SPADE'S POV
Matapos ang mga nasilayan kong pangyayari, naghanap ako ng timing para makausap si Nathan.
Hindi ko mapapalagpas ang ginawa niyang pagpapaiyak kay Aikka kanina.
"Nathan" sabi ko.
Nasa locker room siya ngayon kaya pinalabas ko muna ang ibang mga lalaki sa loob.
"anong kailangan mo?" tanong niya habang busy siya sa pagpapalit ng damit.
"bakit mo iyon ginawa kay Aikka kanina?" tanong ko sa kanya.
Pero imbis na sagutin niya ako, he just smirked.
Papalabas na sana siya this time pero hinarangan ko ang pintuan kaya hindi siya makalabas.
"huwag kang bastos at sagutin mo ako" iritang sabi ko.
"heh! di ba ito ang gusto mo? kaya huwag kang magpanggap na parang apektado ka sa mga nangyayari ngayon sa pagitan namin ni Aikka"
Dahil sa sinabi niya, kwinelyuhan ko siya.
"anong sabi mo? Gusto ko nga si Aikka pero sa tingin mo ba, matutuwa akong makita siyang umiiyak?" sabi ko.
"bakit, hindi nga ba?"
Nang-iinsulto ba siya?
"what do you think of me huh?"
"ang tingin ko sa iyo, gusto mong malaman? baliw....parehas kayo ng kapatid mo, mga baliw kayo!"
Dahil sa sinabi niya, hindi na ako nakapagpigil at bigla kong nasuntok ang mukha niya. Gumanti rin siya ng suntok but I managed to stop him.
"kung gaganyanin mo na lang si Aikka, mas mabuti ngang layuan mo na lang siya. She doesn't deserve a coward like you" sabi ko tapos binitawan ko siya.
"mas lalong hindi niya deserve ang taong kagaya mo. Mamatay tao!" sabi niya.
Mamatay tao?
Nang marinig ko iyon, mas lalong nag-init ang aking ulo at gusto ko siyang suntukin ulit para magising siya. Hindi na siya ang dating Nathan na nakilala ko. Nababalot na rin siya ng poot at galit.
"ano! hindi ka makapagsalita kasi totoo di ba? Totoong nasisiyahan ka sa mga nangyayari ngayon?"
Hindi na ako nasisiyahan kasi nasasaktan ako para kay Aikka.
Ilang beses ko bang dapat sabihin iyon sa kanya?
"Lumaban ka! ano?!" tapos tinulak niya ako ng sobrang lakas kaya natumba ako. Nakaramdaman din kasi ulit ako ng pagsikip sa aking dibdib at nahihirapan akong huminga ngayon.
Dali na lang akong lumabas ng locker room.
I need to take my medicine this time.
Pupunta na sana ako sa parking lot , ang kaso medyo naging blurry na ang paningin ko.
Nahihirapan na talaga akong huminga.
"Spade...."
I know whose voice it is.
"Are you okay?"
Napasandal muna ako sa may wall ng school building para pagmasdan ang mukha ng babaeng tumawag sa akin.
"You look pale Spade, may sakit ka ba?" Aikka said.
When I saw her, napangiti ako bigla. She's really cute when she's worried. Agad niya akong nilapitan at hinimas ang noo ko to know if I have a fever.
"why are you here?" mahinang tanong ko sa kanya. Niyaya ko kasi siya kanina para kumain sa labas but she said na uuwi na lang daw muna siya sa mansion nila.
"I forgot something kaya babalikan ko sana" she said.
Balak ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanya kaso mas lalong lumala ang chest pain ko.
"ah.., Aikka...can you get my medicine sa bag ko? andoon lang sa classroom" nanghihinang sabi ko.
"o_okay, just stay here muna at babalik ako agad" she said tapos agad na siyang umalis.
Ilang saglit pa, bumalik na siya bringing my bag. Agad kong kinuha ang gamot ko then she offered me her water.
"are you okay now?" ask niya after kong mainom ang medicine.
"ah..yes." sabi ko nang unti-unti nang umeepekto ang medicine sa katawan ko.
Tapos may bigla siyang binanggit but I was not able to hear it that's why I asked her to say it again.
"Nitroglycerin? are you experiencing some chest pains?" bigla niyang tanong.
Alam niya ang tungkol sa gamot na ito?
"how did you know?"
"well, my grandpa used to take this kind of medicine noon kasi may sakit siya sa puso" she said.
"ah..eh...may hika kasi ako that's why I'm taking this medicine." then I tried to smile kasi medyo nanghihina pa rin ako until now even if umepekto na ang gamot sa pain na nararamdaman ko.
"are you really sure na okay ka na?" her na sobrang worried pa rin.
I nodded.
Nang makita niya ang response ko, she's about to leave na kaya hinawakan ko siya sa kanyang kamay.
I don't want her to leave me yet.
"At dahil you helped me this time, hindi mo na ako pwedeng tanggihan ng pangalawang beses today kaya I'll treat you to Fantastic Podium. May masarap na soup doon saka dessert, so sasama ka sa akin"
"w_wait" she said but hinila ko na siya papuntang parking lot.
(fast forward)
Nakarating na kami sa Fantastic Podium and hinahanda na ng waiter ang foods na inorder namin.
"may I ask you why are you doing this to me? I mean, is that because of what happened kanina?" her.
"kanina? yung pagtulong mo sa akin?"
"no, yung sa gymnasium" her tapos bigla siyang nalungkot.
I know na sobra siyang nasasaktan sa mga nangyayari kasi he is her first love. At sabi nga nila, ito ang pagmamahal na mahirap kalimutan.
"no..of course not, I'm doing this because I just wanted to. Di ba I already told you that I like you? I'm just proving it to you now" I just said.
"then why did you tried to_" tapos biglang natigilan siya.
"tried to what?" ask ko.
"never mind" she said, tapos sakto namang dumating yung waiter with the foods. Halatang wala pa rin siya sa mood this time. Ano bang dapat kong gawin to cheer her up? Hindi kasi ako sanay na makita siyang ganyan kalungkot.
"okay, let's eat na." I said tapos nagsimula na akong sumubo kaya she started to eat na rin.
"You know, I'm happy this time kasi ito ang first date natin Aikka" I said but she has no reaction. Malalim pa rin ang iniisip niya.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
15 minutes after....
"by the way Aikka, free ka ba bukas?" ask ko na sa kanya.
"why?"
"gusto mong pumunta ng amusement park sa kabilang town?" I said. Nagbabasakali lang naman akong pumayag siyang samahan ako doon. Baka makatulong iyon for her to ease her pain.
"Well, may gagawin ako eh. So, I'm sorry hindi kita masasamahan doon" agad niyang sabi.
"okay its fine, sa susunod na lang" I said.
A moment of silence.
This time, masyado naman siyang focused sa pagkain.
When she started to ask me something.
"Spade, I just want to ask you one thing"
"ano iyon?" me.
"Well, I know na marami ka nang experience about love.."
Maraming experience about love?
Sana ganon na nga but, ayon sa pagkakatanda ko..ito ang una kong experience about love. So in short, she is really my first love.
Ang kaso, ang love na meroon ako? one sided love nga lang. Nagkataon din kasing nainlove ako sa taong may mahal ng iba...so the only thing that I need to do is to wait. Isang paghihintay na walang kasigurohan kung haggang kailan.
Ewan ko ba, siguro tama nga si Nathan, baliw na talaga ako.
Because...
I fell in love with my enemy.
I fell in love with the girl who doesn't love me.
And,
I fell in love with the girl who is not for me.
"if you are in my shoes, what will you do?" she asked.
"you mean, what will I do if the person that I love doesn't love me back?"
"hmm...parang ganon na nga"
That question tho'. Well, this is my chance to share what I am feeling right now. Kasi kung may tao mang ganon? Ako iyon sa pagitan nilang dalawa.
"then, I'll follow my heart. I'll keep chasing that someone even if I got tired, as long as, that someone has not into lifetime commitment yet."
"what if that person hated me so much?" she asked.
"I don't care if you hate me so much, or...that person hates me so much, because as my father once told me, hate and love aren't really opposite, because the greater that someone hated you.....means that he have loved you so much in the past or the other way around"
Katulad ngayon, I really hate her so much noon but look at me now, how my life has been changed ironically.
"so you mean, Nathan is hating me because of love?" medyo naguguluhan niyang tanong.
"well, parang ganon na nga, maybe he's doing it because he has no other choice" I said.
And I think, may kinalaman si Jenna about doon. I really need to talk to her.
"sa tingin mo, he's doing it for some reason? I mean, do you still believe na he still have feelings for me?"
"ikaw lang ang makakasagot nun Aikka"
(But if you will ask me if I still have feelings for you?
Yes.
Of course! I will always love you even if you won't love me back.)