NAKA-UPO SA bench ng school si Clara kasama ang ilang kaibigan niyang babae. It's Valentine's day, and school have an event.
"Hi, Clara. Para sana sa iyo."
Napataas ng tingin si Clara ng may lalaking nakatayo sa harap niya at may hawak na isang tangkay ng rosas. Ngumiti si Clara at tinanggap iyon.
"Thank you."
Ngumiti lang ang binata at umalis na. Ganoon ang scenario sa tuwing may lalaking lumalapit sa kanya at nag-aabot ng bulaklak. They just gave her flower and then left. Hindi niya alam kung bakit hindi tumatagal ang mga ito. Walang naglalakas ng loob na ka-usapin siya. Pang-ilang bulaklak na ba iyong natanggap niya ng araw na iyon.
"What's up with boys? Nagbibigay lang sila ng bulaklak pero hindi ka naman nila kinaka-usap." Reklamo ng kaibigan niyang si Katherine.
"Nagulat ka pa ba?" Natatawang sabi ni Grapes.
"Well, sino ba ang hindi matatakot sa head officer ng Journalist Club. Mata palang ni Lincoln ay matatakot ka na."
Tumingin siya sa dalawang kaibigan. "Tumigil nga kayo. Wag niyong pagsasalitaan ng masama ang best friend ko."
Ngumiti ang dalawa. "Best friend lang ba talaga?"
Napasimangot siya. They always tease her to Cole. Nakaka-inis lang dahil sumasabay ang puso niya sa tuwing tinutukso sila. Hindi lang iyon, masaya siya kapag tinutukso siya ng mga ito kay Cole. And she likes the idea that people think they are dating.
"Iwan ko sa inyo." Tumayo siya.
"Oh! Saan ka pupunta?" tanong ni Grapes.
Hindi niya sinagot ang tanong ng kaibigan. Naglakad na lang siya. Alam niyang may booth ang club ni Cole. Sinabi nito na hindi siya masasamahan umikot sa umaga dahil ito ang nakatukang magbantay at mag-ayos pero pagdating ng hapon ay masasamahan siya nito. It's already past noon. Yayain niyang kumain ang kaibigan tapos ay iikot na sila sa mga booth ng ibang club at organization. Hindi niya alam kung bakit may booth ang journalist club pero hindi na siya nagtanong sa kaibigan.
Nang marating niya ang booth ng kaibigan ay agad niyang nakita ito na-abala sa pagpa-aayos ng mga bulaklak. Lumapit siya sa mga ito.
"Hi, best friend." Masaya niyang bati sa kaibigan.
Humarap sa kanya si Cole. Kagaya ng nakasanayan niya ay walang emosyon ang mukha nito. Wala din siyang nababasa sa mga mata nito. Cole is Cole. He doesn't change at all. Ngayon niya na-isip kung bakit takot ang mga lalaki na kalabanin ito. Cole is cold. Cole is rich. Mayaman ang binata at kaya nitong gawin ang nais. Hindi din kasi makaka-ilang nakakatakot kalabanin ang isang tulad nito.
"Clara, anong ginagawa mo dito?" Gulat nitong tanong.
"Sinusundo ka. Tapos na ba kayo?" Tumingin siya sa ginagawa nito.
"Hindi pa. Can you wait for thirty minutes?"
Ngumiti siya sa kaibigan. "Of course, take your time."
"Are you sure? Hindi ka ba nagugutom?" Cole voice is worried.
Napangiti siya. Ito ang nagustuhan niya sa kaibigan. Napaka-alalahanin nito. Ma-alaga din ito sa kanya. Pero alam niya na hindi dapat siya umasa pa ng higit dito. Ganoon si Cole kapag naging malapit sa isang tao. Well, wala namang ibang malapit na babae kay Cole kung hindi siya at ang ina nito.
"I'm still full."
Tumungo ang binata. Napatingin si Cole sa hawak niyang bulaklak. Nakita niyang dumaan ang galit sa mukha nito. Saglit lang iyon pero na pansin pa rin niya. All things about Cole, she can easily recognize. Ilang taon na ba silang magkaibigan dalawa. Alam nila ang galawan ng bawat isa.
"Someone gives you a flower."
Tumungo siya. "Ten roses from ten different guy."
Hindi nagsalita ang binata. Galit lang itong nakatingin sa bulaklak na hawak niya. Tumalon sa saya ang puso niya. Gusto niya sanang biruin ito dahil sa nakikitang emosyon sa mukha nito ngunit pinigilan niya ang sarili.
"Be right back." Tumalikod na si Cole at binalikan ang ginagawa.
Ngumiti naman siya at tumingin sa paligid. Iba't-ibang booth ang naruruon. Ang alam niya ay may kanya-kanyang pakulo ang bawat club at organization sa school nila. Ano kayang booth ang pwede nilang subukan ni Cole?
Nang matapos si Cole ay lumapit ito sa kanya.
"Nandito na ang pinadaling driver ni Mommy. Let's eat then get back here."
Tumungo siya sa kaibigan. Kinuha nito ang hawak niyang bag at ito ang nagbuhat para sa kanya. Habang naglalakad sila papunta sa parking lot ay hindi mapigilan ni Clara na sulyapan ang kaibigan. Maraming napapatinging babae rito. Gwapo si Cole kahit pa nga na may suot itong salamin sa mata. Maliban pa sa gwapo ay napakatalino nito. Hindi na siya nagtataka kung maraming babaeng nagpaparamdaman dito ngunit kilala niya ang kaibigan. He never shown any interest on someone.
Nang marating nila ang parking lot ay nandoon na ang family driver ng mga Saavadra. Nagtaka pa siya na ibang tao ang sumundo sa kanila. Hindi binati ni Cole ang tao. Inalalayan lang siya nitong makapasok sa kotse.
"Mr. Saavadra, saan po tayo?" tanong ng driver kay Cole.
Instead of answering the driver's question, he turns to her. "Where do you want to eat?"
"Ahhhhh…." Nag-isip siya. "Bakit di na lang tayo sa restaurant na nasa kabilang kanto? Kumain na tayo minsan doon."
Tumungo ang binata. "Frenchze Restaurant, Mr. Sanchez."
Napangiti siya ng banggitin nito ang pangalan ng restaurant. Mula noon at hanggang ngayon ay siya pa rin ang sinusunod ng binata. Lagi nitong pinagbibigyan ang gusto niya. Dahil malapit lang sa school ang sinabi niyang restaurant ay mabilis silang nakarating doon. Walang masyadong tao ang restaurant kaya mabilis silang nakapasok sa loob.
She orders pasta while Cole order beef steak with rice. Apple shake and chocolate shake naman ang inorder nilang inumin.
"What booth do you want to visit?" tanong ni Cole habang hinihintay nila ang kanilang order.
"Ohhh…" Inilagay niya ang isang kamay sa baba. Wala siyang ma-isip na booth. "Wala akong nakitang magandang booth kaya di ko din alam kung saan tayo pupunta mamaya. Baka may suggestion ka."
Uminum ng tubig si Cole. "May movie viewing silang gagawin sa auditorium. Gusto mo bang subukan?"
Nanlaki ang kanyang mga mata. "Movie? Anong movie?"
"Oh! Hindi ko alam. Photography and Film club ang nag-organize kaya wala akong idea kung anong movie ang ipapalabas nila. Iyong oras ng pagsisimula lang ng movie ang alam ko." Tumingin si Cole sa suot na relo. "The next movie will start at three o'clock."
Kung ganoon ay manunood sila ng hindi alam ang title ng movie pero hindi ba exciting iyon. Nasisiguro naman niyang romance movie ang ipapalabas dahil nga Valentine's ng araw na iyon. Ngumiti siya sa binata.
"Okay. Basta manunuod ka kahit anong klasing movie pa ang ipapalabas nila."
"Of course."
Lalo siyang natuwa sa naging sagot nito. Ito ang unang pagkakataon na manunood sila ng movie na magkasama. Kahit naman kasi magkaibigan silang dalawa ni Cole ay never pa nilang sinubukan manood ng movie na magkasama. Madalas ay magkasama lang silang mag-aral o kumain sa labas. Hindi naman boring kasama si Cole pero minsan gusto din niyang ma-iba.
Nang matapos silang kumain ay agad silang bumalik sa school. Pumunta sila sa auditorium at inalam kung anong movie ang ipapalabas. Napangiti siya ng makitang romance movie nga ang ipapalabas. Hindi nagreklamo si Cole ng mabasa ang pamagat ng movie.
"I go buy pop-corn and soda."
Tumungo siya sa kaibigan.
"I be back. Hold our ticket for us." Ibinigay sa kanya ni Cole ang ticket na binila kanina.
Umupo siya sa upuan na nandoon. May iilang estudyante din na nandoon at nag-hihintay ng oras ng pelikula. Napansin niya na ilan sa mga ito ay magkasintahan. Hindi naman kalakihan ang auditorium nila pero marami na rin ang makakapanood kung sakali ng movie. Nagtataka nga siya kung bakit doon inilagay ang ganoong activity gayong may theater house ang school, iyon lang hindi kasing laki ng auditorium. Fifty student lang ang pwedeng pumasok sa theater house ng school.
Abala sa pag-scroll sa IG niya si Clara ng may tumayo sa kanyang harap. Nagtaas siya ng tingin. Sumalubong sa kanya ang isang bouget ng pulang rosas. Nanlaki ang mga mata ni Clara at napatayo ng wala sa oras. Doon niya nakita ang mukha ng nakangiting kaibigan. Cole is the one holding the big bouget.
"What is this?" Natatawang tanong niya.
"Happy Valentine's day, Clara." Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Cole sa kanya.
Napangiti na din ang dalaga. Nakita niya din muli sa wakas ang ngiting iyon mula sa kaibigan. Cole didn't smile like that often. At alam niyang tanging siya lang ang nakakakita ng ganoong ngiti ng binata.
"Happy Valentine's day. Cole." Kinuha niya ang hawak nitong rosas. "Thank you."
Ngumiti lang ang binata. Inamoy niya ang hawak na rosas. Mabango iyon. Hindi niya alam kung ilang peraso ba ng rosas ang ibinigay nito pero nasisigurado niya na lampas bente iyon. It is big and heavy. Nakatingin sa kanila ang mga estudyante na nandoon. Clara didn't feel shy. Bakit naman siya mahihiya? Her best friend gives her a flower. It was her first time to receive a flower from him.
Nang bumukas ang auditorium ay sila ang huling pumasok ng binata. Ayaw nilang maka-isturbo sa ibang manunood. Pinili nila ang pinakataaas na bahagi. Dahil sa may hawak siyang malaking bulaklak mas mabuting sa dulong bahagi siya umupo. Mukha naman na intindihan siya ng binata.
Iilan lang ang kasama nila sa row na iyon kaya na-ilagay niya ang bulaklak sa kanyang tabi. Ayaw niyang ilapag iyon sa sahid at ayaw naman niyang ikandong dahil mangangalay siya. Nagpapasalamat siya at hindi puno ang auditorium dahil hindi siya mapapagalitan sa ginawa niya. Cole place the pop-corn in their center.
American movie ang palabas. A walk to remember. Ilang beses na ba niyang napanood ang movie na iyon pero hindi siya nagsasawa. The emotion of two character really touch her heart. Wala silang kibuan ni Cole habang na nunood pero kahit ganoon ay aware sa katabing binata. Lalo pa nga at minsan ay nagtatagpo ang kamay nilang dalawa kapag kumukuha ng pagkain. May dumadaloy na kuryente sa kamay niya sa tuwing mahahawakan nito ang kanyang kamay.
Tumikhim si Cole at naramdaman niyang lumapit ito ng bahagya sa kanya.
"Aren't you cold?"
Hindi alam ni Clara pero nanindig ang balahigo sa kanyang batok. Naramdaman niya kasi ang ma-init na hininga ng binata sa kanyang batok. Napalunok din siya ng wala sa oras. May munting init na dumaloy sa kanyang katawan.
Tanging iling na lang ang ginawa niya dahil kapag nagsalita siya siguradong ma-uutal lang siya. Inilayo naman ni Cole ang sarili. Naramdaman niyang gumalaw ito kaya napatingin siya sa kaibigan. Nagsalubong ang kilay niya ng makitang hinubad nito ang suot na jacket.
"Cole, hindi niya ako nilalamig." Pabulong niyang sabi dito.
"Don't lie to me, Clara. Sobrang lamig ng kamay mo."
Walang nagawa si Clara ng inilagay ni Cole ang jacket nito sa kanyang balikat. Hindi niya kayang sabihin dito na ang dahilan ng panlalamig ng kanyang katawan ay dahil sa munting pagtatagpo ng kanilang kamay. She just let Cole and tried to focus herself on the movie. Nagpapasamalat siya at hindi na gumawa pa ng kung ano ang binata. Hindi na rin siya kumain ng pop-corn para hindi na magtagpo ang kanilang mga kamay.
Nang matapos ang movie ay nagpahuli sila ni Cole. Napangiti pa siya ng makita ang ilang kababaihan na umiiyak dahil sa huling eksena ng kwento. Kahit siya ay nasaktan din sa ending pero dahil sa ilang beses na niyang napanood ang pelikulang iyon, hindi na siya gaanong nasasaktan sa katapusan ng love story ng dalawang bida. Kung tutuusin ay hindi na niya mabilang sa kanyang daliri kung ilang beses na ba niyang napanood iyon.
"Where do you want to eat?" tanong ni Cole habang naglalakad sila
"Let's grab something not heavy. I want to go home and sleep," sagot niya.
"Then let's eat fruit and salad." Si Cole na ang may hawak ng bulaklak na bigay nito.
Tumungo siya. Cole always choose that kind of food. Healthy food. Hindi pwede ang kahit anong junk or cholesterol food. Mabibilang lang niya sa isang buwan ang kumain ng ganoon. Kontrol ni Cole ang pagkain niya. They promise to each other that they will take care of their selves. They will look at each other.
Nakarating sila sa parking lot ay naghihintay na doon ang family driver ng mga Saavadra. Cole have personal driver. Minsan ay may kasama din itong body guard. Nag-iisang anak ang kaibigan niya at pangatlo sa pinakamayaman sa Asia ang pamilya nito. Of course, they are over-protective to him. Kung akala niyo ay simpleng driver lang ang kasama nila ng mga sandaling iyon, nasisigurado niyang hindi. Kapag ang matandang driver ng pamilya ang kasama ni Cole ay may nakasunod na body guard na tumatago sa malayo. Cole leaving in the life with no one wanted, no freedom but his family making sure that Cole live a comfortable life.
Dumaan sila sa isang kilalang restaurant at kumain. Hindi sila nagtagal doon dahil hindi naman sila nag-heavy meal. Nasa byahe sila pa-uwi sa bahay niya ng tuluyan ng dalawin ng antok si Clara.
NATIGILAN SI COLE ng may naramdamang mabigat na bagay na pumatong sa kanyang ulo. Nilingon niya ang kasama at doon niya nakita ang kaibigan na nakahilig sa kanya. Hindi napigilan ni Cole na ngumiti. This is a rare moment for him. Being with Clara like that makes his heart happy.
"Clara, are you tired?"
Hindi sumagot si Clara. Mukhang napagod ito ng araw na iyon. Umayos siya ng upo habang hawak ang ulo nito. Inayos din niya ang ulo nitong nakahilig sa kanyang balikat. Tumingin siya sa lalaking nagmamaneho. Nasa daan lang ang tingin nito.
"Drive slowly."
"Yes, Mr. Saavadra." Ngumiti ang lalaki sa kanya.
Hindi na niya sinagot ito. Kilala naman niya si Mr. Sanchez. Kung titingnan ang lalaki ay mukha itong isang binata pero isa na itong pamilyadong tao. Isa ito sa pinagkakatiwalaang tao ng pamilya nila. Minsan lang kinukuha ng pamilya niya ang serbisyo nito pero kapag nagsabi ang kanyang magulang ay agad nitong pinagbibigyan.
Pinagmamasdan niya ang dalaga sa salamin. Wala talagang kupas ang ganda ng kanyang kaibigan. Sobrang na-inis siya ng makita ang hawak nitong rosas. Who would be if you are secretly in-love with your best friend, right?
Pero sumaya siya dahil nang ibinigay niya ang bulaklak na binili ay nawala na sa isip nito ang hawak na sampong rosas. Hindi nito napansin na naiwan nito ang mga iyon sa upuan sa labas ng auditorium. Pakiramdam niya ang mas mahalaga ang bulaklak na bigay niya kaysa doon.
Nang huminto ang kotse sa tapat ng bahay ng dalaga ay napatingin siya kay Mr. Sanchez.
"Ring the doorbell, Mr. Sanchez." Utos niya.
"Yes, Mr. Saavadra." Sinunod naman ni Mr. Sanchez ang utos niya.
Na-iwan sila ni Clara sa loob ng kotse. "Clara… Clara…" Cole tried to wake his best friend up.
Pero walang kagalaw-galaw ang kanyang kaibigan. Mukhang pagod na pagod ito kaya nahihirapan siyang gisingin. Mukhang wala siyang choose kung hindi buhatin ito. Nasisigurado niya na aani na naman siya ng masamang tingin sa ina ng dalaga. Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa niya. Isinandal niya si Clara sa upuan. Pinagmasdan niya ang mukha nito na natatakpan ng ilang himba ng buhok nito. Ginamit niya ang daliri para alisin ang mga buhok na tumatakip sa kanyang magandang mukha.
"You are beautiful." Bulong niya.
Pinaglandas niya ang daliri sa mukha ng dalaga. Mula sa kilay nito, sa dalawang mata, ilong at pisngi. Huminto ang kamay niya ng dumating iyon sa labi nito. Her lips are like a cherry. It's red and looks like delectable.
"I always love you," aniya.
"I love you too." Mahinang bulong ni Clara.
Napahinto sa paghawak sa labi nito si Cole. Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig.
Is she meant it? Para ba sa kanyang ang mga salitang iyon?
"Clara…" He touches her lips again.
Gumalaw si Clara na siyang ikinabigla niya. Inilagay nito ang dalawang braso sa kanyang balikat. Lalo pangnagulat si Cole ng hinila ni Clara ang kanyang leeg. Kung hindi niya agad na itukod ang dalawang kamay sa sandalan ng upuan ay baka mahalikan niya ang dalaga.
"Clara…." Bulong niya.
Bumigat ang paghinga ni Cole. Ilang hibla lang ang layo ng labi nito sa kanya. He is trying to stop himself. He can't steal that something to Clara but Cole can't stop his self when Clara pull him again. This time their lips touch. He feels Clara soft lips at his. Finally, he tastes Clara lips and it feels like heaven for him. Cole can't help but close his eyes and feel the moment. He will treasure that moment. The moment that he gets Clara's first kiss.