Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 96 - CHAPTER 75 – Umbrella for The Rain

Chapter 96 - CHAPTER 75 – Umbrella for The Rain

V4. CHAPTER 16 – Umbrella for The Rain

ARIANNE'S POV

Pagkalabas ko ng Central Estates ay nananatili pa ring masama ang panahon. Kanina pang umaga umuulan ngunit wala ata itong balak tumigil. Mas lalo pa ngang bumuhos at bumigat ang mga patak nito. I may sound insensitive but I really want this kind of rain to continue. Ito lang kasi ang nagpapakalma sa kanina ko pang magulo na isipan.

Pagkabangon ko ay wala ako sa sariling umalis ng bahay. Gising ngunit blangko ang utak ay naglakad akong walang alam kung saan ako patungo. Dinala ako ng mga binti ko sa tapat ng isang mansyon na kalauna'y napagalaman kong dati pala naming pamamahay. Parang sinadya dahil sakto pagdating ko sa tapat ng gate ay doon bumalik ang nawala kong ulirat.

Hindi ko na napansin kung ilang oras na ang lumipas simula nang magpakabasa ako sa ulan. Dahil umalis ako ng hindi nagpapaalam kay Papa o sa kahit sinong nasa Cuzon residences ay marahil nag-aalala na sila. Inikot ko ng tingin ang paligid. May mga dumaraan na sasakyan at may kaunting tao sa daan. Napaisip tuloy ako kung anong araw nga ba ngayon? Ngayon lang kasi ako nagtaka kung bakit naka-uniporme ako pero wala ako sa school. Anong ginawa ko kahapon? Papasok ba dapat ako pero nakatulog ako? Hindi ba ako pumasok? O wala bang pasok ngayon dahil maulan?

I don't know.

Isa lang ang dahilan kung bakit hindi ko nanaman masagot ang mga tanong na iyon. Siguradong may nangyari nanaman na hindi kinaya ng isipan ko. Saglit ay tumigil ako sa paglalakad at napabuntong hininga.

"Kailangan ko ng umuwi,"

Kailangan ko na talagang umuwi dahil sigurado ay nag-aalala na si Papa. Lagi pa naman iyon nag-aalala sa akin at sigurado akong mas malala ngayon lalo't umalis ako ng walang paalam.

"Ipinaalam kaya ni Papa kay Mama itong nangyari?" tanong ko sa sarili ko.

If yes then siguradong nag-aalala rin si Mama. Sigurado akong sisigawan niya si Papa tapos ika-cancel niya lahat ng meetings niya at magpapa-book kagad siya ng flight papunta rito sa Pilipinas. Napabuntong hininga ako. Muli ay nabigyan ko na naman kasi sila ng problema. 

Nagmamadali akong tumakbo pauwi. Ngayon lang ako nakapunta sa paligid nitong Central Estates kaya hindi ako pamilyar sa daan. Kailangan ko ata uling mawala sa sarili para dalhin ako ng mga binti ko pauwi. Mabuti na lamang ay kita mula rito ang tuktok ng Central Mall kaya iyon ang sinusundan ko.

"Arianne?"

Patawid ako ng kalsada noong may tumawag sa akin. Napalingon ako sa direksyon na pinanggalingan ng tinig. There stood Jerome under a black umbrella. Bilog ang mga mata niya na tila gulat sa nakita. Lumapit siya sa akin at pinayungan ako.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit basang-basa ka?" he asked surprised.

Dinukot ni Jerome sa bulsa niya ang panyo niya saka ibinigay ito sa akin. Hindi ko ito kinuha.

"Don't worry. Kanina pa ako basa kaya okay lang."

Tinitigan ako ni Jerome gamit ang nagtataka at confuse niyang mga mata. Para bang ngayon lang siya nakakita ng basang tao. Nangisi tuloy ako.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng naliligo sa ulan?" biro ko sa kaniya.

Umiling si Jerome.

"Hindi," he is flustered, "Nagulat lang ako kasi hindi ko expected na makita kang ganyan."

Napangisngis ako sa sinabi niya.

"So, ano ngang ginagawa mo rito? Ba't wala kang payong? Anong nangyari?"

"Dalawa lang yung tanong mo kanina a bakit dumami?" biro kong balik sa kaniya bago siya sagutin, "Actually, hindi ko rin alam."

Kita ko ang pagkabigla sa mukha ni Jerome pagkatapos kong magsalita. Ngumiti ako sa kaniya bago naglakad. Sumunod naman siyang pinapayungan ako.

"What do you mean?"

"You are aware of my condition, right?" I looked up at him.

Tumango si Jerome.

"That's the answer," I answered nonchalantly.

Napanganga siya saglit bago ma-gets ang ibig kong sabihin.

"You forgot?" gulat niyang reaksyon. Tumango lang ako sa panibago niyang tanong.

"Anyway, may I ask what day is today?"

"Thursday ngayon," lito niya akong tinignan.

Tumigil ako sa paglalakad at pinagmasdan si Jerome.

"May problema ba?" tanong niya nang tumigil din siya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Jerome wears a brown coat, white undershirt, black pants and waterproof black shoes. Ibig sabihin weekday ngayon pero hindi naman siya naka-uniporme.

"Walang pasok?"

Humagikgik siya, "Meron, hindi lang ako pumasok," saad niya na nagpa-singkit sa mga mata kong nakatitig sa kaniya. Natatawang nag-react si Jerome.

So, this Prince Charming also neglects his duties...

Hindi ko na tinignan pa yung tuktok ng Central Mall. Si Jerome na lamang ang sinundan ko.

"Tinatamad ka?"

Ngumiti siya, "Hindi a, may importante lang akong pinuntahan."

Dahil pinapayungan ako ni Jerome ay nababasa na ang kanang balikat niya. Basa na ang coat niya kaya sinabi ko na hindi niya na ko kailangang payungan pa dahil basa na naman ako. Imbes na makinig ay sinara niya ang payong niya. Ginaya niya ako at nagpakabasa rin siya sa ulan.

"Baliw ka," sambit ko at tumawa siya.

"Ang tagal ko na rin kasing hindi naliligo sa ulan. 10 years ago, na siguro."

Tumakbo si Jerome at dinama ang ulan. Pagkatigil niya ay pumihit siya paharap sa akin

"Nakakamiss yung childhood memories,"

"Childhood memories?"

Jerome smiled at me softly, "Do you remember yours? Kung kailan ka huling naligo sa ulan bago nito?"

I stopped for a moment then smiled at him.

"Yes actually, kakaalala ko lang kanina. One of the best childhood memories I had."

"Masaya di ba?"

Tumango ako, "Yes, indeed," masaya kong tugon bago ako tumakbo palapit sa kaniya.

Like what I wanted, the rain got stronger. Parang mga bata kami ni Jerome na nagtampisaw dito. Mas lumakas rin ang ingay nito which is a music not just to my ears but I think also to his. Tinignan ko siya at naabutan ko ang pagtingala niya. Nakapikit at dinarama ang panahon.

"Do you like the rain?" tanong ko na hindi kagad sinagot ni Jerome.

"Okay lang," nakapikit niyang tugon.

Tinitigan ko si Jerome. Matagal ko ng sinabi na gwapo siya at parang isang prinsipe. He is humorous, caring and kind too. Sa lahat ng lalaking nakilala ko ay siya ang isa sa may pinakamagandang ngiti. Napakagaan niyang kasama kaya kahit hindi naman kami direktang magkaibigan ay hindi ako naiilang sa kaniya. Gusto ko siyang kausap.

"Some people hate rain because it brings back sad memories," pauna ko.

"Sad memories?" he looked at me then smiled, "Yes, when it rains, memories like that are bound to pour but for me, I don't hate sad memories"

"You don't hate sad memories? Why?" curious kong tanong na hindi niya sinagot. Sa halip ay nagbalik siya ng tanong sa akin.

"Arianne, is it difficult? Yung hindi mo maalala yung ibang alaala mo?"

I stared at him before answering, "Actually not at all," I answered. Jerome looked at me with questioning eyes.

"Ang hirap i-explain pero since nakalimutan ko kaya parang wala na sa akin. Get over it, move on and create a new one," sagot ko.

"Isn't it sad? To lose your memories?"

Napatitig ako kay Jerome bago mapabuntong hininga.

Bata pa lang ako noon ng una akong isugod sa ospital. Bigla na lang daw kasi akong nawalan ng malay sa kalagitnaan ng away nina Mama at Papa. Pagkagising ko ay wala na akong maalala. Tinanong ng mga magulang ko yung doctor kung bakit ngunit matapos nilang mag-usap ay wala itong naibigay na maayos na paliwanag. Lumipas ang ilang araw ay bumalik naman ang ilang memorya pero hindi na iyong iba. Akala ng lahat ay okay na pero sa ikalawang pagkakataon ay nag-away nanaman sina Mama at Papa. Nagsagutan sila, nagsigawan hanggang sa saktan ni Papa si Mama. Natigil lang sila ng muli ay himatayin ako sa kanilang harapan.

Dinala ako sa ospital at katulad noong una ay nagising akong walang alaala. The same doctor asked to conduct some tests on me. Lumabas ang mga results at wala namang nakuhang pisikal na dahilan para mawalan ako ng memorya. Wala akong sakit o kahit anong damage sa ulo na makapagdudulot ng memory loss. Nirekomenda ng doctor na dalhin ako sa isang psychologist. Matagal bago lumabas ang resulta. Sa huli ay napagalaman na meron akong trauma at iyon ang dahilan kung bakit ako nakakalimot.

"Nakakalungkot ba kapag yung malungkot na alaala mo naman yung nawala?" balik na tanong ko na nagpakurap sa mga mata niya, "My brain is not always governed by my mind," I said, "Sometimes it acts on its own everytime I am face with negative situation. Mostly ng nawawala kong mga alaala ay yung nagpapalungkot or nagpapa-stress sa akin," kwento ko sa kaniya bago ako magpatuloy sa paglalakad.

"Bakit?" hindi makapaniwala niyang tanong.

I looked back at him then smiled, "Maybe because I am too weak to accept facts," tugon ko at namagitan ang tunog ng buhos ng ulan sa aming dalawa.

Noong paulit-ulit ko ng nararanasan ang pagkawala ng memorya ay nakaramdam ako ng pagkalito. It was really awful to not remember a part of who you are. Ang mga alaala ang isa sa bumubuo ng ating pagkatao kaya ang pagkawala nito ay kahalintulad ng pagkawala rin ng sarili. Hindi ko sinagot ang tanong ni Jerome pero oo, nakaranas ako ng matinding kalungkutan. Normal iyong pakiramdam pero ang hindi normal ay ang manatili ako sa ganoong estado ng emosyon.

My brain is weak but I decided not to let my heart be the same. If something is deleted, create a new one and move on.

"Hindi mo ba binalak i-retrieve yung mga alaala mo?"

Bumigat ang mga patak ng ulan, lumakas ang tunog nito na may kasabay pang pagkulog. Sumeryoso ang tingin sa akin ni Jerome. Napaisip tuloy ako kung ano ang tumatakbo sa isipan niya tungkol sa akin matapos kong magkwento.

"I was not advised to forcefully remember it. Sumasakit kasi yung ulo ko. Pero madalas naman kapag may trigger bigla ko na lang naaalala. Katulad ng candy na kapag ibinigay sa'kin maaalala ko na binigyan mo na rin pala ako noon. Ganoon minsan yung nagiging flow ng memory. Minsan naman unconsciously naalala ko na pala. Nalalaman ko na lang kapag pinu-point out ng mga nakapaligid sa akin."

Tumango si Jerome ng ilang ulit. Saglit siyang di nagsalita at para bang nag-iisip ng bagong katanungan.

"Losing undesirable memories is convenient, right?" sunod na tanong niya na nakapagpatigil sa akin. Bigla kong naramdaman ang lamig ng panahon na kanina'y hindi ko alintana.

"Arianne, tinanong mo ako kanina kung bakit hindi ko ayaw ng sad memories di ba? Naniniwala kasi ako na yung sad and happy memories ay parehong mahalaga. No one wants to feel sad pero without it hindi natin maa-appreciate yung happiness na nararamdaman natin," nakangiti niyang sabi.

Hindi ako nakapag-react kaagad. There is this feeling that he wanted me to realize something. Tumakbo ang utak ko at naalala ko na minsan ay may naadaanan akong article sa internet. Ang sabi doon ay happiness is not a stand-alone feeling. It is a comparative emotion. Masusukat mo raw kung gaano ka kasaya kapag kinumpara mo ito sa lalim ng iyong naging kalungkutan. Therefore, kagaya ng paniniwala ni Jerome, walang meaning ang happiness kung walang sadness kung ang article na iyon ang pagbabasehan.

"Arianne gusto kong maalala mo uli yung mga bagay na nakalimutan mo gaano man kasakit iyon. Hindi sa gusto kong masaktan ka kundi para sa hinaharap."

Tumigil ako sa paglalakad habang siya'y tumuloy lang. Napaisip ako sa sinabi niya. Sinundan ko si Jerome ng tingin hanggang sa maagaw ang atensyon ko ng nagkukumpulang mga tao. Umuulan pero nakapaligid sila sa isang madamo na bakanteng lote. May mga pulis sa paligid at yung dalawa sa kanila ay inikutan ng barricade tape ang lugar.

"Ay grabe naman."

"Siguro may kinalaman 'yan sa droga."

Lumapit kaming dalawa ni Jerome at iba't-ibang bulungan ang aming narinig. Tinignan ko ang pinagkakaguluhan nila at tumambad sa akin ang isang lalaking nakahandusay. May saksak ito sa dibdib at nakatarak pa nga ang kutsilyong ginamit. Saglit at dumating ang isang ambulansya. Lumabas ang mga medics. Mabilis silang lumapit sa nasaksak na lalaki at maingat itong isinakay sa dala-dala nilang stretcher. Habang sinusundan ko ng tingin ang ginagawa ng mga medic ay nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na pigura. Bigla ay tumibok ng matindi ang puso ko at alam kong isang tao lang ang makagagawa noon.

Napaatras ako sa kinatatayuan ko.

Okay lang na paligiran ako ngayon ng maraming bangkay pero hindi siya. Hindi ako ready na makaharap siya. Na makita yung mukha niya saka marinig ang tinig niya. Si Aldred ang tao na ayaw kong makita sa araw na ito.

Habang isinasakay yung lalaki sa ambulansya ay mabagal na lumapit sa amin si Aldred. Sa bawat hakbang niya papalapit ay ang pag-upos ng hininga ko. Nawawala sa ritmo ang puso ko at kahit umuulan ay ramdam ko ang pamamawis ng mga kamay ko. Napahawak ako sa kamay ni Jerome dahil tila mawawalan ako ng lakas. Huminto naman si Aldred sa paglapit sa amin.

"Arianne," he said with a weak smile.

Lumunok ako at hindi nagsalita. Ayoko siyang makita pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya.

Katulad ko ay basang-basa rin si Aldred ng ulan. Yung itim niyang buhok na madalas naka-pomada ay bagsak na bagsak. Visible na rin yung sando niya sa loob ng uniporme niya. I looked down at pansin ko ang pangangatog ng mga binti niya. Binalik ko sa mukha niya ang mga tingin ko. Namumula ang mga mata niya at nangingitim na ang paligid nito. Namumutla rin ang labi niya.

"Arianne!"

Napalingon ako sa direksyon ng tumawag at nandoon si Pristine at Bianca kasama si Irene. Iniwan ni Pristine si Irene at tumakbo palapit sa akin pero agad kong naibalik ang atensyon ko kay Aldred noong mapansin ko ang unti-unti niyang pagbagsak sa kalsada.

Tumakbo kagad si Jerome palapit sa kaniya. Dumating din si Charles kasama ang isang babae. Nakatitig lang ako sa kanila habang naninigas sa aking pwesto. Hinawakan ako ni Pristine. She is saying something pero kahit malapit siya ay wala akong marinig. Yung mga tao, yung sirena, yung ulan. Maingay ang paligid pero ang tanging napapakinggan ko lamang ay ang matinding kabog sa dibdib ko at ang pag-utos nito na lapitan ko si Aldred.

Unti-unti akong humakbang bago mabilis na kumilos ang mga binti ko. Hinawi ko si Jerome para maka-pwesto saka lumuhod ako sa kalsada. Inilagay ko ang ulo ni Aldred sa aking kandungan. He is blazing in heat. His eyes are shut and the pain is evident on his face. Kinuha ko ang nangungulubot niyang kamay at mahigpit itong hinawakan.

"He—Hey, Are—Are you alright?" nag-aalala kong tanong.

Dumilat si Aldred at hirap na ngumiti.

"Arianne, are—are you okay?" tanong ang ibinalik niya.

"I—I am, pero ikaw..." tugon ko kasabay ang pag-cup sa mukha niya.

"Don't cry," saad niya saka hirap na iniangat ang kamay niya para punasan ang pisngi ko. Doon ko lang napansin na tumutulo pala ang luha ko. 

"Arianne, I'm so worried. Don't do this again a. I am afraid, please don't forget me again a," huling sabi niya bago bumagsak ang kamay niya at mawalan ng malay.

Niyakap ko si Aldred bago lumapit sa amin ang ilang medics para umalalay. Kinausap nila ako kung dadalhin ba siya sa ospital pero dumating si Papa at siya ang sumagot sa kanila. Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpatulong si Papa kina Jerome at Charles to help him lift Aldred. Dinala nila siya sa loob ng kotse namin.

"Arianne what happened? Saan ka ba nagpunta?" Pristine asked worriedly. Tinignan ko lang siya saka si Bianca. Naiwan kasi sa isipan ko yung huling sinabi ni Aldred.

"Please don't forget me again."

Napakuyom ako sa palad ko. That sole sentence summarizes how selfish I am.

"Losing undesirable memories is convenient, right?"

Naalala ko ang sinabi ni Jerome at na-realize ko kung ano ang nais niyang iparating. Si Mama, si Papa, si Marius, yung buong pamilya ko, yung mga kaibigan ko and now si Aldred. Sa tuwing mawawalan ako ng alaala ay hindi lang ako ang naaapektuhan kundi pati na rin yung mga nakapaligid sa akin.

♦♦♦