Start Over
"Kailangan ko nang makahanap ng work, bff." Aniya sa kaibigang si Carlene isang araw na kausap niya ito sa telepono. She has just left her work two weeks ago dahil sa supervisor niyang hindi niya makasundo. It has took a toll on her so she has decided to take a break. Iyon nga lang, hindi pwedeng magtagal ang pagpapahinga niya dahil sa breadwinner siya ng kaniyang pamilya.
["Ano? Umalis ka na naman doon? Saan mo balak lumipat nyan ngayon?"]
"Ewan ko nga e. Pero balak ko magpunta sa MOA, doon ko susubukang mag apply."
["Gulat girls talaga tayo, e no. Pag ayaw na, bigla na lang nag-re-resign."]
Tumawa siya. "Oo, nga, e. Pero hindi ako pwedeng magtagal na tumambay, girl. You know, responsibilities."
["Bakit naman kasi ayaw mo pang mag home-based na English teacher na lang? At least yun mas hawak mo oras mo."]
"Hayaan mo, magpapakabit na rin ako ng internet once makaluwag luwag na ako. Kahit ako, ayaw ko nang mag call center, wala lang akong choice pa sa ngayon."
["Ba't di ka na lang kaya bumalik ng Cybergate?"]
Eto na naman po siya, sa isip-isip niya. Ipupusta ko lahat ng butiki dito sa bahay, aasarin na naman ako ng babaeng to!
["Ayaw mo lang ata makita siya doon, e! Mag move on ka na kasi, uso naman 'yon.']
Jonathan Ocampo, or Nate, was their Assistant Manager, and once their Team Lead. Lingid sa kaalaman nito na may gusto siya rito dahil minsan ay naging malapit ito sa kanya. She did once thought that there was something that is between them, only to find out that it is just a one-sided affair. And here she was, trying to forget him.
"Gaga! Hindi naman sa ganoon. Ayaw ko lang na magkita doon dahil sabi ko, magpapalit na ko ng career di ba? Tapos, magkikita kami doon, pareho pa rin ng work?"
["Well..sabi mo e."] Anito, nasa boses pa rin ang pang aasar. ["Teka, mag-Triads ka na lang kaya? Parang may nakita ako sa site nila. Check mo messenger mo, send ko sayo yung link."]
"Okay. Sige, salamat. I check ko kaagad pagkatapos nating mag-usap."
["Sige. O, babye muna. May klase na ako, usap tayo uli mamaya."]
Iyon lang at nawala na ang kaibigan sa linya. She then fired up Google on her pc, searching for Triads' website. Hindi naman siya nabigo sa paghahanap patungkol sa trabahong tinutukoy ng kaibigan. Kaagad na nagsubmit siya ng application an hoped that she would receive a call from them soon.
She headed out after receiving a call from them for an interview. Habang nasa biyahe ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba, kaya naman kinuha niya ang cellphone sa bag para itext ang kaibigan niya. She knew that she needed a distraction, and that means talking to Carlene.
Ako:
Bru, you busy?
She hit "send." Almost immediately, her phone beeped and saw a message from her. Bilis magreply, she thought to herself as she opened her message.
Bff :
Bru, wala me load. Viber tayo usap.
Ako:
Pssst
Bff:
Ano na?
Ako:
Papunta ako Triads ngayon. Tinawagan nila ko kahapon, e. Ninenerbyos ako.
Bff:
Ikaw? Ninenerbyos? Bakla ka, hindi ka na bago sa mundo ng pag aaply no. Kaya mo 'yan.
Ako:
Tange. Di naman porque sanay na mag apply, di na kakabahan. Ang tagal na naman kasi ng huling interview ko, mga 6 months ago na.
Bff:
Sus. Maniwala ka sakin, bakling. You can ace this one. Sige na, gtg. May class ako ngayon.
Ako:
Thanks for the ego booster, beks. Osya, talk to you later.
She then turned Viber off and started to walk towards the building when a guy approached her. May hawak itong leaflets, maybe a recruiter of some sort. Marami kasing call centers sa lugar na iyon at malamang na nag hihire ng mga tao.
"Ate, naghahanap ka ba ng work?" tanong nito sa kanya.
"Oo, e. Pero papunta na ako sa Triads, e. May interview ako ngayon." Aniya. Naglakad na siya palayo nang lumapit ulit ito sa kanya.
"Naku, doon ka mag aapply? Di sa naninira ako ha, pero mababa lang sila magpa sweldo doon."
Sasabihin na sana niyang "wag na lang," ngunit hindi niya alam kung bakit nag iba ang isip niya. Natagpuan na lang niya ang sariling nakarating na sila sa opisinang tinutukoy nito para sa isang call center sa Makati.
Mukhang okay naman dito. Sige na nga, susubukan ko kung hanggang saan ang kaya ko. Pwede naman akong bumalik sa kabila kung sakaling di ako pumasa sa exam at interview nila.
Pumasok sila sa isang room at may isang lalaking pumasok roon para bigyan sila ng instructions. Napangiti siya nang makita ang instructions sa computer. Okay, grammar exam. Chicken feed.
Nang natapos na niya ito ay isinunod ng nag assist sa kanila ang pangalawang parte ng exam. Napakamot na lang siya sa ulo niya nang puro technical terms ang nakasulat roon. Kahit hindi niya alam ay pinilit na niya na lang na sagutan ang exam na iyon kahit hindi nya alam kung pumasa siya o hindi.
Bahala na nga.
Nang matapos ay naghintay na lang siya sa couch na nasa katapat ng room kung saan siya nag exam. Isa isa nang tinawag ang mga nakasabayan niya, habang siya ay hindi pa. Tatayo na sana siya para umalis sa lugar na iyon nang bigla naman niyang narinig na may tumawag sa kanya.
"I'm looking for Louisse Arevalo,"
Lumapit siya sa lalaking tumawag ng pangalan niya. "Hi, Louisse," anito at nakangiting sinabi sa kanya ang balita. "You're qualified for a technical support post."
Huh? Seryoso siya? Hindi ko nga halos alam kung nasagutan ko ng maayos yung exam na yun, tapos pumasa pa ako?
"Your final interview is tonight at 8pm. You can choose to wait here or to go downstairs, since may time ka pa naman, dear," anito.
Akalain mo yun, nakatsamba pa ako? Nasabi na lang niya sa sarili. Ang swerte ko naman sa araw na 'to.
"Dito na lang po ako," sagot niya sa kausap.
"Well, then, pwede ka naman doon sa waiting area. Then, I'll meet you later here para sa final interview mo, ha?"
"Sure. Thank you,"
"See you later," anito at hinarap na ang ibang aplikante gaya niya. Gaya ng sinabi niya roon sa recruiting personnel ay hindi na siya umalis sa waiting area hanggang sa mag alas otso. Dahil sa pagod ay alam niyang medyo wala na siya sa konsentrasyon sa interview kaya ikinagulat niyang sabihin sa kanya ni Jeff na pumasa siya.
Seryoso ba sila o jino-joke time lang nila ako?
Iniisip niya pa iyon nang iniabot sa kanya ni Jeff ang isang papel na para magpa medical na siya kinabukasan.
"Pagkatapos mong magpa medical, dear, bumalik ka rito ng Friday para sa orientation mo, ha? Then, next week is the start of your training class. Can you give me five minutes to print your contract so you can sign it now?"
"Okay," pag sang ayon niya. Normally she would refuse the offer since technical account ang ibinibigay sa kanya at medyo maliit ang offer, but something is telling her to accept this job. She had no idea that this place, she would meet the people that will have a big part in her life.