Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 58 - CHAPTER 44.5 - Denial and Secret

Chapter 58 - CHAPTER 44.5 - Denial and Secret

CHAPTER 44.5 - Denial and Secret

NO ONE'S POV

"Is that Arianne?" tanong ni Pristine kay Bianca noong makarinig sila ng tili. Papasok na sana sila sa loob ngunit natigilan nang saktong lumabas ang humahangos na kaibigan nila. Pulang-pula ang mukha ni Arianne.

"Aya, are you okay?" natatarantang tanong ni Bianca bago maagaw ang atensyon niya ng mga taong sunod na lumabas. Si Aldred saka si Monique.

"I found them together," Monique said unamused.

Nang hindi ka agad lumabas si Aldred ay nagtaka sina Bianca at Pristine. Lumabas ang ilang customer nila at sinabing may isa raw na nananakot ang naghahahampas sa kanila. Papasukin na sana nila ang horror booth pero saktong dumating si Monique at ang mga kaibigan nito. Alam ni Monique na takot ang kaniyang kuya sa mga ganitong bagay kaya siya na ang nag-prisentang hanapin ito. Hinanap niya si Aldred sa mga sulok-sulok at sa kabutihang palad ay nakita niya ito ngunit sa hindi inaasahang sitwasyon.

"Ayos lang ako. Napatili lang ako kasi…" Lumingon si Arianne kay Monique, "Nagulat ako kay Monique," sabi niya kasunod ang awkward na pagtawa.

Naniniwala si Pristine sa pakiramdam niya at ngayon ay pakiramdam niyang may ibang dahilan kung bakit tumili si Arianne. Gusto niyang hambalusin si Aldred pero dahil naroon si Monique ay pinigilan niya ang kaniyang sarili.

"Grrrrr!" gigil na reaksyon ni Pristine ng itapat niya ang kaniyang mukha kay Bianca. Natawa naman si Bianca sa kaniya.

Nagpaalam na si Aldred sa kanila para samahan si Monique sa kanilang booth. Tinignan niya si Arianne at ang mga mata nila ang nag-usap. Matapos ang makahulugang pagtititigan ay umalis na ang dalawang magkapatid kasama ang mga kaklase ni Monique.

♦♦♦

"Kuya balak mo ba siyang halikan kanina?" matalim na tanong ni Monique. Tinignan siya ni Aldred saka tumango.

"Do you not really like her?" tanong ni Aldred.

"It's not that I don't like her. It's just that I want Natalie for you pero ano bang magagawa ko? I'm just your sister."

"So okay na sa iyo na maging sister-in-law mo siya?" natutuwang tanong ni Aldred.

"Sister-in-law agad? Ang OA mo kuya. Ayaw niya kaya sayo,"

"That's why you're not just my sister. You are my beloved sister who loves her Kuya so much right? You don't want me to get hurt kaya tutulungan mo ako."

"Eh?! Inuto mo pa ako. Ano ako, sira? Ayoko," masungit na sabi ni Monique pero makaraay ngumiti rin siya. Parehas ay tumawa ang magkapatid saka nag-akbayan sa isa't-isa.

♦♦♦

"What's that Aya?" nagsususpetyang tanong ni Pristine. Siningkitan niya si Arianne ng tingin.

"Huh?" Hindi mawari ni Arianne kung anong ibig sabihin ng tanong. Nilapitan siya ni Pristine saka tinutok ang mukha niya sa mukha nito.

"Yung tinginan niyong dalawa ni Aldred yung tinutukoy ko."

"Oh..." awkward na nangiti si Arianne. Napalihis siya ng kaniyang mukha. Mahirap magsinungaling kay Pristine lalo na't nakatingin ito sa kaniyang mga mata.

"Loka ka."

Hinampas ni Bianca si Pristine ng papel na kaniyang hawak.

"Tigilan mo na nga si Aya, isa ka pang dumdagdag sa pagod niya e."

Nakangusong nilingon ni Pristine si Bianca habang si Bianca nama'y palihim na kinindatan si Arianne. Babalik na sana sila sa mga kani-kaniyang gawain ng pare-pareho silang matigilan dahil sa narinig mula sa isang nakapilang costumer.

"Narinig niyo ba yung rumor? Kanina raw nagkasagutan si Natalie saka si Charles sa backstage ng theater."

"Oo, grabe kala't na pala ka agad."

"Ambilis no? Pero ang big revelation ayon doon sa pag-uusap nila ay ex-girlfriend pala ni Charles si Natalie at mukhang malalim ang pinagsamahan nila."

Parehas napalingon si Bianca at Arianne kay Pristine. Naabutan nila ang bagsak nitong mukha. Nang mapansin ni Pristine ang kanilang pagtingin ay mabilis nagbago ang ekspresyon niya at ngumiti. Hindi man sabay nasabi sa dalawa ay pareho na kasing alam nila Bianca at Arianne ang namagitan kina Charles at Natalie.

♦♦♦

Mabilis na lumakad ang oras at napansin na lamang ng lahat na magdidilim na. Habang nagsisimula ng magsara ang mga booths ay nagsisimula na ring ayusin ang outdoor stage ng SNGS para sa mga bandang tutugtog.

Kakagaling lamang ni Pristine sa closing meeting ng committee at kasalukuyan siyang naglalakad sa hallway patungo sana sa outdoor stage upang tumulong nang matigilan siya dahil sa biglaang pagharang ni Noreen sa kaniya.

"May problema ba Noreen?" kalmado at nakangiti niyang tanong. Seryosong mukha naman ang naging tugon sa kaniya ni Noreen bago nito ilibot ang tingin sa paligid. Para bang tsinitsek niya kung sila lamang ang tao sa hallway.

"Did you hear the current rumor?"

Parang gulat na umakto si Pristine bago isang ngiti ang pinairal niya.

"Oh, if it's the rumor about Natalie and Charles, yes I already heard that," nakangiting tugon ni Pristine. Sandaling may nabuong katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Tinitigan ni Noreen si Pristine na para bang may ginawa ito. Samantala ay nananatiling nakangiti lamang ang isa kahit alam niyang may nais ipahiwatig si Noreen sa tono ng pakikipag-usap nito sa kaniya.

"Matagal ko ng alam yung tungkol sa kanila. They are both their firsts. She was his heartbreak, merely the reason why he became a playboy. Natalie is my friend and also Eunice. Eunice and Charles might be in a state of cooling off but they are still in a relationship," mariing sabi ni Noreen.

Bigla ay bahid ng pag-aalala ang nabuo sa mukha ni Pristine. "Really? I feel sorry for Eunice. I was not here for a week kaya hindi ko alam na may pinagdadaanan pala siya," pahayag ni Pristine na nagpa-tight ng mukha ni Noreen.

Matalim na tinitigan ni Noreen si Pristine bago siya muling nagsalita.

"Nirerespeto kita Miss Pristine kasi karespe-respeto ka pero kapag parehong nasaktan yung dalawang kaibigan ko dahil sa iyo ay pasensyahan na lang tayo dahil wala akong pake kung ikaw pa ang tagapagmana ng VGOC's"

Dahil sa sinabi ni Noreen ay napuno ng pagtataka ang isipan ni Pristine. Nawala ang ngiti sa mga labi niya't napalitan ang kaninang kalmado niyang aura ng isang madilim na ekspresyon.

Tinitigan ni Pristine si Noreen ng masama. "Anong ibig mong sabihin?"

"Nakita ko kayo kamakailan ni Charles sa Central."

Nilabas ni Noreen ang kaniyang cellphone at ipinakita kay Pristine ang larawang kaniyang kinuha. Napakuyom naman ng palad si Pristine.

"Sa totoo lang ay wala akong pake sa away niyo ni Natalie. Nage-enjoy nga lang akong panuorin kayo pero kung balak mong gamitin si Charles para asarin ang pinsan mo. Pakiusap, please, huwag dahil hindi lang si Natalie kundi pati si Eunice maaapektuhan."

Alam ni Pristine ang pinupunto ni Noreen. Naiintindihan niya ito. Mabait si Noreen dahil nagagawa nito ang ganitong bagay para sa kaniyang mga kaibigan pero hindi maiwasang hindi matawa ni Pristine. Natawa siya dahil wala itong alam.

"You don't know what you're talking about," sabi niya kasabay ang pagbalik ng nawala niyang ngiti kanina. "Naiintindihan kita Noreen pero wala kang naiintidihan sa mga namamagitan sa amin."

Namilog ang mga mata ni Noreen, "Anong ibig mong sabihin?"

Nagpatuloy sa paglalakad si Pristine pero sandaling tumigil ng makalapit kay Noreen.

"You're a good researcher at alam kong alam mo na bawat larawan ay may istorya. I dare you to find out the story behind that picture of me and Charles that you took. Kapag tama ka sa hinala mo ay tatanggapin ko ang ano mang write up na gawin mong paninira sa akin pero kapag nagkamali ka gusto kong ipakita mo kay Eunice 'yang picture namin para malaman niya ang katotohanan na hindi na siya babalikan ni Charles."

Napatitig si Noreen kay Pristine dahil sa hindi niya maintindihan ang nais iparating nito. Naguluhan ang utak niya sa nais nitong ipagawa sa kaniya.

"Don't worry you may not understand it right now but I understand you," blangko ang ekspresyon na sabi ni Pristine. "May mga bagay tayong ginagawa dahil gusto nating protektahan yung mahahalagang tao sa buhay natin pero minsan hindi natin napapansin na tayo rin yung nagdadala sa bagay na makakasakit sa kanila."

A bitter smile formed on Pristine lips before she continues to walk away leaving Noreen confused.

♦♦♦

Dumating ang dilim at nagsimula na ang unang araw ng Party with the Bands. Mailaw ang paligid ng outdoor stage at maraming guwardiya na nakabantay. Kasabay ng masiglang pagtugtog ng kasalukuyang banda na nagpe-perform ay ang masayang pagsabay naman sa kanila ng mga estudyanteng nanunuod. Kahit napagod sila sa maraming activities ay tila nabuhayan ang lahat dahil sa musika. 

"Hey," napalingon si Bianca sa tumawag sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakasandal noon sa isang pader habang pinapanood ang mga tumutugtog na banda.

Nagbulungan ang mga taong nakapaligid ng lumapit sa kaniya si Jerome.

"Bakit nandito ka? Nasaan sina Arianne?"

Lumihis ng tingin si Bianca bago sinagot ang tanong ng kapatid. "May kinuha lang sa classroom namin," matipid na tugon niya.

Sa kabila ng ingay sa paligid ay katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa. Pinanatili ni Jerome ang kaniyang mata kay Bianca na halata namang ikinailang nito. Aalis na sana si Bianca sa pagkakasandal nang hawakan ni Jerome ang braso niya't pinigilan siya. Tumabi ito sa kaniya't sumandal rin sa pader.

"I'm tired," sambit ni Jerome saka yumuko't tinignan si Bianca.

"So?"

"Stay with me for a while."

Hindi sumagot si Bianca. Akmang aalis na siya nang idaan ni Jerome ang kaniyang kaliwang kamay sa likod niya't hawakan ang bewang niya para ibalik siya sa tabi nito. Naalarma si Bianca dahil sa pag-aalalang may makakita sa ginawa nito. Tinalasan niya ng tingin si Jerome pero ang maamong ngiti lamang ng binata ang tumabla sa kaniya.

Walang nagawa si Bianca kundi hayaan si Jerome sa gusto nito.

"Arianne mentioned Sato this morning… did you talked to him?" naiilang na tanong ni Bianca.

"Yes, pero hindi kami gaano nakapag-usap. Nagkataon lang rin kasi na noong pauwi kami ni Aldred ay nakita namin siya sa daan kausap si Arianne."

Bigla ay nagtaka si Bianca. "Sa daan? Si Arianne?" Bianca groaned, "Tigas din talaga ng ulo. Ang sabi ko sa kaniya sumakay siya e."

Jerome smiled. "Since I first met Sato, he was already groomed to serve the church. For him to fall inlove with Arianne means Arianne must be really something. Even si Aldred na masungit at seryoso ay nagkandaloko ang utak dahil sa kaniya."

Bianca chuckled at what Jerome said. Nananatili ang kaniyang mga mata sa stage habang kausap si Jerome.

"Aside from being very beautiful, Aya is kind, smart, and has a sense. Her expression might look like she's going to kill someone but, she has this aura that makes you want to help her and protect her," Bianca said smilingly before turning her face to Jerome.

"Ikaw ba? Hindi ka ba nahulog sa kaniya?"

Jerome chuckled.

"How can my heart fall to her if it's already being held by someone else?"

Natameme si Bianca't saglit na napatitig kay Jerome. Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa labi nito na biglang ikinapula ng pisngi ni Bianca. Dahil sa hiya ay binalik niya ang tingin sa stage at doon nag-focus.

Ilang banda pa ang tumugtog at tahimik lang silang dalawa na nanuod. Makaraay nawala ang ingay sa paligid dahil ang sumunod na kumanta sa may stage ay si Mishelen. Nabalot ang paligid ng kaniyang malamig at matamis na tinig ng kantahin niya ang sariling rendition ng kantang "Good Night".

Dumikit sa kaniya si Jerome at inalis ang mga kamay nito sa kanyang bewang. Sa pag-alis ng kamay na iyon ay nakaramdam ng biglaang kirot ng damdamin si Bianca pero agad din itong naalis. Kinuha kasi ni Jerome ang kamay niya na nakapagitna sa kanila at sa likod ng kanilang pigura'y doon niya ito mahigpit na hinawakan.

♦♦♦