Chereads / The Spirit of Rihana / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Flashback

Nagkukumpulan sila Ely, Thea, Leila at iba pang mga classmates na sina Melody at Tess sa may bakod ng katabi nilang Boy School, nakatungtong sila sa mahabang banko para makasilip sa kabilang bakod, pinapanood nila ang mga lalaking nag su-suwimming.

"My gosh! Ang popogi!" Kinikilig na sabi nila.

"Mahirap din pala mag-aral sa magkahiwalay ang mga boys and girls, sabik tayo makakita ng mga guys!" Kinikilig na sabi naman ni Ely.

"Buti na lang at bakod lang ang pagitan natin sa kanila!" nakatawang sabi naman ni Leila.

Bukod sa mga kalalakihan, may isa pa silang gustong makita, ito ang pinaka kinahuhumalingan nilang lahat, ang hinihintay nilang lahat, ito ay walang iba kundi si Trevor.

Bukod sa kaguwapuhan nitong taglay ay sikat itong swimmer na sumasali sa mga olympics sa iba't ibang bansa at lagi itong nananalo at nakakakuha ng mga gold medals.

"Ang tagal naman ni Trevor!" Sabik na sabi ni Thea. Maya-maya'y, may nag dive sa swimming pool na ikinakilig ng lahat.

"My Gosh! Si Trevor!" Lalo silang kinilig nang nakita nila itong lumalangoy at kaakit akit itong pagmasdan, di mapigilan na mapahiyaw sila sa sobrang kilig. Lalo silang kinilig nang nakita nila itong umahon at naupo sa beach chair, nakasuot ito ng swimming trunks at may suot na gold neckace na may pendant na star olympics.

"Wow!"

"Ang pogi talaga ni Trevor!" Kinikilig na sabi nilang lahat.

Habang nagkukumpulan sila sa kapapanood kay Trevor ay biglang dumating si Rihana.

"Gusto ko rin sya makita!" Nakangiting sabi ni Rihana.

Napalingon sila kay Riana, ngunit di nila ito pinansin.

Nakikiusap si Riana na paakyatin sya sa banko para makita niya rin si Trevor, ngunit hindi siya pinaakyat ng mga ito.

"Huwag ka na nga mag ambisyon dyan, maglalaway ka lang, kahit makita mo sya hindi ka niya magugustuhan!" Sambit ni Melody.

Walang nagawa si Rihana at naupo ito sa isang tabi, nagpatuloy kiligin ang mga kaklase sa kakapanood kay Trevor.

Makalipas ang 30 minutes ay nagbabadya ng umalis ang mga ito sa may bakod.

"Lets go girls!" Sabi ni Tess at napatingin sila kay Rihana na nakaupo pa rin sa isang tabi. "Its your turn!" Nakataas ang kaliwang kilay na sabi ni Melody.

At nagtawanan sila habang nag-aalisan sila, hindi na lamang sila pinansin ni Rihana at natuwa naman siya dahil sa wakas ay makikita na nya si Trevor. Ngunit pagsampa nya ng banko ay nakita niyang wala na si Trevor doon. Nakaramdam ng sama ng loob si Rihana sa ginawa ng mga kaklase niya.

Isang araw...Pagpasok ni Rihana sa classroom ay nagulat ang lahat nang sinabi ni Rihana na boyfriend nya na daw si Trevor. At walang naniwala sa kaniya.

"At sino naman ang maniniwala sayo!" Nakataas na kilay na wika ni Melody.

"Totoo, heto ang sulat nya sa akin!" Ani Rihana at pinakita ang sulat ni Trevor.

Binasa nila ang sulat at nakaka in-love ang mga nakasulat dito.

"Talaga bang si Trevor ang sumulat nyan?" dudang sabi naman ni Thea.

"Totoo!" wika ni Rihana.

Ngunit hindi sila naniniwala, dahil alam ng lahat na mapili sa babae si Trevor at lalong di tipo nito ang manligaw ng mukhang inonsenteng tulad ni Rihana. Kaya pinagtatawanan na lamang nila ito.

Sumunod na araw.

"Ayan na ang baliw!" Bulong ni Melody sa mga kaklase habang pumapasok si Rihana sa classroom.

"Di na sya nahiya, di naman totoo," wika naman ni Tess.

Kahit naririnig ni Rihana ang mga bulung-bulungan ay di nya ito pinapansin.

May nilabas na picture si Riana na magkasama sila ni Trevor at kanyang minasdan, napatingin ang mga kaklase nya at nagkumpulan sa kanya para makita ito. At nagulat silang lahat.

"Bakit ka may kuha na kasama si Trevor?" Nagtatakang tanong ni Tess.

"Edited lang yan!" sabad naman ni Melody.

"Totoo to!" Sabi ni Rihana.

"Halatang edited lang naman eh, sino naman ang maniniwala na nagkikita kayo ni Trevor?" Giit naman ni Melody.

Di na lang kumibo si Rihana at tinago ang picture.

Makalipas ang ilang sandali ay may nag text kay Riana.

"Nag text si Trevor!" Masayang sambit nya at naglapitan na naman ang mga kalase nito at binasa ang text. I love you Rihana...Trevor

"Baka nga naman totoo?" wika ni Ely.

"Pero parang napaka imposible talaga eh!" Nagtatakang sabi naman ni Thea.

"Talagang imposible, huwag nga kayo magpapaniwala sa Rihana na yan! Siguradong hindi yan number ni Trevor, gawa-gawa lang nya yan!" Nagmamatigas na sabi ni Melody. At naniwala naman ang lahat sa sinasabi ni Melody.

Makalioas ang ilang sandali, nagulat ang lahat nang biglang pinakita ni Rihana sa kanila ang suot nyang kuwintas.

"K-kwintas ni Trevor yan ah?" Manghang tanong ni Leila.

"B-bakit nasa sayo yan?" Nagtatakang sabi naman ni Thea.

"Binigay na nya sa akin to, kasi boyfriend ko sya eh," pagmamalaking sabi ni Rihana.

Ngunit ayaw pa rin nilang maniwala. "Hindi pa rin ako naniniwala, replica lang yan, o baka ninakaw lang niya yan kay Trevor!" Sabi ni Melody. "Oo nga!" Sabi naman ni Tess. At pinagtawanan na naman sya ng mga kaklase. "Sobrang desperada na sya, nagagawa niyang gumawa ng ganon para lang mapaniwala tayong totoong sila ni Trevor! Nakakaawa naman!" Sabi ni Melody at nagtawanan ang mga kaklase. Napailing na lamang ng ulo si Rihana at nilayuan ang mga kaklase. Pagka alis niya ay naging usap-usapan sya ng mga ito. "Baka nga totoo?" Naghihinalang sabi naman ni Ely.

"Ano ka ba naman Ely, sa itsura ni Rihana magugustuhan ba ng isang tulad ni Trevor?" Sabi ni Thea.

"Kaya nga, yung ex ni Trevor ang Ms. Brench High, pinakamaganda at pinaka sosyal dito sa buong school, eh si Rihana, mukhang baduy na inosente! Nakakapagtaka naman no!" Sabi naman ni Melody at patuloy silang nagtawanan.

...

Makalipas ang ilang araw, isang nakakagulat na balita ang gumimbal sa Brench High.

BREAKING NEWS!

Natagpuang patay ang isang sikat at guwapong star swimmer na si Trevor Shakespear sa swimming pool ng Brench school kagabi, nalunod ito, nagtataka ang lahat kung papano nangyari ito gayong isa itong gold medalists swimmer? Ayon sa mga magulang ay nawawala ang kuwintas nito na gold medal necklace, isa itong palaisipan kung may kaugnayan ang pagkawala nito sa nangyari kay Trevor. Sa ngayon ay inaalam pa ang mga pangyayari!

"Papano nangyari yun?! Isa syang magaling na swimmer?" Nagtatakang sabi ni Ely.

"At nawawala daw yung kuwintas! At nakita natin na hawak ito ni Rihana!"

"Pero papano napunta sa kanya ang kuwintas?" nagtatakang sabi ni Tess.

"Sabi ko na sa inyo, ninakaw ito ni Rihana kay Trevor!" Wika ni Melody.

"Kung gayon ay may kinalaman sya sa pagkamatay ni Trevor?" Wika ni Melody.

Kinilabutan ang lahat sa sinabi ni Melody.

"Malamang, ninakaw lang nya yung kuwintas, imposibleng maging boyfriend nya si Trevor!"

"Tatahi-tahimik lang yang Rihana na yan pero nakakatakot pala sya," wika ni Tess.

"Ano ba kayo, huwag muna ninyo syang pagdudahan ng ganyan, walang nakaka alam ng totoo!" Sabad naman ni Ely.

"Dapat malaman ng mga pulis at ng magulang ni Trevor na na kay Rihana ang kuwintas ni Trevor, baka ma solve ang kaso!" Giit ni Melody.

"Tama, kailangan malaman ito ng kina uukulan para makulong yang Rihana na yan!" Biglang sabat naman ni Thea na kanina pa nananahimik.

"Papano kung hindi aaminin ni Rihana na nasa kaniya ang kuwintas?" Sabi naman ni Tess.

"Marami tayong testigo, pinakita nya lahat sa atin diba?" Giit naman ni Thea.

"Pero, papano kaya napunta kay Rihana yung kuwintas ni Trevor? Ninakaw ba nya o kusang binigay sa kaniya," Naguguluhang wika ni Tess.

"Yan ang malaking katanungan!" Sabi naman ni Melody.

Flashback end