Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 67 - CHAPTER 51 - The Cause and The Cure

Chapter 67 - CHAPTER 51 - The Cause and The Cure

V3. CHAPTER 17 - The Cause and The Cure

ALDRED'S POV

"Nagka-amnesia kasi talaga ako."

Huh?

Hindi ko alam kung ano ang aking ire-react pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Arianne. Napatanga ako sa maganda niyang mukha at napaisip kung kaya ba ng isang anghel ang magsalita ng isang malaking biro.

Sabi niya nagka-amnesia siya... Totoo ba? Paano?

Napaka-rare ng gabing ito. Kaming dalawa lang ni Arianne sa bahay. Magkatabi sa sofa at ilang inches lamang ang pagitan. Gustong-gusto ko man siyang hawakan ay ayaw ko namang masira ang lahat. Dapat matuto akong makuntento. Atleast malapit siya sa akin na naaabot ko hindi kagaya noong nakaraang gabi na parang may pader sa pagitan naming dalawa.

Ang bango ni Arianne. Yung buhok niyang sweet fruity ang halimuyak habang parang fresh flower naman ang nai-imagine ko sa tuwing naaamoy ang samyo ng body wash na gamit niya. Nakasuot na siya ng pajamas at parang ready na matulog pero nilaanan niya pa rin ako ng kaniyang oras.

Kung kaninang umaga ay pansin ko (kahit ayaw niya mang aminin) na nilalayuan niya nanaman ako ay ito siya ngayo't full of enthusiasm kung makipag-usap sa akin. May pagkamagulo siya kung tutuusin dahil sa kaniyang pagiging on and off pero natural ata na ugali ng mga babae iyon kaya't tatanggapin ko na lamang.

We agreed to talk about ourselves and I started it with safe slam bookish profiling and "What is your favorite?" questions. Tumugon naman siya kaya't natuwa ako.

Kaya pala kulay orange ang ribbon niyang panali sa buhok...

Ngayon, halimbawa kung bibigyan ko siya ng gift then it shall be color orange. Kapag niyaya ko siyang kumain ng halo-halo kina Mang Taning ay sasabihin ko kay Ate Angge na damihan yung halaya. I will also ask Mama to cook kare-kare para iregalo ko kay Arianne at pagsaluhan naming dalawa kasi iyon lang ang pagkaing may gulay na decent kong nakakain.

Arianne is so mesmerizing every time she speaks. Sa bawat reaksyon ng kaniyang mga mata, pula ng pisngi, galaw ng labi ay mabibighani ka talaga. Napaisip tuloy ako habang kinakausap siya, maliban sa akin at kay Sato, sino pa kaya ang nabiktima ng kagandahan niya?

Napatanong din ako sa aking sarili, nagawa niya na rin kayang makipag-kwentuhan ng ganito sa ibang lalaki? Nasabi na kaya niya sa kanila yung favorite niyang kulay, panghimagas at ulam. Yung bloodtype niya, na ambidextrous siya, na nag-aral siya ng self-defense sport at yung fave book niya… na gusto niya si Mr. Knightley.

Nakaramdam ako ng frustration habang iniisip ang bagay na iyon kaya't sandali ay nawala ang utak ko sa aming pinaguusapan. Bumalik lamang ito noong marinig kong banggitin niya ang pangalan ko. Matamlay ko siyang nadatnan.

Unang beses kong makipag-usap ng ganito sa isang babae. I rarely share myself to others so it was a surprise for me. Well, Arianne always brings out the surprise inside of me. 

Nagngunguso ako sa kaniya, nag-iinarte at nagpapa-cute. Nagpapakadesperado ako. I want all her attention over me. She may laugh at me how much she wants and it is just okay. It is my pleasure. Gagawin ko lahat kahit magmukha akong tanga para lang ma-at ease siya sa akin. Para pagkatiwalaan niya ako dahil alam ko at nararamdaman ko na my magic is starting and she's falling inlove. Something is just holding her back. Something that makes her conflicting with herself.

"Nagka-amnesia ka? Fo—For real?" seryoso at hindi makapaniwala kong tanong. Saglit na pumagitna ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago bigla siyang humalakhak.

"Your—Your face!" Tinuro ni Arianne ang mukha ko at mas tumawa pa, "I—I'm just kidding! Joke lang joke lang," dagdag niya sa pagitan ng kaniyang mga tawa.

Hindi ko na alam kung ano ang ire-react ko. Ang cute niya pero nakaka-inis lang. Nakaramdam kasi talaga ako ng pag-alala.

"Stop laughing," sambit ko pero hindi siya tumigil. Ewan at bigla na lang uminit ang ulo ko.

"I said stop!" matalas kong nasambit.

I don't know what's with me. Dapat ay matuwa ako dahil isa lamang iyong biro ayon sa kanya pero there's something in her laugh that says it's not. Para bang pinilit ang tawa niya para magkubli ng katotohanan at nakakainis iyon.

"I—I'm so—sorry," saad niya na ikinabigla at ikinabahala ko. Nabahala ako dahil sa nakita kong takot sa mga mata niya.

"Ar—"

"A—Are you—you mad at me?"

Napatanga ako. Para siyang biglang nag-shrink sa harapan ko at bumalik sa pagiging bata. Nawala yung tawa niya at napalitan agad iyon ng naluluhang mga mata.

"Al—Aldred?"

"No," sinagot ko na siya kaagad dahil may kakaiba sa aksyon niya pati sa mga mata niya.

Bigla ay kumabog ang dibdib ko at sa pagkakataong ito ay kailangan ko ng layuan siya. Umusog ako, saka lilipat sana sa kabilang sofa ngunit bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Then why are you running away?" Biglang bulyaw ni Arianne na bigla ring nagpangatog sa akin.

"Hi—Hindi! Lilipat lang ako sa kabilang sofa!" Paglilinaw ko.

"Bakit ka lilipat?!" Mataas na pagkakatanong niya dahilan para tumayo ang mga balahibo ko. 

Tumayo ang mga balahibo ko dahil sa gulat ngunit mas tumindig pa ang mga ito nang humigpit ang hawak ni Arianne sa akin at lumuha siya.

"Don't go," mahina niyang sambit. May hindi ako maintindihan pero agad kong sinunod ang nais niya.

Hindi ako nag-iwan ng espasyo sa pagitan namin. Pinunasan ko ang mga luha niya at hinawakan ko ang mga pisngi niya.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya umakto ng ganito? Kung ugali niya ba talaga ito? O kung nagpapa-cute lang ba siya sa akin… 

Saglit na katahimikan at tumigil na si Arianne sa pag-iyak. Inalis niya na ang pagkakahawak niya sa akin. Nakawala na ako pero hindi ang damdamin ko na sinubukan kong patakasin kanina. 

Sobrang lapit ngayon ni Arianne… yung samyo niya, yung mukha niya at pagiging vulnerable. Parang isang mahika ang buong presensya niya kaya't sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko napigilan ang aking sarili. Kinuha ko nanaman ang oportunidad.

Marahan kong nilapat ang labi ko sa labi ni Arianne.

Gabi pero mainit. Maingay yung TV pero mas maingay ang kabog sa dibdib ko. Kailan ko ba ginusto na madikit sa ibang tao? Maluwag ang bahay namin pero kung maaari lang sana ay lumiit ito para lagi kong makita at makatabi si Arianne. 

Pagkaalis ko ng halik ay naabutan ko siyang namumula ang mukha na parang kamatis. Ayoko ng kamatis pero kung ang pagkain lang nito ang makakapagpakalma sa tensyon na dulot ng iba't ibang aspeto ay susunggaban ko na.

Hinalikan kong muli si Arianne.

Anak ng kamatis! 

"A—Arianne, I love you," pahayag ko na hindi niya nitugunan. Instead, ay naramdaman kong umakyat ang mga palad niya sa magkabilang balikat ko.

Naalala ko iyong isang movie na nipanuod ko nitong nakaraan at naalala ko yung ganitong scene. Kagaya ng inaasahan ay kumapit siya sa mga balikat ko katulad doon sa palabas pero imbes na hilahin niya ako ay bigla niya akong itinulak.

"Aldred, stop! What are you doing?!"

Napatigil ako. Nagsasalita si Arianne pero wala akong naiintindihan. Naka-focus lamang ako sa mapupula niyang labi. Kinuha ko ang dalawang kamay Arianne na kaninang tumulak sa akin at hinila ko siya. Tinulak niya muli ako pero lumaban ako.

"How weak..." I smirked, "Arianne nag-aral ka ba talaga ng self-defense?" duro ko na hindi niya sinagot.

"Bwiset ka,"

Natawa ako.

"Hinayaan ko na yung una mong nagawa. Gusto mo bang magalit nanaman ako sayo?"

Napatulala ako.

I know the consequence of what I'm doing, hindi lang talaga nagsi-sink in sa utak ko. I also know how foolish I am to not plan what is ahead and just grab what is presented to me right now without further thinking.

I hugged Arianne tightly.

"Sa tingin mo Arianne, bakit ko 'to ginawa? I'm angry. Ayoko ng mga jokes na ganoon. Ayoko nang pinagaalala mo ako. Mababaliw ako," 

Hinintay ko ang magiging reaksyon ni Arianne habang nakaakap ako sa kaniya. Maingay ang tv pero mas nag-emphasize sa pandinig ko ang galaw ng orasan dito sa sala. Ilang segundo na kasi ang nagdaan ay hindi kumikibo ni hindi rin gumagalaw si Arianne.

"Arianne?" May pagaalala kong sambit. Inalis ko ang aking pagkaka akap para matignan ang mukha niya.

"A—Aldred," sambit niya kasabay ang biglaang paghagulgol.

Habang sinusundan ng mga mata ko ang likido na dumadaloy patungo sa kanyang mga pisngi ay para bang biglang may nagsaboy sa akin ng malamig na tubig dahilan para tuluyang mag-sink in sa matigas na bungo ko ang lahat.

Agad kong pinunasan ang mga tumutulong luha ni Arianne at inalo siya pero mas lalo lamang siyang umiyak. Much worse pa ay narinig ko na ang boses ni Monique sa labas.

"Mama, si Cheeky ang kulit o."

Kapag naabutan ako ni Mama na pinaiyak ko si Arianne ay mananagot talaga ako. Kailangan kong umisip nang paraan upang magtigil siya. Nang marinig kong mag-click ang aming pinto ay nagsimulang magbuhol-buhol ang laman ng aking bungo. First time kong ma-rattle sa buong buhay ko.

Shit! Aldred you're a genius, right? Think!

"Sino yung umiiyak?" rinig kong tanong ni Mama. Bago pa siya makaapak sa may sala ay agad namang gumana ang magaling kong kokote.

Tinulak ko si Arianne pahiga sa sofa upang hindi kami makita kaagad at muli ay hinalikan siya para matago ang paghikbi niya.

"Arf! Arf!"

Habang mariing nakadampi ang aking labi sa labi ni Arianne ay napalingon ako sa itim na mga matang nakatutok sa akin.

Cheeky?! Go—Go away Cheeky!

"Monique pagpunasin mo muna ng paa ito si Cheeky at baka madumihan ang so—" 

Nagtaka ako kung bakit hindi tinuloy ni Mama ang balak niyang sabihin. I moved my lips to still shut Arianne. Nakiramdam ako sa paligid. I heard several footsteps coming closer but still I don't hear any words. Napansin ko lang na may kakaiba nang mag-react ang mga mata ni Arianne at umagos nanaman ang luha sa mata niya.

"Aria—"

"Aldred what are you doing?!" bulyaw ni mama na nagpalaglag sa akin sa sofa.

NO ONE'S POV

"Hello Roel, napatawag ka?" tanong na bumati kay Roel Manansala matapos sagutin ni Shan Fernandez ang tawag niya.

Kasalukuyang nakaupo si Roel sa kaniyang magarbong sofa at nanunuod ng balita habang umiinom ng wine. Alas nuebe ng gabi sa Pilipinas ay katumbas ng alas nuebe ng umaga sa New York. Nagbabakasakaling hindi busy ang kaibigan ay tinawagan niya ito.

"Gusto lang kitang kamustahin?" patanong na saad ni Roel.

Napatayo si Shan mula sa swivel chair na kaniyang kinauupuan at tumungo sa bintana.

"What's with that intonation? Tss. Okay, ano ngang kailangan mo?" tanong ni Shan habang nakatingin sa labas. Sa malawak na view ng New York. Nasa isang mataas na palapag siya kaya kitang-kita niya ito.

Tumawa si Roel.

"Ang sama nito. Wala akong kailangan, gusto nga lang talaga kitang kamustahin," nakangiti niyang sabi bago ilapat ang kaniyang labi sa wine glass at uminom dito.

Nagkibit balikat si Shan.

"Okay naman ako. Business as usual, ito kakatapos nga lang ng isang meeting." Napakunot ang kilay ni Shan, "Ikaw ata ang dapat kong tanungin, lasing ka ba at naalala mong mangamusta?" Nangiti niyang sabi.

Biglang napahalakhak si Roel dahil sa narinig.

"Hindi ako lasing ha. Kailan ba ako nalasing?" Umiling-iling si Roel habang tumatawa, "Sabagay, we rarely talk to each other. Madalas naman kasi kitang nakikita sa business news. Maliban sa business, how are you and Alex?"

Napataas ang kilay ni Shan sa tanong. Saglit na pumagitna ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Dumikwatro si Roel at inilapag sa isang mamahaling side table ang wine glass niyang wala ng laman. Hinihintay niyang sagutin siya ni Shan.

"Ayos naman kami, nandyan siya ngayon sa Pilipinas. Sa Zambales with his other volunteer teachers," sagot ni Shan.

"Oh, I see. So, you don't see each other much? Are you not worried? Baka may babae na 'yon?" biro ni Roel na nagpasama ng mukha ng kausap niya. 

Kung gaano kalawak ang pagi-isip ni Shan pagdating sa fashion ay ganoon rin sa ibang bagay. Isa nga ata sa mga perks ng pagiging artist ay ang pagkakaroon ng malawak na imahinasyon. Imahinasyon na agad umiral sa utak ni Shan at in HD pa.

Agad niyang na-imagine ang asawa na may kasamang iba.

"Ano ba? Tinawagan mo lang ba ako para bwisitin? Tigilan mo ako Roel, alam kong patapos na araw mo dyan pero ako nagsisimula pa lang dito. Huwag mo subukang sirain ang araw ko," inis na sabi ni Shan.

Tumawa si Roel. Tumayo siya at tumungo sa veranda ng kaniyang condo unit. Nasa may mataas siyang palapag kaya ramdam na ramdam niya ang pag-ihip ng hangin. Hinigpitan niya ang pagsara ng kaniyang bathrobe nang makaramdam siya ng lamig.

"Biro lang, biro lang. Alam ko naman kung gaano ka-loyal sa iyo si Pare e," bawi ni Roel habang tinitignan ang mga kumukuti-kutitap na ilaw ng mga establisyimento. Hindi man maganda ang view na ito tuwing umaga ay nagiging kabigha-bighani ito sa tuwing sasapit ang gabi.

"Buti alam mo." 

Nangiti si Roel dahil sa masungit na tonong narinig.

Bumalik naman sa tapat ng kaniyang desk di Shan at umupo sa kaniyang swivel chair.

"Pero ang weird, is it okay for you na magkalayo kayo?"

Pumindot si Shan ng isang key sa kaniyang laptop at nag-flash sa kaniyang harapan ang imahe niya kasama ang kanyang asawa't mga anak.

"We're not teenagers anymore. I have a job and he also have. Isa pa it's Alex's dream ever since. I am here to support him in whatever he wanted to do."

"How about your kids? Is it okay for them?"

"Well, I am lucky to have understanding children. Shaun is here with me while Arianne—"

"Arianne is here in the Philippines, right? Specifically, here in General City."

Nagulat si Shan sa binanggit ni Roel.

"Why didn't you tell me?" dagdag na tanong naman ni Roel.

Napabuntong hininga si Shan, "When did you know?" tanong niya.

Umalis si Roel sa veranda at bumalik sa kaniyang sala. Kinuha niya ang wine bottle na nakalapag sa glass table at sinalinan ang kaninang wine glass na wala ng laman. Tinutok niya ang kaniyang tingin sa TV. Isang kahindik-hindik na balita ang kasalukuyang nire-report ng reporter.

"Isa nanamang bangkay ang natagpuan sa likod ng Central University. Lapnos ang buong katawan pati na rin ang mukha ng bangkay kaya't hindi malaman ang pagkakakilanlan nito. Ayon sa mga imbestigador ay asido ang sanhi nang pagkakalapnos ng biktima," ayon sa reporter.

Napahawak si Roel sa kaniyang noo nang ma-imagine ang nangyari sa biktima. Hindi ito maatim ng utak niya.

"Last month. Kaibigan niya yung dalawang alaga ko."

Tumango si Shan pero hindi siya nagsalita.

"Is it okay for her to be here? Kailan pa siya bumalik sa bansa?"

Halos masamid si Roel nang marinig ang rebelasyon ng kausap.

"4 or 5 years ago? It was her choice; she went there on her own."

"What?! Ganoon na katagal?"

"Ye—Yes, ang tapang niya di ba? Initially nag-stay siya sa Makati but because of her circumstances kaya nagpalipat-lipat siya and then she ended up there in General City."

Pinunasan ni Roel ang wine na tumulo sa kaniyang baba. Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig.

"Hey, is this really okay that she stayed here?"

Muli ay nagkaroon nang panandaliang katahimikan. Hindi kaagad sumagot si Shan. Nag-click siya ng isang folder sa kaniyang laptop na naglalaman ng maraming pictures ng kaniyang pamilya. Namili siya ng isa dito, pinindot ito at lumitaw ang imahe ni Arianne.

"Siguro... Almost 3 years na rin siya dyan at sa 3 years na 'yon hindi naman siya nakaranas ng attacks," nakangiti man si Shan pero hindi maikukubli ang lungkot na nadarama niya sa tono ng kaniyang pananalita.

"She lived a normal life for the past 3 years."

"So, kung ganoon nakabuti pala ang pag-stay niya dito. How about sa iyo and kay Alex? Ayos lang ba na malayo siya sa inyo?" tanong ni Roel kahit kanina niya pa naririnig sa tono ni Shan na hindi ito lubos na masaya. Gusto niya lang marinig mismo sa bibig nito ang mga bagay-bagay.

"Ah about that, okay gets na kita. So ito talaga yung tinawag mo," sabi ni Shan. Hindi man niya nakikita ay nai-imagine niya ang worried smirk ni Roel. Isa ito sa malalapit niyang kaibigan at matagal na rin silang hindi nakakapag-usap nito tungkol sa personal nilang mga buhay.

"Baliw, of course it's not pero what can we do? Knowing na kami yung dahilan kaya siya nagkaganyan. Minsan nag-usap kami ni Alex and he admitted that Arianne is part of the reason kung bakit pinili niyang maging volunteer. Atleast he will compensate sa mga nagawa niya sa pamamagitan noon. You know how precious Arianne is to the both of us right? Siya yung dahilan kung bakit nabuo yung pamilya namin and kung bakit nabuo uli ito."

"I know," may lungkot na pagkakasambit ni Roel. Inikot-ikot niya ang kaniyang hawak na wine glass habang pinakikinggan si Shan.

"Arianne is everything to Alex and me. Masakit dahil hindi namin alam na magkakaganoon. If only we're careful enough sa mga naging actions namin. Maayos sana ang lahat. Arianne might stand to live with us," sabi ni Shan habang nakadampi ang kaniyang palad sa mukha ni Arianne na nasa screen.

Ininom ni Roel ang natitira sa kanyang baso. Ninamnam niya ang lasa nito bago magsalita. Kahit matamis ang lasa ng wine ay nababalewala ito dahil sa pait na nadarama ng kausap niya.

Si Shan Arevalo Fernandez, nagmamay-ari ng Mari Corporation, previous Star Model ng SOMA, tagapagmana ng noo'y makapangyarihang Arevalo GOCC's, ina ni Arianne Mari Fernandez. Kilala ni Roel si Shan simula pagkabata. Isa siya sa mga tagahanga nito. Hindi man sila close personally noong kabataan nila ay pinaglapit sila ng tadhana noong tumuntong sila sa tamang edad. Nandoon siya sa ups and downs ni Shan, sa tagumpay nito pati na rin sa pagkalugmok ng pamilya nito. Gusto man niya noon na sa kaniya sumandal si Shan ay hanggang kapatid lamang talaga ang turing nito sa kaniya.

"Hey, don't blame yourselves. Wala naman talagang makakaalam ng mga mangyayari. Sadya lang na may mga problemang dadating talaga. You both did yourself to become the best parents. Look at the bright side, you have a really independent child. Arianne may not able to stay beside the both of you but I know she loves her parents. What can you say?"

Kasabay ng pagtulo ng luha mula sa mata ni Shan ay ang napakaganda niya namang pag-ngiti.

"What can I say? God, why did you even call. Umagang-umaga pinaiiyak mo ako."

"I'm sorry, initially iko-confirm ko lang naman kung yung anak mo talaga ang na-meet ko but I guess it can't be help. Alam mo naman na pag nagkamustahan tayo, nauuwi sa iyakan di ba?"

"Oo, bwiset ka kasi," natatawang sabi ni Shan. Pinunasan niya ang kaniyang pisngi. "Paano nga pala kayo nagkita?"

"Oh, about that. Naglalakad ako sa Central Mall when I was struck by her beauty. I tried to recruit her in the agency without even knowing that she's your child. Kung nalaman ko lang kaagad, may dahilan pala kaya ni-reject niya ako."

"At least you tried." Tumawa si Shan.

"Does she still have, ano nga ba 'yon? Scoco- Scopoco—"

"Scopophobia," pagbubuo ni Shan.

"Yeah, that thing, scared of being looked at, right?"

Isang babae ang pumasok sa opisina ni Shan pero bago pa man ito makapagsalita ay sinignalan niya na ito ng "wait" at susunod siya. Tumango sa kaniya ang babae at agad lumabas ng opisina.

"I talk with Dr. Mariano, Arianne's psychiatrist. Base sa huling therapy session nila ay nag-improve raw si Arianne. Hindi man totally na nawala pero nag-lessen na yung fear niya."

"That's great. Kailan yung huli niyang therapy? Since nasa bansa siya, regular pa ba siyang nagpapa-check?"

"Ah about that, last January yung huli niyang therapy. Once a year na lang nagpapa-checkup si Arianne simula nang lumipat siya dyan sa Central. She even stops taking her meds. Ayaw niya na raw but I insisted and we ended up with an agreement to have it atleast once a year."

"Bakit daw ayaw niya na?"

"Gusto niyang maging normal."

"Normal?"

"Yeah, again one of our shortcomings as a parent. Dahil sa kagustuhan naming magamot siya ay nakalimutan namin na isa rin siyang bata. Dahil kasi sa mga therapies kaya nag-iba yung tingin sa kaniya. Madalas siyang ma-bully."

"Anong sabi ni Dr. Mariano?"

"He is against it pero wala naman daw siyang magagawa. Pwedeng makabuti or mas makasama. So far, ayon sa kaniya, base sa huling checkup niya ay nakabuti naman nga raw sa anak ko."

"Minsan kasi talaga parang mas nagkakasakit tayo kapag pinaparamdam na may sakit talaga tayo," saad ni Roel.

"Well, Dr. Mariano agrees on that," nakangiting sabi ni Shan. "Hey, noong nagkita kayo how is she? Does she talk to you well? Magalang ba siya? Paano siya kumilos?" may pagkasabik tanong ni Shan.

"Yes, magalang siya, pino saka mahinhin kumilos. Mahiyain nga lang."

"Really? I'm glad. Mas nakabuti talaga na nag-stay siya dyan sa General city. Home is where the heart is afterall."

"In time, I believe gagaling na rin siya. Konting tiis na lang at makakapiling mo na rin ang anak mo."

"I hope so."

"Hey, what's with that? Be positive."

"Of course, I am. Iyon ang bagay na pinakahinihiling ko sa Panginoon. Nagwo-worry lang ako sa isang bagay."

"Saan naman?"

"Ayon kasi kay Dr. Mariano, base sa pag-aaral niya sa mga naging checkups and therapy sessions niya kay Arianne ay lahat ng progress ay dahil sa mga positive na bagay. Mga mababait na kaibigan, masasayang experiences..."

"And so?"

"Dr. Mariano has this question, what if mangyari uli yung dahilan kung bakit siya nagka-gano'n. What if she gets hurt?"

"What do you mean?"

"Arianne is in the right age. She will fall in love in no time... What if-What if her heart gets hurt?"

♦♦♦