Chereads / Bloom of Death / Chapter 10 - VIII

Chapter 10 - VIII

Masayang naglalakad si Amanda habang kumakanta pa nang biglang may kumalabit sa kaniya. "Hey." ani ni Carol. "Yes?" tanong ni Amanda habang ngiting-ngiti dito.

"Girl, nabalitaan mo na ba 'yung nangyari kay James?" tanong nito. "Huh? Bakit? What happened ba?" May pagtatakang tanong ni Amanda.

"You didn't know? Patay na siya. Kung nakita mo lang 'yung itsura niya, paniguradong mandidiri ka! Hays! Sino ba kasi yung killer? 'Wag naman sana nilang patayin lahat ng gwapo dito." Mahabang paliwanag ni Carol.

"Ah ganun ba? Sige mauna na ako. Bye Carol." pagpapaalam ni Amanda.

Walang tigil ang pag-iisip ni Ashley kung ilan na ba ang namatay. "Hmm. Simula kay---." Natigilan si Ashley at nagulat nang biglang may malakas na bumagsak sa lupa.

"Sh*t." Nairita si Ashley sa dahilang gusto sigurong magpakamatay nitong nahulog na ito. "Hey hindi mo ba ako tutulungan?" Iniwan na lamang siya ni Ashley doon na nag-iinarte. Tumayo na lamang ito ng kusa nang makitang walang tutulong sa kaniya.

Ilang minuto pagkalabas ni Ashley ay may tumawag sa kaniya. "Ash!" Nilingon niya ito. "Ano'ng kailangan mo?" Bored na tanong ni Ashley.

"Ito naman, hindi mo ba ako na-miss?" tanong nito habang nakanguso pa. Nandiri sa kaniyang isipan si Ashley at dahil isa siyang dakilang walang pakialam ay pinabayaan niya itong nag-iisa doon.