Chereads / The Spirit of Rihana / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Habang nasa koridor ang magkakaklase ay walang nagsasalita sa mga kaganapan.

Gusto na sana nilang umuwi ngunit kailangan nilang gumawa ng assignment. At tanging sa library lamang nila ito magagawa, dahil nandoon ang libro na sinasabi ng kanilang guro.

"Tayo na sa library, gawin na natin yung assignment, para makauwi na tayo," sabi

ni Thea sa dalawa pa niyang kaklase na si Leila at Ely.

Lumapit si Jenny at Myles.

"Pwede bang maki join kami sa inyo?" Ani Myles.

"Oo ba, tara na!" Sabi ni Ely.

"M-Mauna na muna kayo, c-cr lang ako," balisang sabi naman ni Jenny.

Napansin ni Myles ang kakaibang kilos ni Jenny.

"Okay ka lang ba? Bakit parang di ka mapakali?"

"W-wala, p-parang nilalamig lang ako, hintayin nyo na lang ako sa library!" balisang wika ni Jenny at umalis na ito.

Pagdating nila ng Library.

"Ano kaya yung sinulat ni Rihana kay Jenny?" Natatakot na sabi ni Ely.

"Well! abangan na lang natin!" Ani Thea.

"Anong ibig niyong sabihin? May mangyayari ba kay Jenny?"

"Maghintay ka na lang, kasi wala na tayong magagawa don,"

"Ano ba talaga ang nangyayari sa section 1? Sino si Rihana? Bakit nakakatakot sya? Ano ibig sabihin nung sinulat nya sa blackboard?" interesadong tanong ni Myles.

"Ganito yon, gustong malaman ni Rihana kung sino sa section natin ang naging kasintahan ni Trevor," pabulong na wika ni Leila.

"Trevor? yung sikat na Olympic swimmer na kamamatay lang lately?" Ani Myles.

"Yes! dyan sya nag-aaral sa tabi natin for boys!" Sabi naman ni Ely.

"Pero kung ako ang naging girlfriend nya, ipagmamalaki ko pa yun, hindi ko yun itatago," sabi ni Myles.

"Oo, kahit naman sino eh, ikaw ba naman ang maging girlfriend ni Trevor, pero hindi pwede, dahil kapag sinabi mo at pag nalaman ito ni Rihana, may masamang mangyayari sayo!" Sabi naman ni Thea.

"Kaanu-ano ba ni Rihana si Trevor?"

"Sabi nya boyfriend daw nya eh," Sabi ni Leila.

"Totoo?" Di maniwalang sabi ni Myles.

"Yun ang sabi nya, pero ang hirap paniwalaan!" Sabi ni Leila.

"Nakakausap nyo ba si Rihana? sa itsura niya parang walang nakakalapit sa kaniya eh, nakakatakot sya,"

"Alam mo, dati normal lang yang si Rihana, nakikisalamuha sya sa mga kaklase, pero iniiwasan sya dahil nga sa tahimik sya at mukhang inosente, madalas sya binubully,"

"So ano nangyari?"

"Myles, tutal kasama ka na sa section natin, kailangan mong malaman to," wika ni Thea at tiningnan niya ng malalim si Myles at sinabing..."Di ka na makakaalis dito!"

"Anong ibig mong sabihin?" napakunot noong wika ni Myles.

Tumingin sa paligid si Thea, at nang nakita niyang wala pa si Riana ay tsaka ito nagsalita.

"Makinig ka Myles,"

"Maaari bang hintayin muna natin si Jenny para malaman nya rin?' Wika ni Myles.

"Huwag mo ng hintayin si Jenny,"

"B-bakit?"

"Di na sya makakabalik dahil sinulatan na sya ni Rihana," bulong na wika ni Thea.

Nakaramdam ng takot si Myles.

"Huh?" Kinilabutang bulalas nito.

"Well, ready ka na ba malaman?"

"O-okay..." kinakabahang tugon ni Myles.

At nag-umpisang mag kuwento ng mga ito kay Myles. At si Leila ang nagsalaysay.