Chereads / Bloom of Death / Chapter 8 - VI

Chapter 8 - VI

[This story is currently under revision. I am truly sorry for the errors, I hope you'd understand. Happy reading!]

•●•●•

"Ano ba yan?! Kailan niya ba ako titigilan? Bakit rin ba takot ako sakaniya? Diba? Babae siya, lalaki ako." Inisip na lamang ni James na baka may kakaiba lang siyang pakiramdam sa mga babae.

Walang pagdadalawang isip na tumakbo ng matulin si James dahil may nakita siyang tao na may hawak na kutsilyo ngunit pagliko niya sa isang eskinita ay bigla na lamang may pumukpok sa kaniyang batok na naging dahilan upang mawalan siya ng malay.

Nagising si James nang masakit ang kaniyang batok at nakagapos ang mga kamay. "Sa wakas at nagising ka din mahal na prinsipe." Sabi ng babaeng kaharap niya ngayon.

"Ano bang pakulo ang naisip mo at may pagtali pa sa kamay ko?" Naaasar na tanong ni James. "Hindi mo ba alam? Mamamatay ka na!" Mala-demonyong sabi ng babae.

"Lakas ng topak mo ah? Kalagan mo nga ako! Hindi na nakakatuwa eh!" Yamot na utos ni James dito.

"Nakakalungkot mang isipin pero hindi ako nagbibiro mahal na prinsipe." May pangungutyang sabi ng babae kay James. "A-ano!" Nanggagalaiting sigaw ni James ngunit isang malokong ngiti lang ang iniwan ng babae.

Maraming katanungan ang tumatakbo ngayon sa isipan ni James. Bakit ito ginagawa sakaniya? Ano ang motibo ng babae? Ano'ng kasalanan ni James? Bakit sa dami ng tao ay siya pa? "Tapos ka na ba magdasal?" Ani ng babae.

"Hindi ko na kailangang magdasal, mas kailangan mo yun." Pang-aasar ni James ngunit tumawa lamang ang babae kasabay ng pagtalikod niya. "Magdasal ka na James, tatlong minuto na lamang ang itatagal mo dito sa mundong ibabaw." Seryosong sabi ng babae dito.

"Ano'ng kasalanan ko sa'yo at nagawa mo ito sa'kin?" Tanong ni James imbis na magdasal. "Traydor ka! At kailangan mo nang magbayad." Galit na galit ang dating mahinahon na mukha ng babae. "A-ano? T-traydor?" Nagtatakang tanong ni James dahil wala siyang alam sa nangyayari.

"Prepare to die dear." Ngumiti ang babae at unti-unting lumapit kay James. May dala itong kutsilyo na hindi maipagkakaila ang talas, nanahimik na lamang si James sa takot na baka mas mapadali ang buhay niya. Nagulat ito nang biglang tumawa ng malakas ang babae na lumuhod sa harapan niya. Sinira ng babae ang pantalon ni James sa may bandang hita at walang babalang hinilap ang kaniyang balat.

"Ahhh! Itigil mo na yan!" Nasasaktang sigaw ni James. Hindi ito pinansin ng babae at nang tuluyan nang mahilap ang balat ni James ay dali-daling gumawa ang babae ng maliit na apoy.

Dito niya iniluto ang balat ni James. "Ano bang kasalanan ko sa'yo? Pakawalan mo na ako dito! Hudas ka!" Paulit-ulit na sigaw ni James sa babae na hindi naman ito pinansin at pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

"Walang hiya ka! Lapastangan! Pakawalan mo ako dito!" Dahil paulit-ulit na ang pagsigaw ni James ay nawalan ng pasensiya ang babae. Minadali nitong inihaw ang balat ni James at marahas na hinawakan ang panga nito.

"Tikman mo ang sarili mo!" Sabi ng babae at ngumiti ng may panunuya. Umiwas naman si James sa isusubo sakaniya. "Kainin mo! Ayaw mo? Ako nalang!" Pilit pang iniiwas ni James ang kaniyang mukha habang kinakain ng babae ang kaniyang balat. Natatawa na lamang ang babae sa ekspresyon ni James.

"Lumayo ka sa'kin! Baliw ka! Baliw!" May bahid ng pagkatakot at pagbabantang sigaw ni James. Pinagpatuloy lang ng babae ang pagkain hanggang sa matapos siya. Lumingon siya kay James at hindi siya makapaniwalang patay na ito.

"Hindi ko manlang naiparanas sakaniya ang hirap." Dismayang sabi ng babae at naalala niyang may itinurok nga pala siya dito kay James na pampatulog na may halong lason.

to be continued...