Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 68 - CHAPTER 52 - Prelude to Catastrophe

Chapter 68 - CHAPTER 52 - Prelude to Catastrophe

V3. CHAPTER 18 - Prelude to Catastrophe

NO ONE'S POV

"Okay guys, this is the last day of the festival. Alam kong malaking pressure ang nakaatang sa inyo mamayang hapon pero ayokong maramdaman niyo iyon. Nage-enjoy kayo sa ginagawa niyo at gusto kong mag-enjoy din kayo mamaya," saad ni Mrs. Basa, ang adviser ng SNGS Grade 12 section C.

Pinaalalahanan ng guro ang kaniyang mga estudyante dahil pagdating ng hapon, sa kanilang huling pagtatanghal ay manunuod ang lahat ng miyembro ng Board ng Vicereal Group of Companies.

"Natalie, Shane, have fun."

Tumango at ngumiti si Natalie.

Pagkatapos ng ilan pang pagpapaalala sa kaniyang mga estudyante ay umalis na si Mrs. Basa upang magtungo sa faculty.

Nilapitan ni Natalie si Shane, ang partner niya at gumaganap na Aurora sa Sleeping Beauty na play nila. Aktong tatapikin niya sana ito sa balikat nang mapansin niyang namumutla ito.

"Hey, are you alright?"

Malamya na nilingon ni Shane si Natalie.

"Ano, Miss Natalie, medyo nahihilo kasi ako saka parang ang bigat ng pakiramdam ko," hirap na saad ni Shane. Lumapit sa kanila ang iba pa nilang kaklase.

"Wala naman tayong run ngayong umaga. Mabuti na magpahinga ka muna para makabawi ka mamayang hapon. Let me walk you to the clinic."

Dinala ni Natalie at ng iba pa nilang kaklase si Shane sa kanilang school clinic. Pinainom ito ng gamot at nirekomendahan ng school nurse na matulog muna.

"I'm sorry guys, I'm sorry Miss Natalie," malungkot na pagpapaumanhin ni Shane habang nakahiga siya sa kama.

Ngumiti si Natalie, "Don't be sorry. Basta magpahinga ka lang and for sure, mamaya babalik na 'yang lakas mo."

Iniwan nila si Shane sa may clinic upang tuluyan na itong makapagpahinga.

Huling araw ng JFEvent, walang schedule ng pagtatanghal ang Grade 12 section C sa umaga kaya mayroon silang pagkakataon na maglibot-libot. Pagkabalik ni Natalie sa kanilang classroom ay agad siyang niyaya ni Noreen. Dalawa sila kasama si Eunice ay in-enjoy ang event. Noong una ay may ilangan pa sa pagitan ni Eunice at Natalie pero saglit lang ay nabura rin ito sa pamamagitan ni Noreen.

"Hey, punta tayo ng booth nila Aldred, tutal lunch na rin naman," suhestyon ni Noreen pagkalabas nila sa photobooth. Lumingon ang dalawa kay Natalie.

"Oo nga Nat, para makita naman natin si Aldred in action," dagdag ni Eunice.

Bago pa man makasagot si Natalie ay hinatak na siya ng dalawa patungo sa Café Prince.

First time nila na dumalaw sa booth nila Aldred kaya namangha sila pagkapasok pa lamang. Mula sa intricate design ng paligid hanggang sa mga costume ng staffs nito. Habang patungo sila sa isang unoccupied na table ay malugod silang binabati ng mga Princes na kanilang nadaraanan.

Lumibot ng tingin si Eunice at napabuntong hininga siya.

"Is there a problem?" tanong ni Natalie nang mapansin ang kaibigan.

"Mukhang wala kasi si Charles," malungkot at nahihiyang tugon ni Eunice.

Umupo ang tatlo. Saglit lang ay may lumapit sa kanila upang kuhanin ang kanilang order. Si Aldred with his Vampire Prince costume. The three were impressed by his appearance. Hindi maikakaila ang kagwapuhan niya na kahit si Noreen ay parang tinamaan.

"Oh my g, kung ikaw ang manliligaw sa akin magbabalik loob na ako," pabirong saad ni Noreen na nakaani ng mga pigil na ekspresyon mula sa kaniyang mga kaibigan.

Wala namang reaksyon si Aldred. Wala siyang panahong mag-react dahil mas inuuna niyang indahin ang sakit ng kaniyang mga tuhod bunga ng pagpaparusa na natanggap niya mula sa kaniyang ina.

"What do you want to bite?" ang pamosong linya ni Aldred. Halos humalakhak si Noreen noong marinig ito.

"Ano raw gusto mong kagatin Nat?"

Nilingon ni Noreen si Natalie at naabutan niya ang mukha nitong nakasubsob sa menu.

"Or pwede rin namang kagatin mo na lang si Nat," biro ni Noreen na agad nagpainit ng mukha ni Natalie at nagpasamid kay Aldred. Nangiti si Eunice sa reaksyon ng mga kasama niya.

"I'm sorry my lady but that's not in the menu," mahinahong saad ni Aldred kasabay ang pamumuo ng butil ng pawis sa kaniyang noo.

Nagpatuloy ng mamili ng kakainin ang tatlo. Nang makuha ni Aldred ang order nila ay aalis na sana siya pero pinigilan siya ni Noreen.

"Hey, Mr. Vampire can we take a photo with you?"

Tatanggi sana si Aldred pero ng lumingon siya kay Sho ay tumango ito. Tumayo ang tatlo. Lumapit si Aldred kay Noreen pero hinila nito si Natalie at pinagtabi sila.

"No-Noreen!" reklamo ni Natalie sa kabila ng pamumula ng mga pisngi niya.

Nailang naman si Aldred kaya't napalingon siya kay Eunice sa pag-asang sasama ito sa kanila ngunit pinigilan ito ni Noreen.

"Mamaya na tayo Niz."

Gamit ang camera ni Noreen ay kinuhanan niya ang dalawa. Sunod ay tumawag si Noreen ng ibang staff na magpi-picture para makasama rin sila ni Eunice.

"Ang cute niyo, Nat. Bagay talaga kayo ni Aldred," saad ni Noreen na sinegundahan ni Eunice habang pareho nilang tinitignan ang mga larawan.

Hindi umimik si Natalie at humigop lang sa kaniyang inumin.

"Sana kayo na lang tutal marami namang prospects si Arianne. She can have either Jerome, Sato or even me," pahayag muli ni Noreen pero ngayon ay nakaani na ito ng reaksyon.

"What?"

Tila ba nagulat si Natalie sa narinig. Napatitig sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan dahil sa pagtataka kaya't na-realize niya kung ano ang kaniyang naging reaksyon.

"Oh, I—I'm. Ano nga yung sinabi mo Noreen? I was in trance by my sudden interaction with Aldred kaya di pumasok sa utak ko iyong sinabi mo."

Tumango si Noreen, "Sabi ko bagay talaga kayo ni Aldred," pag-uulit niya sabay nguso.

Saglit lang ay dumating na ang mga ini-order nila. Nagsimula ang tatlo na kumain. Habang ninanamnam nila Eunice at Natalie ang mga pagkaing nakahanda ay lumilipad naman ang isip ni Noreen.

Masinsinang tinignan ni Noreen si Natalie. Katanggap-tanggap naman ang idinahilan nito pero hindi maalis sa kaniyang isipan na may kakaiba sa mga aksyon nito hindi lamang ngayon kundi noong nagdaan pang mga araw..

Pagkatapos kumain ng grupo ay agad na rin silang lumabas lalo na't marami pang customer ang susunod. Nagpaalam sila kay Aldred at binuyo pa nga ni Noreen si Natalie rito. Ngumingiti lamang si Aldred kahit na sa loob niya ay inis na inis na siya. May awkwardness pa ring namamagitan sa kanila ni Natalie kaya't nagpapasalamat na lang siya dahil kahit papaano ay may code of conduct siyang dapat na sundin para hindi lubusang makipag-interact dito.

"Sige Nat, hiwalay na muna kami sayo a," paalam ni Noreen. Kailangan niya na kasing gawin ang duty niya.

"Alas tres yung play niyo Nat, no? Text ka na lang namin pag papunta na kami a," sabi naman ni Eunice. Kailangan niya na rin kasing bumalik sa committee.

Tumango si Natalie, "Yes, manuod kayo. Kapag hindi ko kayo nakita bago magsimula yung play mananagot kayo sa'kin," nakangiting banta niya.

Nagpaalam na sila sa isa't-isa.

Habang naglalakad si Natalie ay panay bati mula sa ilang estudyante ang kaniyang natatanggap. Isa si Natalie sa pride ng SNGS kaya't normal lang iyon. Maganda, matalino, matangkad, sexy, magaling tumugtog ng mga instrumento at model. Hindi man siya madaling i-approach dahil sa nakaka-intimidate niyang aura ay ito naman ang isa sa dahilan kung bakit malakas ang appeal niya.

Bilang mga tao ay natural sa atin na magustuhan ang isang maganda. No matter how his or her personality is ay una natin silang tatanggapin dahil sa itsura nila. Nakakalungkot man isipin pero iyon ang katotohanan sa isang mundong mapanghusga. Unfair para sa mga hindi nabiyayaan ngunit hindi lahat ng maganda sa ilan ay maganda sa iba. Bawat isa sa atin ay mya kani-kaniyang perception. Bawat utak natin ay may iba't-ibang view sa kung ano ang pleasing sa hindi. Mayroon na gusto ang mahinhin na katulad ni Pristine, awkward na katulad ni Arianne, outgoing na katulad ni Bianca at intimidating na katulad ni Natalie.

Maraming mga factors upang magustuhan ang isang tao. Iyon ang dahilan kaya nagkakaroon tayo ng standards. Ang standards na ginagawa nating basehan sa kung sino ang ideal person natin. Pero ang standards ay gawa ng utak at ang utak ay taga dikta lamang ng gusto. Ang gusto ay iba sa pagmamahal. Ang pagmamahal ay walang sinusunod na standards. Hindi tumitingin ang pagmamahal sa panlabas na anyo, sa gender, sa estado ng pamumuhay o sa klase ng pag-uugali. Hindi ito nako-control dahil puso ang nagdidikta nito. Ang puso na kapag nagdikta ay hindi na matuturuan pa.

Dahil sa wala ng kasama si Natalie at wala naman siyang balak puntahan ay babalik na sana siya sa kaniyang mga kaklase. Lumiko siya patungo sa may theater pero narinig niyang may tumawag sa kaniya.

"Hi Nat," bati ni Arianne bago ito lumapit sa kaniya.

Napatigil saglit si Natalie bago siya tumugon.

"Hello, Arianne," ngumiti si Natalie.

Masaya niya sanang kakausapin si Arianne pero agad siyang nawalan ng gana nang malaman kung ano ang pakay nito.

"Nakita mo ba si Pristy?"

"No," malamig na tugon ni Natalie. Halos mapaatras si Arianne dahil sa reaksyon niya.

"O—Okay, ano, so—sorry naistorbo kita. Si—sige hahanapin ko na lang siya."

Natalie noticed how Arianne reacted and she immediately felt guilty for it, "Gusto mo samahan kita?" alok niya.

Arianne was not sure about what to reply. Ilang siya kung tumingin kay Natalie. Natalie still felt Arianne's uneasiness towards her so she tried to elevate the mood. She smiled at Arianne to change the atmosphere that she started.

"Pwede ba akong sumama sa'yo?"

Namangha si Arianne kaya't napatigil siya sandali bago napangiti, "Syempre," aniya sabay lahad ng kamay. Napatitig dito si Natalie bago sa mukha ni Arianne. Natalie felt annoyed but in a good way. Ayaw niya kasi ng mga touchy-touchy na ganito pero ayaw din naman niyang mapahiya si Arianne.

Kinuha niya ang kamay ng kaibigan saka sila magkasabay na naglakad.

♦♦♦