Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 101 - THE ONLY WAY TO ESCAPE 2

Chapter 101 - THE ONLY WAY TO ESCAPE 2

Sa mansion...

Kinausap ako ni dad at Elena ng masinsinan. I think Miss Quin already told them about sa nangyayari sa akin sa school.

"Anak, bakit hindi ka nagsasabi sa amin about sa mga problems mo? We are you're parents and it is our responsibility to guide you and to hear you out sa mga ganitong situation"

(I sighed)

"Actually dad, I tried to open up but you're too busy with your work. Lagi kang walang time for me" I said.

"Aikka...I'm sorry if lagi akong walang time for you pero it doesn't mean na hindi ko kayang makinig sa iyo kapag may problema ka. You can even tell Elena about it. She's your mom"

Binanggit na naman niya si mom.

"Patay na ang mommy ko. Matagal na" I said.

Then, biglang hinawakan ni Elena ang kamay ko and she started to talk.

"I know Aikka na I can't replace your mom in your heart. And I'm sorry if I didn't try my best to act as your mom at hindi kita nadamayan in times like this, kasi pinangunahan ako ng takot. But believe me or not, mahal kita tulad ng pagmamahal ng dad mo sa iyo. And...I really care for you. Hindi ko lang masabi kasi alam kong sariwa pa sa puso mo ang tunay mong mommy."

"no, I don't believe you. Kasi kung totoo ang mga sinasabi mo, dapat kahit isang beses man lang, naramdaman ko iyon from you but you never talked to me. Mas kinakausap mo pa si Cotton kesa sa akin" I said.

"hindi totoo iyan anak.... alam mo ba how she really wanted to be your mom na kahit ang birthday surprise mo ay pinaplano niya? And 'yung crescent shape na necklace mo, its her idea na iyon ang i-gift ko for you. And kaya nga namin nalaman agad na may problem ka ngayon, its because of Elena always asking Miss Quin if okay ka lang ba doon sa school ninyo. Aikka, ang gusto lang naming ipaintindi sa iyo na hindi ka nag-iisa. Iwan ka man ng mga kaibigan mo, andito lang kami ng parents mo na handa kang damayan kasi we're family." dad said.

"Joseph is right sweetie and you can tell us your problem. We are here to listen para hindi nabibigatan iyang puso mo." Elena said.

Because of what they said, they've convinced me to open up to them about sa mga nangyari sa SA and about kay Nathan. Siguro, almost 2 hours din nila akong pinakinggan. I even cried in front of them kaya after nun, niyakap nila ako ng mahipit.

"maybe, mas makakabuti sa iyong sa Europe ka na muna mag-aral" biglang sabi ni dad na ikinagulat ko.

"But dad.."

"Aikka, we love you and we don't want na pati ang pag-aaral mo ay mapabayaan mo. We have dreams for you and this is the only way na naiisip namin to protect you. And you're too young for this. Ito lang ang paraan to help you heal. Alam kong hindi madali ang masaktan Aikka" dad said.

"And Aikka, sweetie, You don't need to rush when it comes to love.... Gusto kong tandaan mo ito, ang true love, hindi iyan hinahanap instead True love finds you. And doon mo lang iyon masasagot kapag handa ka na. Yung mature ka na, 'yung stable ka na emotionally. And tama ang dad mo, masyado ka pang bata....marami ka pang makikilalang tao sa buhay mo, believe me, sa ganda mong iyan?" then she smiled.

Shocks, bigla tuloy akong naflatter sa sinabi niya. Now unti-unti ko na siyang na-aappreciate. Nagkamali pala ako noon. I was been too judgmental na ganon na lang ang mindset ko about her. And for all that she said to me, everything was right.

And ang phrase na ito ang tumatak sa isip ko.

"TRUE LOVE FINDS YOU"

~•~•~

Tree house

Time check: 11:30 p.m

"what?!!!" reaction nilang apat when I told them na mag-eenroll na ako next next week sa England since next month na ang start ng classes nila doon.

"but why? iiwan mo na kami bestie?" Elaine na medyo nalungkot sa kanyang mga narinig.

"dadalaw naman ako dito every vacation eh kaya we will still see each other" I explained to them.

"ang unfair mo naman Aikka, kung kailan tayo naging masaya at nagkasama, saka mo naman kami iiwan dito" Abby na medyo nagtatampo sa akin.

Niyakap ko na lang siya so that she won't feel bad anymore.

"I'm sorry but Elena and dad already convinced me so wala nang bawian" me.

"ano ba iyan, ang mean mo talaga Miss Montero, kahit noon pa" bigla namang sabi ni Jotham.

"Jotham's right. Iiyak na talaga ako" Elaine said kaya I hugged her too.

Ano ba iyan, mag-iiyakan na naman ba kami dito?

"hay naku guys, hayaan niyo na si Aikka, its her decision and wala na kayong magagawa doon. Saka darating rin naman talaga tayo sa point na magkakahiwa-hiwalay din tayo eh but it doesn't mean naman na we're not friends anymore, so we can still communicate naman using our laptops and internet. Kaya stop the drama girls" Cloud.

"Yeah, Cloud is right. Huwag na kayong malungkot okay? Isipin niyo na lang na mabilis lumipas ang panahon. Someday, magkakasama ulit tayo ng matagal" I said.

"Pero matagal rin ang two years" Abby said.

"Two years? six years kamo" sabi naman ni Jotham.

"its two years kasi graduate na tayo ng senior highschool nun di ba?" Abby.

"wait, do you mean_"

"well, kung doon mag-aaral ang bff ko sa England, siguro dapat lang na samahan ko siya during her college years."

"s_so you mean, doon ka rin mag-aaral Abby?" asked naman ni Elaine.

"yes, kaya pagbubutihan ko sa Senior years natin so that I can obtain a scholarship abroad." Abby.

"I just thought na marami kang pera" Cloud said.

"Remember na nagquit na ako sa Moon Corp." she said.

"oh! yeah. I see. Well, I'm expecting you to be my academic rival since aalis na si Aikka." Cloud said while looking at me.

Nginitian ko lang sila.

"Y_yes! you can do it anytime basta huwag ka lang magugulat if ever na maungusan kita" Abby.

Habang pinag-uusapan nila ang mga bagay-bagay na iyon, napangiti na lang ako.

Shocks! I'm gonna miss them talaga.