Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 97 - CHAPTER 76 - Rainy Morning

Chapter 97 - CHAPTER 76 - Rainy Morning

V4. CHAPTER 17 - Rainy Morning

ARIANNE'S POV

Alas singko ng umaga nang magising ako. Hirap kong minulat ang mga mata ko. Noong makadilat ako ay si Marius ang una kong nakita. Mahigpit siyang nakayakap sa akin na para bang ako yung favorite niyang hotdog na unan. Lumingon ako sa bintana. Madilim pa sa labas at malakas rin ang buhos ng ulan. Marahan kong inalis ang braso't kamay ni Marius para hindi ko siya magising.

Pagkabangon ko sa kama ay agad akong pumunta sa kalendaryo na nakasabit sa pader. Monday, Tuesday and Wednesday had already crossed out which means I remembered the previous day of that days. Dati ko na itong ginagawa, yung mamarkahan ko ng ekis yung kasalukuyang araw kapag naalala ko yung kahapon nito. Naaalala ko pa rin naman yung mga nakalipas na araw maliban sa isa. Yung kahapon, ay di ko mamarkahan dahil hindi ko masyado maalala yung nangyari noong Wednesday. Ngayon ay mamarkahan ko itong Friday dahil malinaw ang alaala ko sa lahat ng pangyayari kahapon.

Inekisan ko ng pulang marker ang araw ngayon para makapaghanda na ako. Bago ako lumabas ay nilingon ko si Marius. Ang aliwalas ng mukha niya at napakasarap ng tulog. Napabalik tuloy ako sa kama. Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang ulo niya.

I missed Marius so much. He is my not so little younger brother. Ang tagal na rin noong huli kaming nagkita ng personal. Tuwing Christmas and New Year Vacation lang kasi kami nagkakasama. Naalala ko yung sinabi ni Mama na balak akong surpresahin ni Marius pero ako ata ang nag-surpresa sa kaniya.

"Ate?"

Napatigil ako noong magising siya.

"Good morning, sorry nagising kita,"

Marius immediately hugged me.

"Ate where are you going? Are you okay? Don't go, sleep with me, please."

Muli ay humiga ako at niyakap siya.

"Don't worry, I'm okay. Ate's just going to prepare for school. Sleep ka na ulit. Ate will bring you treats pag-uwi."

Marius purred like a cat. Humigpit ang yakap niya na para bang wala akong balak paalisin. I kissed his forehead. Walong taon ang agwat ng edad naming magkapatid at siya ang baby ko. He is my treasure. Siya ang regalo ni Mama at Papa sa akin noong magkaayos sila.

Noong makatulog na uli si Marius ay bumaba na ako. Sa may hagdan ay nakita ko si Papa sa sala. Nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape at nanunuod ng tv. Nang makita niya ako ay agad siyang napatayo.

"Arianne," lumapit si Papa sa akin, "Are you okay?" nag-aalala niyang tanong.

Hindi na kami nagka-usap ni Papa kahapon. Pagkasakay ko kasi ng kotse ay mga ilang minuto pa lang ata ng biyahe ay bumagsak na ang mata ko.

"Good morning, Pa, yes I'm okay po," nakangiti kong tugon.

"Oh, Arianne," bungad naman ni Tita Cecil. Napalingon ako sa may entrance ng kusina.

"Good morning po, Tita," bati ko.

"Good morning iha. Bakit bumangon ka na? Pwede ka pa matulog uli. Walang pasok," saad niya na ikinatuwa ko.

Binalik ko ang atensyon ko kay Papa at nagpaalam akong kukuha lang ng tubig. Tumungo ako sa kusina. Nagluluto pala si Tita Cecil ng almusal.

"Kamusta po si Aldred?" tanong ko pagkatapos kong uminom.

"Medyo mataas pa yung lagnat niya anak pero makainom lang 'yon ng gamot saka makakain siguradong bababa na rin 'yon," saad niya na hindi ko maiwasang ikalungkot.

"Sorry po Tita," nakayuko kong pagpapaumanhin. Alam ko kasing ako ang dahilan kaya nagkasakit si Aldred.

"You don't need to say sorry iha. Hindi mo naman kasalanan na nagkasakit siya." 

Tumigil si Tita sa ginagawa niya.

"No, kasalanan ko po. I'm sure Papa asked Aldred about me kaya tumulong siya sa paghahanap. Kung hindi po ako umalis, hindi ko po kayo maaabalang lahat."

I noticed how Tita Cecil sighed and smiled after.

"I don't blame you Arianne for what happened to him. It's his choice. Pero para sa ikagagaan ng loob mo how about tulungan mo na lang ako sa pagluluto nitong sopas para kay Aldred?" Tita smiled.

Masaya naman akong tumugon.

Umupo kami ni Tita Cecil sa dining chair para simulang maghiwa ng mga gulay, karne at hotdog. Nagkikwentuhan kaming dalawa ng iba't-ibang mga bagay. Yung walang tigil na pag-ulan, yung krimen kahapon na nasaksihan ko na naibalita pala sa tv, school life, books, etc.

"Pagnagkakasama ba kayo ni Shan nagluluto ba siya?"

"Hindi po, yung mga kasambahay po o kaya si Papa kapag may time siya."

"Mabuti naman," Tumawa si Tita Cecil, "Alam mo ba noong highschool, nang magluto si Shan tapos tikman namin. Akala namin mamamatay na kami," humalakhak si Tita Cecil na ikinatawa ko rin. Hindi kasi talaga marunong magluto si Mama.

"Noong bata pa po kami ni Marius, may time na nagbakasyon yung mga kasambahay tapos wala rin si Papa. Sabi ko kay Mama na ako na lang ang magluluto para sa amin pero she insisted and we end up with burnt fried eggs each. Sa huli po nagpa-deliver na lang kami ng pizza," kwento ko at muli ay humalakhak si Tita.

"Ay naku talaga iyang mama mo. Walang alam sa gawaing bahay. Kaya bagay sila ng Papa mo e," saad niya.

Mama is a sole child kaya noong bata siya ay alagang-alaga siya nina lolo at lola. Meron siyang sariling mga helper at hindi nga ata siya nakahawak ng sponge panghugas eversince. She really is the opposite of Papa when it comes to that aspect. Papa is a househusband. Lahat ng gawaing bahay kasi ay alam niya.

Nagtatawanan kami noong mapansin ko ang isang ulo sa entrada ng kusina na nakasilip. Si Papa hawak-hawak ang tasa niya ng kape. Tinawag siya ni Tita Cecil.

"Kanina ka pa ba dyan, Alex?"

Nakangusong nagpakita si Papa at tumango.

"Sabi ni Arianne iinom lang siya ng tubig pero di niya na ako binalikan," malungkot niyang sabi. Hindi naman ako nakapagsalita.

"E nagpatulong kasi ako sa anak mo. Ikaw ito oh, sibuyas. Hiwain mo na para makaluto na ako agad."

Papa sits on my opposite side. Nang umupo siya ay umalis naman si Tita para ihanda ang iba pang gamit. Naiwan kaming dalawa sa mesa. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko hanggang sa mapansin ko na panakaw na sumusulyap si Papa sa akin. Iniiwasan ko namang salubungin ang mga mata niya. Namagitan ang tunog ng chopping board at kutsilyo saming mag-ama. I noticed how Papa holds his knife. Ang stiff ng kamay niya kaya tumalsik yung kalahati ng sibuyas. Papa is a really good cook but I think our awkwardness eats him.

"Papa, I missed your caldereta. Since nandito po si Marius, pwede po bang mag-request na lutuan mo po kami?" I asked, breaking our silence.

Agad na ngumiti si Papa at excited na tumango.

"O—Of course anak! Kahit ano pa i-request mo lulutuin ni Papa. Gusto mo bang maraming cheese?"

"Opo."

Bumilis ang paghihiwa niya katulad ng mga professional chef sa t.v. Habang tinitignan ko si Papa ay napansin ko na naiiyak siya. Napangiti ako at the same time ay naiiyak na rin. Pareho kaming nagkukuskos ng mga mata noong lumapit si Tita Cecil.

"Nakakaiyak ba 'yang sibuyas?" natatawa niyang tanong.

Pareho man kaming tumango ni Papa ay alam ko na hindi lang sibuyas ang dahilan kung bakit kami emosyonal. Pagkatapos namin ni Papa na maghiwa ay tumayo na kami. Nagsimulang magluto si Tita at pinanuod namin siya. Isa-isa niyang nilagay ang mga paunang ingredients then pagkatapos niyang ilagay yung cabbage at ini-stir ito ng ilang minuto ay nagbukas naman siya ng isang malaking lata ng evaporated milk.

"May lactose intolerant ba sa inyo Alex?" asked Tita Cecil.

"Wala naman. All of us likes it milky," nakangiting sagot ni Papa na sinangayunan ko.

"Good, yung dalawa kasi mahilig din sa gatas," sabi ni Tita Cecil.

Bumalik kami ni Papa sa sala para manuod ng balita. Katulad nga ng kwento ni Tita Cecil ay na-cover nga yung lalaking sinaksak kahapon. Dead on arrival itong dumating sa ospital. Nahihirapan namang i-trace ang suspek dahil walang nakakita sa krimen. Hindi rin magamit ang ang cctv. Sobrang labo kasi ng kuha dahil sa ulan.

"Anak pwede ko bang malaman kung bakit ka umalis kahapon?"

Napalingon ako kay Papa. Wala naman akong balak ilihim yung nangyari pero hindi pa ako handang mag-kwento sa kaniya.

"Papa, ano kasi..." 

Yumuko ako.

"Kung ayaw mo naman sabihin okay lang kay Papa, basta huwag mo na ulitin na umalis ng walang paalam, okay?"

Matipid akong ngumiti bago tumango.

"I'm sorry, pa," saad ko ng makita ko ang lungkot at pag-aalala sa mukha niya.

Saglit akong nanahimik bago ako bumuntong hininga.

"Pero Papa," sambit ko.

"Yes, anak?"

Tinignan ko siya ng maigi bago ako nagsalita. 

"I finally found our home," I smiled.

Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa. He was about to say something noong biglang mag-message sa akin si Pristine. Agad ay ginawa ko itong oportunidad para makatakas kay Papa. Nagpaalam ako sa kaniya at nagmadali akong umakyat ng kwarto.

NO ONE'S POV

PRISTINE: Good morning Aya, kamusta?

Umupo si Arianne sa kaniyang study table saka binuksan ang study lamp.

ARIANNE: Good morning, okay lang ako. Sorry pala kahapon kung hindi na tayo nakapag-usap. Sorry din kung naabala ko kayo sa paghahanap sa akin.

Pagkatapos kumain ni Pristine ng almusal ay agad siyang umakyat ng silid. Kinuha niya ang kanyang cellphone saka umupo sa tapat ng kanyang study table. Tatawagan niya sana si Arianne pero naisip niya na baka tulog pa ito kaya nag-message na lang siya. Nangiti naman siya noong mag-reply agad ang matalik na kaibigan.

PRISTINE: Okay lang, ano ka ba? No worries... NO WORRIES! I'M REALLY WORRIED! (╥﹏╥) Ano ba nangyari kahapon? Saan ka ba nanggaling? Saka ba't di ka nagpaalam na aalis? Ba't umalis ka mag-isa? (╥﹏╥) Baka nawala nanaman memories mo. Kilala mo pa ba ako?

Arianne smiled sa huling sinabi ni Pristine. Na-imagine niya kung gaano ka-worried ang itsura ni Pristine ngayon at di naman siya nagkakamali.

ARIANNE: Syempre naman, I won't forget you. Never ever. Ano Pristy, the truth is that nawala ako sa sarili ko kahapon. Nabalik na lang ako sa ulirat noong nandoon na ako sa tapat ng haunted mansion sa Central Estates.

Gulat naman ang naging reaksyon ni Pristine sa nabasa kaya imbes na mag-reply ay tumawag na siya.

"Sa haunted mansion? Yung may Mumu Challenge? Yung sa gitna ng Central Estates?"

"Oo," tumango si Arianne.

"Bakit doon?" 

"Hindi ko rin alam noong una. Pero alam mo ba pagkapasok ko doon, everything is familiar. Hanggang sa matuklasan ko na that place holds my childhood. It was our house."

Oh, how good it is to have a bestfriend. Mas madali pang nai-open ni Arianne kay Pristine ang nangyari kesa sa Papa niya.

When Arianne set her foot inside that mansion, all the childhood memories that she lost immediately stormed inside her brain. Para bang sabik ang mga ito na makita siya kaya agad ay nagsiksikan sila sa utak niya. Matapos ang ilang taon na paghihintay ay bumalik kay Arianne ang piraso sa puzzle ng kaniyang pagkatao.

Hindi kagad nakapagsalita si Pristine dahil sa magkahalong gulat, lito at pagkamangha. Bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Natalie. Nagkatitigan ang magkapatid bago umupo si Natalie sa kama nito. Madalang lang magising ng maaga ang dalawa pero matapos malaman na walang pasok ay imbes matulog pa ay agad silang gumising na ikinagulat ng mga kasambahay nila lalo na ni Veronica at Victoria.

"Arianne... my god. I don't know what to say."

Arianne chuckled, "Same," saad niya dahil kahit siya ay nagulat sa natuklasan at mga natuklasan pa.

Pristine was really dumbfounded on what she heard. She wanted to ask a lot of things but she's also afraid that she might ask the wrong questions. Matapos mag-isip ng maigi ay tinanong niya na lang ang bagay na pinaka-concern siya.

"Are you happy?"

Nagulat si Arianne sa tanong kaya di siya nakasagot agad. 

"Yes?"

"Bakit hindi ka sure?"

"Natatakot kasi ako."

Nangiti si Pristine, "Si Arianne takot? Parang di naman kapanipaniwala. Aya ikaw yung isa sa pinakamatapang na taong nakilala ko."

"Paano mo naman nasabi? Lage nga akong umiiyak."

"Sino ba nagsabi na kahinaan yung pag-iyak?"

Natahimik si Arianne.

"Aya, you are stronger than you think. Alam namin ni Bea 'yon."

"Maniniwala ba ako sa inyo? E mga baliw kayo."

Ngumisi si Arianne habang natawa naman si Pristine.

"You know Aya how much I love you, right?"

"I know."

"And that's it. Basta sa susunod, huwag ka ng aalis ng walang paalam."

"I can't promise to you," humagikgik si Arianne na ikinasimangot ng kausap niya, "Pero kung mawala ako, hahanapin mo pa rin naman ako di ba? Kahit nakakaistorbo ako sayo?"

Ngumisi si Pristine.

"Nakakaistorbo? Never. Subukan mo nga lang ipagpalit ako bilang bestfriend mo ipapa-kidnap na kita e. Yung mawala ka pa kaya? Kahit saang sulok ng mundo Aya."

Nag-usap pa ng iba't-ibang bagay ang dalawa. Yung ganap sa school, na may quiz sa asignatura nilang Economics next week, na dapat mag-review sila hanggang sa matanong ni Pristine kung may balak ba si Arianne na sabihin kay Bianca ang parehong napag-usapan nila. Arianne said that she will but it's better kung personal silang mag-usap.

"How about bukas? Mag-review tayo dito samin para sa quiz tas pag-usapan na rin natin 'yong nangyari sayo?"

Arianne agreed.

Nag-usap pa silang dalawa. Saglit ay narinig ni Pristine ang naiinip ng pagtitiktik ni Natalie. Nagising sila ng maaga dahil nagkasundo sila na magra-rank up sa ML ngayong araw para kinabukasan ay mag-aaral lang sila.

"Hey Aya busy ka ba?"

"Hindi naman,"

"ML tayo!" pagaaya ni Pristine na ikinatawa ni Arianne.

"ML? Mobile Legends? Kailan ka pa natuto nyan?"

"Na-curious kasi ako ba't naadik si Bea kaya sinubukan ko."

Tumawa si Arianne, "Naku tapos adik ka na rin ngayon? Delikado 'yan. Baka puro laro na atupagin mo a."

"No hindi, okay lang 'to. Minsan lang naman. Saka hindi lang naman ako kalaro mo tatlo tayo ni Natalie tas kontakin din natin si Bea."

Sinitsitan ni Natalie si Pristine kaya napalingon ito sa kaniya at nakita ang nagbabanta niyang tingin.

"Si Natalie?" nangiti si Arianne, "Good, so you're getting along?"

"No, bano siya e. Noob, pabuhat," pabulong na sabi ni Pristine pero sinadya niyang marinig ni Natalie.

"Paano niyo siya napalaro?"

"Bea tricked her that you're playing this game. Since ayaw magpatalo sa'yo, iyon nauto," humalakhak si Pristine. Bigla ay may tumamang unan sa ulo niya. Lumapit si Natalie kay Pristine. May balak pa sana siyang hampasin muli ang kapatid gamit ang binato niyang unan pero bigla siyang napatigil noong marinig niya ang boses ni Arianne.

"Hindi naman siguro. Syempre kaka-start niya pa lang maglaro. Anyway, I'm glad that you two are getting along well. Sige, gusto ko ring makalaro si Nat kaya game," saad ni Arianne na dahilan ng pagpapula ng mga pisngi ni Natalie.

Napasimangot naman si Pristine.

Bumalik si Natalie sa kaniyang kama.

"Eh ako yung nag-aya sa'yo and you will play because of her! Hmmp!" reklamo ni Pristine na tinawanan lamang ni Arianne.

"Sige wait a, ida-download ko lang," paalam ni Arianne. Hinanap niya sa playstore yung game pero laking pagtataka niya na installed na ito. Bigla ay naalala niya na dinownload niya nga pala ito habang nagpapalipas siya ng oras noong Wednesday.

"Pristy, di ba nag-meeting kayo noong Wednesday? Pati si Bea?"

Pristine confirmed.

"Did you know what I did noong umalis na kayo?"

"Bea said that you're going to fetch Aldred,"

Nagulat si Arianne sa narinig dahil hindi niya ito maalala. Agad naman ay nagtaka si Pristine.

"Hindi mo ba maalala?"

Narinig ni Arianne ang pag-aalala niya. Matindi siyang napailing na para bang nakikita siya ng kausap niya.

"Hindi sa hindi ko naalala. Nag-download kasi ako sa school ng game kaya baka nakarating sa'yo na may nag-download ng unnecessary apps," pagsisinungaling ni Arianne. Ilang pa siyang tumawa.

Paglipas ng ilang sandali ay nag-in game na sila. Parehong nagulat si Pristine at Natalie ng makita na playing si Bianca. They invited Arianne to their squad named "Banana Cake" ang favorite bread ni Bianca.

"Who's AIUEO?" tanong ni Arianne. Naka-mic on sila.

"Me," agad na tugon ni Natalie.

"Good morning, Nat," bati ni Arianne na tinugunan naman ni Natalie.

"Good morning," malamig niyang sabi.

"So Pristy is CARROT and Bea is SPARKLING?"

Tumugon si Pristine. Naghintay sila saglit hanggang sa matapos si Bianca. Umangat ang rank nito at binati siya ni Pristine sa chat. Bianca turned her mic on and Arianne immediately greet her.

"Good morning, Bea," saad niya na hindi tinugunan ni Bianca. Nakaramdam si Arianne ng agad na pagkailang. Pero naisip niya na baka dahil sa ulan kaya mahina ang net connection dahilan kaya di siya nito narinig. Anyway, tumahimik siya, naglolokohan sina Pristine at Bianca bago without further ado ay naglaro na sila.

The game starts smoothly. Surprisingly Pristine and Natalie went into the same lane and teamed perfectly.

"I will lure them, go hide in that grass then ambush them," saad ni Natalie kay Pristine na sinunod naman nito.

Meanwhile, Arianne followed Bianca while their anonymous teammate went into his/her separate lane. They are just playing but Arianne feels something is wrong. They should be a team but Bianca answers all her actions opposingly.

"What the hell!" galit na saad ni Bianca noong mamatay ang avatar niya.

"What's wrong with you?" Inis naman na tugon ni Arianne.

"Tsk!" Bianca replied.

"Hey! Bianca," sita ni Natalie.

Bigla ay nag-chat yung kakampi nila kaya mas nag-ngitngit si Bianca. Nagulat ang tatlo niyang kaibigan sa naging reaksyon niya. Napagtanto nila na mukhang hindi maganda ang umaga ni Bianca.

"Oy!" sita ni Pristine.

"I'm sorry guys, wala na ako sa mood maglaro. I'm out," saad ni Bianca at nag-out nga ito bigla gaya ng sabi niya.

Though nag-afk si Bianca, nanalo naman sila with Pristine as their mvp. Hindi lang panlabas ang pagiging assassin niya kundi pang-in game din pala. Pero kahit ganon ay hindi sila naging masaya.

Agad nilang kinotak si Bianca para kausapin ito ngunit nagpatay ito ng phone.

"Ate good morning, you don't have school?"

Nagulat si Arianne nang marinig si Marius. Nasa likod na niya ito at nagkukuskos ng mata. As much as she wants to play with Pristine and Natalie ay kailangan naman ni Arianne na asikasuhin ang kapatid niya. Lumabas ng silid ang magkapatid. Sakto naman ay naghahanda na si Cecil ng almusal. Pumunta ang mag-aama sa kusina at nandoon si Monique. Tinutulungan ang mama niya.

Habang kumakain ay napansin ni Cecil at Monique na nililipat ni Marius lahat ng hotdog mula sa kaniyang sopas patungo sa mangkok ng kanyang ate. Ipinaliwanag naman ni Alex ang dahilan.

"Nakabasa kasi siya ng article dati na gawa sa cultured na mga bulate yung hotdog. Simula noon ayaw na niya kahit na in-explain namin na hindi naman."

Tumawa si Cecil samantala ay hindi naman maipinta ang itsura ni Monique dahil sa pandidiri.

"Yung tanging hotdog na gusto na lang po ni Maui is yung hotdog niyang unan," dagdag naman ni Arianne na nagpa-pout sa bata niyang kapatid.

"May mga ayaw ka pa ba na pagkain Maui? Ipaalam mo kay Tita para alam ko kung ano yung hindi ko lulutuin a," sabi ni Cecil na agad inilingan ni Marius. Nahihiya itong nagsiksik ng ulo sa kaniyang ate. Nangiti si Arianne pati ang papa niya. Natuwa naman si Cecil.

"Ate's boy pala ang bunso mo Alex. Parang itong si Monique na baby girl ng kuya niya," natatawang sabi ni Cecil dahilan para tignan siya ng masama ng anak niya.

"Hindi po no!" Ngumuso ito, "Saka may iba ng Baby Girl si Kuya!" masungit na sabi ni Monique sabay kain. 

Hindi naman napigilan ni Alex at Cecil na tumawa. Ngumiti rin si Arianne kahit hindi niya alam ang dahilan. Napaisip siya kung sino ang tinutukoy ni Monique habang alam naman na ng kapatid niya ang sagot.

Natapos silang kumain. Niyaya ni Monique si Marius na maglaro ng videogame sa sala at sumunod naman ito. Balak ni Arianne na maghugas ng pinggan pero hindi siya pinayagan ni Cecil sa halip ay nakiusap ito na dalhan si Aldred sa silid ng almusal. Dala-dala ang isang bed tray table na naglalaman ng sopas, tubig at gamot ay umakyat si Arianne patungo sa silid ni Aldred. Bago siya pumasok ay napatigil muna siya sa harapan ng pinto. Bumuntong hininga bago buksan ito.

♦♦♦