Maya maya'y biglang may naririnig silang tumatakbo papalapit sa silid nila, pumasok ang isang kaklase nila.
"Andyan na si Rihana!" Nangangatog na wika nito, at nang narinig ito ng mga kaklase ay nagmadaling nagsipuntahan agad sila sa kanilang mga desk. Nagtaka naman si Jenny at Myles sa kinikilos ng mga kaklase nila. "Ang weird naman ng mga tao rito! Sino ba yung Rihana na yun?" Nagtatakang tanong ni Jenny. At doon naalala ni Myles ang sinabi ng kasama niya kanina sa campus ang tungkol sa babaeng kinakatakutan daw sa section 1. Nakaramdam na naman ng takot si Myles at naghanap ng bakanteng upuan, sinabihan sya ng isang kaklase na si Ely na maupo sa kaniyang harapan, at doon naupo si Myles. Si Jenny naman ay pinaupo sa kabilang tabi ni Myles. At nang sila ay nakaupo ng lahat. Napansin naman ng isa sa mga kaklase na wala sa tamang pwesto ang desk ni Riana. "Y-yung desk ni Riana!" Takot na wika naman ng isa sa mga ito.
At hinawakan naman ito ni Thea para ibalik sana ito sa tamang pwesto, ngunit nang kaniyang nahawakan ang desk ay bigla na lamang itong gumalaw at kusang bumalik ito sa tamang pwesto. Napaatras ang kamay ni Thea. Nang nakita ito ni Myles at Jenny ay kinilabutan sila.
"Bakit biglang gumalaw mag-isa yung desk?" Nagtatakang tanong ni Myles.
Walang nagsasalita sa mga kaklase nila at lahat sila ay nakatahimik.
Nakatingin ang lahat sa pintuan kung saan papasok sa loob si Rihana.
At maya-maya'y naririnig na nila ang mga yabag nito.
Pigil-hininga ang lahat, hinihintay ang kanyang pagdating. Kinikilabutan si Myles sa naririnig niyang yabag. Wala syang magawa kundi maghintay gaya ng iba. At maya-maya'y biglang nagbukas ang pinto at doon ay bumungad si Rihana. Seryosong pumasok ito ng nakayuko ang ulo, at nadaanan sina Myles at Jenny, hindi makatingin si Myles sa takot, si Jenny naman ay naiirita nang nakita niya ang itsura nito. Naupo ito sa kanyang seat, sa harapan ni Jenny, pagkaupo ni Rihana, ay may kinuha ito na bagay sa kaniyang bag. Isa itong picture frame ng isang lalaki, nilapag niya ang picture frame sa kanyang desk, tinititigan nya ito. Hindi na ito kakaiba sa mga kaklase dahil lagi niya itong ginagawa sa tuwing dumarating sa klase. Maliban lamang sa mga baguhang si Myles at Jenny.