[This story is currently under revision. I am truly sorry for the errors, I hope you'd understand. Happy reading!]
•●•●•
"Ano'ng kailangan mo sa'kin?" tanong ni Drake habang nagpupumilit na kumawala sa pagkakagapos ng killer sa kaniya, ngunit hindi niya magawa sapagkat mahigpit ito.
"Tinatanong pa ba yan? Syempre buhay mo." Natawa ang killer sa sinabi niya at tumalikod kay Drake upang ayusin ang kaniyang gagamitin mamaya.
"A-ano? G-gago ka ba?" Sabi ni Drake.
Aba at nahirit ka pa, gusto mo yatang mamatay ng maaga. Sa isip ng killer na agad napangisi.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, malalagutan ka na rin naman ng hininga." sagot ng killer at ipinakita ang kutsilyo kay Drake.
"Lumayo ka sa'kin!" Natatakot na sigaw ni Drake ngunit kahit ano'ng sigaw niya ay walang makakarinig sa kanila.
"Hahaha! Mamatay ka na!" Nasasayahang sigaw ng killer habang sinasaksak ang paa ni Drake, tila musika ang pagmamakaawa ni Drake sa pandinig ng killer na ito.
Inihanda niyang muli ang kaniyang kutsilyo bago walang babalang hiniwaan ang leeg ni Drake.
"Tumigil ka na---"
Bago pa man masambit ni Drake ang pangalan ng killer ay pinilipit niya ang ulo nito.
"Mamamatay ka na din naman, bakit ko pa papatagalin, diba?"
Kinalagan na niya si Drake bago isa-isang pinutol ang mga daliri niya sa kamay at paa.
"Ang bango talaga ng dugo."
Dinilaan ng killer ang kutsilyo bago ito itinago.
***
"Shane nabalitaan mo na ba?" Narinig ni Ashley ang kaniyang tsismosang babae na nagtatanong sa isang Grade 9 student na mukhang kaibigan niya.
"Ha? Ang alin?" tanong nito.
"Patay na raw si Drake." May halong lungkot na sabi ng kaklase ni Ashley.
"A-ano? Bakit? Pa'no? Kailan?" Sunod-sunod na tanong nito na may halong pagkalito dahil wala siyang alam.
"Ewan ko, syempre bully siya diba? Hindi na nakakapagtaka kung may pumatay sa kan'ya pero masyado namang brutal ang pagkapatay sakaniya, putol-putol ang daliri sa kamay at paa. Kagabi daw naganap." Kuwento ng kaklase ni Ashley at sumandal sa dingding.
"Sabagay, bully nga siya pero sino ang gagawa nun sa kaniya?" tanong ng Grade 9 na studyante bago bumalik ang atensiyon sa kaniyang cellphone.
Isa lamang ito sa mga paksang nakikinig ni Ashley mula sa kaniyang mga kaklase. Hinayaan na lamang niya ang mga iyon at napag-pasyahang magtungo sa lugar kung saan naganap ang patayan o sa lumang building sa ikalimang palapag.
Nagtataka si Ashley na wala pang nakukuhang lead kung sino ang
killer kuno na tinutukoy nila. Ilang minuto na ring nakatayo si Ashley sa may building nang may makita siya sa gilid ng mata niya.
"Ano pa bang silbi ng mga pulis." Napangisi na lamang si Ashley.
"Sabi ko na nga ba at dito ka pupunta."
Hindi na lamang pinansin ni Ashley ang nagsalita sa kaniyang likuran.
"Wala ka bang balak na kausapin at lingunin ako?" Pangungulit nito.
Hinarap siya ni Ashley at bahagyang tinaasan ng kilay.
"Ano'ng kailangan mo?" Malamig na tanong ni Ashley sa lalaking kaharap niya ngayon.
"Ang sungit naman." Nakangusong sabi ng lalaki.
Tatalikuran na sana ni Ashley ang lalaki nang mapansin niya ang hawak nitong skateboard. Hindi napigilan ni Ashley na kuhain ito.
"Teka! Ano'ng gagawin mo ha?" Tanong ng lalaki habang patuloy na iniiwas ang kaniyang skateboard.
"Ikaw? Maalam ka bang gumamit niyan?" Wala sa sariling tanong ni Ashley.
"Malamang, magdadala ba ako nito kung hindi ako marunong. Bakit ba?" Pagpapaliwanag ng lalaki.
"Turuan mo ako." Utos ni Ashley.
"H-ha?" Nalilitong tanong ng lalaki kaya't nainis si Ashley.
"Turuan mo ako!" May diing sabi nito.
"Ikaw? Ang nag-iisang Ashley, hindi maalam mag-skateboard? Nakakamangha naman kasi ang pagkakaalam ng lahat ay walang bagay na hindi mo kayang gawin." Manghang sabi ng lalaki kay Ashley.
"Tuturuan mo ba ako o hindi?" May bahid na pagkainis sa tono ni Ashley.
"Oo naman, isang malaking karangalan." Sagot ng lalaki na dahilan upang ngumisi si Ashley at maglakad na palayo.
"Teka lang! Kailan kita tuturuan?"
"3:00 pm sa park."
"Gusto mo bang sunduin kita? Tutal may kotse naman ako." Suhestiyon ng lalaki.
"Bahala ka," sagot ni Ashley bago sumakay ng elevator.
Habang naglalakad si Ashley kasama ang lalaki ay marami siya napapansing studyante na tumitingin sa kanilang dalawa lalo na sa lalaking kanina pa kumikindat sa mga babaeng dumadaan.
Lumayo ng kaunti si Ashley sa pag-iisip na baka siya ay madamay kung sakaling ang lalaking 'yon ang kasunod na puntirya ng killer.
"Ba't ka lumayo?" tanong ng lalaki ngunit hindi ito pinansin ni Ashley na dali-daling naglakad para sa kasunod na klase.
"Ma'am, alam ko po ang sagot!" Taas kamay na sabi ng pabibong kaklase ni Ashley na ngayon ay nakatayo sa may pinto dahil kararating lang dahilan para mahinto ang lahat. Patungo na sana si Ashley sa kaniyang upuan nang magsalita ang guro.
"Miss Ashley, saan ka pupunta? Lagi ka nalang huli sa klase ko!" Pa-sigaw na sabi nito.
"Sa upuan ko malamang, saan pa ba?" Pabalang na sagot ni Ashley.
"Ikaw--"
"Pagsasabihan niyo po ba ako, o magtuturo na kayo?" Pamumutol ni Ashley na may kasama pang ngisi.
"Class dismissed! Ashley! Sumama ka sa'kin sa opisina!" Galit na sigaw ng guro.
"Whatever!" Bulong ni Ashley bago naunang pumunta sa opisina.
Kumatok si Ashley sa pintuan ng opisina.
"Come in," sabi ng isang tinig at agad namang pumasok si Ashley.
"Oh! Ikaw nanaman Miss Ashley, ano'ng maipaglilingkod ko sa'yo? " tanong nito na may ngiti sa labi. Magsasalita pa lamang sana si Ashley nang pumasok ang kaniyang guro.
"At ano ang maitutulong ko sa'yo Mrs. Maderaso?" muling tanong ng punong-guro.
"Ang babaeng yan! Paalisin niyo na siya rito sa paaralan!" Galit na sambit ng guro na nakaduro kay Ashley.
"Maupo muna kayo," nang makaupo ang dalawa ay panay ang pagpapalitan nila ng masasamang tingin.
"Mrs. Maderaso? Ano naman ang dahilan at gusto mo siyang ipatanggal sa paaralang ito? Hindi mo ba alam na mababawasan tayo ng studyante na laging panlaban at mataas ang kaalaman?" Mahabang pagpapaliwanag ng punong-guro.
"Pero--"
"Not another word! Kung ayaw mo siyang maging studyante, ikaw ang umalis!" Biglang tumaas ang boses nito.
"Paumanhin, hindi na po mauulit. " Tugon ng guro ni Ashley.
"Asa'n na ba tayo?" tanong ng principal kay Ashley habang nakangiti.
"Never mind madame, aalis na po ako" sabi ni Ashley at lumabas na ng opisina.
to be continued...