Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 100 - THE ONLY WAY TO ESCAPE 1

Chapter 100 - THE ONLY WAY TO ESCAPE 1

AIKKA'S POV

Ilang days na naman akong absent sa class because I am not feeling well. Gabi-gabi ba naman akong nagpupuyat because of crying. Kasi sabi nga nila, para mawala ang sakit na nararamdaman ng puso ko, I need to cry it out.

Kaya naman, pagbalik ko sa school..agad akong ipinatawag ni Miss Quin sa office niya for counseling.

"Aikka, anong nangyayari sa iyo? Alam na ba ito ng dad mo? I know na you have this kind of problem pero sana naman, huwag mong pabayaan ang iyong pag-aaral ." she said.

I know that she's just worried to me and I'm thankful for that but these days? I don't really want to go to school anymore. Lalo na nang malaman ko na Nathan is courting Miss Alvarez na.

Isang linggo lang ang lumipas when I saw them hugging tapos ngayon, malalaman ko na lang na may ligawan na palang nangyayari?

"I'm sorry Miss Quin. I'll try my best na lang na bumawi sa class" I just said para di na siya mag-alala.

But this time, ayaw ko nang lokohin pa ang sarili ko, and tanggap ko nang he's moving away not because he has no other choice

But...he's moving away from me because may iba na siyang mahal.

"Aikka, ayaw kong nakikita kang ganyan. Masyado pa kayong mga bata para intindihin ang mga bagay-bagay na ganyan. Listen Aikka, napakaganda na ng performance mo sa school and kapag nagpatuloy iyon, you'll graduate being top 2 sa buong 4th year level. Ayaw mo bang mangyari iyon? You'll make your dad proud! That's why pinatawag kita dito kasi I'm more concerned with you and sana, kung ano man ang naging problema mo about your boyfriend or something, please Aikka, learn how to prioritize."

Tumango na lang ako. She's right din naman kasi eh. I need to prioritize my studies.

But now, I don't know how will I do it? I don't know how would I be able to overcome this.

Lumabas na ako ng faculty office.

And I'm walking na sa corridor habang malalim ang aking iniisip.

I'm thinking kasi of ways para hindi na ako masaktan.

Hindi na ako umiyak.

At hindi na ako umasa.

Masakit but I need to move on. As what Nathan said, maybe hindi talaga kami para sa isa't-isa.

Patuloy lang ako sa aking paglalakad when Spade suddenly poke me.

Hay, andito na naman siya para kulitin ako.

"ano na naman iyon?" mahina kong tanong sa kanya.

"I'll ask you lang naman if gusto mong pumunta ng amusement park with me" he said.

Ayan na naman siya. Ang kulit talaga!

"how many times did you ask me about it" me.

Magkasabay na kaming paakyat this time papuntang classroom.

"siguro, pang sampu na ito" he said.

"then, pang sampu ko na rin itong sasabihin sa iyo, NO" tapos nagmadali na akong umakyat pero sinundan niya pa rin ako.

"ang sungit mo naman. Eh kung kumain na lang tayo sa Fantastic Podium mamaya?"

"hindi rin" me.

"hindi ka na naman ba kakain? Alam mo, magkakasakit ka na n'yan"

"I don't care kaya please, huwag mo na akong susundan"

Papasok na sana ako sa classroom this time pero bigla niya akong pinigilan.

"Aikka" him.

"ano ba? gusto mo bang malate tayo?" inis na sabi ko sa kanya.

But instead of answering me, what he did is, he gently led me to the wall kaya napasandal ako dito then he cornered me with his both hands. Inilapit niya ang mukha niya sa akin then he smiled. (naalala ko tuloy bigla yung mga happenings sa rooftop)

dug..dug...

dug..dug..

Why I'm being nervous this time?

Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. Nakatitig siya sa akin ngayon and nararamdaman ko ang mainit niyang hininga since sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa.

Wait...is he going to kiss me?

Again?

"Spade" nasabi ko kasi sobrang bilis na ng heartbeat ko.

"just stay where you are, di ba gusto mong malaman kung he has still feelings for you?"

What? Until now, he's still trying to help me out with Nathan?

Sinubukan kong lumingon to see if nandoon si Nathan, but pinigilan ako ni Spade.

"sa akin ka lang titingin this time Aikka. I'll count 1 to 5 and you'll see his reaction mamaya"

"what? hindi kita maintindihan"

Then he started counting.

"One...Two..."

I don't know why he is doing this to me. But I appreciated Spade for being by my side in times like this. Hindi nga lang ako sure if totoo ang pagcare at pagworry niya sa akin kasi mahirap kalimutan ang past.

"Five...." tapos bahagya siyang lumayo.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang suntukin sa mukha ni Nathan.

"Spade!" agad ko siyang nilapitan, then I saw blood in his lips.

Tiningnan ko si Nathan, why did he do it?

"ano bang problema mo Nathan? Why did you hurt him?" me. Nagbago na talaga siya at hindi na siya ang dating Nathan na nakilala ko.

"bakit ka ba kasi sama ng sama sa lalaking iyan?! Alam mo, malandi ka ba?"

Shocks!

Malandi? Ako?

May gana pa siyang sabihin iyon sa akin, after what he did to me?

"what is happening to you Nathan? After pushing me away? Ako pa ngayon ang sasabihan mong malandi? Ang lakas naman ng loob mong sabihin iyon sa akin!"

Hindi ko na kayang magtimpi pa!

Kasi he doesn't know what I've been through this past few days! Hindi na ito tama.

"Eh di ba nag-eenjoy ka sa mga nangyayari ngayon? At MAS pinipili mo pa ang ungas na iyan na nagtangkang pumatay sa iyo?"

Nang sabihin niya iyon, Spade was in shock. Buti na lang at walang ibang tao dito sa hallway.

"Hindi ko siya pinipili Nathan, remember, you're courting somebody na so why do you still care?" mahinang sabi ko.

(a moment of silence)

"Aikka, let me handle this" sabi naman ni Spade tapos nilapitan niya si Nathan.

"ano? gusto mo nang suntukan? sige magsuntukan tayo!! Hindi kita uurungan!"

Naiinis na talaga ako kay Nathan this time, bakit ba siya ganyan? I don't want to see him being like this.

"Ayaw kitang saktan bilang respeto ko kay Aikka at about naman sa sinabi mo kanina, you're right. Tinangka ko ngang patayin si Aikka noon. And I was able to use another identity just to follow what we originally planned. Nagsinungaling ako sa inyo and nakapanakit ako ng ibang tao. Pero Nathan, dahil sa ginagawa mong iyan, para mo na ring pinapatay si Aikka araw-araw dahil sa pagsisinungaling mo sa kanya. And you're hurting her so bad na naapektuhan na kahit ang pag-aaral niya. Nathan, kung talagang mahal mo si Aikka, hindi mo siya sasaktan. Ipaglalaban mo siya at hindi ipagtatabuyan." Spade said.

(Dahil sa mga sinabi niya, part of me felt happy for Spade kasi at least siya, narealize niya ang kanyang pagkakamali.)

Napabuntong-hininga na lang ako sa mga nangyayari.

"kung hindi dahil sa inyo, hindi rin naman ako magiging ganito eh. Hindi sana gugulo ang lahat!" Nathan.

"We can still fix this Nathan. Makipag-ayos ka lang kay Aikka" Spade.

Makipag-ayos?

Well, hindi na maibabalik pa ang lahat sa dati.

"no Spade...Past is past. Siguro, ang kailangan na lang ng bawat isa ngayon is mag-move on. Magmove-on sa mga sakit na naramdaman ng bawat isa because of our actions and our words. And for everything na nangyari sa akin? It will serve as a lesson. Don't worry guys, malalampasan rin natin ito" I said.

"Aikka_"

I don't want to hear reasons from Nathan anymore kaya I didn't let him speak at nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita.

"Alam ko namang ako talaga ang puno't-dulo nitong lahat eh. And I don't want to be someone na makakagulo pa ng mga buhay ninyo. So if there's something na nagawa ko sa inyo in the past that made you guys, hurt so bad.... I'm sorry."

"Aikka, wala kang kasalanan" Spade said.

"I hope so kasi honestly? I'm just too tired. Sinabi ko sa sarili ko dati na no matter what, hinding-hindi ako susuko pero...mahirap palang magbitaw ng salitang hindi ko kayang panindigan... so I guess, I need to take a break muna ngayon. Kaya Nathan....hindi mo na ako kailangang ipagtabuyan pa, hindi mo na rin kailangang umiwas sa akin and hindi mo na kailangang paulit-ulit na sabihin sa aking "you don't like me anymore"...kasi.....from now on, ako na ang kukusang lalayo"

Then, iniwan ko na silang dalawa sa hallway at pumasok na ng classroom. Pinigilan kong umiyak in front of them. I need to be matured enough. I need to be brave. Kaya ko ito.