Chereads / Bloom of Death / Chapter 11 - IX

Chapter 11 - IX

"Ano naman kaya ang laman nito?" Nagtatakang tanong ni Damon sa kaniyang kasamang si Ash na tila natahimik mula nang ibigay ito sakanila kasabay ng pag-diretso nito sa isang upuan hindi kalayuan.

"Ang sungit niya talaga, ano ba'ng nagustuhan ko sakaniya?" Saisip ni Damon habang umupo na rin sa katabi ng dalaga.

Tulala at malalim ang iniisip ni Ash. "Sino ang misteryosong nagpabigay nito sakanila? Ano ang nasa loob nito? Hindi ba ito babala ng killer o hudyat na may susunod na muling babawian ng buhay?"

Hindi nito napansin na kanina pa pala siya kinukuhaan ng litrato ni Damon.

Nang ilang sandali lamang ay bumalik na sa huwisyo si Ash ay nagmamadaling itinabi ni Damon ang kaniyang cellphone at baka mapahamak lang siya.

"Itapon mo nga ito." Utos ni Ash kay Damon habang inaabot ang styrofoam.

"Bakit naman? Malay mo pagkain ang laman nito, sayang naman."

Pagbibiro nito dahilan upang batukan siya ni Ash.

"Aray! Para saan ba 'yon?" Naiinis na tanong ni Damon ngunit isang ngisi lang ang isinukli ng dalaga.

"Patay gutom." Pagpaparinig pa nitong si Ash.

Pagkatapos ng eksenang iyon ay namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at ang tanging naririnig na lamang ay ang tunog ng mga sasakyan at halakhakan ng mga batang naglalaro sa damuhan.

"Tara na? Iwan mo na 'yan diyan." Pag-aaya ni Ash kasabay ng pagtayo nito at iniwan na ang styrofoam.

Napailing nalang ang binata sa inasta ni Ash. "Teka lang naman!" Sigaw ni Damon sa dalaga habang hawak-hawak ang styrofoam nang maabutan niya si Ash ay agad itong nagsalita.

"Bakit dala mo parin 'yan?!" Tanong nito habang patuloy paring naglalakad at hindi manlang lumilingon.

"Don't even think about it." Pagbabanta ni Ash nang maramdamang nanahimik ang binata at baka sakaling buksan kaya't napilitang lumingon ito.

"Ano? Wala naman akong ginawa." Defensive na sagot ni Damon.

Muling tumalikod si Ash at kumpara kanina ay mas binilisan pa niya ang paglalakad kaya hindi nito napansin ang bolang tatama sakaniya.

Agad na napansin ni Damon ang bola kaya't sinalo niya ito upang hindi matamaan ang taong mahal niya?

"Ano bang klaseng bola ito? Ang tigas ha!" Giit ng binata ngunit hindi siya pinansin ni Ash na nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Ash naman! Nakarating na tayo't lahat sa kotse, wala ka parin bang balak na buksan ito? Hindi na rin tayo nakapag-practice." Pangungulit ni Damon kay Ash. Agad naman siyang nilingon ng dalaga, kinuha ang styrofoam at walang pag-aalinlangang binuksan ito.

Laking gulat ni Damon nang tumambad sakanila ang laman ng styrofoam. Kanina na sinabawan ng dugo at ilang pirasong street foods na hilaw at halatang laman loob ng tao.

"See this? Masusuka ka lamang sa makikita mo, alam ko na kasi ang laman ng styro kaya hindi ko na binuksan at iniwan na lamang doon sa upuan. Ikaw naman si patay gutom at dinala-dala pa 'yan dito! Tingnan mo 'yang kwek-kwek na 'yan, mukhang mata diba? Ang astig diba? At 'yong isaw---." Naputol ang mahabang sermon ni Ash nang biglang nasuka ang kasama niya, napangisi na lamang ang dalaga at itinapon na ang styro sa nakitang basurahan.

"Ayaw ko na, nawala ang lahat ng kinain ko dahil sa sinabi mo, kung sana ay hindi mo ako diniri hindi sana ako masusuka ng ganito." Paninisi nito sa dalaga na hanggang ngayon ay nakangisi parin.

"Uuwi na ako, mag-set na lamang tayo ng panibagong araw para sa pagtuturo mo sa'kin mag-skateboard." Paalam ni Ash at agad na sumakay sa dala nitong motor.

Napasandal na lamang si Damon at ilang sandali pa ay napag-pasyahan na ring umuwi.

"Yes mom?" Sagot ni Damon sa kaniyang ina na tumawag. Bigla itong nagtanong kung pauwi na daw ba siya.

"Opo, pauwi na ako... A-ano?!" Nagulat si Damon sa huling sinabi ng kaniyang ina.

Humigpit ang pagkaka-hawak nito sa kaniyang cellphone nang maramdaman ang takot at panginginig sa boses ng kaniyang ina.

"Papunta na po ma." Saad ni Damon.

Agad siyang pumasok sa kaniyang kotse at ipinaandar ito papunta sa ospital na sinabi sakaniya ng kaniyang ina.

Hindi matigil ang pag-iisip ni Damon kung ano ang nangyari at kung ang lahat ba ng ito ay konektado sa problema ng kanilang unibersidad.

Dahil dito ay nawalan siya ng focus sa pagmamaneho. Nagulat na lamang siya nang may malakas na busina ang dumungaw sakaniya.

*beep*

Muntikan nang mabangga si Damon kung hindi kaagad siya nag-preno.

Agad na lumabas ang driver ng sasakyan at kinatok ang bintana ng kotse ni Damon. Pinag-buksan naman niya ang matanda dahil alam niyang siya naman ang may kasalanan kung kaya't kailangan niyang humingi ng dispensa.

"Utoy, tumingin ka sa dinadaanan mo ha? Wala akong pampagamot sa'yo kung nagkataon man." Sabi nito at umayos na ng pagkakatayo, agad namang tumango si Damon upang iparating na naiintindihan niya ito.

Akma na sanang aalis ang matanda nang biglang magsalita si Damon. "Manong, pasensiya na po sa abala, ang totoo po ay marami lang akong iniisip kaya nawala ang pokus ko sa daan. Pasensiya na po." Magalang siyang nagpaliwang at himingi ng dispensa.

Ngumiti naman ang matanda at tumango bago tuluyang ipagpatuloy ang pagmamaneho ng kaniyang truck.

Pagkaraan ng ilang minuto ay humanap ng parking lot si Damon dahil narating na niya ang ospital na sinabi sakaniya ng kaniyang ina.

Dali-daling tumakbo papunta sa room 501 si Damon kung saan nandoon ang kaniyang ina.

Nang marating na niya ang elevator ay may nakasabay siyang isang babae na kahina-hinala ang suot. Sapagkat kailan pa nga ba nagsuot ng boots ang isang nurse?

Nang tumigil ang elevator sa ikaapat na palapag ay habol tingin niyang tiningnan ang nurse dahil may kakaiba sa presensiya nito.

Habang sumasara ang pintuan nito ay hindi nakaalis sa mga paningin ni Damon ang inilabas na bote ng nurse mula sa kaniyang boots at isinalin ito sa isang syringe.

Nagulat si Damon nang humarap ito sakaniya at bigyan siya ng nakakakilabot na tingin. Iwinaksi niya ang lahat ng ito, kung may koneksyon rin ba ang nurse na ito sa nangyayari.

Bumukas ang elevator sa ika-anim na palapag at hinanap ni Damon ang room 501. Habang siya ay naghahanap ay may ilan siyang nakikitang nurse na puti ang kulay ng sapatos.

Sa wakas ay nakita na ng mga mata ni Damon ang room 501 at doon niya nakita ang kaniyang hindi tunay na kapatid na si Austen.

Mayroon itong benda sa ulo at puno ng sari-saring swero. Nang makita siya ng kaniyang ina ay agad itong lumapit at niyakap si Damon.

"Buti dumating ka agad anak! Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa kapatid mo, nabangga ang sinasakyan niyang motor ng isang truck." Naiiyak na sabi ng ina bago kumalas sa pagkakayakap.

Nginitian ni Damon ang kaniyang ina at kaniya munang ipinaupo.

"Ma, 'wag kang mag-alala, malakas 'yan si Austen, 'yan pa ba?" Pagpapagaan ng loob ni Damon sa kaniyang ina kahit siya mismo ay nag-aalala.

"Alam ko anak, pero hindi pa nahuhuli ang may sala! Pa'no kung balikan siya ng mga ito? Pa'no kung ikaw ang isunod nila---?"

"Ma, walang mangyayari sa'king masama, 'wag kang mag-alala, malakas ako! Mana ako sa'yo eh diba at gwapo pa."

Sabi ni Damon sakaniyang ina habang pinapakita ang muscles nito sa braso at nagpa-pogi sa harapan niya.

Agad naman niyang napangiti ang kaniyang ina.

"Bakit kasi nagmamaneho samantalang wala pa siya sa edad? Hays." Saisip ni Damon at napag-pasyahan niyang bumili muna ng makakain dahil alam niyang hindi pa kumakain ang kaniyang ina.

Habang binabaybay ni Damon ang daan patungo sa elevator ay nakasalubong niyang muli ang nurse na nakasuot ng boots ngunit hindi niya ito binigyang pansin at pumasok na sa elevator.

Pagharap ni Damon ay nagulat siya nang ang nurse ay pumasok sa silid kung nasa'n ang kaniyang ina at kapatid.

Lalabas na sana si Damon ngunit biglang sumara ang pinto ng elevator. Dahil sa takot at kaba ay kung ano-ano na ang pinindot niya.

Noong una pa lamang sana ay naniwala na siya sa hinala niya. Siya siguro ang killer!

Nang tumigil sa ikalimang palapag ay agad na tinakbo ni Damon ang escalator kahit ito'y umaandar naman. Hinanap muli niya ang silid ng kaniyang pamilya at walang pasubaling bubuksan sana iyon subalit hindi niya magawa.

Napasigaw na lamang siya at pinag-sisipa ang pinto. Nang masira ito ay agad siyang pumasok at inihanda ang sarili sa maaaring gawin ng killer.

Sa kasamaang palad, imbis na ang killer ay natagpuan niya ang kaniyang ina na nakalupasay sa sahig at si Austen na wala nang nakakabit na oxygen supply. Kasabay nito ang pagtigil ng tibok ng puso niya at pagluhod.

"Austen, patawad kung hindi kita nailigtas. Hindi ko ginustong madamay pa kayo ni mama. Kung sana lamang ay naniwala ako sa sarili ko." Bulong na lamang ni Damon sa kaniyang sarili sa kawalan.

Tumakbo palabas si Damon at humingi ng tulong sa mga doktor at nurse, agad naman silang pumunta at tinulungan sa sitwasyon ng kaniyang ina at kapatid. Tumawag rin ito ng pulis upang imbestigahan ang nangyari sa kaniyang kapatid.

Nasa huli talaga ang pagsisisi.