Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 69 - CHAPTER 52.2 - Prelude to Catastrophe

Chapter 69 - CHAPTER 52.2 - Prelude to Catastrophe

V3. CHAPTER 18.2 - Prelude to Catastrophe

NO ONE'S POV

"Si-Sino ka? Please! Palabasin mo ako dito!" sigaw ni Pristine habang sunod-sunod niyang kinakalampag ang isang bakal na sliding door. Sa likod niya ay may mga nakatambak na sari-saring bola, mga sports equipment at isang nakatayong pusa na mascot. Ang mascot ng NIA na si Catastrophy.

Marahan at mabigat na naglakad si Catastrophy patungo kay Pristine. Nang makalapit siya sa dalaga ay kinuha niya ang braso nito saka hinila patungo sa isang sulok. Nagpupumiglas pa si Pristine pero patapon siyang inihagis ng mascot sa mga foam. Mabuti na lamang ay makapal ang mga foam dahilan para hindi siya masaktan at mapaupo lamang dito.

Naglalakad si Pristine patungo sa secret spot nilang magkakaibigan noong kalabitin siya ni Catastrophy saka bumulong na pinapatawag siya ni Madam Victoria sa NIA. Ayaw niya mang maniwala noong una pero dahil ginawa ng mascot ang secret hand gesture ng mga secret bodyguards ng pamilya Vicereal kaya nakumbinsi siya. Tatawagan niya sana muna si Arianne pero pinigilan siya ng mascot at sinabing may ko-contact na lamang dito upang ipagpaalam siya.

Sumama si Pristine sa mascot. Hindi niya man alam ang pasikot-sikot sa NIA ay alam niya naman ang daan patungo sa kung saan nagaganap ang conference. Noong una ay pamilyar pa siya sa kaniyang mga nadaraanan pero napansin niyang parang antagal na nilang naglalakad. Huminto si Pristine para magtanong sa mascot pero laking gulat niya nang bigla siyang buhatin nito at dalhin sa bodega ng gym ng eskwelahan.

"What do you need from me?" Biglang nabalot ng malamig na aura ang buong bodega. Hindi man makita ang ekspresyon ni Pristine dahil nakayuko siya pero ramdam naman ito sa kanyang biglaang madilim na aura.

"Fuck your bodyguards. Ganoon na ba sila naging kahina simula noong mawala si Papa?"

Laking gulat ni Pristine nang marinig ang tinig. Agad siyang tumingala kaya't nakita niya si Catastrophy na umaabante patungo sa kanya. Habang papalapit ang mascot ay papaatras naman siya. Umatras pa si Pristine hanggang sa tumama ang likod niya sa malamig na pader.

"Charles?"

"Tss," rinig ni Pristine na reaksyon ng mascot bago alisin nito ang costume na nagkukubli sa kaniyang katauhan.

"Charles, are you insane?!"

Sinunggaban ni Charles ng masamang tingin si Pristine. Habang tinatanggal niya ang pang itaas na bahagi ng costume ay hindi naman maalis ang mata niya sa dalaga. Mula sa mukha pababa ay napatigil siya sa hita nito. Dahil kasi sa pagkakasalampak nito sa foam ay nahihila paangat ang palda ni Pristine.

"Not yet," sambit ni Charles habang patuloy na inaalis ang buo niyang kasuotan.

Hinila pababa ni Pristine ang palda niya, "Stop fooling around, I'm busy." Matalas niyang pahayag kasabay ang matalim niya ring pagtingin sa lalaking tunay nga ay may dalang disgrasya.

Binalak ni Pristine na tumayo upang makaalis na sa harapan ng sakuna na maaaring tumama sa kaniya ngunit bago niya pa maidiretso ang kanyang mga hita at binti ay marahas siyang hinaltak ng nakaupo ng si Charles.

Bumagsak si Pristine sa binata. Sa walang saplot nitong upperbody lumugar ang mukha niya habang sa kandungan naman nito napaupo siya.

"Get off me!" Itinulak ni Pristine si Charles pero hindi siya nito pinakawalan. Sa halip ay inakap siya ng matindi ng binata to the point na bumakat ang lipstick niya sa dibdib nito.

"Cha—Charles, ano bang — anong balak mo?"

Tumigil si Charles bago abot tengang ngumiti saka humalakhak.

"Isn't obvious? I will do you."

Nanlaki ang mata ni Pristine sa narinig.

"Are you out of your mind?!"

Hindi agad sumagot si Charles. Tinitigan niya lamang si Pristine na para bang balak niyang tunawin ito sa klase ng tingin niya. Gumalaw si Charles at umayos ng upo. Inayos niya rin si Pristine sa paraang magiging komportable sila bago niya ito halikan sa noo.

"Yes," malambing na tugon ni Charles. Dahil sa tono niya ay biglang naglaho yung inis ni Pristine. Tumibok ng mabilis ang puso niya kasabay ang pag-init ng mga palad niya.

Nakahawak si Pristine kay Charles kaya hindi nakatakas sa binata ang reaksyon niya.

"We should stay like these forever," saad ni Charles bago hawakan and baba ni Pristine at iangat ito. Kanina pa siya nakakaramdam ng kakaibang sensasyon pero ng makita niya ang namumulang mga pisngi ng babaeng akap niya ay para bang nawalan bigla ng hangin sa loob ng bodega. Mainit yung natitirang pang-ibaba ng costume na suot niya ngunit hindi na ito ang dahilan kaya nauupos siya.

"Pristine," hirap na banggit ni Charles bago niya ilapat ang labi niya sa labing pagmamay-ari ng babaeng nakatulala lamang sa kanya. 

Tahimik sa loob ng bodega kaya kahit na kaluskos ay nagiging tila isang nakakabinging sigaw. Pareho silang walang ibang marinig kundi ang kanilang mga puso. Naging parang isang bomba ang naturang organ. Tumitibok, kumakabog, nagka-countdown bago sumabog. 

Kinakabahan si Pristine pero hindi niya ma-control ang sarili. Nagawang paghiwalayin ng ginagawang paghalik ni Charles ang utak at puso niya. Sa utak ni Pristine ay alam niya na isa lang siyang laro kay Charles ngunit sa puso niya ay naghahangad siya ng tunay na pagmamahal mula rito. Ngunit magkaiba man ang sinasabi ng isipan at damdamin ni Pristine ay alam niya sa isang bagay lamang babagsak ang lahat. Sa huli ay pareho lang siyang masasaktan.

Bago pa halikang muli ni Charles si Pristine ay iniiwas na ng dalaga ang mukha niya.

Inapula ni Pristine ang mitsa na tumutupok sa kaniya. Agaran niyang pinutol ang linya ng pasabog na niyang damdamin. Pinatay ni Pristine ang ilaw ng mga mata niyang minsan lang kung kuminang.

Natulala si Charles nang masilayan ang blangko niyang tingin.

"Pristine, aren't you going to stop me?" Maingat na tanong ni Charles. Awkward siyang nakatitig kay Pristine. Naguguluhan siya sa reaksyon nito hanggang sa mairita siya ng hindi ito umimik.

"Tss!"

Sa inis ay tinanggal ni Charles ang blazer ni Pristine. Napansin niyang may smartphone sa bulsa ng damit kaya't pinatay niya ito saka ibinato sa sulok upang hindi makaistorbo sa kanila. Sunod ay tinanggal niya ang necktie ng uniporme. Habang ginagawa ang alam niyang mga maling aksyon ay paulit-ulit niyang nililingon si Pristine ngunit wala ni katiting na emosyon siyang makita sa dalaga.

Nanggigigil na si Charles dahil hindi ito ang gusto niya. Gusto niya yung umiiyak si Pristine, yung nagmamakaawa ito sa kaniya. Yung hindi nito kayanin na mawala siya.

He was about to kiss Pristine again until he was interrupted by the words that went out of the girl's mouth.

"I'm going to get married."

Parang tumigil ang mundo ni Charles nang marinig ang mga salita. Ang labi niyang dapat hahalik kay Pristine ay naiwang naka-awang habang ang mukha niya ay nabato sa gulat. Ilang segundong katahimikan ang pumagitna sa kanila bago nakapagsalita si Charles.

"You're kidding..." nangangatog na lumabas sa bibig ni Charles. 

Muli ay hindi umimik si Pristine.

"Oy, sagutin mo ako! Nag—Nagbibiro ka lang di ba? Sinabi mo lang 'yan para tumigil ako di ba?!" Humahangos na reaksyon ni Charles. Sa mga oras na pagtitiis niya sa loob ng mainit na costume hanggang sa walang preno na pagtibok ng matindi ng kanyang puso ay ngayon lamang dumalaw ang pagod sa kaniya.

"I'm not,"

Umatras si Pristine nang maramdaman ang pagluwag ng pagkakaakap sa kaniya ni Charles. Umatras pa siya hanggang sa tumama siya sa malamig na pader. Sumandal si Pristine rito. Binaba niya ang kaniyang tingin at napabuntong hininga nang makita ang bukas niyang uniform at mga marka sa kaniyang balat.

"Wala akong panahon makipagbiruan sa iyo Charles," pahayag ni Pristine habang binabalik sa pagkabutones ang kaniyang damit.

Nang ibalik ni Pristine ang tingin niya kay Charles ay naabutan niya ang hindi makapaniwala nitong mukha. Ngumiti siya, katulad ng ngiti na inensayo niya magmula noong maging siya ang tagapagmana ng VGOCs.

"Hindi, hindi pwede," sambit ni Charles habang pailing-iling ng ulo. Mabilis itong lumapit kay Pristine at humawak sa magkabila niyang balikat saka tinutok ang mukha niya sa mukha nito.

"Hindi pwede. Hindi ka pwede magpakasal," desperadong saad ni Charles.

"At bakit naman? Alam kong alam mo na dito rin naman ako papunta. Anyway, I'll meet my fiancé on my 18th birthday. Ayon kay Veronica ikakasal kami pagka-graduate ko this school year," Pristine said cooly straight to Charles face dahilan kaya't agad ay nagdilim ang mukha nito.

Ngingisi sana si Pristine pero na-stun siya noong may malakas na hangin na dumaplis sa pisngi niya.

Yumanig ang buong bodega sa lakas ng suntok ni Charles. Napatulala si Pristine sa binata. Bumalik lamang siya sa ulirat nang muling kumabog ang nakatigil niyang puso. Hindi siya makapaniwala sa aksyon na nasaksihan. Sa sobrang sama ng aura ni Charles ay parang lalamunin siya nito.

Saglit lang ay dumapo nanaman ang labi ni Charles kay Pristine. Isang aksyon na marahas at walang bahid ng pag-iisip sa konsepto ng pagpapahintulot. Matapos ng ilang segundo ng nakakapagod na pagpupumiglas ay nagawang maitulak ni Pristine ang delubyo sa harapan niya. Akmang sasampalin na sana niya si Charles pero natigilan siya nang makita ang mga luhang tumulo mula sa mga mata nito.

"Hindi pwede Piri, please. Akin ka. Paano ako?"

Mabilis bumuhos ang mga luha ni Charles. Hindi naman nakapagsalita si Pristine. Nanginig siya at nagulo agad ang utak niya.

"Anong i—ibig mong sabihin?" Kinagat ni Pristine ang kaniyang pang-ibabang labi matapos dumulas ang natinag niyang emosyon.Tumayo siya pagka-ayos ng kaniyang sarili. Hindi siya pinigilan ni Charles dahil mukhang nawala na ito sa huwisyo.

Lumakad si Pristine patungo sa isang susi na nalaglag kanina habang naghuhubad si Charles ng costume. Pinulot niya ito at nagpatuloy papunta sa pinto. Isinaksak ni Pristine ang susi sa doorlock at nang ipihit niya ito ay nakarinig siya ng pag-click. Tunog na narinig rin ni Charles kaya natauhan siya't nakaluhod na pumihit padirekta kay Pristine.

"Wala ka bang balak pigilan yung kasal?" Charles voice crack.

Palabas na sana si Pristine pero tumigil siya. Nakatalikod niyang sinagot si Charles.

"Wala, wala rin naman akong rason na pigilan iyon in the first place."

"Paanong wala? Yung future mo? Yung pangarap mo? Yung mga gusto mong gawin? Di ba gusto mong maging doctor? Tapos pupunta ka sa mga liblib na lugar kasi gusto mong matulungan yung mga tao doon. Kapag nakasal ka lahat 'yon pwedeng mawala."

Napayuko si Pristine nang pumasok iyon sa utak niya. Nakaramdam siya ng lungkot at mapait siyang napangiti. Tama si Charles dahil totoong lahat ng iyon ay pangarap niya pero mali rin ito dahil hindi na pwedeng mawala ang bagay na matagal ng naglaho.

"I don't care at all. Matagal ko na namang tinigil yung pangarap na 'yon simula ng iwa—"

"I love you."

Napatigil si Pristine sa kaniyang sasabihin. Wala man lamang warning na kumabog muli ang dibdib niya at nagulo muli ang utak niya. Gusto niyang lingunin si Charles pero agad ay naalala niya kung ano siya dito. Na sobra ang galit nito sa kaniya kaya imposible ang sinabi nito.

"Liar."

Malamang ay pinaglalaruan na naman si Charles nito sa isip-isip niya. Kaya dapat ay maging matigas siya.

"Kapag nagpakasal ka paano ako? Di ba ako talaga yung mahal mo. Ako lang. Akin ka lang kaya hindi ka dapat pumayag na magpakasal sa iba."

Napadaop palad si Pristine. Naalala niya yung ilang taon ng nakalipas. Kung paano siya mainggit sa ate niya dahil ito ang gusto ng taong mahal niya. Bata pa sila noon pero alam niya sa sarili niyang mahal niya talaga si Charles. Then one day ay nalaman niyang nakipag-break si Natalie dito. Hindi niya man maipakita ay tuwang-tuwa siya sa loob-loob niya. Mas natuwa pa siya noong lumapit si Charles sa kaniya at yayain siyang maging sila. Sobrang saya niya noon. Walang pangarap si Pristine dahil alam niyang ang mama niya ang magde-decide para sa kaniya pero binigyan siya ni Charles.

Bukod sa mabait ay matulungin na bata si Charles. Originally, ay siya talaga ang may pangarap na maging Doctor. Gusto niya kasing makatulong sa mga mahihirap at sa mga hindi naaabutan ng medikal na pangangailangan. Namangha si Pristine sa nais ni Charles kaya ito rin ang ginusto niya. Ang pangarap ni Charles ay pangarap din niya.

Everything was fine between them until the day he saw Charles talking with Natalie. Hindi niya narinig kung ano ang pinaguusapan ng dalawa pero sapat na ang aksyon nila para masaktan ang puso niya. Kitang-kita ng dalawang mata ni Pristine kung paano magyakapan ang dalawa sa isa't-isa. Nakita siya ni Charles, nagpaliwanag ito pero hindi niya narinig dahil tumakbo siya. Tumakbo siya at tumakbo hanggang sa mapadpad siya sa parke na pinag-ugatan ng pangyayaring mas dumurog sa mga puso nila.

"I love you, Pristine.Please, please don't leave me," Charles cried

Muli ay kumabog na naman ang dibdib ni Pristine. Gumaan ang utak niya at pati ang sikmura niya ay nag-iba ang takbo. Gusto niyang harapin si Charles ngunit natatakot siya sa maaaring mangyari. Baka kasi kapag nakita niya ito ay hindi siya makapagpigil na itapon ang kaniyang sarili rito.

"I'm sorry for hurting you. Nagsisisi ako, nagsisisi ako. The truth is that I really love you. I always love you. I can't bear to live without you Pristine! So, please choose me!"

Imposible.

Tumakbo si Pristine at iniwan ng hindi nakikita ang humahagulgol na si Charles.

♦♦♦

ARIANNE'S POV

Nakailang ikot na kami ni Natalie sa school pati na rin sa street booths ngunit hindi pa rin namin makita si Pristine. Tumungo kami sa Secret Spot na kanina ko pa napuntahan pero wala pa rin siya. Nagsimula na akong mag-alala lalo na't noong nakaraan lang ay may mga kahina-hinalang sumusunod sa kaniya. Ilang ulit ko na siyang tinawagan pero hindi siya sumasagot.

"Gusto mo bang tanungin ko si Irene?" tanong ni Natalie. Pansin ko na nag-aalala rin siya.

Tumango ako.

Akmang pipindot pa lamang si Natalie sa smartphone niya nang marinig ko ang boses ni Pristine. Pareho kami ni Natalie ay lumingon sa pinanggalingan ng tinig.

"Pristy saan ka bang lupalop nagpunta? Kanina pa kita hinahanap," reaksyon ko pagkalapit ko sa kaniya.

Ngumiti ang walanghiya sabay kamot sa batok niya.

"Pasensya na Aya, pinatawag kasi ako ni Lola sa NIA."

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Hindi ka man lang nag-notify sa akin. Ilang beses kitang tinawagan hindi ka man lang sumasagot. Nag-alala tuloy ako," saad ko saka ko napansin na parang may kulang kay Pristine. Tinignan ko siya ng maigi at hindi niya suot ang blazer niya.

Malokong bumungisngis si Pristine bago may kakapain sana siya sa bandang tyan pero natigilan siya. Para bang hindi niya alam na wala siyang suot na blazer.

"Where's your blazer?" biglang tanong ni Natalie dahilan para mapalingon sa kaniya si Pristine. Pansin ko ang biglaang pagkabalisa si Pristine pero saglit lang ay naglaho ito at napalitan ng pagbusangot.

"Tss, naiwan ko sa may conference room," dahilan niya na ipinagtaka ko.

Lumapit si Natalie kay Pristine saka hinatak ang kwelyo niya. Nagulat ako sa aksyon na ito pero mas ipinagtaka ko kung bakit lubusan ang ginawang pagtakip ni Pristine sa leeg niya.

"Tsk, ano ba?!"

Itinulak ni Pristine ang kamay ni Natalie sabay pinanlisikan ito ng tingin. Inayos niya ang kwelyo niya at nakita ko ang parang mapulang marka sa may collar bone niya. Nilingon ko si Natalie at naabutan ko ang tight na expression ng mukha niya.

Naghalukipkip si Natalie at inangasan si Pristine,"Kakaiba ka rin. Malamig sa conference room di ba kaya bakit ka magtatanggal ng blazer doon?"

"Gusto ko e. Pake mo ba? Kukunin ko na lang mamaya," mataray na sagot ni Pristine bago lumingon sa akin.

"Ano, Arianne kumain ka na ba?" nahihiyang tanong niya.

"Hindi pa, ikaw ba?"

"Hindi pa rin. Pasensya na Aya, dahil sa akin late ka na tuloy kakain."

"Okay lang, ayoko rin naman kumain ng mag-isa. Halika na bumili na tayo," sabi ko sabay lingon kay Natalie para yayain siya.

"Ah, Arianne okay na ako, since nakita mo na iyang tanga na iyan pwede na siguro akong umalis."

Nanggalaiti si Pristine sa remark na ginamit sa kaniya. Oo nga't lipas na nga pala ang alas dose kaya marahil ay nakakain na si Natalie kanina pa. Nanghinayang tuloy ako. Minsan lang kaming magkakasamang tatlo kaya kung maaari sana ay tumagal pa ito.

Alam kong may galit sila sa isa't-isa pero nitong nakaraan lamang ay nakita ko kung paano mag-care si Natalie kay Pristine. Mabuting tao si Pristine kaya't kahit hindi niya sabihin ay nararamdaman ko na pinapahalagahan din naman niya si Natalie.

"Siguro kumain ka na... How about dessert, Nat? I will treat you. Pagpapasalamat na rin sa pagsama mo sa akin sa paghahanap kay Pristy."

Hindi sumagot si Natalie pero pansin ko ang pag-aalangan sa mukha niya kaya ibig sabihin ay pwede ko pa siyang mapilit.

"Ang arte. Bakit ba gusto mo pang isama iyan Aya. Baka mawalan ka lang ng gana kapag mukha nyan yung katapat mo sa pagkain," saad ni Pristine na ikinangitngit ni Natalie.

Nangingiti na lamang ako. Grabe kasi talaga sila magbitaw ng salita patungkol sa isa't-isa.

"Pasensya na Arianne pero hindi ko rin mate-take na kasama 'yang santa santita na iyan. Baka masuka ko lang lahat ng kakainin ko dahil sa kasuka-sukang ugali niya."

Pristine stuck her tongue out directing at Natalie.

Pahakbang na sana si Natalie paalis pero gusto ko talaga siyang pasalamatan kaya gagawin ko ang lahat kahit na isipin nila na may pagka-pushy ako.

"Please," sabi ko na nakapagpatigil sa pag-alis niya. "Please Nat, sumama ka na sa amin," dagdag ko pa.

"What the F Aya, why are you begging to this bitch?" rinig kong reaksyon ni Pristine.

Lumingon sa akin si Natalie at nadatnan ko ang namumula niyang pisngi.

"O—Okay, Arianne. Kung iyan talaga ang gusto mo. Sasama na ako," nahihiya niyang sabi na ikinatuwa ko.

♦♦♦

Related Books

Popular novel hashtag