Chereads / The Spirit of Rihana / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

" At yun, mula ng nawala si Trevor, kinabukasan sa aming pagpasok, nagkaganyan na si Rihana, naging kakaiba na ang kilos niya!" Patapos na kuwento ni Leila.

"Nasabi nyo ba sa pulis na na kay Riana ang nawawalang kuwintas?"

"Wala ng nakagawang makapag sumbong kasi nung mga araw na pinag-uusapan namin yon, naging nakakatakot na sya!"

"Bakit sya nakakatakot?"

Tumingin sa paligid si Leila at sinabing.....

"Lahat ng sinusulat nya sa papel ay nangyayari, di namin magawang maisumbong ang ginagawa nya, kahit ang teacher natin ay tumahimik na lang! Ilang kaklase na ang nawala,"

"Huh, may nawala na tayong classmates?" Kinikilabutang tanong ni Myles.

"Oo, yung kaklase namin na si Melody, Tess at iba pa!" Wika naman ni Ely. Kinilabutan si Myles sa sinabi ni Ely.

"Bakit nya nagagawa yon, bakit may power sya?"

"Yun nga ang malaking katanungan, walang nakaka-alam kung bakit,"

"Aalis na ako dito, lilipat na lang ako ng ibang section o school!"

"Gaya ng sabi ko hindi ka na makaka-alis dito Myles!" Sabi naman ni Thea.

"B-Bakit?"

"Kapag tatlong araw na hindi ka pumasok kahit wala kang ginagawang masama sa kanya ay susundan ka nya at susulatan, ganon ang ginawa nya kay Tess. Mula nung nawala si Melody ay hindi na sya pumasok. At ikatlong araw ay sinulatan sya ni Rihana, at yun, nabalitaan na lang namin ang nangyari sa kaniya, tsk tsk. At alam mo ba, ang totoo ay laging bagsak sa exam si Rihana pero pinapasa sya ng mga teacher dahil sa takot," Ani Thea.

Nakaramdam si Myles ng matinding takot. "Kung alam ko lang, hindi na lang sana ako nag transfer sa school na to, at bakit sa section pa na to!" nagsisisi na sabi ni Myles.

Maya-maya ay nagulat sila ng biglang nag-bukas ang pinto at pumasok si Rihana, at kinilabutan sa takot si Myles nang nakita niya ito. Nakatingin ng masama sa kanila ito at pa iling-iling ang ulo. Naupo si Rinhana sa isang sulok at nagbasa ng libro. Nagpatuloy nilang gawin ang kanilang assingnment ngunit di sila makapag concentrate dahil napapatingin sila kay Rihana.

Marami pa gustong malaman si Myles tungkol kay Rihana ngunit nakatahimik na ang lahat.

Maya-maya'y may nag text kay Ely, at nang kanya itong nabasa.

"Oh no!" nagulat na sabi niya.

"Bakit?" Kinabahang sabi ni Myles.

"Nag text sa akin yung kaibigan ko sa ibang section, yung bago daw natin na kaklase, natagpuang walang buhay ngayon sa loob ng cr, nakalublob daw ang mukha nya sa sink!" Bulalas ni Ely. "S-si Jenny?" Di makapaniwalang tanong ni Myles. "Oo!" Kinilabutan silang lahat, napalingon silang lahat kay Rihana at nakita nila itong nakatingin sa kanila ng masama at nginisihan sila nito.