Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 119 - REMEMBERING EVERYTHING

Chapter 119 - REMEMBERING EVERYTHING

NATHAN'S POV

We're in the hospital right now. Ilang oras na kaming naghihintay sa labas ng operating room. And we haven't heard any news from the surgeons yet.

"Nathan, umupo ka muna and try to calm yourself. Medyo napuruhan ka kaya better na magrest k_"

"I'm fine...I'm really fine" I said.

"Director Alejandro, we understand you but iyon rin ang sabi ng doctor. If you wanted to see her being okay, makinig ka sa amin and take care of yourself too." Chairman said.

So, wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Umupo ako sa hospital couch at ipinikit saglit ang aking mga mata.

Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.....

I'm having a headache again and this time, some memories just popped out of my mind.

...."Nathan...please....can you just tell me what's your problem? you don't need to push me away na parang kinamumuhian mo ako..."

....."hindi mo ako kailangang ipagtabuyan, di ba I already told you na ako na ang kusang lalayo?"

..."I think ito na rin ang huling conversation natin....until we meet again...Salamat sa pagiging parte mo sa buhay ko"

Those memories.....***sudden flashback***

(Sa Forest Park..when I saw her, noong time na nagpunta siya sa Bukid with friends, 'yung umuulan at dala ko ang payong pero mas masaya niyang tinanggap ang sa bodyguard niya, at lahat ng mga alaalang nakikita ko pa siyang nakangiti at sobrang saya.)

I remember EVERYTHING.

"Doc, successful po ba ang operation?"

I came back to my senses at nasa labas na pala ang surgeon.

"Natanggal na ang bala sa likod niya, luckily it didn't hit her spinal cord. But may mga damaged tissues so hindi pa rin stable ang condition nya until now"

"k_kailan po namin siya pwedeng makita?" tita asked.

"she's still under observation sa ICU...we will inform you na lang po kung kailan nyo siya pwedeng dalawin"

Everyone was still in shocked after what happened.

Ang saya lang naman kasi ng usapan namin kagabi eh but suddenly, we're here in the hospital right now..hoping that she will be alright.

Then I noticed Spade suddenly stood up and left.

(I sighed)

I need to be strong. She will be fine. Makakayanan niya ito. She's braver than anyone here. Sa dinami-dami ng pinagdaanan niya.... alam kong malalampasan niya rin ito.

(umupo ako at naghintay kung kailan siya pwedeng makita...we all waited hanggang sa matapos ang araw na iyon)

*****************

Another day...

The doctor allowed us to see her. Isa-isang binigyan ng time ang lahat just to see her.

Until na pagkakataon ko na.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay.

While seeing her lying in bed na maraming tubo ang naka-connect sa katawan at bibig niya. I can't help myself to cry.

Nasasaktan ako kasi hindi ko kayang nakikita siyang ganito.

"Why did you do it Aikka?.....Ako dapat ang nasa kinalalagyan mo eh..hindi mo na lang sana sinalo ang bala.....it was intended for me Aikka....you don't deserve this" I said while sobbing.

"I'm sorry.....I'm sorry for letting you to be hurt again because of me. Just....just give me a chance to talk to you and to see you smile....again. I really missed you Aikka. So please, Aikka....be strong. I know na you will be fine."

Hindi enough ang 5 minutes para sabihin ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya noon pa.

Napalean na lang ako sa wall. And I'm willing na maghintay ulit para sa another 5 minutes na ibibigay ng doctor sa akin to see and talk to her.

Until that waiting turns into hours and days.....

Four days na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagigising. She was transferred from the ICU yesterday to a step-down unit (in front of me since I'm still outside waiting for them to allow me to go inside) kasi, the nurses and doctors are still closely monitoring her right now.

"Nathan, hinahanap ka na sa inyo. Hindi ka pa ba umuuwi sa bahay niyo?" Abby said kasama si Jotham na kararating lang galing sa SA.

"Ah...may condo unit kasi ako malapit dito so doon ako natutulog every night at bumabalik dito ng madaling araw" I said.

"you need to take care of yourself too bro, hindi matutuwa si Aikka kapag nalaman niyang pinababayaan mo ang sarili mo." Jotham said.

"don't worry about me guys, hindi ako ang nabaril" I said.

"gising na si bestie?!!" nagulat kami kasi dumating na si Elaine.

"saan ka kahapon? I didn't see you ah" Abby said to her.

"I'm sorry, yung bwiset kong customer kasi eh masyado akong kinukulit tungkol sa 500k na utang nya sa akin. Balak ba naman akong ibudol?"

Hay. Until now, she's still the same.

"by the way, hindi ko na rin nakikita si Spade ah after nung surgery ni bestie, asaan na ba siya? Di ba siya yung boyfriend? kaya dapat lang siguro na mas may care siya sa jowa niya in times like this" Elaine said.

Hindi na lang ako umimik. I don't know either what to answer.

Few moments later, pinayagan na kaming dalawin si Aikka sa loob. Binantayan namin siya hanggang sa matapos ang buong maghapon.

"guys, paano ba iyan, tomorrow ulit. I'll bring some fruits na tomorrow...in case na magising na siya." Elaine said.

"okay, sasabay na rin kami sa iyo Elaine since may pasok pa kami bukas. Dadalaw na lang ulit kami sa gabi" Jotham said.

"how about you Nathan? hihintayin mo ba sila tita?" Abby asked.

"yes, they're on their way na rin kasi dito" I said.

"okay then, see you tomorrow. Uh.. By the way, medyo busy si Cloud sa internship niya kaya bukas pa daw siya makakadalaw ulit kay Aikka" Jotham said.

"its good to hear, I'll be expecting him tomorrow"

Until nagsiuwian na sila.

So this time, kaming dalawa na lang ni Aikka ang naiwan dito sa loob.

"Aikka, how are you? Can.....you hear me now? If yes....., sana magising ka na. Its been four days na rin kasi, but don't worry, hindi ako mapapagod na maghintay sa iyong magising ka. And I can't wait na sabihin sa iyong....naaalala ko na ang lahat. Di ba you told me na, the past really matters to you? So, andito na ako. Your past kasama ka sa present. And alam mo bang I'm so happy that I got my memories back? Kasi ngayon, mas naiintindihan ko na ang aking sarili, everytime na..... I feel jealous when you're with Spade. Everytime na kinakabahan ako when you're around. So ang tanging hiling ko lang sa iyo this time...sana magising ka na...so that I can see you smile again, and hear you speak again. Namimiss ko na ang masungit at iyaking Aikka. Namimiss ko na ang babaeng minahal ko noon.....hanggang ngayon...."

When I said it, naramdaman kong gumalaw ang kamay niya since hawak ko ito ngayon.

"Aikka....." kaya agad akong lumabas to call her doctor since nakakapagrespond na siya.