Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 64 - CHAPTER 49 - Casual Afternoon

Chapter 64 - CHAPTER 49 - Casual Afternoon

CHAPTER 15 - Casual Afternoon

ALDRED'S POV

Dalawang araw na lamang ay matatapos na ang JFEvent. Napakabilis talaga ng oras at ngayon ay nagtanghalian nanaman nang ganon-ganon lang. Pagkatapos naming maglibot-libot at mananghalian nila Jerome at Carlo ay naghiwa-hiwalay naman kami para sa kaniya-kaniyang gawain. Nasa may JFEvent Committee si Jerome habang hindi ko naman alam kung nasaan si Carlo.

Ngayon ay kasalukuyan akong nakahiga malapit sa isang puno dito sa Tree Garden. Tumingin ako sa paligid at wala masyadong tao. Pinili kong mag-stay dito para magkaroon ng katahimikan. Tamang-tama upang makapag-isip ako ukol sa mga pangyayari kagabi.

♦♦♦

Arianne was about to say something to me pero natigilan siya nang marinig namin ang isang tinig na tumawag sa ngalan niya. Lumingon kami at nadatnan namin ang resident photojourn ng SNGS. Ngiting-ngiti ito samantalang hindi ko naman maitago ang pagsimangot dahil ni-ruin niya ang moment namin ni Arianne.

Nitignan ko si Arianne at naabutan ko siyang tila na-stun. Tatanungin ko sana siya kung may problema ba pero naagaw ang aking atensyon ng tinig naman ni Natalie. Lumapit siya sa amin kasabay si Noreen.

"Arianne, are you okay?" tanong ko nang aking mapansin ang biglaang pagkaputla niya.

Tipong isang kamote si Arianne na gustong magpabaon sa kaniyang kinatatayuan habang papalapit sina Natalie. Kahit si Natalie at Noreen ay napansin din ang kaniyang aksyon lalo na't nais niyang batiin ang dalawa ngunit bumalik siya sa kanyang pag-uutal.

"Go—Good e—eve—evening Na—Nat," parang robot niyang sabi.

I know that Arianne acts like that when she is shy, but this is Natalie in front of us and they are friends. I moved an inch closer to her. I wanted to ease Arianne's tension so I decided to comfort her by holding her hands but instead, I enveloped Natalie's soft hand which made its first way there.

Bigla ay parang tumigil ang mundo dahil sa awkwardness na namagitan sa aming tatlo. Hindi ko alam ang aking ire-react at hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit hindi ko siya magawang bitawan. Nakatitig sa akin si Natalie kaya't tinitigan ko rin siya. Namula ang kaniyang pisngi. Napataas ang aking kilay sa kaniyang reaksyon pero gets ko na ang aking sarili. Gusto kong alisin niya ang kaniyang kamay na nakahawak kay Arianne.

Bigla ay naghiyawan ang mga tao at doon ko lang na-realize ang pagmamatigas ko. Agad ko ng binitawan ang kamay ni Natalie.

"Shit, baliw ka Aldred, syempre hindi niya maaalis yung kamay niya kay Arianne kung hindi mo aalisin yung kamay mo sa kaniya."

Napakagat ako sa aking pisngi nang ma-realize ko iyon ngunit napansin ko na hindi pala binitawan ni Natalie ang kamay ni Arianne. Napalingon ako kay Arianne nang diretso siyang tumingin sa akin bago magpilig ng ulo.

Dahil sa pangyayari ay tila nakiramdam kami sa isa't-isa kung sino ang unang magre-react. Nilagay ko ang aking mga kamay sa bulsa ng aking pantalon at tumingala na parang walang nangyari.

Tumikhim si Noreen pero walang natinag sa aming tatlo. Habang nananatili kaming nananahimik ay mas lumakas pa ang hiyawan.

"Stray Catz! Stray Catz!"

Gusto ko mang makihiyaw sa kanila ay parang nasa ibang mundo ako.

Maya-maya ay narinig ko ang pag-tunog ng isang acoustic guitar. Saglit lamang pagkatapos ng ilang pag-strum ng gitara ay sumaliw ang tugtog nito sa isa sa mga paborito kong kanta. No other than the 90s band New Order's Bizarre Love Triangle.

♦♦♦

Parang tanga ako kagabi. Bigla na lang kasi akong napasigaw ng yahoo! habang nagpe-perform na ang Stray Catz. Lahat tuloy ay napalingon sa akin kabilang sina Arianne. Arianne looked at me indifferently pero makaraa'y ngumiti siya at na-compensate noon ang kahihiyang natanggap ko. At least gumaan ang atmosphere sa pagitan naming tatlo.

Malaking katanungan pa rin sa akin kung ano ang balak sabihin ni Arianne pero siguro nga it was not meant to be heard last night. Gusto kong magpahaging sa kaniya ukol doon kaninang umaga pero katulad noong nakaraa'y hindi nanaman niya ako pinapansin.

Marahas kong kinamot ang aking ulo gamit ang aking dalawang kamay.

"Ayt! Anak ng baging naman! Wala 'bang academic book tungkol sa mga babae? Ang hirap na nga nilang i-spell ang inconsistent pa nila!"

Napapatingala na lamang tuloy ako sa kalangitan. Nababalutan ng ulap ang araw kaya't nananatiling malilim ang paligid. Binaluktot ko ang aking tuhod habang inilapat ko naman ang aking kanang braso sa aking noo.

"Women are angels. They are God's gift to the world," I said out of nowhere…

But gifts are always created to be mysterious. Gifts are either wrapped or in a box so you need to open them to get the surprise. Just like a gift, women are said to be full of surprises. Kailangan mo lamang silang intindihin upang malaman mo kung ano ang nakahandog sa iyo.

"Lamang? Talaga ba Aldred?"

Tsk! Easy to say!

Natawa na lamang ako.

"Pero not all surprises are good... What if I open the box without knowing that it's from Pandora?" Again, I asked myself.

Napaisip ako nang maigi. Hindi ko man maipaliwanag kung papaano pero alam ko sa aking sarili na mahal ko si Arianne. Nakakatawang isipin na magmumula ito sa akin pero naniniwala ako na itinadhana kaming dalawa. Everything was not a coincidence, it was fate. She is God's gift to me and all I need to do is to prove that I'm worthy of her.

Gumalaw ang ulap at nagsimulang sumilip ang sinag ng araw. Nasilaw ang aking mga mata kaya't ang kaninang braso na nasa aking noo ay inilipat ko upang takpan ang aking mga mata.

I will take all the risks. Haharapin ko lahat pati yung mood swings at hormonal imbalance niya kapag may period siya! Bad things may happen but like Pandora's Box, there is still hope at the end and that hope equates to my love for her!

Bigla ay umihip ang hangin at parang binulungan ako nito ng katahimikan. Katahimikan hindi para sa paligid kundi para sa mga bagay na tumatakbo sa utak ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti hanggang sa matawa ako sa aking sarili.

Ang OA ko pala kasi kung iisipin.

Kailan ba ako naging ganito?

Sinagot ng aking utak ang aking tanong sa pamamagitan ng paglitaw ng mukha ni Arianne sa aking isipan.

"Mahal talaga kita Arianne," masaya kong sabi habang hinaharap na ng aking mukha ang liwanag.

Maliwanag na ang paligid pero sa tingin ko ay mas liliwanag ang aking mga araw once na naging kami na ni Arianne.

ARIANNE'S POV

"Ano, Aya, Bea."

Pareho kami ni Bianca ay napalingon kay Pristine nang tawagin niya kami. Kakatapos lang namin magtanghalian ng hindi siya kasabay at pabalik na sana kami sa horror booth noong pigilan kami ni Pristine.

"Can we talk for a while? Pinaalam ko na kayo kay Ma'am," she said in a serious and worried note.

Nagtinginan kami ni Bianca at sunod na liningon si Pristine para tanguan. Sumunod kami sa kaniyang maglakad. Hindi man namin pinag-uusapan ni Bianca ay batid namin na may kakaiba kay Pristine nitong mga nakalipas na araw.

Tumigil si Pristine sa tapat ng service van nila. Pinagbuksan kami ni Miss Irene ng pinto at nakangiti naman kaming inanyayahan ni Pristine. Umupo si Pristine sa may isa sa dalawang upuan na nasa dulo ng Van habang kami naman ni Bianca ay sinakop ang dalawang upuan sa likod ng driver's seat.

Naamoy ko ang isang pamilyar na pabango.

"Blegh, smells like Nat. Sobrang tapang at tamis ng amoy."

Impit akong natawa sa reaksyon ni Bianca. Ayaw niya kasi ng matatamis na amoy kaya't pumakla ang mukha niya.

I looked at Pristine and she just smiled which is weird because normally ay gagatong pa siya kung si Natalie ang pag-uusapan.

Naging tahimik ang biyahe na halos makatulog ako sa kinauupuan ko. Noong maramdaman ko ang pagtigil ng engine ng van ay nilingon ko si Bianca at mukhang kanina pa pala siya nasa siestahan. Ginising ko siya dahil mukhang nandito na kami sa pupuntahan namin.

Nauna kaming lumabas ni Bianca at ngayon lang namin napansin na nasa may parking space pala kami ng Regal Tea House – isang pangmayamang café. Lumabas si Pristine ng van at niyaya kami na sumunod sa kaniya.

"Good afternoon, Miss Pristine," nakangiting bati ng lalaki na nasa may pintuan ng café bago siya lumingon kay Bianca.

"Good afternoon, Ma'am."

Binati rin siya ni Bianca.

Nang lumingon sa akin ang lalaki ay nag-react ang mga mata niya.

"Oh, good afternoon, Miss Arianne," masaya niyang sabi dahilan para mapayuko ako.

"Good af—afternoon, Kuya Rico," nahihiya kong tugon na ipinagtaka nila Pristine.

"Are you a regular here, Aya?" tanong ni Bianca na agad kong inilingan.

"Hindi, kilala ko lang siya personally. Ano kasi, our family kinda owned this tea house before," sabi ko na nagpamangha kina Pristine at Bianca. Narinig ko naman ang pagtawa ni Kuya Rico.

"Mahiyain ka pa rin hanggang ngayon," sabi niya na nagpainit sa pisngi ko.

Niyaya niya kaming pumasok.

"I believe Miss Pristine reserved a seat for the three of you. Dito po tayo."

Dinala kami ni Kuya Rico sa isang VIP space. Naka-enclosed ito at may magagarang gamit na British style tea party ang tema. Umupo kaming tatlo sa mga silya na nakapalibot sa pabilog at mamahaling mesa.

Habang nagsasalin ng tsaa ang isang serbidora sa mesa namin ay tahimik kong ini-scan ang paligid. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nagtungo rito ngunit kahit ganoon ay sure ako na wala itong pinagbago lalo na pagdating sa pagbibigay ng isang mapayapang atmosphere.

Mapayapang atmosphere na nabulabog dahil sa tono ng tanong ni Bianca, "So Pristy, what is this?" tanong niya na umagaw ng atensyon ko. Kanina pa pala naka-alis ang serbidora.

Tinignan ko si Pristine dahil iyon rin ang kanina pang tanong na tumatakbo sa isipan ko.

Pasimpleng lumunok si Pristine bago siya awkward na ngumiti.

"Hey Bea, why so serious?" Ngumuso si Pristine, "Anebe? Gusto ko lang makasama kayo kasi hindi tayo nakapag-lunch ng sabay kanina," dagdag niya sabay inom ng tsaa. Iniwas niya ang tingin sa amin.

"Huwag kami, gaga," seryosong balik naman ni Bianca dahilan para kamuntikan ng madura ni Pristine ang iniinom niya. Nailunok niya ang tsaa ng wala sa oras kaya't nasamid siya.

"Ehem! Ehem!"

Natatawa ako sa loob-loob ko pero ayokong sirain ang seryosong mood na ginawa ni Bianca kaya't nanahimik na lamang ako at kumain ng blueberry cheesecake na nasa harapan ko.

"Grabe ka naman, walang pakundangan ah," reklamo ni Pristine. Kumuha siya ng table napkin at padamping pumunas sa labi niya. Pagkatapos noon ay dumiretso siya ng upo.

Ilang segundo ang nakalipas bago seryosong humugot ng hininga si Pristine. Naghintay kami ni Bianca sa sasabihin niya pero nagulat kami nang bigla na lamang siyang ngumawa.

"Aya! Bea! Waaah!" Pristine babbled. Ang lakas ng pag-iyak niya kaya't maigi na enclosed ang silid kundi ay baka mag-trending kami sa social media.

"The heck!" reaksyon ni Bianca bago niya ako nilingon.

"Pristine, what's wrong?" nag-aalala kong tanong. Ngayon ko lang kasi siya nakitang mag-react ng ganito.

"Arianne, Bianca! Save me!" pakiusap ni Pristine na ikinagulo ng utak namin.

"Save from what?" Nakakunot ang mga kilay ni Bianca. Agad naman ay pumasok sa isip ko yung mga kahina-hinalang sumusunod sa kaniya.

Tatanungin ko na sana si Pristine pero bago ko pa makumpirma ang nasa utak ko ay sinagot na niya ito.

"Aya, Bea, ikakasal na ako!"

Pareho kami ni Bianca ay napatigil at napatanga sa kaniya. Mahirap paiyakin si Pristine pero kahit ako ay maiiyak sa kinakaharap niya.

"WHAT?!" Pareho naming reaksyon. Mainit yung tsaa pero naubos ito ni Bianca sa isang lagukan lang para mapakalma ang sarili niya.

"We went to Japan last week, right? Akala ko bakasyon lang pero iyon pala yung supposed meet up ko with my fiancé. Luckily, he didn't come but unluckily are engagement still continued thus this engagement ring!"

Pinakita sa amin ni Pristine ang singsing na matagal ko nang ikinaiintriga. Lalapitan ko sana siya pero pinigilan ako ni Bianca.

"Continue-continue."

Nilingon ko si Bianca.

"We are planning to get wed after I graduate this school year. Imagine, me at a young age. May asawa, anak. My dreams. Bye bye!"

Iyak ng iyak si Pristine at nakaka-awa talaga siya kaya sinalinan ko pa ng tsaa ang tasa niyang wala ng laman. Nagulat ako nang tunggain niya ito.

"Shit, Aya! Ang init!" reaksyon niya sabay padabog na nilapag sa mesa ang tasa. Nakinig lang muna kami ni Bianca sa bugso ng damdamin niya.

"Paano nalang kung matanda na pala 'yon? Walang hygiene, pangit at manyak? Paano na lang ako?" Pristine whined. Nilapit ko sa kaniya ang carrot cake na paborito niya at agad niyang nilantakan iyon habang humihikbi at umiiling-iling ng ulo.

"So, anong sabi mo sa mama mo? May ginawa ka ba para pigilan yung balak nila?" tanong ni Bianca na ikinagulat ko. Mariin siyang nakatingin kay Pristine dahilan para maging tight ang atmosphere sa loob ng VIP room.

Tumigil si Pristine sa pagngawa at pagkain saka nilapag ang tinidor niya. Humugot siya sa bulsa niya ng panyo saka ipinunas ito sa mukha niya. Sinalinan niya ng panibagong tsaa ang tasa niya at marahang uminom dito bago kalmadong nilingon si Bianca.

"Wala. In the first place wala naman akong magagawa," pansin ko ang paglamlam ng mga mata ni Pristine nang bitawan niya ang mga salitang iyon.

"Why? At least voice out to Tita Veronica," sabi ni Bianca na ngayo'y nababalot ng concern ang mukha.

"Bakit pa?" ngumisi si Pristine.

"Because it is your right, tanga! That is your life! You are the master of your fate!"

Sumakit ang tenga ko sa pambubulyaw ni Bianca pero tama naman siya. Nag-aalala kong tinitigan si Pristine.

"Easy for you to say. Huwag mo ako ihalintulad sa mga Korean drama na pinanunuod mo. Alam niyong dalawa na never akong nagka-choice sa buong buhay ko. It's always my mom's choice. I never own my life. I am just a vessel to our family's tradition. I'm not allowed to write my fate because they have already written it for me."

I looked at Bianca and waited for her reply. Tinignan niya ako bago hinila ang cheesecake na kinakain ko at kinain niya ito.

"So, what's the whining all about kung wala ka naman palang balak umapela sa mama mo in the FIRST PLACE?" Bianca emphasized habang inuubos ang pagkain ko. Nilingon ko si Pristine at naabutan ko siyang yumuko saka nagpunas ng mukha gamit ang kanang kamay niya.

Suminghot siya bago sumagot kay Bianca, "Gusto ko kasing malaman yung opinion niyo and oo, yung maia-advice niyo sa akin," nahihiyang paliwanag ni Pristine na nagpapakla sa mukha ni Bianca.

Naglikha ng maingay na tunog ang paglapag ni Bianca ng tinidor sa platito.

"Advice namin na hindi mo naman siyempre susundin,"

Nilingon ako ni Bianca.

"Ikaw Aya, ano maia-advice mo sa may matigas na bungo nating kaibigan? Baka ikaw ang makatuktok ng kokote niya."

Bigla akong kinabahan sa pinagawa sa akin ni Bianca. Kahit kailan kasi ay di ko pa sila nabibigyan ng advice. Gustuhin ko man ay pakiramdam ko na wala akong karapatan. Baka lalo ko lamang sila mahatid sa kapahamakan at iyon ang ikinatatakot ko.

Pinatong ko ang mga nanginginig na kamay ko sa mga binti ko saka nakayukong nagsalita.

"Ano, Pristy... Y—Your mom, Tita Veronica is still a mom like—like any other mom. Wh—What I mean is she has a he—heart of a mom that cares for her ch—children. Li—Like how she cared for you when you went missing."

Saglit ay sinulyapan ko si Pristine na seryoso ng nakatingin sa akin.

"Continue-continue," sabi naman ni Bianca kaya yumuko muli ako.

"You and your mom don't communicate much kaya hindi kayo nagkakaintindihan. W—Why not ta—try to wholeheartedly talk to your mom a—about your feelings? Mas maigi 'yon di ba para malaman niya yung saloobin mo? You are her daughter afterall."

Bigla ay nakaramdam ako ng pag-pat sa bumbunan ko.

"There, there. Niceu-niceu," papuri ni Bianca habang hinihimas ang bumbunan ko. Nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya. "Subarashii, Aya- desu ne," dagdag niya habang tumatango sa akin. Natuwa naman ako't napuri ako at nairaos ko iyon.

"Subukan mong hindi makinig sa advice ni Arianne at mawawalan kami ng isang kaibigan. Naiintindihan mo ba?" ani Bianca na sinimangutan ni Pristine pero agad siyang ngumiti at lumingon sa akin.

"Thank you, Aya," aniya na nagpagaan sa pakiramdam ko. Masaya ako dahil kahit papaano'y mukhang naibsan ko ang alalahanin niya.

Muli ay naramdaman ko ang paghimas ni Bianca sa bumbunan ko.

"Good girl, good girl."

Nakakatuwang mapuri pero parang pinaglalaruan niya na ako kaya't tinignan ko siya ng masama.

"Ay, ay, hungry na bebe?" Dumukot si Bianca ng isang cookie sa may basket na nasa gitna ng mesa at idinampi ito sa ilong ko.

"The hell!" reaksyon ko dahil sa irita sabay punas sa ilong ko.

"Catch, catch!"

Binato niya ito kay Pristine. Walanghiya lang, kanina pa pala ako pinagmumukhang aso ng baliw 'to.

"Come, come to mama," Pristine said while holding the cookie and tapping on her lap.

Nagtawanan silang dalawa ni Bianca.

Huminga ako ng malalim at pareho silang sinimangutan. I grabbed Bianca's strawberry shortcake at madiing sinaksak ito ng tinidor habang sinasabi sa isipan ko na,

This is my first and last!

Marahas kong nginuya ang sinubo ko na cake. Habang nginunguya ko ito ay di ko maiwasan na mapayuko. Parang tanga lang. Natatawa rin kasi talaga ako kagaya nila.

NO ONE'S POV

"Ate, saan ka pupunta?"

Napalingon ang nagmamadaling magbihis na si Noreen sa direksyon ng pintuan sa kaniyang silid. Doon ay naabutan niyang nakasilip ang ulo ng kaniyang nakababatang kapatid na si Doreen. Ngiting-ngiti itong pumasok sa silid at marahang isinara ang pinto. Nangengwestyon siyang tinignan ng ate niya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Noreen bago isukbit sa balikat ang isang slingbag.

Maloko ang naging paglapad ng ngiti ni Doreen.

"Late na ate a? Hala, parating na si papa. Saan ka nanaman pupunta? Isusumbong kita."

Napa-ikot ng mata si Noreen sa narinig niya. Magaalas-diyes na ng gabi at balak niyang lumabas ng bahay pero nahuli siya ni Doreen. Akala niya'y tulog na ito ngunit dahil nasa silid niya ito ay sigurado siyang may kailangan ang kapatid sa kaniya.

"Ano bang kailangan mo a?" tanong ni Noreen.

Iniwas ni Doreen ang kaniyang tingin sa kaniyang ate bago siya nagnguso. Pinadyak niya ang kaniyang tsinelas sa sahig saka muling ibinalik ang atensyon niya sa kapatid.

"Hindi kita isusumbong kay papa kapag pinatingin mo ako ng mga pics sa JFevent," nakangiting alok ni Doreen.

Tinitigan siya ni Noreen bago ito umiling-iling. Sunod ay dumaing siya saka napabuntong-hininga bago lumapit kay Doreen.

"Nandoon sa may pulang DSLR yung memory card na may files ng JFEvent. Ingatan mo ah, baka may virus yung sasaksakan mo," paalala ni Noreen bago hawakan ang door knob ng pinto.

Masayang pumunta si Doreen sa lalagyan ng camera.

"Pupunta ako kina Eunice. Huwag mo akong isusumbong kay papa ah," bilin ni Noreen sa kapatid na mukhang wala ng pakialam sa presensya niya. Napabuga na lamang siya ng hininga bago ito iwan.

Samantala ay pagkakuha ni Doreen sa memory card na kaniyang hiniram sa pamamagitan ng pamba-black mail ay agad niya itong dinala sa kaniyang kwarto. Pagkasaksak niya nito sa kaniyang laptop ay tumambad sa kaniya ang napakaraming pictures mula sa JFEvent.

"Woah~"

"Ate Natalie, Ate Pristine, Ate Bianca... Pati si Felicity Cortez saka Nicole Madrid. Nice," masayang banggit ni Doreen habang ini-scan ang mga larawan.

"Nandito rin sina Kuya Aldred, Jerome and Charles... Pati uhmm sino 'tong kasama ni Ate Nat? Ang tangkad saka ang puti parang galing sa freezer?" tanong ni Doreen sa sarili habang tinitignan ng maigi ang picture. Nang hindi niya ito makilala ay sumuko na siya at pinindot na ang next arrow.

"Kapatid kaya 'to ni Kuya Aldred?" reaksyon niya noong makita ang picture ni Monique na naka-angkla kay Aldred.

"Si Kenneth Alonzo 'to ah? EMIS resident playboy. Mabuti hindi sila nagkatagpo ni Charles Ramirez," natatawang banggit ni Doreen.

"Sino rin kaya 'tong gwapo na kasama ni Felicity? Hmmm... Uy! Si Kuya Sato 'to ah! Bakit hindi ko siya nakita?"

Naglipat-lipat pa ng picture si Doreen.

"Oh, so many good pictures here," nakangiting pahayag niya habang ini-scan pa ang mga larawan. Sunod ay masinsinan niya itong kinopya. Masinsinan hanggang sa maidabog niya ang mouse nang may ma-realize siya.

"So many good pictures pero bakit wala yung mga pics ni Ate Arianne?!"

Iritableng hinalughog ni Doreen ang laman ng memory card. Scroll down. Scroll up. Right click, left click, hanggang sa mapunta siya sa isang folder na may pangalang A-Baby.

"Adik talaga 'to si Ate Noreen," natatawa niyang sambit.

Hayag ang pagiging lesbian ng ate niya at tanggap naman ito ng pamilya nila. Alam din ni Doreen na may gusto ang ate niya kay Arianne kaya't marami itong koleksyon ng larawan ng dalaga.

Masayang pinindot ni Doreen ang folder.

"Woah, so pretty! Siguradong matutuwa si Kuya Aldred kapag pinakita ko lahat 'to sa kaniya."

Kinopya ni Doreen ang mga larawan. Dahil sa dami nito ay kinakailangan niyang maghintay para ma-save lahat. Nag-scroll muna siya hanggang sa matigil siya nang may makitang isang itim na icon folder.

"Kissmenot?"

Napakunot ng noo si Doreen.

"Ano 'to play? Wait baka kung ano 'to ah! Tapos nagkamali lang ng lagay dito."

Matagal niyang siningkitan ng tingin ang itim na folder.

"Hmmm."

Nag-isip si Doreen nang maigi. Pakiramdam niya kasi ay may kakaiba sa folder na iyon. Curious siya sobra pero nasa isip niya ang word na privacy.

"Well, kanina pa naman ako nag-open ng kung ano-ano dito saka wala naman siyang sinabi na may bawal akong buksan so I think it's just okay."

Pagkatapos kumbinsihin ang sarili ay pinindot ni Noreen ng hindi lang dalawa kundi patatlong beses ang left mouse button. Sa unang dalawang click ay nagbukas ang folder pero dahil nga sa tatlo ang napindot niya ay nag-direct ito kaagad sa pag-click sa isa sa mga imaheng naka-ipon.

"O-M-G," biglang nasambit ni Doreen nang sumurpresa sa kaniya ang isang larawan.

Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang palad ngunit naka-awang naman ang kaniyang mga daliri para pasimpleng magbigay daan sa kaniyang paningin.

"Is this real?!"

Tanong na nabuo ni Doreen sa kaniyang isipan. Hindi niya maisabibig ang nais niyang banggitin dahil parang nag-lock ang panga niya sa natuklasan. Kung pwede nga lang ay tumulo na ang laway niya dahil sa kilig na biglang naramdaman.

"KYAAAA!" tili niya na rinig buong bahay, dahilan para maagaw ang atensyon ng kaniyang ama na kakarating pa lamang nang bahay.

♦♦♦

"Oy, ano? Are you okay?" agad na tanong ni Noreen kay Eunice pagkapasok niya sa kwarto nito. Nang makauwi si Noreen ng bahay ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Eunice. Humahagulgol itong kinausap siya kaya't napagdesisyonan niyang puntahan ito.

Umupo si Eunice sa kaniyang kama at matamlay na tinignan si Noreen, "Ayaw pa rin akong balikan ni Charles," malungkot na sabi nito.

"Eh?" Parang lumiit ang dila ni Noreen at wala siyang mai-tugon kay Eunice. Nilinis ni Noreen ang kaniyang lalamunan saka tinabihan si Eunice.

"Bakit di mo na lang kaya hayaan si Ramirez? Marami pa namang ibang lalaki dyan. May makikilala ka rin na mas hihigit sa kaniya at mas magmamahal sa iyo. Kaya hayaan mo na lang siya. It's his loss not yours," suhestyon ni Noreen na hindi nakaani ng tugon mula kay Eunice. Nakayuko lamang ito at tila iba ang iniisip.

"Hey, sa tingin mo? Bakit kaya hindi sinabi sa akin ni Nat na naging sila ni Charles?" tanong ni Eunice habang nananatiling nakayuko. Napakurap naman ang mata ni Noreen dahil dito.

"Akala ko ba nag-usap na kayo?" Gulat na reaksyon ni Noreen. Tumango si Eunice saka tinignan siya.

"Oo, she even said sorry to me. Iniiwasan niya lang daw na maging alalahanin ko pa na nagkarelasyon sila ni Charles."

"Eh iyon naman pala e. Kilala mo naman si Nat di ba? Mukha lang siyang mayabang at walang pake pero nagki-care talaga siya. Hindi man siguro sa maayos na paraan pero that's how she cared for you. Hindi naman siya nagsinungaling satin kahit kailan di ba?"

Matamlay na ngumiti si Eunice habang tinitignan ang kaibigan.

"Siguro nga kaya ayaw niyang malaman ko. Simula kasi ng malaman ko, hindi na 'yon maalis sa utak ko. She was Charles' first girlfriend afterall. The reason why he became a playboy. Wala akong laban sa kaniya. Mas pipiliin siya ni Charles kesa sa akin di ba? That's the sad truth."

Napabalikwas patayo si Noreen dahil sa sinabi ni Eunice.

"Oy baliw ka, are you doubting Natalie? Alam mo naman na may iba siyang gusto di ba?"

Pumangalumbaba si Eunice habang nakatingala kay Noreen.

"Sino? Si Aldred Cuzon? I don't think so..."

"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot ang kilay na tanong ni Noreen.

Hindi naman na tumugon pa si Eunice.

Umuwi si Noreen nang hindi naaalis sa kanyang isipan ang napag-usapan nila ni Eunice. Matagal na siyang may suspetya pero lagi niyang inaalis iyon sa isipan niya. Ngayong pati si Eunice ay nangwestyon na kaya hindi niya na maisantabi ang matagal ng konklusyon ng utak niya tungkol kay Natalie.

"For real?" tanong niya sa sarili niya.

Magaalas dose na ng gabi at sa sobrang pag-iisip niya ay casual lang siyang pumasok ng kanilang gate at dumaan sa kanilang bakuran nang hindi napapansin kung sino ang nalagpasan niya.

"Saan ka nanaman nanggaling bata ka?!"

Napatalon si Noreen sa gulat nang marinig ang bulyaw ng tatay niya.

♦♦♦