"Ibig sabihin, patay na pala si Rihana pero nakakasama natin sya araw-araw!"
Bulalas ni Ely. "Kaya pala may kapangyarihan sya dahil nagmumulto na lang sya!" Kinikilabutang sabi naman ni Leila. "Tama ang nabasa ko, kaya sumamba si Rihana sa masama ay para makuha niya ang gusto niya, at ito ay si Trevor! Ginawa niya ang ritual na nakasulat tungkol sa black magic noong buhay pa sya, kaya sya nakakabalik!" Bulalas naman ni Myles.
"At dahil doon ay nagbabalik sya bilang multo!" Patuloy na wika ni Myles. At bumaling sila kay Thea.
"Pinatay mo sya! dahil sayo ay marami ang nadamay!" Singhal ni Ely kay Thea.
Hindi makakibo si Thea at nababalisa ito.
"Ngayon naman! sabihin mo papano namatay si Trevor?" Singhal ni Leila. At biglang nagsalita si Thea na tila nababaliw.
"Oo, pinatay ko rin sya hahaha!" Halakhak nito.
FLASHBACK
Mag-isang nag-eensayo si Trevor sa pool habang hinihintay ang pagdating ni Rihana.
Sa kaniya pag ensayo, ay natanaw niya mula sa bakod ang pagdating ni Thea na inaakala niyang si Rihana. Napangiti si Trevor at agad umahon sa pool, bakas ang kaniyang kakisigan na natatapatan ng liwanag ng buwan, naaninag ni Thea ang magandang hugis ni Trevor at lalo syang nasabik na makalapit. Nginitian sya ni Trevor. "My Rihana!" Sambit ni Trevor at niyakap niya si Thea at naghalikan sila. "Oh Trevor, I love you!" Di mapigilang wika ni Thea at lalo siya nagiging agresibo sa pagyakap at paghalik kay Trevor, "Rihana, take it easy!" Wika ni Trevor. Ngunit patuloy pa rin si Thea sa pagyakap at paghalik sa kaniya, bahagyang napaatras si Trevor at binitawan niya si Thea. "What's the matter with you? Seems like you've change?" Nagtatakang tanong ni Trevor.
"Magustuhan mo ba ang mga halik ko?" Tanong ni Thea.
"Yeah, I-I like it but, you acting different!"
Maya-maya ay hinawi ni Thea nag kaniyang buhok, at doon nakita ni Trevor na hindi ito si Rihana. "Who are you?"
"I am your new girlfriend Trevor, nung hinahalikan mo ako ay hindi mo nahalata na hindi na ako si Rihana?"
"No! I thought she was you!"
"Hahaha, because I'm a good kisser than her!" napangising wika ni Thea.
"N-no! Where is Rihana?"
"Nandyan lang sya sa tabi, at alam mo ba, ginamitan ka niya ng black magic kaya mo sya nagustuhan! Ang totoo ay di mo sya mahal! Pero ako nagusutuhan mo ang mga halik ko!"
Nakaramdam ng di maganda si Trevor.