can deceive me. Kahit pa anong gawin niyo, hindi kayo makakalabas sa lugar na 'to. Huwag na kayong magsayang ng oras para mag-isip ng paraan kung paano kayo makakalabas, dahil sa ginawa niyo mas lalo pang tumibay ang barriers at ang mismong wall, so should we thank you? Thinking of ways to escape will make it even harder to escape. I still want to tell you something, if you want to live longer, there's only one way to be protected. Be a part of the student council by finding your Curse Academy supreme student council officers. They are just somewhere watching you so be careful. It's either they protect or kill you. Lastly, there's only one way to escape. Kill one another and the last man standing can finally be free from this hell. Fight for your life and forget about love, that's what it takes to live and survive"
It's Mr. Wilford. The mastermind behind all of this.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay napapikit ako dahil sa panghihina ngunit pinilit ko pa ring gisingin ang sarili ko kaya't bahagya kong nabuksan ang mata ko. Nakaramdam ako ng takot at panginginig ng marinig kong umiiyak at sumisigaw ang ibang estudyante...sa pagkakakita ko kahit malabo, sila yung mga nakalabas sa Curse Academy. Gustuhin ko mang tumakbo pero hindi ko magawa lalo na't nakita kong may tumalsik na dugo sa kamay ko. May isang estudyante na napaluhod sa harapan ko at hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko ng makita kong nahihirapan ito habang napupuno ng dugo ang mga kamay niya at tila may hinahawakan ito kaya't nakakuyom ang kamay niya ngunit laking gulat ko ng makitang..
Wala siyang mata.
Tuluyan itong bumagsak sa sahig at kahit tuluyan na akong nanghihina ay nanlaki pa rin ang mga mata ko ng unti-unti nitong mabuksan ang kanyang kamay at nakita kong hawak nito sa magkabila niyang kamay ay...mga mata.
Mga sarili niyang mata habang punung-puno ng dugo ang kanyang mukha...at nakita ko 'yon sa mismong harapan ko. Nakapikit ito at mula doon ay parang umiiyak dugo, maraming dugo.
To be continued...
A bloody one for the first chapter.