Chereads / Bloom of Death / Chapter 4 - II

Chapter 4 - II

[This story is currently under revision. I am truly sorry for the errors, I hope you'd understand. Happy reading!]

•●•●•

Damay-damay na kayo, pagbabayaran ninyo lahat! Hindi ko kayo hahayaang maging masaya! Tinig ng isang tao na puno nang poot ang puso.

Nakasimangot na sa paghihintay si Xander kay Ashley palibhasa't ang babaeng ito ay tulog mantika pa sa buong klase. At nandito sila ngayon ng kaniyang kaibigan sa labas ng kanilang silid-aralan, hinihintay ang pag gising ni Ashley.

"Pare, mukha ka nang multo diyan." panloloko ng kaniyang kasamang si James na hindi matigil sa pagsasalita habang urong-sulong dahil sa pagkabagot.

"Kailan ba magigising ang babaeng iyon?" dagdag pa nito.

"Gising na si president Ash, hintayin niyo na lang siya dito sa labas." biglang singit ni Amanda sa usapan ng dalawang lalaki.

"Dapat lang." seryosong sagot ni Xander ngunit hindi nagsalita si Amanda, sa halip ay tinitigan nito ang dalawang lalaki at syaka umalis palayo.

Natahimik si James habang naiwang naka-awang ang bibig ni Xander. Sumakto sa nakakakilabot na naramdaman nila ang paghangin ng bahagya, malamig, animoy may dumaang multo sa kanilang harapan. Makalipas ang ilang segundo ay parehas na bumalik sila sa ulirat.

"Nakakakilabot naman ang babaeng iyon." parang baklang sabi ni James, habang hinihimas ang nagsitirikan niyang balahibo sa kanyang braso.

"Tsk. Mag-plano nalang tayo para i-bully siya." pagwawaksi ni Xander sapagkat ang totoo ay kinilabutan rin siya sa pagtitig ng dalaga lalo na nuong humangin.

"Sige ba, payag ako diyan," pagsang-ayon naman nito kay Xander at napangiti.

Tuluyan ng nawaksi sa kanilang sistema ang pagkakilabot at nag-isip ng bahagya ng biglang sumulpot sa kanilang gilid si Ashley.

"Sino?" Inosenteng tanong ni Ashley na kadarating lang at halatang hindi maganda ang gising dahil sa magkasalubong ang magandang kilay nito.

"None of your business," pabalang na sagot ni Xander kasabay ng kaniyang pag-ismid.

On the other hand, kung si Xander ay hindi nahumaling sa ganda ng dalaga ay ibahin ninyo si James. Malanding lalaki ito kung kaya't halos maglaway na ang binata ng makita ng malapitan si Ashley. Ngunit naputol ang pagpapantasya ni James ng magsalita ang dalaga.

"Let's go," walang gana ngunit may awtoridad na sabi ni Ashley sa dalawang lalaki.

Nagsimula ng baybayin ng tatlo ang mahabang pasilyo, hanggang sa mag-start na sa pagpapaliwanag si Ashley.

"So, as you can see ito ang ating kantina," patuloy na pagpapaliwanag ni Ashley, habang pupungay-pungay ang medyo singkit nitong mata.

Tumingin naman ang dalawang lalaki sa gawing kanan nila at nakita ang may kalakihang kantina. Maraming disenyo ang makikita roon sa labas na makapagbibigay akit sa bawat estudyanteng dumadaan para pumasok at tingnan kung ano ang bagong menu.

"Ano'ng klase ng mga pagkain ang itinitinda diyan?" tanong ni James na tila nagugutom na. Bahagya pa itong napahimas sa kaniyang tiyan na naging dahilan para magusot ang kulay puti nitong uniporme.

"Tumigil ka nga! Kapag hindi babae, pagkain ang hanap mo," pangaral ni Xander sa kaniya at nagpatuloy na sila sa paglalakad. May i-ilan silang nakakasalubong na estudyante, at kadalasan ay mga nerd.

Matapos ang mahabang paglalakad nilang tatlo at ang nakaka-bored na pagpapaliwanag ni Ashley ay nakarating na sila sa kahulihan nilang destinasyon.

Ang dormitory ng mga lalaki at ang katabi nitong fire exit, just incase na may mangyaring hindi nila ine-expect. Nasa gawing kanan ang dorm ng mga lalaki na madali mo namang marerecognize dahil sa kulay puting dingding at ang mga kulay bughaw na pintong nakahanay sa pasilyo. Habang ang fire exit ay mayroong kulay pula, dilaw at itim na kulay ng pasilyo.

"Dito naman ay ang fire exit at sa kabila ay ang dorm ng mga boys." saad ni Ashley na mukhang bored na bored na.

"Nasaan ang dorm niyong mga girls?" biglang tanong naman ni James.

"Sa ikatlong palapag, pero bawal ang boys doon, at kapag pumasok kayo ay may karampatang parusa depende sa inyong ginawa." pagpapaliwanag ni Ashley na humikab pa kaya napatakip siya sa kaniyang bibig.

"Tulad nang?" pangungulit ni James.

"Gusto mo bang malaman? Labagin mo ang patakarang iyon at makikita mo pero magtanong-tanong ka muna ng makakasama mo," natatawang sagot ni Ashley na may ngisi ngunit bago siya umalis ay may nahulog itong itim na sobre.

Sa kaniya nga ba galing? O mula sa itaas na palapag?

"Hey! Ashley!" tawag ni Xander ngunit hindi ito kinig ng dalaga dahil nakikinig na ito ng music.

"Hayaan mo na pare, basahin mo nalang, baka love letter." suhestiyon naman ni James.

"Hindi ako nagbabasa ng love letter! Pang-bakla lang 'yon!" giit naman ni Xander na may halong pandidiri sa kaniyang tono at inihagis kay James ang itim na sobre.

"Sige na nga! Pero malay mo may makalap tayong impormasyon diyan sa loob ng sobre na yan." Pagmamala-detective na sabi ni James.

"Sa'yo nalang yan, bahala ka na sa buhay mo." naiiritang sagot naman ni Xander bago iniwang mag-isa si James.

Pagkalipas ng ilang minuto ng paghahanap ay natagpuan na rin ni Xander ang kaniyang dorm na may numerong 28. Binuksan niya ang pinto at natagpuan niya ang kaniyang mga maleta sa bungad ng pinto, kauntik na nga itong madapa dahil nakaharang ito sa daan. Tuluyan ng pumasok sa loob ng kuwarto si Xander at ini-sarado ang pinto, hinayaan niya na lang ang kaniyang mga gamit na nangag-kalat at dumiretso sa kama't agad na natulog.

Samantala...

Naroroon naman sa ikatlong palapag at nagtatago sa dilim ang tila nababaliw ng isang tao.

"Ang hirap i-decode!" ani James. Napatigil naman ito sa pagde-decode at napatingin sa itaas, may narinig kasi itong kaluskos.

"Sino ang nandiyan? Magpakita ka!" buong tapang na sigaw ni James, at tumingala sa itaas kung nasaan ang ikatlo, ika-apat, at ika-anim na palapag kung saan kitang-kita siya kahit saan pa pumwesto.

Nang akalain ni Xander na hangin lang ito ay pinabayaan na niya ngunit ilang segundo lamang ay may nanlalaglag na sakaniya na pilit niyang inaninaw.

Nakinig niya pala ako. Nanatili sa kaniyang magandang pwesto ang taong nagmamasid sa bawat galaw ng binata at pinitas niya ang ilang mga talulot ng itim na rosas bago isinaboy sa walang kaide-ideyang si James.

Inihulog niya ang kabuuan ng rosas at iniwang naghahanap ang binata doon.

"Hays rose petals lang pala," nakahinga si James nang maluwag ng makita niya ito.

"Pero bakit parang kakaiba? Bakit itim? Ano ba'ng nangyayari? Ano'ng ibig sabihin ng itim na rosas?" kinabahan si James sa katotohanang kita siya ng kalaban at wala man lamang siyang kaide-ideya kaya't naisip niya na kailangan na niyang ihanda ang kaniyang sarili sa mga kasunod na mangyayari.

Ilang saglit lamang ang lumipas ay may nakita siyang buong itim na rosas sa kaniyang paanan.

"Ano ba talaga ang ibig sabihin ng itim na rosas na ito?"