[This story is currently under revision. I am truly sorry for the errors, I hope you'd understand. Happy reading!]
•●•●•
Pagpasok ni Ashley sa loob ng cubicle ay may nakitang siyang itim na sobre at rosas. Nakasulat dito na ito ay para sa isang taong nagngangalang Axiel mula kay Deil Xi Kiel.
Hindi na lamang ito pinansin ni Ashley at lumipat na sa ibang cubicle dahil hindi niya gawain na makialam ng hindi sakaniya.
Pagkatapos ni Ashley ay lumabas na siya at naghugas ng kamay. Habang nag-aayos naman siya ng kaniyang mukha ay biglang may pumasok na isang lalaki sa cubicle na kaniyang pinasukan. Hinayaan na lamang ito ni Ashley kahit na bawal ang mga lalaki dito.
Isang malakas na kalabog na nagmula sa cubicle na ito ang gumulat kay Ashley. Walang pagda-dalawang isip na tinungo niya at binuksan ang pinto nito. Nakita niya ang lalaking nanghihina at may hawak na itim na rosas.
"Ayos ka lang? Dadalhin na kita sa clinic." Mahinahong sabi ni Ashley.
"U-umalis k-ka n-na, b-baka m-madamay ka pa." Nanghihinang pakiusap ng lalaki bago ito nawalan ng hininga.
Walang pag-aalinlangang tinungo ni Axiel ang CR ng mga babae. Wala naman itong malisya sapagkat nakatanggap lamang siya ng sulat na kailangan niyang pumasok sa kaunahang cubicle. Alam ni Axiel na ang pumatay kay Drake ang nagpapunta sakaniya doon.
Naabutan niya ang isang babae na may malamig na tingin habang nag-aayos ngunit hindi niya ito pinansin at agad na tinungo ang cubicle. Nakita niya roon ang isang itim na rosas at isang sobre.
To: Axiel
From: Deil Xi Kiel
Babasahin pa lamang ito ni Axiel nang matinik siya ng rosas na may lason. Nanikip ang dibdib niya at hindi siya makahinga ng maayos. Napangiti na lamang ng mapait si Axiel bago bumagsak sa sahig ngunit bago pa man siya mamatay ay pumasok ang isang babae na nakita niya kanina. Tumanggi si Axiel na magpatulong at doon na siya nalagutan ng hininga.
"2 down, 28 to go." Sabi ni Amanda na may ngisi sa labi.
Sa kabilang dako ay walang tigil sa pang-iistalk si Hershey kay James ngunit bigla na lamang itong tumakbo. "Hays. Naka-heels nga pala ako." Giit ni Hershey at lumingon na patungo sa kung saan nakaparada ang kaniyang kotse.
"Sayang naman, umalis na siya. Magkasama sana sila ni James papuntang impyerno." Tinig ng killer sa 'di kalayuan.
to be continued...