[This story is currently under revision. I am truly sorry for the errors, I hope you'd understand. Happy reading!]
•●•●•
Isang maulan na gabi ang bumungad kay Ashley.
"How will I be able to sleep in peace? Damn. 'Guess I'll have to stay wide awake until the rain stops." saad ni Ashley sa kaniyang sarili.
Umayos ito ng pagkakaupo sa kaniyang sofa na nakatalikod sa pintuan at ipinikit ang kaniyang mga mata.
"Ash..." isang tinig ang tumawag sa kaniya mula sa likod.
Nanatili namang alerto si Ashley sa panganib na baka siya'y maisahan ng kalaban.
Pa'no siya nakapasok sa kwarto ko? Kinandado ko naman lahat ng pwedeng pasukan dito. Napakunot-noo na lamang ang dalaga at hinarap ang tumawag sa kaniya.
"Ano'ng kailangan mo!" bahagyang tumaas ang tono ng pananalita nang dalaga sa kaniyang pagtatanong sa taong tumawag sa kaniya habang hinahanda ang sarili sa maaaring gawin nito.
"Wala naman, nais ko lang ipaalala sa'yo ang ukol sa ating kasunduan." saad nito at sumandal sa pinto.
"Ah oo, muntikan ko nang makalimutan pero wala akong pakialam." sinenyasan ni Ashley na umalis na ito sa kaniyang kwarto, nang makaalis na ito ng tuluyan ay ikinandado niya ang pinto at isinarado ang bintana.
Tahimik na naglakad patungo sa kaniyang higaan si Ashley at payapang humiga sa kama ngunit nanatiling alerto sa paniniguradong baka bumalik pa ito.
Ipinikit ni Ashley ang kaniyang mga mata at pinilit na matulog kahit na ito'y nauudlot ng malakas na ulan mula sa labas.
Nang tumigil na ang ulan ay sya namang pagtulog ni Ashley.
6:30 AM |
Sunod-sunod na katok ang gumising kay Ashley, mabilis niyang kinuha ang kaniyang kutsilyo at tiningnan ang orasan.
Napamura ito sa sobrang inis at napatampal sa kaniyang noo.
"Who on earth would be so fucking noisy at this hour! Its only 6:30 in the morning, for pete's sake." habang tahimik na nilalapitan ni Ashley ang pinto, it already swung wide open.
"What the fuck!"
"Ha! You should have seen your face!" natatawang saad ni Mavis.
"Kailan mo ba ako tatantanan? Get out!" pagalit na sambit ni Ashley habang napapikit na lang sa inis.
Ngunit hindi siya pinansin ng babaeng pumasok ng walang pahintulot sa kaniyang kuwarto, tumingin-tingin ito sa paligid... Magulong kama, maraming nagkalat na papel, mga nanlaglag na picture frames at iba pa, in short makalat at magulong kuwarto ang bumungad kay Mavis pero ngumiti lamang ito at hinarap si Ashley.
"Tara na kasi! We're going to go shopping pa!" Dahil sa sinabing ito ni Mavis ay napasabunot si Ashley sa kaniyang ulo.
"Umalis ka na dito Mavis Santiago! Baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo!" sigaw ni Ashley habang itinuturo ang pinto, halos magliyab na din ang mga mata nito sa galit katulad sa mga anime na napapanood niya.
"Fine, oo na." pagsuko ni Mavis habang nakataas pa ang kamay.
"Isarado mo ang pinto." utos ni Ashley at agad naman itong sinunod ni Mavis.
Magbabalak pa sana na bumalik sa pagtulog si Ashley ngunit napagpasyahan nalang niyang maligo.
Mabilis na pumasok siya sa banyo at isinara ang pinto. Halos limang minuto lang ang itinagal niya sa loob at nagbihis na ng kaniyang uniporme.
Lumakad siya sa kaniyang kusina at binuksan ang ref., nakita niyang ubos na ang kaniyang pinamili noong isang linggo kung kaya't napilitan s'yang umalis at magpunta sa labas para duon na kumain.
***
Napagpasyahan ni Ashley na mamili muna ng kaniyang supply para sa isang linggo bago kumain dahil masyado pa namang maagap para sa una niyang klase.
Matapos mamili ni Ashley ay dumiretso na siya sa counter para magbayad. Hinabilin muna niya ito at kumuha ng numero para makuha niya mamaya, pagkatapos nito ay pumunta siya sa malapit na kainan at kumain ng almusal.
"Kailangan ko nang bilisan, baka mahuli pa ako sa klase." pangaral ni Ashley sa kaniyang sarili.
Nang matapos na ito sa pagkain ay agad na kinuha niya ang kaniyang pinamili at sumakay sa pumarang taxi.
"D.X.K University." sabi ni Ashley habang diretsong nakatingin sa mata ng driver sa salamin.
"Y-yes ma'am." Mabilis na pinaharurot ng driver ang sasakyan at maya-maya ay nasa University na si Ashley. Binigyan niya ito ng isang libo.
"Keep the change." saad niya na may kasamang ngiti. Hindi lingid sa kaalaman ni Ashley na ito'y isang mabait na tao.
"Salamat 'neng, sige na at baka mahuli ka pa."
Inisip ni Ashley ay marahil na alam ng driver ang takbo ng oras sa kanilang unibersidad.
Dumiretso sa kaniyang dorm si Ashley at basta na lamang ipinatong ang ipinamili sa lamesa.
Hinablot niya ang kaniyang bag at susi bago ikinandado ang pinto pero kalmado lamang siyang lumakad sa hallway patungo ng kanilang silid.
"Good morning class." Bati ng kanilang guro.
"Good morning Mrs. Kaye." Bati nang mga studyante habang si Ashley ay nasa tapat ng nakasaradong pintuan.
Walang pasubali ay biglang binuksan ni Ashley ang pinto at dumiretso sa kaniyang upuan.
Nagulat si Drake nang biglang bumukas ang pintong iyon at ang iniluwa nito ay si Ashley na hindi malaman ang ekspresyon ng mukha.
Napasulyap siya sa kanilang guro na halatang sanay na sa inaasal ni Ashley. Nagsimula nang mag-leksyon ang guro ngunit natulog lamang si Drake sa buong klase.
"Light production in fireflies is due to a type of chemical reaction called bioluminescence." panimula ng guro.
"This process occurs in specialized light-emitting organs, usually on a firefly's lower abdomen." Napatigil ito sa pagtuturo ng mapansing natutulog si Drake sa kaniyang klase, ngunit napa-iling na lamang ito at ipinagpatuloy ang pagtuturo sa mga interesadong mag-aral.
"The enzyme luciferase acts on the luciferin, in the presence of magnesium ions, ATP, and oxygen to produce light." Lumipas ang isang oras ay tumunog na ang bell na dahilan para maalimpungatan si Drake.
"Sa kasunod na pagkikita natin ay mayroon kayong mahabang pagsusulit, mag handa kayo." saad ni Mrs. Kaye bago umalis palabas ng silid.
Makikinig ang mga daing ng ibang estudyante sa loob ng silid, kadalasan ay mga nagre-reklamo ang mga ito dahil sa ayaw nilang mag take ng quiz. Ang iba naman ay pumunta sa sulok at nagsimulang mag kantahan, ngunit karamihan ay nagsilabasan para kumain ng meryenda sa nakahuhumaling na ganda ng kanilang kantina. Ilang sandali lang at nagsimula na din na lumabas ang mga estudyanteng kanina'y nagkakantahan sa kanilang silid.
"Pare, tara sa canteen." sabi ng isang lalaking kabarkada ni Drake.
Agad namang iniangat nito ang kaniyang ulo at masamang tiningnan ang kabarkada.
"Kayo na lang." sagot nito sa kabarkada gamit ang malalim na tono ng pananalita.
"Ay puta, ang kj." Ang tanging nasabi na lang ng kaniyang kabarkada kung kaya't nakakuha ito ng malutong na mura mula sa binata.
Tahimik lamang na nakikinig sa usapan si Ashley ng biglang tumunog ang cellphone nito na naging dahilan nang pag-angat ng kaniyang ulo.
Nahagip naman nang mga mata ni Drake ang ginawang ito ni Ashley at kapwa sila napatingin sa isa't isa ngunit inismiran lamang ng dalaga ang binata at agad nang tumayo para umalis.
Nakaramdam naman nang tila hindi maipaliwanag na pakiramdam ang binata sa nangyaring titigan kanina, bahagya kasing lumakas ang pintig ng puso nito at namuo ang butil ng pawis sa kaniyang noo.
Sa isang sulok ng kanilang silid ay naroroon at nag mamasid ang isang lalaki na nag ngangalang Damon...
Akma na sanang lalapit si Drake ng biglang tumayo sa kinauupuan n'ya ang isa pang lalaki.
Medyo may kaliitan ito at siguro ay mga 5'1 lamang ang taas, may kapayatan din at putlain ang lalaki-- o sadyang maputi lamang talaga ito. Nasabi ni Damon sa kaniyang isipan.
Palihim niyang pinagmasdan kung saan pupunta ang payat na lalaki, ngunit laking gulat naman ni Damon na naging dahilan ng pagkahulog ng binabasa [kuno/kunwari] niyang libro.
to be continued...