Chereads / The Spirit of Rihana / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Habang naglalakad si Miles sa koridor, hinahanap niya kung saan ang kaniyang classroom. Nagtanong sya sa mga kapwa niya studyante na nagkukumpulan sa isang tabi.

"Hi! Tanong ko lang, saan ang room ng section 1? Bago kasi akong studyante eh," wika ni Miles.

Napatitig sa kaniya ang mga napagtanungan at bumakas sa mga mukha nito ang takot.

"D-doon sa kaliwang hallway, sa ikatlong pinto, doon ang room ng section 1!" Natatakot na sabi ng isa sa mga napagtanungan ni Miles. "Salamat, bakit natatakot kayo?" Tanong ni Miles. "K-kasi kaklase mo si Rihana!" Wika nito at bigoang nagmadaku na ang mga ito na nagpasukan sa kanilang classroom. Naiwan mag-isa sa hallway si Miles at doon ay nakaramdam ito ng takot. Nagpatuloy sya ng paglalakad patungo sa room ng section 1. Lumiko sya sa kaliwa, at doon ay natanaw niya ang room ng section 1. Habang papalapit sya sa silid ay nagtatayuan ang kaniyang mga balahibo. Di niya malaman kung papasok pa ba sya o hindi na, natatakot sya sa mga nabalitaan niya kanina pa lang sa pagpasok niya ng campus. Ngunit walang magawa si Miles, kailangan niyang pumasok, nagpatuloy sya maglakad, nag-iisa lamang sya at tila lahat ng studyante ay natatakot tumambay sa hallway na iyon. Nasa loob na ang lahat ng mga studyante ng mga katabing room. Habang papalapit si Miles sa pintuan ng section 1, naririnig niya ang mga ingay ng mga bagong kaklase niya. May mga nagtatawanan. Pansamantalang nawala ang kaniyang takot nang narinig niya ang mga ito. At dahan-dahan syang pumasok sa loob. Sa kaniyang pagpasok ay biglang nagtahimikan ang mga ito at ang lahat ay napatingin sa kaniya, at tinitigan sya ng mga ito ng malalalim. Minasdan sila ni Miles at nagtataka kung bakit ganon na lamang sila makatingin sa kaniya. Maya-maya ay biglang pumasok naman ang isa pang baguhan din na kaklase nila, ang pangalan ay Jenny. At sa kaniya naman nabaling ang mga tingin ng mga ito. Napakunot noo si Jenny at nagtaka.

"Bakit kayo nakatingin ng ganyan?" Nagtatakang tanong niya.

"S-sino kayo?" Tanong ng isa sa studyante.

"I'm Jenny, I am your new classmate," pagpapakilala ni Jenny.

At kay Miles naman sila tumingin.

"A-ako si Miles, bagong classmates ninyo!" nakangiting wika naman ni Miles.

Di kumikibo ang lahat at nakatitig pa rin na parang may gusto silang ipabatid sa kanila.

"Ano bang nangyayari dito?" Naiinis na sabi naman ni Myles.