Chapter 44 - SPECIAL CHAPTER TWO

HAWAK ni Jewel ang magulong buhok habang nakatingin sa kotse niyang may basag ang salamin at malaki ang sira sa unahan. Hindi ito maganda. Kapag nakita ng kanyang Tito Timothy ang nangyari sa kotse na regalo nito ay siguradong sermon ang aabutin niya. Napatingin siya sa pulang kotseng nasa unahan niya. Hindi pa rin lumalabas ang driver. Naglakad siya at lumapit. Kinatok niya ang bintana ng kotse nito.

"Hoy! Lumabas ka diyan. Tingnan mo ang ginawa mo sa kotse ko." Galit niyang sigaw.

Kinatok niya ng kinatok ang bintana ng kotse ngunit ayaw talaga lumabas ng kung sinuman ang nasa loob. Na-iinis na si Jewel. Marami na ring mga taong nanonood.

"Wala ka ba talagang balak na lumabas? Hoy! Lumabas ka!"

"Madam, okay lang po kayo? Ano pong nangyari?" Ang tanong na iyon ang nagpatigil kay Jewel.

Hinarap ni Jewel ang nagtanong. Isang naka-uniporme ng pulis ang nakatayo sa harap niya. Nakahinga ng maluwag si Jewel. Hinarap niya ang pulis.

"Binangga ako ng kotseng iyan at pagkatapos ay ayaw akong harapin." She said in irritable voice.

"Hindi sa ayaw kitang harapin, Miss. Hinihintay ko lang na dumating ang mga pulis."

Napalingon siya ng marinig ang boses na iyon. Nakabukas na ang bintana ng kotse at nakasilip ang isang lalaki. Pinasadahan siya ng tingin ng lalaki mula ulo hanggang paa bago lumabasng kotse nito. Napa-atras si Jewel ng tuluyang tumayo sa harap niya ang lalaki. Matangkad ang lalaki at malaki ang katawan. Hindi ito kagaya ng ibang lalaki na sobrang laki ng muscle. Kung baga ay sakto lang ang muscle ng lalaking ito. Nakasuot ito ng white polo shirt na bukas ang tatlong botones kaya kitang-kita niya ang maputi nitong dibdib. Nasisiguro din niya na may abs ang lalaki sa likod ng suot nitong damit. Napadako ang mga mata niya sa mukha nito.

Biglang napalabi si Jewel. Ang gwapo ng lalaki na nasa harap niya. A Chinese man with sexy lips. Mapula at hugis puso ang labi nito. Matangos din ang ilong ng lalaki at maliit ang mga mata nito. Hindi din kakapalan ang kilay nito pero bumagay lang iyon sa pilik mata nitong mahaba. Malinis na malinis ang pagkakagupit sa buhok nito. The guy look so strike because of his aura. Wala din kasing ngiti sa labi nito.

"Are you done checking on me, Miss?"

Napakurap ng ilang beses si Jewel ng marinig ang tanong na iyon. Nakataas ang isang sulok ng labi nito at may himig ng pang-iinsulto ang boses. Namula ang mukha ni Jewel at mabilis na umiwas ng mga mata. Hinarap niya ang pulis na nasa harapan para hindi nito makita ang pamumula ng kanyang mukha. This guy is boastful. Ang lakas ng apog. Mayor turn off sa kanya ang ganitong klasing lalaki.

"Sir, you should ar---"

"She hits me first." Putol ng lalaki sa iba pa niyang sasabihin.

Binigyan niya ng masamang tingin ang binata ngunit hindi nito iyon pinansin. Nabuhay ang dugo niya. No one dares to interrupt her if she is speaking. Siya si Jewel Angela Alonzo-Saavadra, ang prinsesa ng mga Saavadra. This is not acceptable.

"You can look at her dashcam." Tumingin sa kanya ang binata. "You will see who hit me first."

Napakuyom si Jewel. Alam niya ang sinasabi nito. Siya naman talaga ang bumangga sa binata. Matulin ang pamamaneho niya kaya ng bumagal ang pagtakbo nito ay hindi niya nakontrol ang manobela at natamaan niya ito. Alam niyang wala siyang laban sa lalaki dahil huli siya nito pero isa siyang Saavadra. Hindi pwedeng hindi niya iyon malusutan.

Hinarap niya ang pulis. "No need, sir. I won't file any complain to his jerk. I also can repair my car." Tinalikuran na niya ang mga ito.

"Wait!" sigaw ng binata.

Napahinto ng paglakad si Jewel. Napapikit siya ng mariin. Hayaan na sana siya ng lalaking ito na makaalis. She can't deal with him right now after knowing that she will be busted through her dashcam. Bakit ba kasi nakalimutan niyang may ganoon ang kotse niya?

"How about my car? Hindi mo rin ba siya ipapa-ayos? Paano naman ang oras ko na sinayang mo?"

Napakuyom ng kamao at pinagdikit ni Jewel ang mga labi. Hindi talaga siya basta pakakawalan ng lalaking ito. Huminga ng malalim si Jewel. She is the one who did wrong. Kailangan niyang sakyan ang lalaking ito. Alam niyang wala itong balak na ipaayos sa kanya ang kotse nito. For Pete's sake, his car is cost million dollars. Hindi basta-basta mabibili ang kotse nito dito sa bansa. Kaya nasisigurado niya na mayaman ang lalaking nabangga niya.

Hinarap niya ito at pinagkrus ang mga braso sa harap ng kanyang dibdib. "I will pay for the repair. And for your time, how much it is?"

Ngumisi ang lalaki at naglakad palapit sa kanya. Huminto ito isang hakbang ang layo sa kanya. Jewel doesn't know why she can't move to stay away from this man. He is too close and no one come close to her like that even her best friend Troy Montemayor.

"You think you can afford my time, princess. Sad to say but I'm richer that you."

Nakaramdam ng pang-iinsulto si Jewel sa sinabi nito. Mukhang hindi din siya kilala ng lalaki. Itinaas niya ang mukha at sinalubong ito.

"You don't know me. I can buy anything I want even your time." Alam niyang mayaman ang binata pero siguro naman ay mas mayaman siya dito. Her family is one of the richest family in Asia. Iilang negosyo na ba ng pamilya nila ang ngayon ay nakatayo sa ibang bansa. Simple lang talaga ang kotse niya dahil bigay lang iyon ng Tito Timothy niya na mas gusto ang simpleng buhay. Pero mayroon siyang kotse sa mansyon na mas mahal pa sa kotse ng lalaking ito.

"Ow! Then sad to say, but I know you, princess." Isang mas nakaka-insultong ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Mas inilapit pa nito ang mukha sa kanya at bumulong. "Jewel Angela Alonzo-Saavadra, right?"

Napasinghap si Jewel at natulak bigla ang lalaki. Nanlalaki ang mga mata niyang tiningnan ang lalaki. He knows her. Kilala siya nito kaya ganoon na lang kalakas ang loob na hamunin siya. Humakbang palayo sa kanya ang binata.

"I think, you are the one who doesn't know me."

Lalong lumawak ang pagkakangiti ng lalaki ng hindi siya makasagot. May kinuha ito sa likurang bulsa ng suot nitong itim na slack. Isa iyong wallet. May kinuha itong maliit na papel at inilahad sa harap niya.

"You should know me, Ms. Saavadra. And I think, you can afford a very good lawyer when I fill my complain for what you did to my car. Your Auntie surely can free you if you are going in jail."

Nagtaas-baba ang dibdib ni Jewel ng marinig ang mga sinabi nito. Kung ganoon ay kilala talaga siya ng lalaki. Alam nitong may Auntie siyang isang abogado. Her Tita Anna is well-known lawyer in the Philippines. Humahabol ito pagdating lang sa paramihan ng panalong kaso. Na-iinis man ay kinuha niya ang nakalahad nitong business card.

"See you soon din, Ms. Saavadra." Tinalikuran na siya ng binata.

Binalikan nito ang pulis na walang ginawa kung hindi panuorin sila. Nagsalubong ang kilay niya ng tinapik lang nito ang balikat ng pulis at pumasok na sa kotse nitong kagaya niya ay basag din ang salamin at sira ang likuran. Tumingin sa kanya ang pulis at tinalikuran din siya. Napuno ng pagtataka si Jewel. Bakit pakiramdam niya ay kilala ng lalaki ang pulis?

Napa-iling na lang si Jewel at tiningnan ang business card na hawak. Binasa niya ang nakasulat doon at parang binuhusan ng malamig na tubig si Jewel ng mabasa ang pangalan ng lalaking naka-away niya kanina lang.

Paano nangyaring hindi niya nakilala ang isa sa pinakamayamang lalaki sa bansa? Inisulto niya ito gamit ang pera ng kanyang mga magulang gayong ang lalaking kaharap ay isa sa mayamang lalaki sa bansa.

Zander Shino Lu-Wang. That's the guy name. Ang lalaki lang naman iyon ang siyang Vice President ng The Empire City at may-ari ng Xanzyder Corporation. Si Shino na siyang tinaguriang pinakabatang mayaman sa Asia dahil sa murang edad nito ay nakapagpatayo ito ng isang kompanya. Kompanya na ngayon ay kumakalaban sa kompanya ng kanyang ama. Isang mahigpit na karibal ng kanilang pamilya pagdating sa negosyo.