Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 74 - CHAPTER 57 - Sleeping Beauty

Chapter 74 - CHAPTER 57 - Sleeping Beauty

V3. CHAPTER 23 - Sleeping Beauty

ALDRED'S POV

"Arianne, thank you sa paghatid mo sakin a," saad ko noong makarating kami sa tapat ng café. Nag-blush siya at umiwas ng tingin sa akin. Namangha tuloy ako at napangiti. Ang cute niya kasi.

This day is so surreal. Hindi ko alam kung totoo ba yung mga nangyayari. Magulo ang lahat dahil papatapos na ang event pero ang ganda pa rin ng paligid. Maingay pero lahat ng naririnig ko ay pawang isang matamis na musika kung pumasok sa aking tenga. Para akong naglalakad sa bahaghari kasama ang isang anghel. I stared at Arianne's eyes and I realized that everything is beautiful when you look at it with love.

May nagawa akong masama kay Arianne at expected ko na magagalit talaga siya. Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang nagawa kong mabuti sa aking nakaraang buhay at pinagkalooban ako ngayon ng ganitong biyaya.

"Para kang baliw. Ngiti ka ng ngiti," pagpuna sa akin ni Arianne. Napayuko ako at napahawak sa aking batok.

"Pakiramdam ko kasi nananaginip lang ako. Hindi ko in-expect na pagkatapos nang nangyari kagabi ay ito ang matatanggap ko."

Nagkukurap ang mga mata ni Arianne saka siya nag-ekis ng mga braso.

"P—Pwes hindi ka nananaginip. Totoong Ma—Mahal k—kita kaya tigilan mo na 'yan kasi mukha kang baliw," irita niyang sabi na nagpatanga sa akin.

Humagikgik ako.

"I can't I'm sorry, lalo na kasama kita. Lahat ng bagay kasi, kahit ano, pinapaganda mo kaya napapangiti ako," saad ko at bigla na lamang akong nakatikim ng tadyak sa binti.

"Aww!"

Ang sakit! Naagaw ng reaksyon ko ang atensyon ng lahat sa paligid.

"S—Stop," apela ni Arianne. Nakasimangot siya habang namumula ang pisngi.

Ngumingiwi ako sa sakit pero dahil sa reaksyon niya ay agad itong naglaho.

I really want to kiss her. Kahit sa cheeks lang sana...

"May problema ba?"

Umiling ako, "Wala," sagot ko pero hindi ko napigilan ang aking pagngisi.

"Pinagti-tripan mo ba ako a?"

Muli ay umiling ako. Napalingon ako sa paligid, sa mga tao. Pinasok ko ang aking kanang kamay sa bulsa ng aking pantalon saka siya sinagot.

"So, when can I kiss you again?"

"H—Huh?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Arianne.

"I want to kiss you so much... kahit sa cheeks lang sana pero kasi, mag-girlfriend-boyfriend lang ang gumagawa talaga no'n. Pero gusto talaga kitang i-kiss e... Baka pwede namang okay lang kahit na hindi tayo mag-on? Tutal mahal naman natin yung isa't-isa," saad ko. Habang nagsasalita ako ay napansin ko ang unti-unting pagsingkit ng mata ni Arianne at nang matapos na nga ako ay ang sama na ng tingin niya.

"No," matigas niyang tugon na ikinalumo ko.

Wala na akong magawa.

"We're going to watch the play... ayaw mo ba sumama?" She turned her now sparkling eyes at me and I am mesmerized by how it looked.

"May po-problema ba sa mukha ko?"

"Meron, ang cute mo."

Agad namula ang pisngi niya.

"Ba—Baliw," Arianne puffed her cheeks. Umusog siya palapit sa akin at humawak sa kapa ko. Bigla ay kumabog ang aking dibdib dahil sa proximity. Naamoy ko nanaman ang natural scent niya pero kapag ganito ay isa lang ang dahilan.

Iniikot ko ang aking mata sa paligid at nang masalubong ko isa-isa ang mga mata nila ay isa-isa rin nila akong ini-snob.

"May problema ba? Ba't ang haba ng nguso mo?" tanong ni Arianne at doon ko lang napansin ang reaksyon ko. Siguro dahil sa may guilt talaga akong nararamdaman sa inasal ko sa aking mga kaklase.

"Wa—"

Wala sana ang sasabihin ko ngunit nakita ko si Andres at ang nangangalit niyang tingin sa akin.

"Huh?"

Yumuko ako. Ayoko sanang pa-problemahin si Arianne pero nangako ako kay Andres.

"Sinungitan ko kasi kanina yung mga kaklase ko... kaya siguro sila galit sa akin."

Arianne tilted her head and then eyed me with her questioning eyes.

"Bakit mo naman sila sinungitan?"

"Istorbo kasi sila," sagot ko na nakaani ng dismayadong reaksyon. Tinitigan ako ni Arianne at habang tumatagal na nagi-stay ang mata niya sa akin ay sumisingkit iyon. It made me feel uneasy. I cleared my throat and looked sideways.

"Pero mukha namang mababait yung mga kaklase mo a."

Tumango ako. Mababait naman kasi talaga sila.

"Bahala ka, last highschool year mo na 'to. Dapat ayusin mo yung pakikitungo mo sa kanila kung hindi marami kang mami-miss."

Sinulyapan ko si Arianne at naabutan ko ang maganda niyang ngiti. It was comforting and assuring. Like it was the answer to all the world's problems.

"Sige na, one step closer to maturity 'yon o," saad niya na nagpasingkit sa aking mata. Bumuntong hininga ako. Ang utak niya talaga, ginawa niya pang dahilan yung "Maturity" na pinagkasunduan namin.

She giggled and my urge to kiss her just heightened. Nakaka-frustrate.

"Okay, basta ikaw."

Syempre ay wala na akong nagawa.

Tama naman si Arianne. Last year ko na 'to as a highschool student kaya dapat kahit papaano ay kilalanin ko yung mga kaklase ko. Tinignan ko si Andres. Naging magkagrupo kami noon sa isang project at okay naman siya. Nagtitigan kami saglit bago ko siya tuluyang tawagin.

"Andres!"

Pagkatawag ko sa ngalan niya ay hindi lang siya ang lumingon kundi pati ang buong klase namin. May pagkagulat sa reaksyon ni Andres at nag-alinlangan pa kung siya ba talaga ang tinutukoy ko.

"Oo, ikaw. Sino pa bang Andres dito?" saad ko at bigla na lamang akong siniko ni Arianne.

Lumapit si Andres sa amin. Nagtataka siya at puno ng kwestyon kung makatingin. Lumingon siya kay Arianne at parang nabalot siya ng hiya. Nahiya rin tuloy si Arianne at mas tumindi pa ang paghawak sa damit ko.

"Di ba nangako ako sa iyo na makakapagpa-picture ka uli kay Arianne. Ito na 'yon,"

"Ta—Talaga?" Nagagalak na reaksyon ni Andres.

Masaya niyang nilingon ang nakangiting si Arianne. Nakangiti pa si Arianne noong una pero unti-unting nagbago ang ekspresyon niya.

"H—Huh?!" Hindi makapaniwalang reaksyon niya.

"Sige na, please," saad ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Arianne pero pumayag din naman siya.

"I—I can't believe you. O—Okay, ngayon lang 'to a," bulong niya.

Kinuha ko ang phone ni Andres. Habang kinukuhaan ko sila ng larawan ay mas lalo pang umusyoso ang aking mga kaklase. Nakatingin ako sa screen at kuhang-kuha nito ang tuwa ni Andres. Magkatabi sila ni Arianne and she has this normal timid smile... ang cute niya.

Tsk! Nakakainis na si Andres ang kasama niya.

"Thanks, Aldred. Thanks Arianne." Bumalik na siya sa kaniyang ginagawa.

"Nakakainis," I blurted out.

"Bakit naman?"

"Ayokong nakikipag-picture ka sa ibang lalaki."

"Huh? Eh ikaw yung dahilan kaya nakipag-picture ako."

"Alam ko, pero ngayon lang 'to. Sa susunod 'wag mo na uli gagawin."

"Siraulo, parang ako pa may kasalanan a."

Nagtitigan kaming dalawa ni Arianne. Ayaw niyang matinag kaya inilapit ko ang aking mukha sa kaniya at sa isang iglap ay namula siya. I feel so proud.

"Alis na ako," saad niya habang nakaiwas ng tingin sa akin.

"Okay, pagkatapos namin maayos 'tong booth susunod ako sa play."

"Sige, hahanapin kita doon a."

"Huwag na kasi ako na ang bahalang maghanap sayo."

"O—Okay... Ano, Aldred... Ayusin mo yung sa inyo ng mga classmates mo a."

Pagka-alis ni Arianne ay naiwan akong nag-iisip sa harap ng booth namin. Alam kong tama naman siya. Wala rin namang ginawang masama yung mga kaklase ko. Tapos last year na 'to ng hindi ko pa rin sila nakakausap ng maayos.

Ayokong mag-sorry... Bakit ba ako magso-sorry e wala rin naman akong ginawang masama a? Pero nagi-guilty talaga ako... Tama, ang importante ay mawala itong bigat ng nararamdaman ko regardless kung may nagawa man akong kasalanan o wala.

NO ONE'S POV

"Good afternoon, everyone. We only have 10 minutes left before the play starts. Please attend now to all your needs and present the right conduct once the show commences. Thank you."

"Hala siya, nasaan na yung dalawa?" pasulyap-sulyap na tinignan ni Bianca ang paligid ng theater. Dama niya ang nanunusok na tingin ng mga nasa paligid dahil sa pag-reserve niya ng dalawang upuan na hanggang ngayon ay wala paring nakaupo. Nakaramdam siya ng hiya lalo't marami pa namang nakatayo. Marami kasing manunuod.

"Huy! Nasaan na kayo?" Hindi nakatiis ay tinawagan niya na si Arianne.

"Papunta na kami ni Pristy, wait lang."

"Anong wait lang? Nakakahiya na kaya dito. Super bilisan niyo."

"Oo, oo. Ito na, kakaalis pa lang namin ng SC room. Tatakbo na kami papunta dyan."

"Mabuti naman. Nandito ako sa may banda dulo ah. Sa may bungad sa left side. Kapag wala pa kayo dito within 5 minutes papaupuan ko na 'to sa iba."

"Okay."

Napabuga si Bianca ng hininga pagkatapos niyang tumawag. Nagpaka-busy mode na lang siya para kunwari ay hindi siya naaapektuhan ng mga pumupuna sa kaniya. Naglaro siya at sa kalagitnaan nang paglalaro niya ng isang anime style dating sim game ay bigla na lamang may umupo sa silyang itinabi niya.

"Oy—"

"Hi, step couz,"

Nanlaki saglit ang mga mata ni Bianca at agad ding nanlisik.

"May nakaupo dyan Kenneth, sorry."

Tinignan ng lalaki ang kaniyang paligid. Saglit pa siyang tumayo at inekspeksyon ang silya bago umupong muli saka pilit na dinikwatro at pinagkasya ang mahahaba niyang biyas. Nakatingin ang mga tao sa kaniya lalo na ang mga kababaihang estudyante.

Katabi ni Bianca ngayon ay ang pinsang buo ni Jerome na si Kenneth Mikael Alonzo. Basketball Star Player ng EMIS at siya ring certified heartthrob ng eskwelahan. Kung ang NIA ay may Charles Carlos Ramirez ay siya naman ang representative ng mga taga silangan pagdating sa pagiging playboy.

Sa edad na 17 ay 6'0 ang tangkad ni Kenneth. Mayroon siyang mahabang kulay itim na buhok na mababang nakapusod. He has fair complexion, broad shoulders, lean but muscular body and a flirtatious killer smile.

"Hay, bahala ka dyan. Basta kapag dumating yung ni-reserve-an ko umalis ka a," saad ni Bianca pero lagpas limang minuto na at nagsimula ng magpatayan isa-isa ang mga ilaw ay wala pa rin ang mga kasama niya.

"What the?!"

Bianca groaned out of frustration then eyed Kenneth. Tumayo siya at sakto niyang nakita si Pristine.

"Nasaan si Aya?"

"Tumawag yung dad niya e. Bigay na lang daw natin yung seat sa iba," sabi ni Pristine saka siya napalingon sa katabi ni Bianca.

"Hi, Miss Beautiful," bati ni Kenneth na tinugunan ni Pristine ng ngiti.

"Who is he?" tanong ni Pristine.

"Pinsan ni Jerome. Don't mind him. He's just a nuisance. Umupo ka na."

Poporma pa sana si Kenneth kay Pristine pero naagaw ng isang tao ang kaniyang atensyon.

"Hey Biancs, dadating pa ba yung isa niyong kasama?"

"Hindi na, sige na. Suit yourself in that seat."

"Thanks, but no, I'll give it to her. Salamat."

Tumayo si Kenneth at sumenyas sa kaniyang pwesto. Nilingon naman ni Bianca kung sino ang tinutukoy nito at nakita niya ang isang babae na mala porselana ang kutis at mukhang hugis manika. Lumapit ito sa kanila.

"Nic, dito ka na."

Tinignan ng tinawag ni Kenneth ang babaeng kasama niya.

"Sige na Miss, maupo ka na. Pi-pwesto na lang ako sa likod mo."

"Thank you," sabi ng babae kay Kenneth ng hindi man lang nagpapakita ng kahit anong ekspresyon. Samantala, noong marinig ni Bianca ang malamig nitong tinig ay parang isa itong cold breeze na humaplos sa kaniya.

"Kakoi," sambit ni Bianca habang manghang-mangha na nakatingin sa babae.

"Oh, hi Nicholei."

Naagaw ni Pristine ang atensyon ni Bianca ng batiin niya ang babae.

"Ah, magandang hapon, Miss Pristine."

"You know her Pristy?" nagtatakang tanong ni Bianca.

"Ah yes, she's EMIS student council president, Nicholei Madrid."

"For real? OMG, I know you pero ngayon lang kita nakita in person," galak na saad ni Bianca, "Para kang manika," dugtong niya.

Bianca was so delighted to see someone like Nicholei. Ilang style ng damit pang manika ang agad nag-pop out sa isip niya. Inisip niya rin kung anong mga klaseng hairstyle at make-up ang magagawa niya kay Nicholei.

"Yeah, she really is like a doll. Look ang stiff niya and wala siyang emosyon," singit ni Kenneth na agad minata ng babaeng kasama ni Nicholei. Pinisil at hinila pa niya ang kaliwang pisngi ng president nila.

"Look she doesn't even yelp," saad ni Kenneth.

Tinignan ni Bianca si Nicholei at namangha siya dahil tama nga si Kenneth. Mahina naman humagikgik si Pristine sa tabi.

"Bitawan mo na siya," inis na sabi ng kasama ni Nicholei.

Humalakhak si Kenneth.

"Both of you, please stop and mind your manners. You're on your uniforms which represents EMIS so be mindful of what others will think of your actions."

Tumahimik ang dalawa samantalang si Bianca naman ay nakatitig lang kay Nicholei. Sa sobrang pagkamangha niya ay paulit-ulit nag-chant sa utak niya ang salitang "KAKOI" na ang ibig sabihin sa Japanese language ay cool.

Ilang segundo lang ay nagdilim na ang theater at tanging ang stage na lamang ang may ilaw. Tinignan ni Bianca at Pristine ang paligid pero wala pa rin silang makitang Arianne. Tsinek nila ang kanilang mga cellphone pero wala rin silang natanggap na text mula rito.

"Magandang hapon po sa lahat ng manunuod. Sa mga sibilyan, estudyante, guro at lalo na sa mga panauhing pandangal. Kayo po ay nasa St. North Girl's School Theater at sandali na lamang ay magsisimula na ang ating pinakahihintay na pagtatanghal ng St. North Girl's School Highschool class 3-C sa dulaang pinamagatang: Sleeping beauty. Muli ay pinaaalalahan namin ang lahat na patayin ang tunog ng kanilang mga cellphone, huwag maging maingay at magulo upang hindi magambala ang ating mga katabi lalo na ang mga tagaganap," saad ng narrator na muli namang inulit sa salin na ingles.

Tumahimik ang paligid. Biglang nakaramdam si Pristine ng kaba sa di mawaring dahilan habang si Bianca ay starstruck pa rin kay Nicholei. Sa likod ay nakatayo si Charles at mariing nakatitig kay Pristine. May iniisip siya pero ang hirap basahin ng mukha niya. Kanina ay gusto sanang tabihan ni Jerome si Bianca ngunit ng lalapit na siya ay may gurong kumausap sa kaniya.

Samantala ay nakasilip naman sa kurtina ang pinaka-star ng play. Hindi man halata pero puno ng kaba si Natalie habang tinitignan ang mga manunuod nila. Ngayon lang siya naka-encounter ng ganito karaming crowd kaya nao-overwhelm siya. Hinanap niya isa-isa ang mga kaibigan niya. Nandoon sa side si Noreen kasama si Eunice. Nandoon rin si Ryan James Bartolome na president ng NIA. Si Felicity Reign Cortez at Enrico dela Costa. Si Jerome kasama ang isang estudyante ng EMIS (si Kenneth). Si Charles sa bandang likod nila Pristine malapit kay Jacoby Winters. Napansin niya ang babaeng nakakapit sa braso ni Jacoby.

Samantala sa isang side naman sina Bianca, ang kapatid niya, saka si Nicholei kaya napangiti siya. Magkakatabi ang tatlo pero may isang wala. Nilibot niya ng tingin ang mga manunuod pero hindi niya nakita kung sino ang pinaka hinahanap niya.

Nawala ang ngiti ni Natalie.

♦♦♦

"Hi anak, nakakaistorbo ba ako?"

Noong marinig ni Arianne ang tanong ng kaniyang ama ay naisip niya kung gaanong kagusto niyang masimulan ang play.

"Ah hindi naman po pa. Napatawag po kayo?"

Nagluwag ang kanina pang kinakabahan na kalooban ng ama. Parang natanggalan ng tinik ang kanina niya pang nag-aalangan na damdamin.

"Mabuti naman," narinig ni Arianne ang paghinga ng papa niya, "Gusto kitang kamustahin. Nalaman ko kasi sa mama mo na may event pala kayo ngayon dyan sa school."

"Opo pa, foundation event ng school pero kasama namin yung sister school sa pagce-celebrate."

"Kamusta naman? Nage-enjoy ka ba?"

"Opo naman pa. Masaya po yung event, maraming bagay na nangyari. Horror booth po yung booth namin tapos ako yung naka-toka sa entrance tuwing hapon pero po na-try ko ring manakot sa loob. Tapos po noong day 1 pinag-costume ako ni Bianca and nagpa-photobooth kami... maraming nga pong nagpa-picture sa akin."

Namula ang mga pisngi ni Arianne habang ikini-kwento sa kaniyang ama ang ilang naganap sa kaniya sa nagdaang mga araw. Madalang lang kasi silang nakakapag-usap nito kaya naiilang siya.

"Talaga? Nakakatuwa naman. Pwede bang makita ni papa yung mga pics mo?"

"Opo naman pa. Approved ko po later yung mga tagged photos sa akin para makita mo po," nakangiting tugon ni Arianne bago niya isunod ang kaniyang tanong.

"Ano... kayo po pa, kamusta po kayo?"

Hindi agad sumagot ang ama ni Arianne. Parang may umihip na hangin sa pagitan nilang mag-ama kaya't nakaramdam si Arianne ng awkwardness.

"Okay naman ako anak, kahapon pa pala ako nakaalis ng Zambales."

"Nasaan ka naman ngayon pa?"

"Nasaan ako ngayon? Uhmm, pwede bang secret?"

"Eh? Bakit naman po?"

Natawa ang ama sa reaksyon ng anak, "Hindi, nandito ako sa... I really really wanted to surprise you pero sige na nga. Nandito ako sa Tita Cecil mo."

Nagulat si Arianne. Noong marinig niya ang sagot ng kaniyang ama ay saglit siyang napatigil bago marahang napangiti. Masaya si Arianne na magkikita sila ng papa niya pero hindi katulad ng sa iba ay wala siyang nararamdamang excitement.

"Sige po, pagkatapos nitong event uuwi agad ako ng magkita na po tayo."

Nag-usap pa saglit ang mag-ama bago tuluyang nagpaalam si Arianne. Nang ibaba niya ang kaniyang cellphone ay napatingin siya sa kaniyang relo. Labing-limang minuto na pala ang lumipas mula nang mag-start ang play.

Nagsimula ng maglakad si Arianne. Habang patungo siya sa theater ay hindi maalis sa kaniyang isipan ang rebelasyon ni Pristine. Malalim siyang nag-isip hanggang sa mapagdugtong-dugtong niya ang mga bagay na nag-uugnay sa relasyon ng dalawa na buong akala ng lahat ay magpinsan.

"They even have the same birth month..."

Oo't magkamukha nga si Pristine at Natalie pero akala niya ay dahil lamang ito sa magkamag-anak ang dalawa. Mahirap din kasing masabi na may mas malalim pa silang ugnayan lalo't lagi silang nag-aaway.

Natanong ni Arianne kay Pristine kung alam ba ito ni Bianca na itinanggi naman ng isa. Isa ito sa mga confidential na bagay na inililihim ng pamilya Vicereal kaya as much as possible ay walang iba na dapat makaalam dito.

"I will also tell it to her later if I have the right chance. Kayong dalawa lang naman yung pinagkakatiwalaan ko and I'm sure na pagkakatiwalaan niya rin kayo."

Arianne smiled while thinking of what Pristine said. Mahirap ang maraming alam pero yung ipagkatiwala ito sayo means only one thing. You are worth trusting for.

Papasok na si Arianne sa entrance ng theater noong mapansin niyang nagkakagulo sa may pinto papasok ng backstage. Hindi niya naiwasang sumilip dito at nang magtama ang mata niya sa isa sa mga tao roon ay lahat na sila'y naglingunan sa kaniya.

"Heaven sent! Miss Arianne, we need your help!" saad ng isa bago sila maglapitan kay Arianne.

"PLEASE!"

Naguluhan si Arianne sa nangyayari lalo na't pinapalibutan siya ng hindi niya ka-close na mga tao.

"A—Ano... Ba—Bakit... Pa—Para saan?"

"Please be our Sleeping beauty!"

"H—huh? Whaat?!"

♦♦♦