Makalipas ang isang lingo, hindi na nagbalik sa section 1 si Rihana, ngunit isang gabi….Friday Night…..masayang nag-eensayo ang ilang kalalakihan na swimmer sa pool nang biglang may nakita silang mga maduduming kamay na pilit sumasampa sa may bakod. "Hey There's a freak trying to get here!" Sabi ng guwapong swimmer student.
Napalingon sila at kinilabutan nang nakita nilang unti-unting sumasampa ang babae at nang nakaakyat ng bakod ay gumapang ito papalapit sa kanila.
"What the!" Gimbal na sabi nila. At biglang tumayo ito, nakasuot ng maduming uniform at natatakpan ang mukha ng kanyang mga buhok...
"Tr...e...v...o..r!" Malamig na boses na sabi nito, at sila ay unti-unting nilalapitan.
Nangatog sa takot ang mga ito at pilit makatakbo, ngunit hindi sila makakilos sa kanilang kinatatayuan. Hanggang papalapit na ng papalapit ito sa kanila.
"Ahhhhhhhh!" Hiyaw ng mga ito sa takot.
At mula noon ay kinakatakutan na ang bakod na iyon, dahil tuwing sasapit ang Biyernes ng gabi ay nag-ooberdebakod daw si Rihana at kanyang hinahanap nito si Trevor.
The End