Chereads / Bloom of Death / Chapter 12 - X

Chapter 12 - X

Principal's

Panibagong plano, panibagong pakulo at panibagong biktima na naman ang aking gagawin-- or iuutos ko nalamang sa kanya, na parehas din ang hangad . . . Sa isip ko at tinungga ang wine na nasa aking harapan, nag sindi din ako ng sigarilyo at hinithit ito bago ibinuga ang usok.

Sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay biglaang may kumatok sa pinto. " Tuloy . . . " Sabi ko at umayos ng pag kaka-upo at dali-daling pinatay ang sindi ng sigarilyo, ng makita ko naman ang pumasok ay agad ko din na ibinalik ang dating pwesto ko kanina, nakataas ang paa habang umiinom ng wine.

" Ma, ano ng plano natin? Tapos na ang ipinag utos nyo na gawing baldado ang kapatid ni Damon na si Austen, binayaran ko na din yung inutusan ko para hindi na ito mag salita pa-- oh wait, hindi na pala siya makakapag salita. " Salubong ng anak ko saakin at umupo sa harap ng table kung saan ay naging mag katapat kami.

Agad akong umayos ng pag kaka-upo at itinuon ang siko ko sa lamesa bago ko sya nginitian. " Magaling Jamie, may ipapagawa ako sa iyo. " Natutuwa kong sabi sakanya at sumandal sa upuan ko, napa ngisi naman ito sa naging sagot ko sakanya. " Ano iyon, Ma? "

" Pumunta ka kung saan ang ospital na iyon at mag panggap ka bilang isang nurse. Pero tandaan mo, na huwag na huwag kang mag papahuli. Naintindihan mo? Make sure to kill that Austen, malaki ang kasalanan saatin ng pamilyang ito bukod pa sa iba mong mga kaklase. " Pag sasabi ko dito ng mga dapat gawin, at ang paalala ko sakanya na huwag mag papahuli.

Tumango naman ito bilang sagot at ngumiti saakin bago nag paalam ng aalis na siya upang gawin na agad ang aking ipinag uutos. Humanda ka saakin Mandy, pag sisisihan mo ang pag agaw sa asawa ko, malandi ka!

***

Jamie's

(A/N: Naaalala nyo pa ba sya? Sya po yung makulit na babaeng pumasok sa kuwarto ni Ash.)

Nang maka labas ako ng opisina ni Mommy ay agad akong nag tungo sa bus station at sumakay papunta kung saan dinala si Austen. Sana mapatawad mo ako sa gagawin ko, Damon . . . Labag ito sa loob ko, sa una palang kasi ay alam ko ng hindi tunay na anak ni Mandy si Damon, kaya malaya akong magka gusto sakanya. Tama kayo, may gusto ako kay Damon, at yung pag lapit ko kay Ash? Wala lamang iyon, kailangan ko lamang mapalapit sakanya upang mapalapit di ako kay Damon.

Bumalik ako sa katinuan ng tumigil na ang bus na aking sinasakyan. Nandito na pala ako, sana lang ay huwag akong makilala ni Damon, alam ko kasing magagalit ito saakin kapag nalaman niyang ako ang may kasalanan ng lahat . . . Habang binabaybay ko ang daan papunta sa loob ng ospital ay may naka salubong akong isang nurse, tinawag ko ito at nag tanong ng kung ano-ano hanggang sa maka halata ito, kaya agad kong isinaksak sakanya ang syringe na mayroong lamang pang tulog.

Mabilis na umepekto ang pang patulog kung kaya at bumagsak ito sa sahig, tumingin-tingin naman ako sa paligid at ng makumpirmang walang ibang tao ay agad ko itong hinila papunta sa isang tagong parte ng ospital. Hinubad ko ang uniform nito at isinuot, hinayaan ko nalang siyang naka sando at naka shorts, tutal wala namang masyadong nakaka pansin sa pwestong ito, kaya walang mangyayaring masama sakaniya.

Umalis na ako pag katapos kong mag bihis at pumasok sa loob ng ospital, sa pag lalakad ko ay agad kong nakita si Damon na tumatakbo papunta sa elevator kaya napa tungo nalamang ako at nag hanap ng pwede kong itakip sa aking mukha, sa kabuting palad naman ay mayroon akong nakapang face mask sa bulsa ng damit nung nurse. Agad ko itong isinuot at pumunta na din sa elevator kung nasaan si Damon.

Nakita kong bahagya itong napa tingin saakin kaya deretso na lamang akong tumingin sa pinto ng elevator. Pansin kong kanina pa ako nito inoobserbahan na nag dulot saakin ng kaba, kaya laki nalamang ng pasasalamat ko ng bumukas na ang elevator, dali-dali akong lumakad kung nasaan ang kuwarto ni Austen.

Room 501 . . .

Pero bago pa mag sara ang pinto ng elevator ay binigyan ko siya ng isang makahulugang tingin para bigyang babala. Damon, patawarin mo ako . . . Sa pag sara ng elevator ay agad akong pumasok sa loob nito at nag kunwaring tinuturukan ng gamot si Austen pero ang totoo ay potassium chloride ang laman nito, pinapa tigil nito ang pag tibok ng puso ng isang tao. Sorry, Austen . . . Agad akong lumapit sa Ina nitong si Mandy at mabilis na tinakpan ang kanyang ilong ng panyong may pang patulog.

Pag katapos ay lumabas ako at ini-lock ang pinto, lumakad ako ng normal na parang walang nangyari. Lumabas ako ng ospital na ang gamit ay hagdan, bihira kasi ang nagamit ng hagdan kung kaya't walang makakapansin saakin kung dadaan ako dito. Binalikan ko ang babae kanina na hanggang ngayon ay tulog pa rin, nag palit ako ng damit at binihisan na din siya bago lumakad papunta sa isang bus station na pinaka malapit sa ospital.

Sana . . . Sana mapatawad n'yo ako . . . Naisaisip ko na lamang at sumakay sa tumigil na bus sa aking harapan.