Chereads / Love Connection [Tagalog] / Chapter 54 - CHAPTER 42 – Good Night Thoughts and a Phone Call

Chapter 54 - CHAPTER 42 – Good Night Thoughts and a Phone Call

V3. CHAPTER 8 – Good Night Thoughts and a Phone Call

ARIANNE'S POV

"He's so cool," pahayag ni Aldred bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Kitang-kita sa mukha niya ang paghanga kay Sato.

Habang naglalakad kami ay sinubukan kong mag-start ng conversation pero noong mapansin ko na parang may malalim siyang iniisip ay nanahimik na lang ako.

Dumating kami sa bahay ng hindi nag-uusap. Kumain kami ng hindi nagpapansinan. Matutulog na kami ng walang imikan…

Grrr! What is wrong with me?

Gusto kong tadyakan si Aldred. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ma-take na hindi niya ako kinakausap at basta nilalagpasan na lang na parang wala siyang nakikita.

"Ano nanamang pakulo niya?" Asar kong tanong bago ako sumalampak sa kama. Mahigpit kong niyakap ang isang unan.

"May ginawa ba akong mali? Atleast sabihin niya naman sa akin para hindi ako magmukhang ewan kakaisip..." sabi ko bago ko ibaon ang mukha ko sa unan.

Pero bakit ko ba 'to iniisip? Wala akong paki sa kaniya. Wala dapat pero...

I am a mess right now because of him. May hindi ba ako napansin? Nakapasok ba siya sa sistema ko ng hindi ko namamalayan para maging dependent ako sa kaniya at magulo ng ganito?

"I hate this feeling. I will not forgive him if he's really plotting something."

Kinuha ko ang cellphone ko. Hindi pa ako inaantok kaya't inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin ng mga pictures. Hindi ko ugali ang magpa-tag pero ngayon ay hinayaan ko sila. I have pictures with Pristy, Bea, with our other classmates, and even Noreen. Of course, Natalie and Aldred. Masaya kaming lahat and I admit na ang ganitong bonding ang pinakamami-miss ko once na grumadweyt na kami at maghiwa-hiwalay.

Nag-scan ako ng pictures, balak kong i-post yung mga napalanunan namin ni Aldred pero napatigil ako ng madaanan ko ang pictures naming dalawa. Ang gwapo niya talaga, ang perfect ng mukha niya kahit saang anggulo.

Matalino rin siya at mukha namang mabait... Mabuti kaya siyang tao? Mama's boy siya pero hindi naman siya lumaking spoiled. Caring siya pero syempre nanliligaw siya kaya mahirap magtiwala. Of course, ipapakita niya lahat ng good traits niya... pero honest naman siya, prangka at inosente. Mayabang, siraulo at may pagkabastos…

I sighed.

Hindi ko pa talaga kilala si Aldred. Gusto kong makilala pa siya.

Tinuloy ko ang pag-browse sa gallery ko hanggang sa mapunta ako sa pictures na pinasa ni Noreen. Simula noong makita ko ang mga ito ay iyon na rin ang huli na tinignan ko ito. Wala akong balak na tignan uli ito kahit ngayon lalo na't naguguluhan ang damdamin ko. Mahirap na't baka madagdagan lang nito ang nabubuong atraksyon ko para sa kupal na 'yon.

"I-delete ko na lang kaya?"

Umiling ako. Hindi pwede dahil... wala, ayoko lang na i-delete. Hindi naman kailangang may eksplanasyon lahat.

Medyo dinadalaw na ako ng antok kaya't binalak ko ng matulog. Papapikit na ako nang biglang mag-vibrate ang smartphone ko. Naka-receive ako ng message at nang makita ko kung kanino ito nanggaling ay nagising ang utak ko.

ALDRED: Pwede ka bang tawagan?

Agad ko siyang sinagot at agad ding iyon ay nag-ring ang phone ko.

"Aldred,"

"Arianne,"

"Yes?" Mahigpit akong napahawak sa aking kumot.

"I love you."

Napatigil ako noong sabihin niya iyon. Ramdam ko ang biglaang pag-init ng buong katawan ko at hindi ko na-control ang sarili ko. Sinalpak ko ng ilang beses ang ulo ko sa unan.

"Bwiset ka. Tigilan mo ako," nasambit ko.

"Arianne, sorry kung hindi kita pinapansin kanina. Nahihiya kasi ako. I realized that I was too childish and immature. Hindi ko alam kung anong mukha na ihaharap ko sayo," paliwanag ni Aldred na ikinabigla ko. Ramdam ko ang disappointment niya sa sarili at kalungkutan sa tono ng pananalita niya.

Napangisi ako. Mahina akong natawa sa sarili ko at marahil ay narinig niya ito sa kabilang linya. I'm the worst dahil inisip ko na may kalokohan siyang balak when in fact ay nag- self reflect pala siya.

"Nakakatawa ba ako?" he asked. I think he's worried about what I'm thinking.

Umiling ako.

"Nope, pero nakakatuwa ka."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Don't worry about it. At least alam mo sa sarili mo kung anong mali mo," dagdag ko.

"Are you not angry with me? I said a lot of nonsense things earlier. I even said that you are mine even though you're not. I'm sorry again, I shouldn't have said those things," sabi niya. His voice sounds really worried but its handsomeness is still there to steal attention. Napainit nito ang pisngi ko.

"It—It's just fine. I u—understand, I—I mean, any person will protect what they consider as their p—property. I—I'm not saying t—that I'm yours but you consider me as y—yours, right? T—That's why you're protecting me. Naiintindihan ko. Na—aiintindihan mo rin naman di ba?"

Nahiya ako sa mga pinagsasabi ko kaya napatalukbong ako ng kumot. Hindi naman ka agad sumagot si Aldred.

"Basta control your emotions next time para hindi ka magmukhang rude," dagdag ko para mabura ang namumuong awkwardness dahil sa pagtahimik niya.

"Naiintindihan ko, salamat Arianne," sabi niya na nagpalunok sa akin. Wala na akong ideya kung ano pa ang sasabihin ko sa kaniya. Umikot ako't nagpalit ng posisyon.

"Arianne, sa totoo lang ang saya ko na hindi na ipinagpatuloy ni Sato yung balak niyang panliligaw uli sayo."

Namangha ako sa sinabi ni Aldred kaya't kinwestyon ko siya.

"He is an amazing man. You two seem close, I was jealous about the way you communicate with each other. Did you really not fall in love with him?" He asked which made me question myself.

Did I fall for Sato? He was my almost, the guy who was supposed to be the first person whom I would let enter my heart but with further realization, I chose not to.

"You're right, Sato is an amazing man. Siya yung tanging nanligaw sa'kin noon na dapat sasagutin ko na," I answered.

"So, you did fell for him?" Aldred asked, his voice remained consistent. Sa totoo lang ay gusto kong makita ang reaksyon niya tungkol sa pag-amin ko pero parang wala naman siyang reaksyon.

Napaisip ako bigla sa muling tanong ni Aldred.

I'm sure I like Sato. I'm comfortable with him. I can talk to him about things that I can't tell other guys. My feelings for Sato are the same as my feelings for... Jerome. I like them both…

What the? I like two people at the same time?

I think I will like a lot of people in the future but I am sure I will only love one guy in my whole life and who knows if that guy is the one that I'm talking to right now.

"Nope, I did not. I just like him."

"Pero parehas lang 'yon di ba?"

"Hindi, like and love are different. That's what I told you before."

"Ganoon? So, how did you realize that you just like him? Pwede ko bang malaman? It's not that I'm doubting my feelings for you. I'm sure that I love you. I love you so much. I just want to understand the difference."

Ngayon ay buong pasasalamat ko na sa phone kami nag-uusap ni Aldred. Kung magkatapat kami at ganitong mga bagay ang itatanong niya sa akin ay baka matameme ako dahil for sure ay lalamunin ako ng damdamin ko.

How could he also be so right at that time?

His small feelings really did flame and grow at mukhang inabot na ako ng nararamdaman niya. It's up to me na lang kung aapulahin ko ba o hahayaan kong masunog ako... Kung magpapakasunog man ako, ito ba yung tamang panahon?

Cheeky, their dog will laugh at me once she knows what I am thinking if kung nakakaintindi siya.

"Liking someone means that you're happy being with that person..."

Tumigil ako saglit para mapakinggan ang magiging reaksyon niya pero hindi siya umimik.

Bumuntong hininga ako.

"While loving someone, I think, means that you absolutely cannot bear to be without that person in good times and even in bad times," dugtong ko.

Tanging "Ah..." lang ang naging reaksyon ni Aldred. It's not that I'm expecting something deep reaction from him but I was disappointed that it was just his reaction to what I said. Pagkatapos noon ay nag-good night na kami sa isa't-isa.

Ewan pero parang pakiramdam ko ay may blangkong impresyon na iniwan sa kaniya ang pagkapaliwanag ko sa pagkakaiba ng pagkagusto sa pagmamahal.

♦♦♦