Chereads / Bloom of Death / Chapter 3 - I

Chapter 3 - I

[This story is currently under revision. I am truly sorry for the errors, I hope you'd understand. Happy reading!]

°•°•°•

"Alam mo na ba?" nakangising tanong nito sa kaniyang kasama habang humihithit nang sigarilyo.

"Alin?" naguguluhang balik na tanong nito at tumingin ng deretsyo sa kulay abong mga mata nang kaniyang kausap.

"May bago." casual na pagkakasabi nito pabalik sa kasama.

"Ah oo." sagot nito pabalik at muling ibinalik ang atensiyon sa kaniyang cellphone, pero agad itong napatigil at nagtanong.

"Ano ang plano mo?" muling balik tanong nito na naging dahilan naman ng pagtingin sa kaniya ng kaniyang kasama na mayroong kulay abong mga mata, na tila nasisiyahan pa ito sa mga nangyayari.

"Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin." kampanteng saad naman nito pabalik at muling humithit ng kaniyang sigarilyo.

***

"May dalawang transferees ngayon! Balita ko mga gwapo sila!" Ito ang mga nakaririnding usapan nang mga kababaihan sa paaralan na pinapasukan ni Ashley.

"Tama ka! At ang balita ko pa nga ay sa pangkat natin sila mapupunta! Hays, sana naman pansinin nila ako!" Patuloy lang ang usapan nang mga ito na may kasama pang malalakas na pagpalirit.

Akala mo naman mauubusan ng lalaki sa mundo, mga malalandi! Mariing napapikit na lamang si Ashley at pinilit ang sarili na huwag intindihin ang mga nag-iingay niyang mga kaklase.

Sandaling tumahimik, napa-angat ng ulo ang dalaga at tiningnan kung ano ang nangyari. Pumasok sa kanilang silid-aralan ang dalawang lalaki, ang dahilan kung bakit nag iingay ang mga kababaihan. Muling umingay ang isang grupo ng mga babae na nasundan pa ng iba niyang kaklase.

"Kuya akin ka nalang!"

"Hindi! Akin siya!"

"Kyaaah!"

"Aray! Ano ba?" giit ng babaeng natamaan nang isang hard covered na libro.

Hindi na nakapagtiis at nandilim na ang paningin ni Ashley kaya't hindi niya napansin na nakabato na siya, dahil sa inis ay hiniling pa nga niya na sana ay bangko nalang ang kaniyang naibato.

"Ano bang problema mo!" halos mapatid na ang mga litid sa leeg na sigaw ng natamaang babae.

"Kung gusto mong mapansin, 'wag kang gumawa ng eksena diyan! Magsalita ka!" dagdag pa nito na ikinangisi ni Ashley.

"Dami mong satsat." ani Ashley.

"Whatever! Inggit ka lang!" tugon ng babae kasabay nang pagtalikod at pag-irap niya.

"Palibhasa walang pumapansin sa kaniya." bulong-bulungan ng mga kagrupo nitong babae na halata namang ipinaparinig talaga sa kaniya.

"Masyadong kulang sa atensiyon!" Ito pa ang mga narinig ni Ashley mula sa kasamahan ng babaeng kaniyang binato.

Napatawa na lamang si Ashley sa mga sinasabi nila na may halong galit at napa-iling.

"Pakiulit nga ng sinabi nyo? Let me recall it for a moment... Sana mapansin n'ya ko, kuya akin ka nalang, hindi akin sya! If I'm not mistaken I've heard those lines from the mouths of people who were desperately asking for attention at sa pagkakaalala ko... Kayo--ahh!" Kalmado ngunit may diing sabi ni Ashley ng bigla nalang siyang sinabunutan ng tatlong babae. Itinulak siya ng isa sa kanila pero bago pa 'man siya bumagsak sa sementadong sahig ay nahigit na niya agad ang kwelyo ng nagtulak sa kaniya.

Nadismaya naman ang dalaga dahil mas nauna pang matumba ang tumulak sa kaniya. Hawak-hawak pa rin ni Ashley ang kwelyo ng babae habang nakahiga ito sa matigas at malamig na semento ng kanilang silid aralan samantalang siya naman ay medyo naka-upo sa tabi nitong babae.

"Nagkamali kayo ng kinalaban." tila kinakausap niya sa mata ito at sa isang iglap ay may matalim na bagay na inilabas si Ashley.

"A-ano yan?" kinakabahang tanong ng babae.

"Ito? Kutsilyo." akma na sanang sasaksakin ni Ashley ang babae ng biglang dumating ang kanilang teacher.

"Patay na!" sabi ng isang babaeng nagngangalang Jamie.

"May nagaganap na patayan pare!" malokong sabi naman ni Drake sa kaniyang kabarkadang lalaki.

Sa kabilang dako ay kitang-kita sa mukha ng mga transferees ang pagkamangha sa kanilang nasaksihan.

"Ehem. Good morning class." bati ni Mrs. Yuza at ipinatong ang mga dala-dala niyang libro sa lamesa.

Unti-unting ibinalik ni Ashley ang hawak niyang kutsilyo sa kaniyang sapatos at bumalik na sa upuan, ganoon din ang kaniyang mga kaklase pati na rin ang kanina'y nakahigang babae sa sahig na parang walang nangyari.

"Bago tayo magsimula ay nais ko munang ipakilala sainyo ang dalawang bagong studyante na naririto. James at Xander, maaari ba na kayo'y magpakilala?" panimula ng guro bago dumiretsyo sa kaniyang upuan sa unahan.

"James Moven, seventeen years old." pagpapakilala nito na may kasama pang pagkindat sa mga babae.

"Xander Kingsley, eighteen years old." Sa pagpapakilala ng dalawang ito ay hindi napigilan ang kaingayan na nililikha ng mga kababaihan.

Dahil dito ay naihampas ni Ashley ang kaniyang lamesa at tumayo sa kaniyang kinauupuan. Medyo napa-ngiwi ito sa kirot dahil sa malakas na pag hampas sa lamesa.

"Magsi-tahimik nga kayo!" sigaw niya na may seryosong tono.

"Ashley, ikaw na ang bahala sa kanila mamaya. Alam mo na ang dapat mong gawin." tumango na lamang si Ashley sa utos at paalala ni Mrs. Yuza.

"At kayong dalawa, maupo kayo sa tabi ni Ashley." tukoy niya sa dalawang lalaki kasabay ng pag-upo nila at pagtulog ni Ashley habang nagaganap ang klase.

Makalipas ang isang oras...

"President, gising na." tapos na ang klase ng gisingin ni Amanda si Ashley na s'ya namang ikinainis ng dalaga at padabog na iniangat ang kaniyang ulo dahil nakinig niya ang nakakairitang tinig ni Amanda.

Tiningnan niya ito ng masama at bahagyang ikinunot ang kaniyang noo.

"Pasensya na... pero... kasi... sabi ni ma'am... bigyan mo raw ng tour ang mga baguhan... at sabihin sa kanila ang mga patakaran dito... sa paaralan."

Napansin naman ni Ashley ang takot sa mga mata nito habang nagpapaliwanag kaya't tinanggal niya ang masamang tingin at tumango dahilan para umalis na palayo si Amanda.

*****************

Votes and comments are highly appreciated.^^