Chereads / The Spirit of Rihana / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

"Sino ba yang babae na yan? Ang weird!" Biglang sabi ni Jenny. Kinabahan ang lahat nang narinig nilang sinabi ito ni Jenny, ngunit walang makapagsalita. Maya-maya ay biglang nagbaling ang ulo ni Riana na tila may hinahanap, una sa kaliwa at sumunod ay sa kanan, at bigla itong lumingon sa kaniyang likuran at nakita nya si Jenny. Tinitigan niya ito ng masama. Napakislot sa kinauupuan si Jenny at napatingin sa mga kaklase, "What is all about this shit?" Nagtatakang sabi ni Jenny sa mga kaklase niya. Ngunit nakatahimik lamang ang lahat. "Mga siraulo pala ang mga nandito eh!" naiirita na sabi ni Jenny at nakipag titigan kay Rihana. "At bakit masama ka tumingin? Sino ka?" Singhal ni Jenny kay Rihana. Malalim na nakatingin lamang si Rihana sa kaniya, at maya-maya ay iniangat nito ang kaniyang kanang kamay at tinuro siya nito habang nakatingin ng masama sa kaniya. Napakunot noo si Jenny at kinilabutan. Nakaramdam ang lahat ng matinding takot nang nakita nilang nakaturo ang index finger ni Rihana kay Jenny. At biglang naupo muli si Rihana, kumuha ito ng lapis at papel sa kaniyang bag at nagsulat ito ng mabilis na tila nagmamadali.

"Ayan na, yari si Jenny!" Bulong na sabi ni Thea kay Myles.

Maya-maya'y huminto na sa pagsusulat si Rihana at biglang umangat ang sulat at napunta sa desk ni Jenny, dinampot ni Jenny ang papel. "A-ano to?" wika nito sabay lukot ng papel, tiningnan nya mga kaklase ngunit walang nagsasalita. Hindi na mapalagay si Jenny, maya-maya ay dumating na ang kanilang guro. At nahalata ni Myles na mukhang takot ito habang pumapasok sa loob ng kanilang silid. Natataranta ito nang kaniyang binababa ang mga gamit nito sa kaniyang desk. Naghuhulugan ang mga dala nitong libro, at nagmamadali niya rin itong dinadampot. At kahit may takot ito ay ginawa pa rin nito ang kaniyang tungkulin. Normal na nag-aralin ang guro, at kahit hindi nakikinig si Rihana ay pinapabayaan lamang ito ng guro. Matapos ang aralin ay nagmadali ng lumabas ang guro. Tumayo na sina Jenny at Myles ngunit pinigilan sila ni Thea.

"Huwag na muna kayo umalis!" Pigil ni Thea.

Walang nagawa ang dalawa at naupo muli. Maya-maya ay biglang tumayo si Rihana at nagsulat sa blackboard, at sinulat ang salitang "SINO?"

Matapos ay lumabas na ito. At doon na nagtayuan ang lahat at nagmadaling lumabas ng classroom.