Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 66 - CHAPTER 50.5 - How to Become a Mother and a Sister?

Chapter 66 - CHAPTER 50.5 - How to Become a Mother and a Sister?

CHAPTER 16.5 - How to Become a Mother and a Sister?

NO ONE'S POV

Nasa may kama si Natalie at busy sa pagbabasa ng magazine nang mabulabog siya ng isang nakakatakot na ingay. Lumingon siya sa pinanggalingan ng tunog at nadatnan si Pristine sa study area nito. Nakabukas ang laptop at nanunuod ng pelikula.

"Hoy, ano ba 'yang pinanunuod mo? Hinaan mo nga 'yan."

"Horror. Pake mo ba? Ayoko ngang hinaan," pagmamatigas ni Pristine na nagpa-init sa ulo ng taong tanging kasama niya sa silid.

"Manhid ba 'yang utak mo ha? May kasama ka dito sa kwarto baka gusto mo namang maging sensitive?"

Imbes na hinaan ay nilakasan pa ni Pristine ang volume kaya't nagngitngit si Natalie.

"Bwiset!" Umalis si Natalie sa kaniyang kama at nilapitan si Pristine, "Gusto mo talagang matuktukan ano? Nangaasar ka talaga?"

Inihinto ni Pristine ang kaniyang pinanunuod saka siya tumayo. Pumihit siya paharap kay Natalie at nakangisi na tinignan ito.

"Nangaasar? LOL. Palibhasa kasi ayaw mo lang ng horror kaya pinahihinaan mo. Takot ka kasi," saad ni Pristine. Humalukipkip siya at pinandilaan si Natalie kaya pumutok ang butsi nito.

"Blegh!"

"Tigilan mo ako. Hindi ako takot. Nakakadisturbo ka lang talaga." Gigil na nakadaop palad ang parehong mga kamay ni Natalie.

"Huehuehue hindi raw siya takot. Sino kaya yung naihi sa short noong bata pa habang nanunuod ng The Ring?"

"That is normal! Bata pa ako no'n," katwiran ni Natalie.

"LOL. Eh sino kaya yung nagpumilit na makitabi matulog for a week kasi takot na takot siyang may lalabas na boogeyman sa kwarto niya?" tanong pa ni Pristine dahilan para maputol ang pisi ni Natalie.

"Fuck you Pristine! Pinapahinaan ko lang sayo 'yan ah," Tumuro si Natalie sa laptop, "And stop with that internet language. You already look dumb, stop sounding like one," ani Natalie saka siya pumihit pabalik sa kaniyang kama. Pasampa na siya sa kaniyang higaan nang batuhin siya ni Pristine ng unan.

"What the?!"

Kinuha ni Natalie ang isa niyang unan at ibinato ito kay Pristine na nasalag naman nito.

"Kung mukha akong tanga e di ikaw rin!" Huling sabi ni Pristine bago siya sugurin ni Natalie.

Tumalon si Natalie at niyakap ang lower body ni Pristine dahilan para bumagsak ang likod nito sa kama. Tinuhod naman ni Pristine si Natalie at tumama ito sa may bahagi ng tyan ng isa. Masakit pero dahil mahina lang ay di nagtagal ang hapdi. Nagngingitngit na inibabawan ni Natalie si Pristine at hinatak ang collar ng pajama nito. Nakakita naman ng pagkakataon si Pristine na mag-roll over dahilan para magpalit sila ng posisyon.

Si Pristine sa ibabaw at Natalie sa ilalim. Parehong nakahawak ang kaniyang mga kamay sa magkabilang braso ni Natalie. Inipit din ni Pristine gamit ang kaniyang mga tuhod ang parehong binti ng kalaban niya.

Tumingin si Pristine sa ibaba at natawa siya nang makita ang panty ng dinadaganan niya. Naka-dress kasi si Natalie kaya't umangat ang hem ng damit niya dahil sa posisyon nila.

Namula ang mukha ni Natalie dahil sa hiya.

"Pakawalan mo ako Pristine, bwiset ka! Ang sakit!"

"Weak!" Tumawa si Pristine, "Okay, pero in one condition, sabihin mo muna na I'M SORRY PRISTINE" saad ni Pristine na nginisian ni Natalie.

"No way! Bitch! Papatayin muna kita bago ko sabihin 'yan," balik ni Natalie at dahil dito ay diniinan ni Pristine ang pag-ipit sa kaniya. Sa sobrang sakit ay napapiglas ng malakas si Natalie kaya't nagawa niyang walain ang balanse ni Pristine.

Agad hinila ni Natalie pababa ang pajama pants ni Pristine dahilan para mahubaran ito. Dahil na-concious ay mas inuna ni Pristine na hatakin pataas ang pants niya pero dahil dito ay bumagsak siya kaya't nakahanap ng pagkakataon si Natalie. Pagkakataon na kagatin ang braso ni Pristine.

"Aw! Aw! Aw! Eew ka Ate! Ang sakit!" reklamo ni Pristine bago niya gantihan ng kagat ang kapatid niya.

"Bwiset Pristine! Walang kasamang laway!" sigaw ni Natalie.

Busy na nagaaway ang dalawa kaya hindi nila napansin na kanina pa pala may kumakatok sa pinto ng kanilang silid.

"Miss Pristine pinapata—"

Napatigil si Manang Soledad sa kaniyang sasabihin nang buksan niya ang pinto at maabutan ang ayos ng dalawa niyang alaga.

Parehong gulo-gulo ang buhok. Nakaibabaw si Pristine kay Natalie at nakakagat sa hawak niyang braso nito. Nakasabunot naman ang isang kamay ni Natalie sa buhok ni Pristine. Hindi makapaniwala si Manang Soledad sa gulong kaniyang nadatnan kaya't hindi siya agad nakapagsalita.

"Good evening Manang Soledad," sabay na bati ng dalawa habang nananatili sa ganoong posisyon. Binitawan ni Natalie ang buhok ni Pristine saka sila malumanay na tumayo, nag-ayos ng buhok at damit.

"Bakit po Manang?" sabay muli na tanong ng dalawa. Pareho sila ay nagpakita ng nakakasilaw na mga ngiti. Tila ba pinahahatid nila kay Manang Soledad na kalimutan ang nakita na tila ba walang nangyari.

"Ano nanamang inaatupag niyong dalawang bata kayo a?"

Hindi tumalab ang nais nila.

Nagtinginan ang dalawa at si Pristine ang sumagot sa tanong.

"Oh, we're just having fun Manang. Pinagaaralan kasi namin kung sino ang mas mala-aso sa'ming dalawa," nakangiting sagot ni Pristine sabay lingon kay Natalie.

"At sino naman ang naging kasagutan?" Humalukipkip si Manang Soledad at tinignan ng maigi ang dalawa.

"Well, kung sino ang naunang kumagat e di siya ang mas asal aso, di ba Natalie?" Ngumisi si Pristine.

"Huh! Hindi naman kakagat ang aso kung hindi mas asal hayop ang kaaway niya," bawi ni Natalie.

Nagtitigan ng masama ang dalawa ngunit bago pa mag-growl at maglabasan ang pangil nila ay pinigil na sila ni Manang Soledad.

"O siya, siya. Magtigil na kayo gabi na. Miss Pristine pinapatawag ka po ni Madam Veronica sa office niya."

Agad nagseryoso ang mukha ni Pristine nang marinig ang sinabi ni Manang Soledad.

"Mag-ayos ka nang sarili mo iha a," bilin ng matanda bago lumabas.

Kumuha si Pristine ng alcohol sa kaniyang drawer at ipinahid ito sa mga pinagkagatan ni Natalie. Patungo naman si Natalie ng washroom pero saglit siyang tumigil at tinignan si Pristine.

"How lucky," nakangisi niyang parinig kay Pristine.

"Are you being sarcastic or what?"

Nagkibit balikat si Natalie saka siya nagpatuloy pumasok ng banyo.

"May multo ka sanang makita dyan sa salamin!" saad ni Pristine bago patakbong umalis.

♦♦♦

"Pasok."

Tumuloy si Pristine sa loob ng opisina. Naabutan niya si Veronica na nakaupo sa harap ng mamahaling mahogany table at nagtitipa sa laptop. Nang maramdaman ang presensya ni Pristine ay ibinaba ni Veronica ang kaniyang salamin at sumulyap sa anak. Tinupi niya ang kaniyang laptop at tuluyan nang tinanggal ang eyewear.

"Nag-away nanaman ba kayo ni Natalie?"

Ini-scan ni Veronica ang anak. Gulo-gulo kasi ang buhok nito at may mga marka sa magkabilang braso.

Pumilig ng ulo si Pristine at hindi sumagot.

"Maupo ka," atas ni Veronica na sinunod naman agad ni Pristine. Sinundan niya nang tingin ang anak.

Umupo si Pristine sa isang silya na nasa harap ng matibay na lamesa. Sasalinan dapat siya ni Veronica ng tsaa sa isang maliit na tasa ngunit tumanggi siya.

"Kakasipilyo ko lang po."

Tanging ang tasa na lamang ni Veronica ang kaniyang nilagyan.

Saglit na pumagitna ang katahimikan sa kanilang dalawa. Pinalibot ni Pristine ang kaniyang mga mata sa paligid maliban lamang sa kaniyang ina. Nakapikit naman na humigop ng tsaa si Veronica. Pagkababa niya sa porselanang tasa ay pumangalumbaba siya bago magsimulang magtanong sa kaniyang anak.

"How is school?" Diretsong nakatingin si Veronica kay Pristine ngunit sa iba nakatuon ang mata nito.

"Fine," tanging sagot ni Pristine habang nakatingin sa isang abstract painting.

"How about the event?"

"Fine too," tugon ni Pristine. Nakadaop ang dalawa niyang palad habang ulit-ulit na itinatapik ang kanang paa sa sahig. Pansin ni Veronica ang aksyon ni Pristine pero pinagsawalang bahala na lang niya.

"That's good. Your lola said that you're handling the event well. It's nice to know that you take your responsibilities seriously but, please don't forget to make yourself enjoy," paalala ni Veronica.

Napalingon si Pristine sa kaniyang ina matapos nitong magsalita.

"What do you know?" gusto niyang itanong pero hindi niya magawa.

Ramdam na ramdam ni Pristine ang awkwardness sa pagitan nilang mag-ina at kung pwede nga lang na maglaho na lang siya ay kanina niya pa ginawa. Madalang lamang silang mag-usap nito lalo na sa mga ganitong bagay. Alam niya naman na gusto lang ni Veronica na maging ina sa kaniya. Sinubukan niya naman na tanggapin ito pero hindi niya talaga kaya lalo na't sa tuwing nakikita niya ang kaniyang ina ay ang mga kasalanan lang nito sa kaniya ang umuukit sa utak niya.

"How are you and your friends? Malapit na kayong grumaduate. Do you have any college plans?"

Umiling si Pristine. Nagsisimula nang magsimangot ang mukha niya pero napigilan ito sa sunod na tanong na narinig.

"Oh, dapat napaguusapan niyo na iyan. Anyway, how is Miss Arianne? Do you treat her well? Does she enjoy studying at our school?"

Napamilog ang mga mata ni Pristine dahil sa pagtataka pero agad niya ring sinagot ang ina, "She's fine. Ano, of course I treat her well. Arianne is my bestfriend. I really don't know if she enjoys it pero hindi naman siya magtatagal sa school kung ayaw niya..."

"That is nice to hear. I'm really glad that you befriended her," ngumiti si Veronica, "Anak, I know that this may sound as an order pero alam kong gagawin mo naman kahit hindi ko sabihin. I just want you to be really nice to her. Protect her when she's being harmed and defend her when she's being bullied."

Tumango si Pristine pero nananatili ang pagtataka sa mga mata niya.

"Why are you so concern to her?"

Muli ay humigop ng tsaa si Veronica.

"Sabihin na lang natin na malaki ang utang na loob ng pamilya natin sa pamilya nila," tugon ni Veronica pagkababa niya ng tasa.

"Paano?" curious na tanong ni Pristine.

"Mahabang kwento kaya bibigyan na lang kita ng detalye. Arianne's family almost owned the whole General City before."

Agad namangha si Pristine sa kaniyang narinig.

"Some unfortunate things just happened kaya bumagsak sila at ang pamilya natin ang isa sa nakinabang doon."

Nagkunot naman ang noo ni Pristine dahil sa huling pangungusap.

"Huh? Parang nakaka-guilty naman yung dating," unsure na banggit ni Pristine.

"Do not, it's not like we like what happened to them. We benefitted because their family entrusts us with a portion of their rights. Pinagkatiwalaan nila ang pamilya natin."

Tumango si Pristine at inintindi ang kwento ng kaniyang ina. Walang nababanggit sa kaniya si Arianne tungkol dito kaya ikinagulat niya ang rebelasyon na narinig.

"Bukod sa pamilya natin meron pa ba na pinagkatiwalaan ang pamilya nila? Simula kasi nang makilala ko si Arianne... hindi ko sure pero nararamdaman ko na parang may mga nakakakilala sa kaniya. Ito ngang huli sa may Tea House..." nabanggit ni Pristine.

"Yes, the Arevalo-Fernandez is a well-respected family here before. Hindi man vocally na ipapakita nang mga nakakakilala sa kaniya pero siguradong naramdaman mo kung paano nila itrato si Arianne kahit na wala na ang pamilya nila sa pedestal dito sa General City."

Tumango muli si Pristine. Masaya siyang malaman ang ganitong mga bagay tungkol sa kaniyang matalik na kaibigan pero hindi niya maiwasang maglungkot dahil sa iba niya pa ito narinig. Alam ni Pristine, kahit na ilang taon na silang magkasama ay hindi pa tuluyang nago-open up sa kaniya si Arianne. Alam niyang may mga nililihim pa ito. Inintindi niya si Arianne dahil kaibigan niya ito pero masakit lang para sa kaniya. Ibig sabihin kasi sa isip-isip niya ay hindi pa siya lubusang pinagkakatiwalaan ng bestfriend niya.

"Tungkol lang ba kay Arianne yung dahilan kaya pinatawag mo ako?" tanong ni Pristine para maiba ang usapan.

Sumandal si Veronica sa kaniyang upuan pagkatapos ang tanong ng anak.

"Hindi," ngumiti si Veronica bago saglit ay biglang lumamig ang ekspresyon niya, "Pinatawag kita dahil gusto kong malaman ang estado niyo ni Charles."

Napalunok bigla si Pristine.

"Do you still have a feelings for him?" tanong ni Veronica na nagpasikip ng dibdib ni Pristine. Naglaro sa kaniyang isipan ang ilang alaala at masama iyon para sa utak at puso niya.

"A—After all that ha—happened... wa—wala na," sagot ni Pristine habang nakatingin sa mamahaling carpet. Kahit gustuhin niya ay hindi niya kayang tignan ng diretso ang ina kapag tungkol kay Charles ang pag-uusapan.

"Good. Nagkausap kami ni Theresa about sa inyo. Gusto man namin na bumalik ang dati pero mahirap na iyon matapos ang lahat. I asked her to check on Charles and she promised me that she would. Anyway, kahit hindi niya man fully ma-fulfilled ang pinangako niya ay makakaasa naman ako sa'yo hindi ba?"

"O—opo"

"Mabuti," natunaw ang kaninang ekspresyon ni Veronica at muli'y bumalik ang ngiti sa labi niya. Ngiti na sa paningin ni Pristine ay puno ng pagmamanipula.

"Halos 3 weeks na lang magde-debut ka na. Sa debut mo ay napagkasunduan ng Vicereal family at Dragon Fang clan na ipakilala kayo ng fiancé mo sa publiko at sa mismong kaarawan mo rin siya makikilala."

Hindi na nagsalita pa si Pristine sa mga sumunod na sinabi ng kaniyang ina. Nakinig na lamang siya rito kasabay ang ilang pagtango. Nang sabihin nito na pwede na siyang makaalis ay tumayo na siya. Tumungo na siya sa may pinto pero napatigil nang humawak siya sa doorknob. Kanina pa kasi siya may gustong itanong.

Pumihit si Pristine paharap kay Veronica.

"How about her? How about Natalie? Won't we celebrate her birthday?"

Napalingon saglit si Veronica sa kaniyang anak. "Ah about her... I will ask Manang Soledad to prepare and celebrate for her separately," tanging tugon ni Veronica saka inalis ang tingin kay Pristine at buksan muli ang kaniyang laptop.

Naiwang nakatitig kay Veronica si Pristine habang gigil na nakadaop palad ang mga kamay. Ito ang isa sa dahilan kung bakit hindi niya kailanman matatanggap na isang ina ang nagluwal sa kanilang dalawa ni Natalie.

Bumalik na si Pristine sa kaniyang silid. Pagkabukas niya ng pinto ay nakapatay na ang ilaw sa loob. Ibig sabihin ay tulog na ang kapatid niya. Hindi niya na ito binuksan pa at dumiretso na lang siya sa kaniyang kama. Pagkasampa niya sa kaniyang higaan ay sumuot siya sa comforter niya at niyakap ang isang extra na unan. Unan na alam niyang wala siya.

"The heck," reaksyon ni Pristine nang makita na si Natalie pala ang niyakap niya.

"Probably got scared again," natatawa niyang banggit sa loob-loob niya. Hindi niya na ito ginising pa at hinayaan na lamang. Niyakap niya ito at natulog na rin siya.

♦♦♦