V3. CHAPTER 22 - Classified Information
NO ONE'S POV
"Shane are you really okay?" nag-aalalang tanong ni Natalie.
Kasalukuyang nasa backstage ang class 3-C at naghahanda para sa last show nila. Habang nag-aayos si Natalie ng kaniyang sarili ay napansin naman niya ang pagiging matamlay parin ng kaniyang kapareha.
"Medyo nahihilo pa ako Miss Natalie pero kaya ko naman. Half naman ng play e nakahiga na ako sa kama kaya konting tiis lang," saad ni Shane. Ngumiti siya sa kabila ng hirap na nadarama.
Hindi naman maiwasang mag-alala ni Natalie.
"Okay, pero sabihin mo sa amin kapag hindi mo na talaga kaya. Ako na ang magpapaliwanag kung sakaling magka-aberya. Basta wag mo i-push ang sarili mo."
Tumungo si Natalie sa may wash room pagkatapos ng usapan nila ni Shane. Saktong walang tao sa loob.
Tinignan ni Natalie ang kaniyang sarili. Front view, side view and back view. Nagpusod siya ng buhok. Normally sa mga nagdaang play nila ay mababa lang ang pagkakatali niya pero ngayon ay tinaasan niya ito. Ilang minuto rin siyang nag-stay sa loob ng wash room para i-scan ang sarili bago niya naisipang lumabas.
Lumabas si Natalie pero hindi siya bumalik sa backstage. Nang makita niya kasing halos isang oras pa bago sila magsimula ay naisipan niya munang magpahangin. Naglakad siya at habang naglalakad siya ay nakabuntot ang tingin ng mga taong nadaraanan niya. Sino ba naman kasing hindi makakapansin sa kaniya? Oo't naka-costume si Natalie pero head turner talaga ang angking kagandahan at presensya niya.
♦♦♦
"Hello Bianca? Nasaan ka? Kasama mo na ba si Aya?"
"Who you?"
"Ay ako 'to si Pristine. Can you not tell by my voice?"
Natawa si Bianca.
"Syempre alam kong ikaw 'yan. Nagtaka lang ako kung bakit iba number mo."
"Ah ano, ano kasi, nawala kasi yung phone ko," paliwanag ni Pristine sabay kagat sa kaniyang labi. Alam niya kasing nagsisinungaling siya.
"Huh?! Saan nawala? Pinahanap mo na ba sa mga bodyguards mo?" Tanong ni Bianca na nagpalunok ng malalim sa kausap niya. Kailangan na naman kasi nitong magsinungaling upang may maisagot.
"O-Oo, pinahanap ko na..." Inilibot ni Pristine ang kaniyang mga mata sa paligid. "Hindi ko kasi maalala kung saan. Wala pa naman ng charge 'yon."
Napabuga ng hininga si Bianca, "Hay, sayang naman. Paano na lang yung mga porn natin doon?" Bianca chuckled, "Swerte na lang kung may mabuting loob ang makakapulot no'n."
Natawa si Pristine.
"Oo nga," Nangiti si Pristine, "Okay lang naka-save naman yung mga porn natin sa cloud pati na yung iba pang important files lalo na yung kay Aya. Anyway, ano nga kasama mo na ba si Aya?"
Napahalakhak si Bianca sabay tingin sa mga kasama niya. Yung ibang matagal na sa club ay sanay na sa kung paano mag-usap ang president nila at si Pristine pero yung mga freshmen ay halos ma-shock at ma-curious kung totoo ba yung lumalabas sa bibig nila.
"Nandito pa ako sa club e. Hindi pa kami nagkikita ni Aya."
"Ganoon ba? Sige, tatawagan ko na lang din siya. Kita na lang tayo sa loob ng theater mamaya."
"Okay, ja ne."
Mula sa isang booth na binisita ni Pristine ay patungo siya sa Student Council Room ng SNGS. Kasalubong niya ay ang mga estudyante't sibilyan na papunta naman sa SNGS theater. Maya-maya lamang kasi ay magsisimula na ang last run ng pinipilahang play. Pupunta rin si Pristine doon para manuod kaya agad niyang tinatapos ang mga dapat niyang gawin.
Habang inaasikaso ang kaniyang mga gawain ay hindi naman mawaglit sa isip ni Pristine ang kaibigan niyang si Arianne. Masyado siyang busy nitong nagdaang linggo kaya hindi sila madalas nagkakausap. Ilang araw lamang ang lumipas pero alam niyang marami ng pangyayari ang naganap kay Arianne. Habang tinitignan niya ang kaibigan kasama si Aldred ay alam niyang mas dumami pa ang mga bagay na hindi niya na alam tungkol dito.
Nasabi niya kay Bianca na tatawagan niya si Arianne pero ngayon ay naghe-hesitate siya. Nakatitig siya sa hawak niyang cellphone hanggang sa mapagisipan niyang huwag na lamang dahil baka maistorbo niya ito.
Malapit na si Pristine sa patutunguhan niya pero pinili niyang mag-segway muna sa Secret Spot. Nagbabakasakali kasi siya na baka naroon si Arianne pero iba ang naabutan niya.
Nadatnan niya si Natalie na nakaupo at umiidlip sa ilalim ng puno na madalas tambayan ng grupo nila.
Tinignan ni Pristine ang kaniyang relo at kalahating oras pa bago magsimula ang play. Marahan siyang lumapit kay Natalie upang hindi ito magising. May dahon na mukhang nalaglag sa ulo nito pero imbes na tanggalin ay kinuha niya ito para isuksok ng patayo sa bunbunan ni Natalie. Kumuha pa siya ng isang dahon at isinuksok naman ito sa kabila.
"I hate you," nakangiti niyang sabi pagkatapos niyang umupo ng hindi sumasayad ang pwetan sa damuhan.
Tahimik ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin. May nagu-urge sa kaniya na tabihan si Natalie pero kapag ginawa niya iyon ay parang pinakita niya na dito ang kahinaan niya. Galit si Pristine kay Natalie. Galit siya dito dahil sinira nito ang pangako nila sa isa't-isa. Galit siya dito dahil ito ang dahilan kung bakit hindi siya malaya.
"Kung hindi ka umalis, ikaw dapat yung andito sa posisyon ko," saad ng isipan ni Pristine na kahit kailan naman ay ayaw niya talagang mangyari. Gaano man kasi ang galit niya sa Ate niya ay ayaw niyang maranasan nito ang kaniyang sitwasyon.
Ilang minuto ang lumipas ng hindi umaalis si Pristine sa kaniyang posisyon hanggang sa mabulabog siya ng isang boses.
"Piri."
Hindi agad lumingon si Pristine sa nag-iisang tao na tumatawag sa kaniya sa ganoong ngalan. Hindi siya gumalaw kaya't ng magising si Natalie ay naabutan siya nito. Kakagising lamang ni Natalie pero agad nanlaki ang mata niya. Mas lalo niya pang ikinagulat ng makita niya ang lalaki sa likod ni Pristine.
"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Natalie kay Pristine. Agad tumayo si Pristine pero hindi na siya nabigyan ng pagkakataong sumagot noong magsalita si Charles.
"Piri, ito na yung phone at jacket mo. Naiwan mo kanina sa storage room."
Nagtatakang tinignan ni Natalie si Pristine bago niya ituon ang nangengwestyon niyang tingin kay Charles.
"Anong meron sa storage room? Bakit nandoon yung gamit mo?" Pag-uusisa ni Natalie.
Pahaltak na kinuha ni Pristine ang mga gamit niya kay Charles bago tignan si Natalie at tumugon.
"May kinuha lang ako doon."
Masinsinang tinitigan ni Natalie si Pristine, "Is that true?" tanong niya.
Tumawa si Charles.
"Syempre Nat, hindi," singit ni Charles na agad ikinagalaiti ni Pristine. Nangatal ang mga ngipin at kumuyom ang palad niya.
"Ano ba sa tingin mo yung gagawin ni Pristine sa storage ng NIA kasama ako?" Charles emphasized himself.
"Pristine?!"
"What?" Pristine may react irritated but she really is helpless inside. Hindi siya makasagot ng pabalang sa kaniyang kapatid dahil sa totoo lang ay kailangan niya ito ngayon.
"Charles sira ka ba talaga?" Kinuha ni Natalie ang kamay ni Pristine para haltakin ito, "Ano nanamang ginawa mo?"
Charles giggled, "Baka nga," his answer to the first question, "Gusto mo ba talagang marinig Nat kung ano yung ginawa namin?" Charles said showing his maniacal smile.
Nanggigil si Natalie. Nilingon niya si Pristine pero agad itong yumuko ng magtama ang mga mata nila. Itinuon niya ang kaniyang nagdidilim na paningin sa nakangising si Charles.
"What are you really up to?" seryosong tanong ni Natalie habang hawak-hawak pa rin ang kambal niya. Nawala naman ang ngisi ni Charles dahil tinumbasan niya ng parehong ekspresyon si Natalie.
"I'm up to what you wanted. Dapat nga matuwa ka," Charles sneered.
"Anong ibig mong sabihin?" Natalie's brows furrowed.
"Heh," Charles chuckled, "Nakalimutan mo na ba yung dahilan kung bakit mo ako hiniwalayan?"
Napaangat ang mukha ni Pristine noong marinig ang sinabi ni Charles. Tinignan niya si Natalie at naabutan niya ang malalim na paglagok nito. Nagtaka siya.
"No," mahinang tugon ni Natalie sabay hila kay Pristine.
"Let's go."
Nagulat si Pristine sa aksyon ni Natalie at nang lingunin niya si Charles ay nanatili lang ito sa pwesto nito. Nakasunod ang biglaang naglungkot na mga mata sa kanila.
Tuluyan na silang nakalayo kay Charles pero nananatili pa ring haltak-haltak ni Natalie si Pristine. Tila ba inilalayo niya ito sa isang bagay na ayaw niyang ipaalam. Puno ng pagtataka si Pristine sa ikinikilos ni Natalie kaya't pumiglas siya para magtanong.
"Anong ibig sabihin ni Charles?"
Tumigil silang dalawa.
"Wala, huwag mong intidihin 'yon," mahinahong sagot ni Natalie. Ayaw niyang sabayan ang emosyon ni Pristine.
"Paanong hindi ko iintindihin e parang may gusto siyang ipahiwatig sa akin?"
Humugot ng hininga si Natalie.
"Naniwala ka naman sa kaniya? Saka kung meron mang dahilan personal na naming dalawa 'yon."
Napangitngit si Pristine.
"Anong ginawa sa'yo ni Charles?"
"Wala kang pake."
"Pristine!"
"Personal na naming dalawa 'yon."
Nainis si Natalie dahil sa naging tugon sa kaniya pero wala siyang magawa, "You're going to get engage..." paalala niya.
"As if I don't know!"
"Inlove ka pa rin ba sa kaniya?" Mata sa matang tanong ni Natalie.
Hindi kaagad nakasagot si Pristine. Nakatitig lamang siya kay Natalie bago bigla na lamang siyang suminghot. Saglit siyang yumuko at nang iharap na muli niya ang kaniyang mukha sa kausap ay sinagot niya ang tanong nito gamit ang naluluha niyang mga mata.
Nagulat si Natalie. Nakita niya kung paano tumulo ang luha ni Pristine pero bago pa man siya makapagsalita ay tumakbo na ito paalis.
ARIANNE'S POV
"Hello, Bea?"
"Tinawagan ka na ni Pristine?"
Napatigil ako sa paglalakad.
"Huh? Uhmm, hindi pa. Bakit?"
"Tumawag kasi siya kanina. Hinahanap ka niya. Sabi ko hindi pa tayo nagkikita e kaya sabi niya tatawagan ka raw niya."
Naglalakad na ako pabalik ng SNGS mula sa booth nila Aldred noong tawagan ako ni Bianca. Ayon sa kaniya ay hinahanap daw kasi ako ni Pristine. Tatawagan daw ako nito pero wala naman akong nare-receive na call simula pa kanina.
Napabuntong hininga na lamang ako. Pwede naman kasing sa akin na dumirekta si Pristine kung ako ang pakay niya.
"Baliw talaga 'yon. Sige, ako na lang ko-contact sa kaniya."
"Oke... Oya, saan ka ba pala? Mauuna na ako sa theater para makakuha ako ng magandang pwesto. Sumunod ka na, malapit na mag-start."
Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Bianca ay agad ko naman ng tinawagan si Pristine. Tinawagan ko siya na agad namang na-receive pero ang problema ay walang sumasagot.
"Hello, Pristine?" Pag-uulit ko at sa pagkakataong iyon ay isang pagsinghot ang tumugon sa akin.
"Oy."
"He-Hello, Aya..." biglang tugon ni Pristine. May pagkamatamlay ang tinig niya kaya agad akong nabahala.
"Umiiyak ka ba a?" Muli ay suminghot siya na sinundan pa ng paghikbi.
"Nasaan ka ba? Pupuntahan kita."
Mabilis akong naglakad patungo sa Student Council Room namin noong sabihin ni Pristine na naroon siya. Hindi na ako kumatok pa at pagkabukas ko ng pintuan ay siya ka agad ang nakita ko. Walang kasama, nakaupo sa may harap at nakasubsob ang ulo sa mesa.
Marahan akong naglakad palapit kay Pristine at sa bawat pagyapak ko ay sumasabay ang tempo ng paghikbi niya. Mahina lang na umiiyak si Pristine pero dahil tahimik ang paligid ay rinig na rinig ito kasabay ang tunog ng orasan na noong tignan ko ay 5 to 3 na.
"Arianne, ayokong ma-engage," Pristine whined softly. Nagulat ako sa biglaan niyang pagsasalita pero mas nagulat ako ng iangat niya ang mukha niya.
"Arianne..."
Ito ang unang pagkakataon na makita kong umiyak si Pristine ng ganito. Hindi lang kita, kundi dama ko ang sakit na pinaghuhugutan niya. Para bang ang tagal niyang nagtiis at ngayon lang siya nabigyan ng pagkakataon na ibuhos ang damdamin niya.
Kinuha ko ang ulo ni Pristine at isinandal ito sa tiyan ko para yakapin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang siyang nag-outburst pero sigurado akong may malaki siyang problema base sa reaksyon niya.
Kailangan ko muna siyang pakalmahin. Nang medyo umokay-okay na siya ay humila ako ng silya para tabihan siya.
"Aya..." Pinunasan niya ang mukha niya.
"Yes?"
"Ba't ganoon? Lumipat ka lang ng tinitirhan pero feeling ko ang layo mo na?"
Nagtaka ako sa sinabi niya.
"Huh? Saan naman nanggaling 'yan?" I smiled awkwardly.
"Hmmp,"
Pumilig si Pristine ng ulo pero sunod ay isinandal niya ito sa balikat ko.
"Sabihin mo sa akin yung totoo, straight and honest. Napilitan ka lang ba na makisama sa akin?"
Muli ay nagulat ako.
"No, why Pristy? Bakit ba ito yung pinag-uusapan natin?" tanong ko dahil supposedly dapat yung kung bakit siya umiiyak ang pinag-uusapan namin.
Nagawa niya pang ngumiti pero isa itong matipid na ngiti na puno ng kalungkutan.
"Naalala mo ba noong bago ka dito? Kung paano ko isinaksak kagad yung sarili ko sa iyo sa pamamagitan ng pag-manipulate kung saan ka magdo-dorm? Hindi kita hinayaang mabigyan ng choice kasi intensyon ko na ako dapat ang maging kaibigan mo. Ako, hindi siya… hindi si Natalie. Akala mo siguro hindi ko alam ano? Na magkakilala na kayo ni Natalie way back sa states."
Napatanga ako kay Pristine. Nagulat kasi ako sa rebelasyon niya. Kung gaano katagal ko na palang nilihim sa kaniya na magkakilala na kami ng pinsan niya noon pa ay ganoong katagal niya na rin palang alam. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin.
"Sorry, pero alam ko. Alam ko kaya gumana yung pagka-selfish ko. Galit ako kay Natalie. Importante ka sa kaniya at alam kong masasaktan ko siya once ako yung piliin mo. Honestly, hindi ko alam kung bakit ako yung pinili mo pero sobrang saya ko noon. Sobrang saya kasi sa kabila ng negative na dahilan kung bakit kinaibigan kita ako pa rin yung nanalo."
Habang nagsasalita si Pristine ay kita ko sa mukha niya ang pagka-guilty. Siguro nga na hindi maganda yung ginawa niya pero naging unfair din naman ako sa kaniya pagdating sa paglihim ng bagay na iyon.
"'Nanalo' what a term di ba?" Naagaw niya ang atensyon ko at naabutan ko ang pumait niyang ngiti, "Sa tuwing nag-aaway kami laging ikaw yung trophy. Bestfriends tayo pero pumapayag ako sa ganoon. Ang sama ko di ba? Kaya siguro kahit na mag-bestfriends tayo nahihirapan kang mag-open up sa akin," saad niya.
Tinamaan ako sa sinabi ni Pristine ngunit hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Dapat ba akong magalit sa kaniya? Sa totoo ay wala akong pake. Like I said before, Pristine is one of the reasons why I gained a lot of friends and one of the biggest reasons why I stayed here.
Napakagat ako sa labi ko. Kung may mga ginawa man kasi siyang hindi maganda ay na-compensate naman iyon ng mas maraming magagandang bagay na nangyari sa akin dahil sa kaniya.
Sa mga nakalipas na araw ay hindi kami madalas nakakapag-usap. Alam ko kung gaano ka-genuine si Pristine pagdating sa pagke-care sa akin yet isa pa rin siya sa mga taong nahihirapan akong share-an ng damdamin ko at ng mga nilalaman ng utak ko. Though syempre hindi naman porke't magkaibigan kami ay kailangan kong i-share ang lahat sa kaniya… at alam kong naiintindihan niya iyon. Meron lang sigurong dahilan kung bakit nagkakaganito siya.
"I'm sorry," saad ko, "Hindi naman sa ayokong sabihin sayo… ayoko lang na maistorbo ka pa sa mga problema ko."
Humaba ang nguso niya, "Never ka namang makakaistorbo sa akin e."
Tipid akong ngumiti.
Natuyo na ang mga luha sa pisngi ni Pristine pero hindi ko pa siya natatanong sa kung ano ba ang problema niya at bakit niya nasabi na ayaw niya ng ma-engage.
"Salamat," tugon ko sabay pasok sa pakay ko, "Pristy, ikaw? Bakit ka umiiyak? May problema ka ba?" Pagsingit ko pero as usual ay hindi niya ako sinagot, sa halip ay…
"Arianne, gusto mo na si Aldred ano?"
"H-Huh?" Walang ano-ano'y umakyat ang dugo sa pisngi ko. Humagikgik siya.
"Obvious na obvious," ngumiti siya, "Akalain mong sa lahat ng manliligaw mo e yung Freak na 'yon pa. Ano namang nagustuhan mo sa kaniya?" tanong niya na ikinairita ko.
"What the? Why are you asking me this? Sagutin mo muna yung tanong ko," I insist na tinawanan niya lang.
Nakakairita pero at least ay tila gumaan na ang pakiramdam niya. Well, she is Pristy at isa ang pang-aasar sa akin ang nakakapagpasaya sa angelic witch na katulad niya.
"Matalino siya di ba? Pero mabait ba siya? Caring? Mapagmahal sa magulang?"
Napabuntong hininga na lamang ako.
"O—Oo," nahihiyang sagot ko kasabay ang pagliyab naman ng init sa mga tenga ko.
Humagikgik si Pristine which I automatically answered with a roll of my eyes. Hindi ko maiwasang mapasimangot dahil nahulog nanaman ako sa kamay niya.
Pinunasan ni Pristine ng panyo ang kaniyang pisngi saka siya tumayo. Sinundan ko siya ng naniningkit kong mga tingin kaya nasilayan ko ang biglaang paglungkot ng mukha niya pero saglit lamang dahil tumungo siya sa malapit sa may bintana.
"Aya, masaya di ba kapag na-inlove?" Nagulat ako sa tanong niya.
Hindi ko masagot si Pristine dahil nahihiya ako.
"Aya, meron akong tao na gustong-gusto ko dati. Lahat ng tinanong kong traits sayo nasa kaniya rin. Mahal na mahal ko siya kaya sobrang saya ko noong mabigyan ng pagkakataon na maging kami," saad ni Pristine na ikinamangha ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend kahit kailan.
Nakatalikod man siya sa akin ay dama ko ang magkahalong saya at lungkot sa naging tono ng pangungusap niya.
"Uhm, akala ko ba hindi ka pa nagkaka-boyfriend?" Napakunot ako ng kilay.
Iniharap niya sa akin ang default angelic smile niya.
"Classified Information," saad niya.
"Ah— o—okay," medyo may pagka-inis kong reaksyon. Dapat ay maintindihan ko na may mga bagay siyang hindi pwedeng sabihin sa akin para sa angking kaligtasan niya pero kung iisipin mo ay unfair iyon kung ang hinihingi niya ay mag-open up ako sa kaniya.
"What happened? Nasaan na siya? I digged in na in-expect ko namang hindi niya sasagutin.
As expected ay hindi siya umimik. Tumayo ako. Gusto ko mang malaman kung ano ba talagang dahilan ng pag-iyak niya kanina ay wala naman akong magagawa kung siya ang umiiwas sa usapan. Magsisimula na yung play at hindi ko alam kung saan patungo ang usapan namin ni Pristine. Gusto ko siyang i-comfort pero paano ko iyon gagawin kung siya mismo ang ayaw.
"Pristy, I know there are things that you can't tell me. I also have things that I can't, I mean I'm not ready to talk to you… It's the first time that I saw you cry like that. You are hurt and sadly I don't know the reason why. If you don't want to tell me then fine but at least let me comfort you in a way I can."
Namilog ang mga mata ni Pristine pagkatapos kong magsalita then after that she smiled. Not the always-plastered smile on her face but a smile that is genuine enough that it removed her playful facade.
"Aya, paano ka naging ganyan?"
"Huh?"
Lumapit si Pristine sa akin.
"Para kang puppy…"
What the F...
Sumama ang mukha ko dahil sa pagkukumpara niya.
"What?"
Tumawa si Pristine.
"You don't need to put an effort to comfort me, or someone. Bianca knows that too and I think that Fiend does also. You're like a bundle of sunshine. You're too good with your beautiful and sometimes scary eyes. You're always genuine with whatever you say. You always think about others' feelings. You always think before you talk. I understand why my sister flocked over to you and we have the same reason why. You are the sister we wish we had with each other."
"T—Thanks."
Napatulala ako kay Pristine. Flattered na nahihiya ako sa mga sinabi niya. Hinimay ko ito ng maigi then isang bagay ang pinaka nakapukaw ng atensyon ko.
"Uh, ano, sinong sister?"
She smiled.
"Classified information."
"O—Okay," I stared at her seriously.
Pristine chuckled at my reaction before pulling me for an embrace.
Kahit magkaibigan kami ni Pristine ay may mga bagay pa rin kaming hindi magawang masabi sa isa't-isa. Hindi naman sa ayaw namin pero may kaniya-kaniya pa rin kaming buhay. May mga personal kaming tinatahak na daan at may kaniya-kaniyang rason.
May araw na darating kung saan hindi natin kakayanin lahat ng binabato sa atin. Iyon din ang araw kung saan lalabas silang tunay nating kaibigan. Mga kaibigan na makikinig once ready ka na. Mga kaibigan na susuporta para sa ikabubuti mo. Mga kaibigan na hindi mo man sabihin ang lahat tungkol sa iyo ay mas kilala ka pa kesa sa kung gaano mo kakilala ang sarili mo.
"Arianne..." Pristine who is still hugging me pats my back.
"Yes?"
"You are asking who my sister is, right?"
I nod, "Uh-huh."
Inalis ni Pristine ang pagkakayakap sa akin para harapin ako.
Ngumiti siya.
"It's Natalie. Natalie is my sister. Older twin sister actually."
♦♦♦